webnovel

First Part

NOTE: Some sentences that are in italics are flashbacks. Please don't get confused. Happy reading!

RUAH

"Wala akong anak na malandi! Lumayas ka dito!"

I cried so hard na parang ngayon na lamang ako iiyak. Isa-isa kong pinulot ang mga damit na hinagis ni Papa sa aking harapan. Mas lalo akong naiyak dahil sa patuloy niyang pang-iinsulto sa akin.

"Pinag-aral kita, binihisan! Saan ba 'ko nagkulang, Ruah?!" nasasaktang sigaw niya. Napatayo ako at hinawakan si Papa sa kamay at lumuhod.

"I..I'm sorry, Pa! I...I will leave, just please go back to your room at magpahinga ka po." umiiyak kong sabi. Masakit iwan si Papa. Palagay ko, hindi ko kakayanin pero alam kong dapat akong magpakatatag.

Nalaman kong buntis ako.

I failed him. For seventeen years of my existence, ngayon lang. Ngayon ko lang siya na-disappoint ng ganito. Wala akong utang na loob. Naging mabuti sila sa akin.

I was adopted. Malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Mama Remy. But, Mama died because of cancer when I was thirteen. Si Papa naman ay may history ng heart attack and I don't want him to suffer more. Na pati siya ay mawala sa akin.

Tama ng ako na lang ang masaktan ng sobra-sobra kasi sobra ko silang mahal. Si Papa.

"I don't need your worry! Huwag ka ng magpapakita! Kahit kailan!" sigaw ni Papa ng buong puso bago ipinasara ang gate kina Manang Fely.

I breathe heavily. I breathe with all my heart.

"Pa, I promise, babalikan po kita." sabi ko at tumayo ng marahan. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang bahay na kinalakihan ko. Ang mga masasayang ala-ala. Ngumiti ako kahit patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"Hindi ako susuko." sabi ko bago tumalikod.

SEVEN YEARS LATER...

"Thank you po, Pastora." ngumiti ako ng malapad kay Pastora bago ibinalik sa kanya ang kanyang libro na ipinahiram sa akin. Ngumiti siya bago ibinalik sa kanyang drawer ang libro.

"Siguro po, mahal na mahal ng asawa po ninyo ang trabaho niya noon." sabi ko kay Pastora. Nasa kanyang opisina kami dito sa church. It's a Tuesday afternoon. Ibinalik ko sa kanya ang libro ng kanyang asawa. Namatay na ito ten years ago dahil sa pagkaguho ng building na project niya sa Manila. He's a civil engineer. Ngumiti si Pastora Rosy bago sumagot sa akin.

"Sobra. Dumating sa punto na pinagselosan ko ang trabaho niya noon." hagikgik niya. Ngumisi ako. "Pasyal ka ulit sa bahay sa susunod. I can lend you more books about Civil Engineering. Mataas ang bookshelf ng asawa ko sa dami." Tumango ako ng sunud-sunod dahil sa narinig.

I'm a graduate of Civil Engineering and I am preparing for my board exams this coming May. Everyone in the church are very supportive that's why malakas ang loob ko. Ipapasa ko ito. At pagkatapos ay babalikan ko si Papa. It's been seven years nung nakausap ko siya. From Pampanga ay bumiyahe ako papuntang Manila. To start a new life. At sa church na ito, sila na tumulong sa akin. Habang nasa second year college ako noon, may nag-invite sa akin sa Campus Ministry. Doon, nilabas ko lahat ng hinanakit ko. Sama ng loob ko. There, I accepted Jesus as my personal Lord and Savior. Hindi na ako natakot pa para sa araw ng bukas. Kasi kasama ko Siya. At alam ko, magiging okay din ang lahat.

Pero...

Medyo mahirap pa para sa akin na ipagtapat kina Pastora ang iilang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na taon. Hindi ko pa rin kaya. Pero, I believe na in God's perfect timing, may mapagsasabihan din ako. Minsan, I doubt my love for Jesus kasi bakit hindi ko pa rin makuhang magtiwala? Bakit hindi ko pa rin maipagtapat ang totoong sitwasyon ko?

