webnovel

Last Part & Writer's Note

NOTE: This is the last part. Thank you so much for reading!

ENGR. MIKAEL SARTIGA

"What?" natatawa kong tanong kay Mama habang nakaupo ako sa harapan ng kanyang mesa. Pinuntahan ko siya sa kanyang opisina isang martes ng hapon to report about the construction ng bagong church.

"I missed Ruah." nakanguso niyang sabi. Pastor Rosella Sartiga is pouting in front of me. Everyone!

"Mama naman." naiiling kong sabi bago ilock ang iPad na dala ko. I've been explaining to her ang process ng construction ng building.

"Why, Mikael? Hindi mo siya nami-missed?" tanong niya sa akin. Tahimik kong isinara ang bag ko matapos ipasok sa loob ang iPad. Ako naman ang napanguso.

"She's in Singapore, Ma." sabi ko na lang. Ngumisi lang si Mama.

"Kaya nga. Hindi mo siya missed?" pang-aasar niya. Napailing ako at marahang tumayo.

"Let's call it a day, Pastora." natatawang sabi ko. Humalakhak naman siya at napatayo din.

"What, Kael? It's a simple question, anak!" hagikgik niya. Tinalikuran ko siya at nirolyo ang mga plates na nasa drawing table sa tabi. She bullies me.

"Kailan daw ang balik?" tanong ni Mama pero halatang nagpipigil ng tawa. Napahinto ako sa pagrolyo at tumingin kay Mama. "Wala siyang sinabi, Ma." sabi ko at ipinagpatuloy ang pag-rolyo.

Marahang umalis ng mesa niya si Mama at lumapit sa akin. Tinapik niya ng marahan ang balikat ko.

"It's okay, son." sabi niya bago humilig sa akin. Ngumisi ako.

After that night, when she confessed to me that she's in love with me and confessed to me that she was raped, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

She was violated when she was seventeen, ano bang dapat kong gawin? Anong dapat kong sabihin? Na it's okay? Of course it's not okay! Masakit ang bagay na 'yon sa kanya. She confessed that she tried to kill herself multiple times but because of her father, nagpakatatag siya.

Me? I don't know how to comfort her. She's a very tough woman. God made woman so strong yet so fragile. Maraming babae sa panahon ngayon na nakaranas ng pinagdaanan ni Ruah pero iba-iba ang pananaw nila. Ang iba ay lumalaban, ang iba ay sumusuko. But Ruah didn't give up.

At mas lalo ko siyang minahal the moment na nalaman ko kung paano siya nagpakatatag para sa anak niya. She had the option to abort the baby or kill herself but she decided to continue. She treated her child as unexpected, not unwanted.

In my case...

Bigla akong natakot. I am now afraid to pursue her. Huwag na muna...

O huwag na lang? Lord paano ba?

She's in Singapore right now kasama ang Papa at anak niya with Tita Kriselle para magbakasyon at magpahinga. Her relationship with her father is nagiging okay na. Her father apologized to her at medyo nagalit siya sa anak dahil sa hindi pagsabi ng totoo. Na kung sinabi niya lang ang nangayari sa kanya noon, hindi sana siya naghirap at ang apo niya. But, Ruah answered her...

"Pa, it's okay. We're okay. I do not blame you. If hindi nangyari iyon, hindi ako magiging ganito katatag. And...I might lose you that time because of your condition and hindi ko kakayanin. Tama ng ako na lang. And if hindi nangyari iyon, hanggang ngayon siguro, I'm still living in darkness at hindi ko nakilala ang mga tao sa paligid ko ngayon. Hindi siguro ako magpapatawad, hindi ko siguro ulit mamahalin ang sarili ko. Pero lahat nagbago, Pa. Jesus accepted me and saved me at my darkest. He's the reason of this all."

"Wow, anak. You looked bothered." natatawang sabi ni Mama ng madatnan niya akong nakatungo sa harap ng drawing board ko sa bahay. Kakababa lang niya galing sa kanyang kuwarto. It's four am in the morning. She usually gets up at three am for her morning Bible readings and prayer. Ako naman hindi naman talaga sobra ganito kaaga magising. I usually wake up at five.

"Good morning, Ma." bungad ko sabay halik sa kanyang noo. He smiled habang bitbit ang kanyang mug na wala ng laman.

"Coffee?" tanong ko. Tumango siya kaya kinuha ko ang tasa sa kanya at dumiretso ako sa kitchen. Sumunod naman siya sa akin.

