webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

F O U R T Y O N E

  Sheyi's POV

  "Tanda mo noong tinutulungan mo si Manang Lili sa pagluluto sa canteen," napatigil ako sa paghuhugas ng mga pinggan ng magsalita siya. Kanina pa ako hindi mapakali dahil nasa tabi ko siya at nagpresintang tumulong sa akin sa pag-huhugas.

"Natutuwa ako sa iyo noon dahil kanta ka ng kanta habang tumutulong ka,"

Napangiti ako ng magbalik sa alaala ang tagpong iyon. Kapag kasi maaga akong pumapasok at kapag hindi ko kasabay si Arlyn ay sa canteen ako nagdideretso dahil nakagawian ko ng tulungan si Manang Lili. Ngayong naalala ko siya,kamusta na kaya siya?

Teka? Paanong nalaman...

Kunot ang noong lumingon ako sa gawi ni Cj, nagtataka ako kung bakit niya nalaman na tumutulong ako kay Manang Lili sa canteen noon, sa pagkakatanda ko kasi, kapag ganoon kaaga ay wala pang nagpupuntang mga estudyante doon. Tiyak namang malalaman ko kung sakaling siya ang magagawi sa canteen dahil nga siya lagi ang inaabangan ko pero hindi ko maalala na ni minsan at nagawi siya roon ng ganoon kaaga.

Marahil ay nakita niya ang pagtataka sa aking mukha kaya napangiti siya at napakamot sa batok bago muling magsalita.

"Doon kasi ako tumatambay sa likod ng canteen kapag maaga akong pumapasok," paliwanag niya habang nagkakamot ng batok.

"Kaya madalas kitang naririnig na kumakanta,"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Hindi ako nakaimik at ibinalik na lamang sa paghuhugas ng mga pinggan ang atensyon. Pilit kong pinakakalma ang sarili dahil sobrang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"You belong with me by Taylor Swift," muli niyang turan. Napalingon ako sa kanya, sa ginagawang pagpupunas ng mga nahugasan ng pinggan siya nakatingin.

"Yaan ang lagi mong kinakanta," dagdag niya bago lumingon sa akin at ngumiti. Agad akong nagbaba ng paningin dahil ayokong makita niya ang pamumula ng aking pisngi.

Bakit hindi ko alam na nandoon pala siya? Lagi ko siyang inaabangan na magpunta canteen, at sa mga panahon pala na iyon ay nandoroon lang pala siya?

Halos lumabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa sobrang pagtibok nito.

"Nasa akin pa ang mga recordings ko noon dahil sa tuwing kakanta ka,sinasabayan ko ng tugtog ng gitara," sabi niya na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. Noon ay pinapangarap ko iyon na mangyari. Na sana ay masabayan ko ng kanya ang pagtipa niya sa gitara. Hindi ko alam na natupad na pala ang munting hiling ng puso kong iyon.

"Nirerecord ko iyon dahil gusto kong laging naririnig ang boses mo bago ako matulog. Malamang ay hindi mo naririnig ang tunog ng gitara dahil medyo kulob ang canteen pero 'yung boses mo, rinig hanggang sa tinatambayan ko kaya malinaw kong nai-record,"

Napakapit ako sa lababo dahil pakiramdam ko ay panghihinaan ako ng lakas. Masyadong nagsasaya ang puso ko sa mga naririnig. Nang mapansin niya iyon ay agad niya akong inalalayan upang umupo. Nagpresinta din siyang siya na lamang ang tatapos sa paghuhugas ng pinggan. Tanging tango lamang ang aking isinagot sa kanya. Hindi din naman ako tiyak makapagsasalita ng maayos. Salamat sa mga inamin niya. Para tuloy akong lalagnatin na ewan.

Hay.

Baka magkasakit ako sa puso kapag ganito ng ganito. Pinanunuod ko lamang siya sa kanyang ginagawa at hindi ko maiwasang kiligin at pamulahan ng mukha dahil sa mga sinabi niya kanina.

Totoo ba ito?

Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung totoo ba ang mga nangyayari o nanaginip lamang ako. Nang matapos siya ay nagpaalam na siyang aalis na dahil papasok pa siya. Hindi ko na alam na nakaalis na pala siya dahil tulala parin ako at pilit na iniintindi ang mga nangyari.

