webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

F O R T Y T H R E E

  Sheyi's POV

  "Alam kong marami kang gustong itanong at malaman," mahinang sambit niya habang patuloy parin akong isinasayaw sa saliw ng musikang tumutugtog sa kanyang cellphone. Napaapangat ako ng paningin at nakitang nakatitig siya sa akin.

"Sasabihin ko ang lahat ng gusto mong malaman, uumpisahan ko kung saan nagsimula,"

Tahimik lamang ako at hinihintay ang kanyang mga sasabihin. Sa totoo lamang ay marami talaga akong gustong itanong sa kanya. Hindi ko lang magawa dahil pinanghihinaan ako ng loob.

"Noong araw na una tayong magkita, nakuha mo na agad ang atensyon ko," panimula niya.

"Noong magkasalubong tayo sa path way at tinawag mo kaming dalawa ng kaibigan ko para sabihin na gusto ni Arlyn si Julio,pero nabaliktad ang lahat,"

Napangiti siya nang maalala ang tagpong iyon.

"Sobra kang namula noong araw na iyon," sambit pa niya. Muli akong napayuko ng banggitin niya na namula ako. Nakakahiya kasi ang pangyayaring iyon pero nakakapagtaka dahil alam niya na binaliktad ni Arlyn ang pangyayari.

"Doon na nagsimula ang lahat. Palagi kitang nakikitang tumitingin sa akin kapag dadaan ako sa harap ng room nyo,at sa totoo lang, sumasaya ako kapag nakikita kita sa gilid ng aking mata na tinitignan ako, ayokong lingunin ka dahil alam kong mag-iiwas ka ng paningin. Gusto kong tinitignan mo ako," kwento niya na siyang ikinabigla ko. Buong akala ko ay hindi niya ako napapansin.

"Kaya nga kahit mayroon namang daanan mula sa room namin hanggang canteen, doon parin ako dumadaan,"

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa kanya. Halos magwala na ang puso ko dahil sa mga nalalaman.

"Noong nalaman ko na section ninyo ang mag-pe-perform sa flag ceremony. Bumili ako ng bulaklak noon," sabi niya bago mapatawa. Nag-angat ako ng paningin dahil tandang-tanda ko ang ibinigay niya sa akin noon. Bulaklak ng calachuchi.

Napailing siya habang tumatawa bago magsalita. Malamang ay nabasa niya ang nasa isip ko.

"Kaso, may kinuha ako sa room bago ang flag ceremony at nakalimutan ang bulaklak na binili ko sa may upuan,"

"Kukuhanin ko sana kaso, nakita kong may lalaking papanik na sa stage at may dala ding bulaklak kaya naman nagmadali akong tumakbo at kumuha ng bulaklak na nakatanim sa gilid ng stage. Agad kong hinatak 'yung lalaki na iyon pababa ng hagdan at nakipag-unahan sa kanyang pumanhik, kaya calachuchi lang ang naibigay ko sa iyo noon," nakangiting sambit niya bago ako hapitin palapit pa lalo sa kanya.

"Gusto kong mapalapit sa iyo kaso natatakot ako na baka isipin mo, na dahil lamang nalaman kong gusto mo ako kaya kita lalapitan," sabi niya sa mahinang boses.

"Pero ang totoo,unti-unti na din akong nahuhulog sa mga inosente mong ngiti. Hanggang sa marinig kitang kumakanta at narealize kong, kapag hindi ko naririnig ang boses mo ay nalulungkot ako,"

Hindi na yata papantay ang kulay ng mukha ko. Baka kulay pula nalang ito palagi. Masyado ng nasisiyahan ang damdamin ko sa mga naririnig. Para akong nasa loob ng isang fairy tale. Pakiramdam ko'y isa akong Prinsesa na sa wakas natagpuan na din ang Prinsipeng matagal ko ng hinihintay. Ngunit mayroon akong naalala. At dahil dito ay parang sinabuyan ng malamig na tubig ang aking kanina'y nagliliyab na damdamin.