"Aga mo nagising?" tanong ni Mama habang tinitimpla ko ang kape niya. Nilagay ko ang dalawang kutsara ng creamer bago siya hinarap.

"Hindi na po ako makatulog, e." paliwanag ko. I press the water dispenser para lumabas ang mainit na tubig. Kumuha ako ng kutsara at ipinatong ang mga mug namin sa dining table. Naupo ako sa harap ni Mama at nakamasid lang siya habang hinahalo ko ang mga kape.

"Here." sabi ko at inilapag sa harap niya ang mug.

"Anong iniisip mo? Anong oras ka nagising?" tanong ni Mama bago humigop sa kape niya. Napatingin ako sa kape ko at pinagmasdan kung paano iyon umikot dahil sa paulit-ulit kong paghalo.

"Mikael, are you okay?" tanong niya. Tanong niya ulit kaya tumingin na ako sa kanya.

"No, Ma." I honestly replied. Umayos siya ng upo. "Tell me." sabi niya. Huminga ako ng malalim.

"Ma? Paano ba nangusap si Lord na kayo talaga ni Papa?" tanong ko. Tumango siya at humigop sa kape niya bago sumagot.

"Humingi ako ng sign kay Lord noon. I asked God na kung sino man ang magbigay sa akin ng Bible kahit hindi ko birthday is siya na ang ibibigay Mo. That time kasi wala pa akong personal Bible, galing lang sa church natin yung meron ako pero yung version na gusto ko is wala pa. Kapag ganong version ang ibinigay siya na talaga." nangingiti niyang kuwento. Napangisi ako. Parang nahuhulaan ko na. Actually, never kong naitanong kay Mama ang ganitong bagay. Ang tungkol sa kanila ni Papa.

"Then?" tanong ko.

"Hindi kami close ng Papa mo noon kasi ang tahimik niya masyado, pero sobrang mahal niya si Lord. Hindi man siya madalas magsalita, pero pinapakita niya sa gawa niya. Consistent yun sa church noon every Friday para tulungang maglinis si Manong Ben." aniya.

"Alam ko namang masipag si Papa." sabi ko habang nakangiti.

"Yes. Like you." sabi niya. Ngumiti lang ako. "Tapos?"

"Tapos, May 06, 1992 pauwi na kaming mga youth noon pagkatapos ng youth prayer, naglalakad na ako pauwi ng bigla niya akong tinawag. Nakangiti siya nun sa akin then bigla siyang may inabot." huminga ng malalim si Mama at pumikit. Nakakaramdam na yata ng antok. "Then, ang sabi niya, 'Buksan mo pag-uwi.' sabi niya. Kinabahan na 'ko ng mga oras na 'yun kasi halata sa pagkabalot ng regalo na libro ang ibinigay niya. Anong klaseng libro? Kinakabahan na talaga ako nun. So pag-uwi ko ng bahay, kaagad akong nagkulong sa kuwarto ko para mabuksan iyong regalo." humahagikgik na si Mama kaya napapailing na lang ako.

"Pagkabukas mo?" tanong ko.

Nagtaas ng kilay si Mama sa akin. "Alam na." tawa niya.

"What do you mean?" painosente kong tanong.

"It was a Bible Amplified Version!" maligayang sabi ni Mama. Napahalakhak ako dahil halos tumili siya. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento na after niya daw gumraduate is nagpaalam si Papa sa kanya if pwede siya manligaw and the rest...alam na.

"I asked Jesus to let me see kung si Ruah pa rin ba, Ma. I love her pero kung hindi siya ang para sa 'kin, I need assurance from the Lord. If she's the one for me, gusto kong malaman kay Lord mismo, Ma." sabi ko kay Mama. Tumangu-tango siya.

"You honor God by honoring His decisions and plans. In Psalm 61:5 says, 'You have heard my promises, O God, and You have given me what belongs to those who honors You.'" ngumiti si Mama sa akin.

"You honor the Lord by serving Him and by loving us, your parents. You honor Him in your job and in everything you do." she added. Hinawakan ni Mama ang kamay ko na may ngiti pa rin sa mga labi.

"You honor Him, by accepting Ruah's situation, by loving her despite of her past. Anak, you deserve so much more and God will show you how mighty He is in your life. Do not worry and leave to Him the rest."