Buong akala ko ay ako lamang ang nakakaradam ng ganito, ako lamang ang nakakapansin sa kanya noong highschool pa kami. May mga katungan parin akon nais malaman tungkol doon. Pagkaalis niya ay hindi ako lumabas ng kwarto maghapon. Nag dahilan nalang ako na nasakit ang ulo ko. Hindi din naman ako makatulog dahil sa mga iniisip.

5:30 na ng hapon ng maisipan kong maligo. Pagkatapos ay lumabas ako at nagtungo sa terrace upang magpahangin. Nasa loob sila Mama at Papa pati na ang mga kapatid ko at nanunuod ng t.v. Kinuha ko ang aking cellphone upang tingnan kung naka-online ang dalawa kong kaibigan pero hindi kaya naman nag-browse nalang ako sa facebook. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng message sa unknown number at ng magpakilala ito at mabasa ang message niya ay nanlaki ang mga mata ko. Sabi sa message ay susunduin daw ako ni Cj mamayang 7:30. Bigla akong napatayo mula sa pagkakaupo at nagtungo muli sa aking kwarto.

"Oh? Sino kalaban 'te?," tanong ni Danica ng makasalubong ko ito. Hindi ko siya pinansin at diretso lamang sa paglakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa makapasok ako sa kwarto.

"Maglalayas ka na ba?," tanong niyang muli ng makitang naghahalungkat ako sa aking cabinet.

Halos hindi na ako magkandatuto sa paghahalungkat ng isusuot dahil nawiwindang ang aking utak sa isiping magkikipag-date ako kay Cj.

Date nga ba?

Napailing ako dahil kumokontra na naman ang aking isipan. Napatigil ako sa ginagawa at napaisip. Date nga ba to? Bakit niya ako susunduin?

Napakunot noo ako bago kuhanin ang cellphone sa bulsa. Agad akong nag-reply sa kanyang text message. Agad din naman akong nakatanggap ng sagot mula sa kanya kung bakit niya ako susunduin mamaya.

At hindi nabawasan ang aking pagtataka dahil ang tanging sagot niya ay basta daw.

"Huy ate?," muntikan ko ng maibalibag ang cell phone ko dahil sa gulat. Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Danica na matamang nakatingin sa akin at sobrang nawiwirduhan sa mga ikinikilos ko.

"Ano ba ang nangyayari sa iyo?,"

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Pupunta daw si Cj dito, susunduin ako,"

"Ah,may date kayo?," sambit niya habang tumatango.

"Kaya pala para kang ewan dyan, itinaob mo ba ang cabinet mo,"

Napakamot ako ng ulo nang makita kung gaano kakalat ang kwarto ko.

"Hindi ko kasi alam ang isusuot," sabi ko bago sumimangot.

"Grabe,parang first date mo naman ito eh noong kayo pa ni Kuya Antony hindi ka naman mapili sa isusuot mo," sabi niya bago lumapit sa akin,umupo din siya sa kama at pinulot ang mga damit ko na nakakalat doon.

"Sabagay, iba talaga kapag iyong taong laman ng puso mo ang ka-date mo noh?," sabi pa nito habang nakataas ang kilay.

Napahalukipkip ako at tumingin sa kanyang nakataas din ang kilay.

"Paano mo naman nalamab 'yan aber?," tanong ko. Napaangat siya ng paningin at napangiti.

"Nako ate,wag nga ako, hindi na ako bata para hindi mapansin ang mga bagay na ganyan," sagot niya.

"Saka parang hindi ko naman nababasa ang mga love letters at diary mo noon," sabi pa niya.

Natawa ako dahil sa narinig. Kaya pala nawawala ang diary ko at ang ilang mga love letters na itinabi ko para kay Cj. Nagyon alam ko na kung sino ang kumuha.

"Kaya pala nawawala 'yon," nakatawang sambit ko. Natawa din siya bago iabot sa akin ang hawak niyang damit. Isa itong mini dress na bulaklakin. Binili namin ito nila Arlyn noong um-attend kami ng kasal ng isa sa mga classmates namin.

"Ito, gusto ko ang damit na ito, simple pero seductive," sabi niya bago tumawa. Binatukan ko siya dahil mayroon pa siyang nalalamang seductive. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha.