"P-paano si Ma'am---," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ng ilagay niya sa aking labi ang kanyang hintuturo upang pigilan ako sa aking pagsasalita. Gusto ko sanang itanong kung ano talaga ang estado ni Ma'am Ana sa kanyang puso.

"Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo lahat," sambit niya habang nakatitig sa akin. Kahit kanina pa nakahinto ang tugtog sa kanyang cellphone ay tuloy lamang kami sa pagsayaw.

"Noong araw ng Christmas party, mayroong pinagkakaguluhang sulat ang mga kaklase ko, walang may alam kung kanino iyon galing pero mayroong Cj na nakalagay sa sulat," nagtaka ako dahil biglang lumungkot ang kanyang anyo.

"At dahil dalawa kaming Cj sa klase namin, sa isang Cj nila ibinigay iyo. Gustong-gusto kong hablutin ang sulat na iyon kasi alam ko,nararamdaman ko sa iyo galing iyon at wala siyang karapatang basahin iyon dahil para sa akin iyon. Sa akin lang iyon," mariin niyang sambit.

Tahimik akong natuwa dahil sa kanyang ekspresyon. Masyadong tumataba ang puso ko. Lalo na akong nahuhulog sa kanya.

"Mabuti nalang at biglang dumating si Arlyn noon at agad na hinablot ang sulat kaya walang nakabasa noon maski ako," pagpapatuloy niya.

"Kahit na malungkot dahil hindi ko nabasa ang sulat, okay lang din sa akin dahil, nakuha iyon agad ni Arlyn,"

Ilang sandali siyang nanahimik bago muling magsalita.

"She," sabi niya matapos huminto. Tumitig siya sa akin bago muling magsalita.

"Mahal na kita noon pa. Natakot lang akong ipaglaban ang nararamdaman ko kasi sobrang daming bagay na dapat unahin,"

"Noong nag-valentines day, magtatapat na sana ako noon pero talagang mapaglaro ang tadhana," sambit niya. Halata sa boses ang lungkot at pagsisisi.

"Kaso kinukulit ako ni Alvin na ibigay ko daw sa classmate mo ang teddybear saka rose na regalo niya,so ako naman si tanga. Hindi ko alam na plano niya pala iyon para hindi ako makapagtapat sa iyo. At gumana nga. Noong una,hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka nalang umuwi noon, kaya sa isip ko ay sa susunod nating pagkikita nalang ako magtatapat sa iyo pero nanlumo ako dahil nawala na ang dating Sheyi na kilala ko. Hindi na siya katulad ng dati na nakaabang sa akin, nakatingin sa akin. Iniwasan na niya ako noon kaya nawalan na din ako ng pag-asa at pagkakataong umamin. Akala ko ay nawalan ka na ng gana sa akin. Akala ko ay nagsawa kana,"

"Ngayon ko lamang nalaman ang lahat. Inamin sa akin ni Alvin kailan lang na bisexual siya at may gusto siya sa akin noon," medyo napapangiwing dagdag niya.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig.

"Ano?! Bakla si Alvin??," gulat na tanong ko at saglit na nawala sa isip ang sitwasyong kinalalagyan.

Bakit hindi ko napansin na lalaki din pala ang gusto ni Alvin?

Ganon kaya ako kalutang para hindi iyon mapansin? Napansin kong natawa siya dahil sa aking reaksyon. Hinatak niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. Halos mapigil ang aking paghinga dahil sa kanyang ginawa. Amoy ko ang pabango niya at ramdam ko ang init ng kanyang katawan pati na ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Noong JS prom. Nalungkot ako dahil alam kong iyon na ang una at huling sayaw ko sa iyo dahil malapit na akong magtapos. Nalulungkot ako at hindi kita naisayaw ng matagal. Natakot kasi ako na baka kapag natapos na ang tugtog ay hindi na kita kayang bitawan," sambit niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Natatakot ako dahil alam ko, kung magtatagal ka sa bisig ko noong panahong iyon ay mas lalong masakit para sa akin dahil hindi na kita makikita ulit,"

Kinabig niya ang aking ulo pasandal sa kanyang dibdib. Halos magkasabay ang pagtibok ng aming mga puso. Napapikit ako habang dinadama ang init ng kanyang katawan at ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Ganito ba ang pakiramdam ng nasa langit?

