webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

F I F T E E N

 

  Nakasimangot ako habang naglalakad patungo sa kusina. Ang aga-aga kasi napagalitan na ako. Hindi kasi ako naka-iniform. Kasi naman sabi kasi ni Cj,ayos lang daw kasi nasa kusina naman ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinagalitan padin ako ni Ma'am Ana. Hindi sana ako maapektuhan kaya lang nakita ko ang tuwang-tuwa mukha ni Geraldine habang pinapagalitan ako sa harap ng iba pang empleyado.

  "Oh She anjan ka na pala," sambit ni Michael. Tumango lang ako bago magdiretso at gawin ang mga ginagawa ko tuwing umaga. Ang magpunas ng mga kasangkapan.

  "May nangyari ba?," tanong ni Michael na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Iling lang ang isinagot ko at nagpatuloy lang sa ginagawang pagpupunas. Gustong-gusto nang tumulo ng luha ko pero ayoko namang ipakita sa iba na iyakin ako. Kaya pinipigilan ko.

  "Paanong wala eh kitang kita naman dyan sa mukha mo,"

  "Hindi ko kasi alam kung anong mali ang nagawa ko," mahinang sagot ko sa kanya. 

  "Pinipilit ko namang gawin lahat ng kaya ko eh pero palagi pa din akong napapagalitan,"

  "Si Ma'am Ana ba?," tanong niya. Tumango lang ako at mabilis na pinunasan ang mga luhang hindi ko na napigilang kumawala.

  "Ganon talaga iyon lalo na kapag ikaw ang napagtripan niya,"

  "Wala naman akong kasalanan sa kanya? Bakit kailangan niya akong ipahiya sa lahat?," hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko kaya mabilis ko ulit iyong pinunasan at mahinang natawa.

  "Sorry ha,medyo iyakin kasi ako,"

  Napatawa din siya at ginulo ang buhok ko.

  "Ayos lang,naalala ko nga ang kapatid ko sa iyo eh,"

  "Kasing cute ko ba ang kapatid mo?," tanong ko na medyo nawala na din ang nararamdamang lungkot. Ngumiti siya sabay kurot sa dalawang pisngi ko. Napasimangot ako dahil sa ginawa niya.

  "Mas cute siya kasi kamukha ko siya eh," sabi nito sabay tawa.

  "Pero pareho kayong iyakin,"

Pinalis ko ang mga kamay niya saka siya inirapan.

  "Magluto ka na nga don at baka makita ako ulit ni Ma'am Ana,sabihin na sinisitsit kita," taboy ko sa kanya.

Napailing ako habang pinapanuod siyang lumakad at ipagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Buti nalang may mga mababait parin na tao sa mundo. Napangiti ako at muling itinuon sa ginagawa ang atensyon ngunit bago ko pa maibaba ang paningin ko ay nahagip ng mata ko si Cj na nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa akin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mapagtanto. Mabilis siyang nag-iwas ng paningin at nagdiretso sa kung saan.

  Anong problema non? Nagkamali ng gising? Bad mood?

  Napailing nalang ako at ipinagptuloy ang ginagawa. Maya-maya pa ay dumating na si Cj dala ang isang container. Nagulat ako ng padabog niya itong inilapag sa sink. Tinawag niya ako at sinabing balatan ko daw ang mga iyon. Nagulat ako dahil parang may kakaiba sa kanya pero ipinagkibit balikat ko nalang iyon at lumapit sa sink para gawin ang inuutos niya.

  Ilang minuto ko ng tinititigan ang container na ipinatong ni Cj sa sink. Lumingon ako sa kanya na busy sa paghihiwa. Seryoso ba siya? Paano ko babalatan itong mamalaking hipon na ito?

  "Anong itinatayo mo jan?," nagulat ako at muling napalingon kay Cj ng magsalita ito.

  "Kumilos ka na at marami pa tayong gagawin,"

Napataas ako ng kilay dahil sa tono ng pananalita niya. Anong problema niya?

  "Tatanga ka nalang ba jan?," sambit niya kaya nagmadali na akong gawin ang sinasabi niya. Napasimangot ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang sungit niya sa akin ngayon. Napkagat-labi ako para pigilan ang pagluha. Ano kaba Sheyi? Sanay ka naman na lahat nagsusungit sayo!

