webnovel

F O U R T Y T W O

  Sheyi's POV

  Nagtataka akong lumingon sa kanya matapos kaming huminto sa tapat ng school na pinasukan namin pareho.Lalo akong nagtaka dahil ng ilibot ko ang aking paningin sa paligid ay marami ding mga sasakyan ang nakaparada dito.

Anong meron?

Nakangiti lamang at walang kibo siyang bumaba sa sasakyan bago umikot at pagbuksan ako ng pinto.

"Anong ginagawa natin dito?," tanong ko sa kanya matapos niya akong alalayan pababa.

"Basta, malalaman mo pag nandoon na tayo sa loob," sagot niya bago ako hawakan sa siko at igiya papasok sa loob ng campus. Sa may gymnasium kami patungo,at kahit malayo pa kami ay tanaw ko na nagliliwanag ito dahil sa madaming ilaw na nakapaligid dito. Parang mayroong kaganapan doon. Kunot noong hinayaan ko  siyang igiya ako patungo sa gym.

Iniikot ko ang paningin sa paligid. Kita ko parin ang kapaligiran dahil sa mga ilaw. Halos walang ipinagbago ang eskwelahang ito. Hindi ko tuloy maiwasang bumalik sa nakaraan at mapangiti dahil sa masasayang ala-ala na nabuo sa lugar na ito.

"Cj, nice to see you again," turan ng isang boses at ng mag-angat ako ng paningin ay isang lalaking siguro ay kaedad lang ni Cj ang nasa harapan namin. Hindi ko namalayang nasa loob na pala kami.

"Akala ko ay hindi ka na pupunta,"

Agad itong napalingon sa akin at napakunot noo. Malamang ay kinikilala ako.

"Uh, hindi ko matandaan na mayroon tayong ganito kagandang classmate noon,"

Agad akong nagbaba ng paningin upang ikubli ang pamumula ng mukha.

"Kasi hindi naman natin siya classmate," natatawang sagot ni Cj bago ako hapitin palapit sa kanya.

"Lower grader siya noong highschool tayo, at siya ang date ko ngayon,"

Lalo lamang akong namula dahil sa kilos ni Cj. Mukhang sa isip niya ay may kung sino nalang na aagaw sa akin kaya ganito na lamang ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Masyadong natutuwa ang puso ko sa mga nangyayari.

"Wait! Parang kilala ko na kung sino siya," sambit ng lalaki kaya muli akong nagtaas ng paningin.

  "Sheyi Anne Polyano!,"

Nagulat ako dahil sa narinig. Paanong alam niya ang buo kong pangalan ngunit siya ay hindi ko matandaan. Nang sinipat niyang muli ang aking mukha ay napatawa siya ng malakas.

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan eh," sambit nito.

"Malamang hindi mo na ako natatandaan, ako to si Natoy,"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Ngayong sinabi niya iyon ay naalala ko na kung sino siya.

"Naalala ko na," nakatawang sagot ko.

"Ikaw si Julius,"

Dahil sa narinig ay natawa din siya.

"Buti naman ay naalala mo pa ako," sambit niya bago tumingin kay Cj na tahimik lamang.

"By the way, I'm glad that,after so many years, kayo din pala sa huli," masayang turan nito bago magpaalam sa amin na may sasalubungin daw siya. Pinilit kong maging kaswal ang pagkilos dahil sa sinabing iyon ni Julius. Kami parin sa huli?

Yieeh!

"Class Reunion nyo ba ito?," tanong ko upang kalmahin ang sarili. Maraming tao ang nasa loob at ang iba ay namumukaan ko. May mangilan-ngilan na ngumingiti sa akin marahil ay naalala din nila kung sino ako.

"Oo," sagot niya bago ako hatakin sa kung saan. Nang mapagtanto ko kung nasaan kami ay napalingon ako sa kanya. Malamang ay nakita niya ang pagtataka sa aking mukha kaya muli siyang nagsalita.

"Alam kong isa ito sa mga pangarap mo," sabi niyang nakangiti bago ako bitawan at kuhanin ang gitara na nakasandal sa gilid. Isinukbit niya ito sa sarili bago ako abutan ng mic.

Kahit na naguguluhan parin sa mga nangyayari ay kinuha ko parin ang mic na kanyang inaabot. Nginitian niya ako bago kuhanin ang purse na hawak ko at ilagay ito sa bangkuan. Marahan niya akong inakay papanhik sa stage. Hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa amin ng nasa stage na kami. Inilibot ko ang paningin at halos lahat ng ka-batch ni Cj ay sa amin nakatingin. Nakita ko din na mayroon kaming kasama sa stage at agad ko silang nakilala. Sila ang kabanda ni Cj noong highschool.

Napatingin ako sa kanya na nakangiti ding nakatingin sa akin.

"Alam kong gusto mong kumanta sa isang banda," sabi niya bago ako bitawan at hawakan ang gitara. Siya ang nag-intro at maya-maya pa ay kasabay na ang iba pang miyembro.

Halos mapaluha ako dahil sa mga nangyayari. Sobrang nagdidiwang ang aking puso dahil sa ginawa ni Cj na ito. Totoo ang kanyang sinasabi, gustong-gusto ko talaga ang kumanta kasama ang banda niya. At sobrang saya ko dahil ngayon ay natupad na. Agad kong napagtanto ang kanilang tinutugtog at napangiti dahil isa ito sa mga paborito kong kanta.

  "I like the way you sound in the morning," nagsimula na akong kumanta at kay Cj lamang ako nakatingin. Hindi ko inaakalang may ganito siyang ugali. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang ay masyado akong natutuwa at humahanga sa kanya.