SINGAPORE - RUAH

"Mama? I had a dream last night." sabi sa akin ni Selah habang naglalakad kami sa tabi ng dagat. Napangiti ako habang sumisipsip sa coconut juice na binili namin. It's been three months simula noong pumunta kami dito nina Mama Kriselle at Papa. Okay na si Papa. Nung nakarecover siya mula sa heart attack ay nagdesisyon siyang magbakasyon kami and Mama Kriselle suggested na dito sa Singapore kami. We're going home tomorrow.

"What dream?" tanong ko. Marahan niyang nilaro ang buhangin sa kanyang tsinelas bago humarap sa akin. "We're in a beautiful garden!" sabi niya. Napahinto ako dahil umupo siya sa buhanginan. Inayos ko ang beach dress na suot ko at naupo sa tabi niya. Nilaro ko ang straw sa bibig ko habang sumisipsip pa rin.

"Garden? Anong ginagawa natin doon?" tanong ko.

"Mama, I'm wearing a very beautiful white dress!" masaya niyang sabi.

"Madaming chairs!" sabi niya. Natawa ako.

"Madaming people!" she added. Tumango ako letting her to continue.

"Then, Mama, I saw you sa dulo ng aisle!" sabi niya kaya umawang ang bibig ko.

"Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng girls na nandoon! You're so beautiful, Mama!" masaya niyang sabi. "Talaga, baby?" tanong ko. Tumango siya ng sunud-sunod.

"Then, beside me Mama, there's a guy hawak ang kamay ko habang wait ka namin sa harapan. Si Lolo Kier umiiyak nga doon, e but he's smiling." sabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"You're also crying, Mama, but you're smiling, too! What was that? Are you getting married?" excited na tanong ni Selah. Hindi ako sumagot.

Lord, why would you let Selah na mapanaginipan ang kasalan? Natawa ako sa naisip.

"Balik na nga tayo, baby. Baka hinahanap na tayo. We should pack our things na."

"Okay, Mama!"

PHILIPPINES - KAEL

"Welcome back!" sigaw nilang lahat ng makitang bumukas ang pinto ng bahay nina Tita Kriselle. Ngumiti ako ng malapad ng makita din sila.

"Ruaaaaah, namissed kita!" sigaw ni Mama sabay yakap dito. Nakangiti man ako ay hindi ko maiwasang dumapo ang tingin ko sa batang kasama nila. A girl with black hair with pure innocent eyes. Kamukhang-kamukha siya ni Ruah. Pinanggigilan siya ng iilang youth na kasama namin. So, she's Selah?

Selah. Ang galing mo naman, Lord. You can see the word Selah in the Bible and it was mentioned many times especially in the book of Psalms. When you see that word, while reading, you need to pause and praise the Lord for what you have read. In life, whatever we are experiencing, good or bad, we need to Selah. She named her Selah because she chose to pause and worship the Lord despite on what she was going through.

Ruah genuinely smiled at me ng makita ako. I smiled back at nagkamustahan kami bago niya hinarap ang iba pa naming kasama.

I decided na maupo sa garden nina Tita Kriselle. Hindi ko maiwasang humanga sa lawak nito at ganda. Habang nagkakasiyahan sila sa loob ay sumandal ako sa isa sa mga benches doon. I close my eyes then that dream flash in my mind again. Napamulat ako ulit. Pero pagmulat ko ay nakita ko si Selah na nakatayo sa harapan ko habang pinagmamasdan ako.

"You..." sambit niya pero ngumiti lang ako. Umayos ako ng pagkakaupo at tinapik ko ang sa tabi ko.

"Tara upo ka?" yaya ko sa kanya. Tumango naman siya at umupo sa tabi ko. Pagkaupo niya ay titig na titig siya sa akin.

"You okay, Selah?" tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Kumusta bakasyon n'yo sa Singapore? Did you enjoy it?" tanong ko. Kumurap siya ng ilang beses.

"Yes! Because I'm with my Mama!" nakangiti niyang tanong. Tumango ako.

"Do you love your Mama?" tanong ko. Lumapad ang ngiti niya.

"Yes po!" masigla niyang sabi. Ngumiti ako.

"You...po? Do you love her?" tanong niya na nakapagpawala ng ngiti ko. I was about to answer her ng...

"Selah.." napalingon kami ni Selah sa harapan namin at nakita doon na nakatayo si Ruah, ngumiti siya ng marahan.

"Mama!" sigaw ni Selah pero hindi umaalis sa tabi ko. Lumapit si Ruah sa amin.

"I'm sorry, kanina ko pa kasi siya hinahanap." sabi niya. Tumango ako. Hindi na siya nagsalita pagkatapos. Naupo na lang siya sa tabi ni Selah. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang buhok ng anak.