"Kaya ipingako ko sa aking sarili na kapag binigyan tayong muli ng tadhana at pagtagpuin muli ang ating landas ay hindi na kita pakakawalan pa,hindi na kita sasaktan pa,kaso bigo ako dahil nang magtagpo tayong muli, pinanghinaan na naman ako ng loob. Nasaktan kita ng hindi ko namamalayan,"

Napalunok ako ng maalala ang mga panahong iyon. Noong sinungitan niya ako sa restaurant. Noong pinili niya si Ma'am Ana at hinayaan lamang akong masaktan. Unti-unti ay muling namuo ang mga luha sa aking mga mata. Bumitaw siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang pisngi.

"Hindi naging kami ni Ana,at kahit kailan ay hindi niya napalitan ang puwang mo sa aking puso. Ginamit ko lamang siya upang pagselosin ka para hiwalayan si Antony pero akala ko ay ayaw mo na talaga sa akin kaya hinayaan ko nalang ang lahat. I'm so sorry She,nadala ako sa mga nakikita ko. Nagseselos ako sa tuwing may lumalapit sa iyo kaya nagsusungit ako. Huli na ng ma-realize ko na wala akong dapat ipagselos dahil kahit sino ay mapapamahal sa iyo dahil sa maganda mong ugali. Sorry din kung duwag ako,pero ngayon. Kung bibigyan mo pa ako ng pagkakataon. Ipapangako kong hinding-hindi ka na masasaktan. Ibibigay at ipapakita ko ang pagmamahal na sana noon ko pa ipinakita sa iyo," saad niya habang pinupunasan ng kanyang hinlalaki ang luha sa aking pisngi.

Napangiti ako at agad na inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan ng maglapat ang mga labi naming dalawa. Sa pakiwari ko ay tumigil ang mundo ng gantihan niya ang aking halik. Sobrang saya ko at sa wakas ay nalaman ko na ang lahat. Handa na akong sumugal muli. Kahit ano pa ang mangyari ay ihahanda ko ang sarili. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawalay pa sa piling niya lalo pa ngayong nalaman ko na ang lahat.

Pareho kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay. Itinukod niya ang kanyang noo sa aking noo bago muling magsalita.

"So it's a yes then?," sambit niyang nakangiti.

Tango lamang ang isinagot ko at nagulat ng bigla na lamang niya akong pinangko at iniikot. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan sa mga oras na ito.

Napatawa ako ng gawaran niya ng mga mumuntik halik sa pisngi at noo.

"Ipinapaalala ko lang sa iyo na hindi pa kita sinasagot," natatawang sambit ko.

"Pumayag lang akong bigyan ka ng pagkakataong bawiin lahat ng sakit na ibinigay mo noon sa akin,"

Napatawa siya bago ako ibaba at muling kabigin palapit sa kanya. Hawak niya ako sa bewang ng magsalita.

"Ipapakita ko sa iyo kung paano magmahal ang poging chef na ito," sambit niya habang nakangiti.

"I will make you my wife,whether you like it or not,"

Natawa ako bago yumuko upang ikubli ang kilig dahil sa kanyang sinabi. Ito na yata ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. Ang makasama ang taong mahal ko at ang malamang mahal din niya ako. Wala na akong mahihiling pa.

"Thank you for giving me a chance. I promise that I will never take you for granted this time," sambit niya bago ako gawaran ng halik sa noo.

Napapikit ako at napangiti.

No. Thank you for making me whole again.

***