Hiyawan at palakpakan ang maririnig kasabay ng aking pagkanta at ng pagtugtog nila. Para akong nag-co-concert dahil feel na feel ko ngayon ang pagkanta. Hindi ko inaasahang makakasama ko sa ganitong sitwasyon si Cj. Madalas kong pangarapin ang ganitong tagpo at ngayong nangyari na ay wala ng pagsidlan ang aking kasiyahan.

Natapos ang kantang sa kanya lamang ako nakatingin at ganoon din siya. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha kaya paminsan-minsan ay lumilingon ako sa harapan namin. Mukhang lahat naman ay nag-eenjoy sa aming performance.

Agad niyang ibinaba ang gitara at kinuha ang mic sa akin bago magpasalamat sa mga nanuod sa amin. Matapos magpaalam sa kanyang mga former bandmates ay marahan niya ulit akong inalalayan pababa ng hagdan. Iginiya niya ako palabas ng gymnasium, at patungo sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?," tanong ko habang patuloy lamang sa paglakad.

"Hindi ka ba makiki-bonding sa mga classmates mo noon?,"

Nilingon niya ako at ngumiti.

Nyeta! Hindi pa kaya nagsasawa ang puso ko na ito sa kakatibok ng malakas? Kailangang sa bawat ngiti niya tatalon ka? Ha?

Pilit kong kinakalma ang sarili at nang huminto kami sa paglakad ay namangha ako sa aking nakita. Maraming ilaw ang nakasabit sa puno at poste. At gitna ng mga nagliliwanag na puno at poste ay mayroong lamesa at dalawang upuan. Iniikot ko ang paningin sa paligid. Napansing kong nasa likod kami ng canteen.

"Dito sa part na ito ako tumatambay noon at pinakikinggan ang boses mo," sambit niya habang inaalalayan ako hanggang sa may lamesa. Inayos niya ang bangkuan bago ako alalayang maupo. Puno ng iba't-ibang putahe ang lamesa. Sa gitna ay isang bote ng imported na wine.

Nakikita ko lamang ang ganitong setting sa mga pelikula ngunit ngayon, ito ay nasasaksihan na mismo ng aking mga mata.

Halos tibok na lamang ng puso ko ang naririnig ko.

Nang makaupo na din siya ay may inabot siya akin at ng tignan ko ay hindi ko maitago ang kilig dahil bouquet ang inaabot niya.

"Flowers for you," nakangiting sambit niya. Namumula ang pisnging inabot ko ito at idinikit sa aking ilong upang samyuin ang halimuyak ng mga bulaklak. Napangiti ako at nang magmulat muli ng mata ay nakita kong nakatingin siya sa akin.

Heto na naman po ang puso ko.

Alanganing inilapag ko ang bouquet sa gilid ng mesa bago muling magbaba ng paningin. Medyo nangangawit na nga ako dahil sa ginagawa kong ito. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili. Siguradong kung hindi ako magbaba ng paningin ay baka mawala ako sa aking sarili at malunod sa kanyang nakamamatay na ngiti. Ang gwapo niya kasi sa kanyang suot na polo. Nakalupi ang manggas nito hanggang sa kanyang siko. Sa paningin ko ay sobrang manly niyang tignan. Yung tipong mala model. Basta hindi ko na kayang ipaliwanag. Basta ang alam ko, kapag tinitignan ko siya, ibang saya ang nararamdaman ko.Nagwawala ang puso ko sa tuwing ngingitian niya ako. Ganito siguro kapag in love.

Sinabi niyang siya mismo ang nagluto ng mga nakahain kaya naman bigla akong nagutom.

"Sana magustuhan mo," sabi niya habang nakatingin sa akin at pinanunuod akong kumain. Naiilang parin ako kapag pinagmamasdan niya ako kaya sinabi kong kumain na din siya.

"Sorry, I can't take my eyes off you. Hindi parin kasi ako makapaniwala na kasama kita ngayon," sabi niya bago ngumiti.

Muntikan na akong masamid dahil sa narinig. Mabuti na lamang ay nakuha ko agad ang tubig sa baso at nilagok ito. Medyo nahiya pa ako kasi sobrang "unlady like" ng ginawa kong pag-inom. Mabuti na lamang ay hindi siya nakatingin. Palihim kong pinunasan ang aking labi bago magsalita.

"Ang sarap mo talagang magluto," nakangiting turan ko bago muling sumubo at namnamin ang lasa ng luto niya. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita kong nagkakamot siya ng batok. Napansin ko rin ang pamumula ng kanyang punong tenga. Lihim akong napatawa bago muling ibalik sa pagkain ang atensyon. Ang cute niya pala kapag nahihiya. Hindi ko din tuloy mapigilan ang mag-blush dahil sa isiping dahil sa akin ay namumula din siya.

Nang matapos kumain ay inilabas niya ang kanyang cellphone at saglit na mayroong pinindot dito at nang ibaba niya ito sa mesa ay tumutugtog na ito. Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa makalapit sa akin at ilahad ang kanyang kamay.

"May I have this dance?," sambit niya habang nakatingin sa akin.

Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay ng iaabot ito sa kanya. Marahan niya akong hinila patayo at iginiya sa maliit na ispasyo sa gilid ng lamesa. Idinantay niya sa kanyang balikat ang aking dalawang kamay at pagkatapos ay humawak sa aking bewang. Kung hindi lamang ako nakahawak sa kanya ay baka nawalan na ako ng balanse dahil sa sensyason na nararamdaman. Halos magkadikit na ang aming mga katawan habang sumasabay sa himig ng kantang tumutugtog sa kanyang cellphone.

"I wanted to show you how much I love you," sambit niya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking mukha ng siya ay magsalita. Napayuko ako dahil alam kong para na namang kamatis ang aking mukha.

Diyos ko! Kung panaginip lang po ito, ayoko na pong magising!!

  ***

Next chapter