"I'm sorry, I didn't properly introduce her sa'yo." sabi niya.

"She's my daughter, Selah. Selah, si Tito Kael." sabi niya. Selah smiled at me.

RUAH

"So how are you?" tanong sa akin ni Kael habang nakatanaw ako sa mga bituin. Malamig din ang simoy ng hangin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"I'm okay na." I assured him. He nodded at nag-iwas ng tingin. Nawala ang ngiti ko. Tahimik lang si Selah sa tabi namin.

"Kung iisipin mo di ba? Hindi ko kakayanin lahat ng iyon. It was really by God's grace. Kasi ako man noon ay hindi ko na kayang lumaban, but God fought for me and still fighting for me." sabi ko at hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag naalala ang mga nangyari noon at kung paano ako niligtas ng Diyos mula sa pagkalugmok na iyon.

"Thank you, Kael." sabi ko ng buong puso habang nakatingin sa mga mata niya. He smiled.

"You made me realized that if our strength is not present, God's grace is always there." sabi ko.

Lord, thank You for everything. Now I understand the purpose of those trials. You have made me strong and courageous. And this blessing beside me? She's more than a blessing.

This is more than enough, Lord. Whatever Your purpose in my life I will gladly accept it.

"Let's go?" sabi ko kay Selah at Kael dahil narinig naming nagpapaalam na ang ibang youth na kasama nina Kael bumisita. Tumayo si Kael at hinawakan ang kamay ni Selah para tulungang tumayo but my six-year old daughter ay hindi pa rin bumababa sa upuan niya.

"What's wrong, Selah?" tanong ko. Kael leveled Selah's eyes at tinanong din kung bakit hindi pa rin siya tumatayo. Lumilinga-linga pa si Selah sa paligid na para bang hindi makapaniwala sa nakikita. Ng dumako ang mga mata niya kay Kael ay napahinto siya.

"It's you..." bulong ni Selah na hindi ko maintindihan. Si Kael naman ay hindi na gumalaw sa posisyon niya. Narinig ba niya ang sinabi ni Selah? Tumingin si Selah sa kamay nilang magkahawak ni Kael. Kumunot ang noo ko.

"Mama, this is the garden!" sabi ni Selah na mas lalong nakapagpakunot ng noo ko. She smiled at me na parang sobrang excited niya.

"Mama, you're getting married here!" sigaw ni Selah dahilan para magkatinginan kami ni Kael. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at tiningnan ang anak ko na manghang nakatingin kay Kael.

"Mama, I saw him in my dreams!" sigaw niya! Manghang-mangha! Tumawa ako ng mahina at umiling.

"Mama, he's holding my hand in my dreams tapos after mo maglakad sa aisle kasama si Lola Kriselle and Lolo Kier Mama nakita ko kayo nagkiss sa-"

"Pasensya na, Kael ipapasok ko na siya sa loob." sabi ko at mabilis na binuhat ang anak ko! Nakakahiya ang mga sinasabi ng anak ko! Hindi naman ganon kabigat ang anak ko pero bumagal lang ang paglalakad ko dahilan para mahabol ako ni Kael at hinawakan ako sa kamay. Tumigil ako. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti lang at kinuha sa akin si Selah at siya na ang nagbuhat.

"Kael..." tawag ko sa kanya kasi hinawakan niya ulit ang kamay ko kahit buhat sa kabilang braso si Selah. Ngumisi siya at binitiwan ang kamay ko. Marahan niyang ibinaba si Selah at hinawakan sa magkabilang balikat.

"We had the same dream." tumatawang aniya kay Selah! Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

"This is the garden right?" tanong niya kay Selah na mabilis namang tinanguan ng anak ko. Lord what is this?

"I think pinakita sa akin ni Jesus that my Mama will be soon happy with you!" sabi ni Selah dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko. Nag-init ang sulok ng mata ko. Oh, God what--

"And with you." ngisi ni Kael kay Selah at tumingin sa akin. Umiling ako ng ilang beses sa kanya.

"I'm still in love with you." he sincerely said while looking into my eyes. Nag-unahang tumulo ang mga luha sa mata ko.

I already accepted God's grace in my life. The strength He gave me to overcome everything...but when it comes kay Kael...