Oo pero hindi si Cj!!

Napabuntong hininga ako bago harapin ang ipinapagawa niya. Okay? Paano nga ba balatan ang mga malalaking hipon na ito na may malalaking sipit??

"Bahala na," bulong ko sa sarili bago kuhanin ang mga hipon para balatan. Huli na ng hablutin ni Michael ang kamay ko palayo dahil naramdaman ko ang masakit na pag-ipit ng sipit sa daliri ko. Napakagat labi ako para hindi sumigaw dahil sa hapdi. Mabilis na naialis ni Michael ang sipit sa kamay ko na nagtamo ng maliit n sugat at dumugo ng kaunti. Hinila niya ako palabas ng kusina at papunta sa locker room kung saan nakalagay ang first aid kit. Kami lang dalawa ang tao doon dahil busy ang iba.

  "Hindi mo dapat hawakan iyon ng bare hand," sabi nito habang nililinis ang sugat ko sa daliri.

  "Alam mo, maliit lang naman eh hayaan mo na," natatawang sambit ko dahil nakakatawa ang itsura niya.

  "Katulad ka talaga ng kapatid ko, matigas ang ulo," sabi naman niya habang umiiling.

  "Miss mo na ba talaga ang kapatid mo?," tanong ko habang pinanunuod siya sa ginagawa.

  "Nasaan ba kasi siya?,"

  "Nasa langit," mahinang sagot niya na siyang ikinagulat ko. Napakagat labi ako dahil sa narinig.

  "Sorry," mahinang sambit ko bago mapayuko.

  "Ano kaba, dahil sa iyo parang kasama ko siya," napangiti ako sa sinabi niya.

  "Alam mo kung nagkaruon ako ng kuya gusto ko katulad mo," sabi ko naman.

  "Edi kuya mo ako at kapatid naman kita," masayang sambit niya.

  "Oh ayan tapos na. Bakit ba kasi ikaw ang pinag-gawa nya doon?," kunot noong tanong niya.

  "Hindi ko alam,ang sungit nga eh parang may dalaw," pareho kaming natawa sa sinabi ko pero napawi din ang ngiti namin ng biglang pumasok si Cj sa locker room. Nakakunot noo ito at halata ang inis sa mukha.

  "Binabayaran ka dito para magtrabaho hindi para makipag-kwentuhan at makipag tawanan," sabi nito habang nakatingin sa amin ni Michael.

  "Pero hindi naman yata tama na ipagawa sa kanya ang trabahong hindi niya kayang gawin," katwiran ni Michael. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya sa mga sinasabi.

   "Ayos lang ako, kasalanan ko naman hindi ako nag-iingat," sabi ko kay Michael. Tiim bagang na nakatingin sa amin si Cj bago ito humalukipkip.

  "Ganon ba?," sabi nito sabay titig kay Michael.

  "Kung ayaw mo siyang nahihirapan, ikaw ang gumawa sa lahat ng mga gawain niya,"

  "Sige, kung iyan ang gusto mo," sagot naman nito na nakangiti pa. Lumapit sa akin ito ng kaunti para bumulong.

 

   "Nagseselos ata ang boyfriend mo," bulong nito kaya naman agad ko siyang siniko.

  "Sorry po Sir," sabi ko nalang kay Cj.

"Ako nalang po ang gagawa,"

  "Hindi na,maupo ka nalang sa gilid at hayaan nating si Michael ang gumawa ng lahat ng trabaho," malamig na sambit nito bago tumalikod. Pagkalabas na pagkalabas nito ay humarap sa akin si Michael.

  "LQ kayo?," kunot noong tanong nito.  Tinignan ko siya ng masama dahilan para mapatawa siya.

  "Sa tingin ko may gusto sayo si Sir Jhon," sabi pa nito.

  "Tara na nga don ang kulit mo kasi KUYA," sabi ko at sabay pa kaming natawa.

  At katulad nga ng sinabi ni Cj, ipinagawa niya lahat ng gawain ko kay Michael. Grabe, halos lahat ata si Michael ang gumawa at taga-utos lang si Cj. Ano kayang kinain nito at ganito kasungit?

  Ayoko namang tumanga lang kaya nagpunas nalang ako ng mga pinggan at tumulong sa mga dishwasher.

  ***