"Aray ha. Pero totoo, bagay sa iyo ang damit na ito,simple pero rock,"

Nagpasalamat ako sa kanya bago siya magpaalam na magluluto na daw. Dapat ako ang magluluto pero dahil nalaman niyang mayroon akong lakad ay siya na ang nagpresinta. Hindi naman siya mahihirapan dahil marami pang tira sa iniluto ni Cj kanina. Kahit yata habang buhay nilang kainin iyon ay hindi sila magsasawa.

Nagsimula na akong ayusin ang mga nakakalat na damit at maayos itong ibinalik muli sa cabinet. Saktong alas sais ay gumayak na ako. Isinuot ko ang damit na sinabi ni Danica at tinernuhan ito ng white sneakers. Bagay naman kaya okay na ito. Humarap ako sa salamin at sinumulang ayusan ang sarili. Naglagay lamang ako ng kaunting foundation, mascara at lipstick. Nang makuntento sa itsura ay muli kong tiningnan ang oras. Ilang minuto na lang ay mag-aalas-syete na. Hindi ko mapigilan ang kabahan. Ang isiping lalabas kami ni Cj ay sapat na upang kabahan ako ng sobra.

"Ano? Okay ba? Bagay ba?," nag-aalalang tanong ko ng muling pumasok sa aking kwarto si Danica. Baka kasi mukha akong ewan sa suot ko. Napangiti siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Malamang mai-inlove na sayo ng todo si crush," sabi nitong nanunudyo.

Napatawa ako sa sinabi niya. Babatukan ko pa sana siya kaso may bumusina sa harapan ng bahay namin.

"Andiyan na ata ang date mo ate," kinikilig sa sambit ni Danica bago ako itulak palabas ng kwarto.

"May tao ata sa labas," narinig kong sambit ni Papa bago tumayo at magtungo sa labas upang silipin kung sino iyon.

"Oh,may lakad ka ata?," takang tanong naman ni Mama.

"Ha? Eh meron ho," sagot ko habang sinisilip kung su Cj ba ang nasa labas. Maya-maya ay nakita ko siya kasama si Papa papasok sa loob.

"Good evening po Tita," bati nito kay Mama bago magmano. Tumingin siya sa akin at pinagmasdan muna ako ng ilang sandali bago ngumiti. Medyo nailang tuloy ako dahil sa ngiti niya. Muli itong bumaling kila Mama at Papa bago muling magsalita.

"Ah Tito,Tita, kung pwede po sana ay ipagpapaalam ko po si Sheyi sa inyo ngayong gabi," magalang na sambit nito.

Nakangiti lamang sila Mama at Papa bago tumango. Kuhang-kuha agad ni Cj ang tiwala ng magulang ko.

"Basta ba isosoli mo din siya ng walang galos," sagot ni Papa bago tumango.

"Syempre naman po Tito, iingatan ko po ang anak ninyo," sabi naman ni Cj bago lumingon sa akin at ngumiti. Muntikan ko ng hindi mapagpigilan ang sariling kabugin ang sariling dibdib upang patigilin ang sobrang lakas na namang tibok ng puso ko.

"Oh siya sige, tumuloy na kayo ng hindi kayo masyadong gabihin," sambit ni Mama habang inihahatid kami hanggang sa labas.

"Mag-ingat kayo,"

Ipinagbukas niya ako ng pintuan at inalalayang makapasok sa loob ng kotse niya bago marahang isara ang pinto. Nakipag-usap pa siya sandali kila Mama bago sumakay. Nang makasakay ay dumukwang siya sa akin upang ikabit ang aking seatbelt pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Nahigit ko ang aking paghinga at muling bumalik sa alaala ang ganitong pangyayari noon. Nang makalma ang sarili ay nagsalita ako upang itanong kung saan kami pupunta.

"Basta," sabi niyang nakangiti habang sa daan nakatingin.

"Uh ipapaalala ko lang sa iyo kilala ka ng pamilya ko," sabi ko bago lumingon sa bintana at pamasdan ang aming dinaraanan. Napatawa siya ng mapagtanto ang ibig kong sabihin.

"Wag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng masama," sabi niya habang tumatawa.

"Maghintay ka lang, sigurado akong magugustuhan mo ang pupuntahan natin,"

Napabuntong hininga ako bago umayos sa pagkaka-upo. Hindi parin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon at magde-date kami. Sa isiping iyan ay ramdam ko na naman ang pamumulan ng pisngi.

Iinom talaga ako ng sleeping pills kung panaginip lang ito.

~~