"I asked the Lord noong isang gabi." he smiled before he continue. "Lord, show me kung si Ruah talaga." sabi niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"And this place? Tita Kriselle told me before na ang asawa niya ang nagdisenyo ng garden na 'to. Noong unang gabi na hinatid ka namin ni Mama dito after ng youth prayer gathering natin, habang naguusap si Mama at si Tita Kriselle, pinagmasdan ko ang lugar. Sobrang lawak and pwede gawing venue ng kasal ito. So, I ask the Lord again, 'Lord, I want to get married here to the person You have prepared for me.'" sabi niya. Hindi ako nagsalita. "

"Kahapon ng gabi, I dreamed about it. You..." tumingin siya sa mga mata ko. "...and me, getting married...here."

"Baka nagkataon lang, Kael! Baka--"

"Tama ka. Nung una naisip ko na baka nagkataon lang na napanaginipan ko 'yon kasi sobrang namissed kita." ngisi niya. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Na baka sa sobrang pagkamissed ko sa'yo, kung anu-ano na ang mga napapanaginipan ko." pang-aasar niya. Humagikgik ang anak ko na para bang naiintindihan na niya.

"Engr. Ruah Alvaro." tawag niya sa akin. Tumaas ang kilay ko kahit panay na ang singhot ko dahil sa pag-iyak.

"Anong kinalaman ni Selah sa pagkamissed ko sa'yo? Paanong pareho kami ng panaginip?" natatawang aniya. Ngumuso ako.

"Baka sinabi mo sa kanya bago ako makapunta dito!" sabi ko, halos matawa!

"Mama I told you already about my dream yesterday on the beach!" tili ng anak ko dahilan para humalakhak si Kael. Sumimangot ako dahil binuking ako ni Selah.

Kael sighed heavily bago tumingin sa mga mata ko.

"I asked God for confirmation and now this is it." sabi niya. Ngumiti ako ng marahan.

"I told you before na you deserved someone better, Kael." sabi ko. Sumeryoso ang kanyang tingin.

"You are that better woman. And for God and for me you are perfect. I have seen your passion for God, and the moment you confessed to me kung paano ka nagpakatatag para kay Selah, I think I have fallen in love you with you even more." naiiling na sabi niya. Pumatak na naman ang mga luha ko then he laughed a bit dahil parang may naalala.

"I almost begged God to let me have you but tonight He is telling me that I don't have to. Because from the very beginning, I am yours and you are mine. And we are both, for God and for Him alone." he said. Tumango ako. He smiled wider.

"Despite of your past, I am still willing to accept you because you deserved it. Let's forget the past. Ang mahalaga ay ang ngayon. You are pure in God's sight and in my sight." ngumisi siya pagkatapos.

"Kael..."

"Yes?"

"Akala ko kay Lord lang applicable ang pagbibigay ng grace. Sayo din pala." halakhak ko! Ngumisi siya kaya nagpatuloy ako.

"Thank you, Kael for everything. For accepting me, thank your for your grace." sabi ko pero umiling siya.

"It is God's grace, Ruah. I love you." he smiled. I smiled wider.

"And I love you, too."

Grace is something that we do not deserve but still God gave it.

Truly, God is the author of our lives. And if we let Him write our own love story, it will be perfect. It will be full of grace.

"Grace is God's best idea. His decision to ravage a people by love, to rescue passionately, and to restore justly..." - Max Lucado

NOTE:

THANK YOU SO MUCH FOR READING THIS STORY! Ikaw na nagbabasa nito, mahal na mahal ka ni Lord and sa buhay natin, hindi natin maisip na madalas nating naeencounter ang grace ng Lord. Anything na hindi natin deserve pero binigay Niya? That's God's grace! And His grace is always enough to restore us and to heal us kapag hindi na natin kayang lumaban. 'Wag tayong susuko. Kasama natin lumaban si God. At never Niya tayong iiwan.

May flaws ka mang nakita sa story na ito pero sana kahit papaano ay nabigyan ko ng hustisya kung gaano kalawak ang grace ni Lord. This story itself is because of God's grace. Every word is for Jesus. Hoping na sana makasama ko pa kayo sa mga susunod na stories. Hindi ito ang huli. Nagsisimula pa lamang si Lord!

To anyone na nakakaranas ng pangmomolestya or if you're a rape victim but you are afraid to tell anybody or even to your family, be courageous! Never kang iniwan ni Lord at never na iiwan. (Hebrews 13:5) Seek for guidance and I pray that the peace of God be with you.I'm praying for you!

Again, with all my heart, maraming salamat! Sa susunod na story ulit!

"I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will be revealed in us."

Romans 8:18 (NIV)

PLEASE SHARE TO BLESS OTHERS!

Love,

Ate Lyca