Masayang nagku-kuwento sa akin si Pastora sa buhay-dalaga niya ng biglang may marahang kumatok sa pinto. Pareho kaming napatingin sa pintuan. Marahang nagbukas ang pinto at pumasok si Kael na may dalang mga nakarolyong plates.

"Kael!" maligayang salubong ni Pastora sa panganay na anak. Ngumisi lamang si Kael sa ina. Tumayo ako sa kinauupuan at tinulungan siyang ilapag ang iilang gamit na kanyang dala.

"Hi, Ruah." bati niya at nakipag-apir sa akin. Ngumisi ako at tumango matapos makipag-apir.

"Ma." tawag niya sa ina bago halikan ito sa noo. Napangiti ako. He's always a good son to his mother. Aside from being a civil engineer ay siya din ang Youth leader sa church. Napatingin ako sa mga nakarolyong mga plates. Hindi ko maiwasang humanga. Napansin yata ni Kael ang pagkamangha ko kaya lumapit siya sa mga plates at inilatag ang mga iyon sa drawing table niya na nasa opisina ni Pastora. Gumagawa kasi siya ng mga plates niya dito minsan.

"Kailan ang start ng construction?" tanong ko na mangha pa rin habang nakatingin sa perspective ng bagong building ng church na itatayo. Ang ganda!

"Next week." sagot naman niya habang inilalatag ang floor plan doon sa tabi malapit sa table ni Pastora.

"Tumawag si Minelle kanina, Kael. Hindi ka niya mapupuntahan ngayon, may tinatapos daw siya sa office niya. Tumatawag daw siya sa'yo kanina pero hindi ka sumasagot." balita ni Pastora na ngayon ay kinakalikot ang kanyang cellphone. Mabilis namang kinuha ni Kael ang kanyang cellphone sa bag na dala at seryosong kumunot ang noo pagkatapos makita siguro ang iilang missed calls ng kanyang Architect sa project na ito. Arch. Minelle is one of our youths sa church. She's a nice friend to me also.

"Tatawagan ko lang saglit po, Ma. Hindi ko napansin na naka-silent ang phone ko." paalam niya sa amin bago siya lumabas ng office. Bumalik ang atensyon ko sa perspective na nakalatag. Halos kumislap ang mga mata ko sa ganda ng bagong itatayong church. Napakaganda ng bawat detalye. I admire Minelle for this, really. Pero, halos yakapin ko ang katabing structural plan. Ang galing! Napakadetalyado! Napatingin ako sa ibaba ng plate.

Engr. Mikael Sartiga - sabi ng nakalagay.

Balang araw, magkakaroon din ako ng initials na ito. Hindi ba, Lord? Napangiti ako.

"Anong sabi anak?" tanong ni Pastora pagkapasok ulit ni Kael.

"Nagsorry lang po ako Ma. Susubukan niya daw dumaan dito mamaya. Busy daw po, e." sabi niya sa ina bago lumapit ulit sa mga plates.

"Kumusta ang review?" tanong ni Kael sa akin ng makalapit. Mula sa mga plates ay nakangiti pa rin akong tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin.

"Maaga kaming nadismissed today, that's why I'm here." sabi ko at muling tumingin sa mga plates. Humalakhak siya ng mahina dahilan para mapatingin akong muli sa kanya.

"Why?" natatawa ko na ring tanong. Tumingin ako kay Pastora ng humagikgik ito mula sa kanyang upuan. Namula yata ang mga pisngi ko. Masyado yata akong halata na excited ng pumasa at maging isang ganap na Civil Engineer.

"I'm excited for you, Ruah." nangingiting sabi ni Kael. Ngumiti ako ng malapad at ibinalik ang mga mata sa mga plates.

Maraming professionals sa church and hindi ako maiwasang maexcite na balang araw ay magiging isa ako sa kanila. Don't get me wrong. I'm not about the title. I am about the capability and improvement. Alam kong kapag pumasa na ako, mas makakapagexplore ako sa field na pinili ko. And ang mas nakapagpainspire pa sa akin lalo is lahat sila--ang mga CPAs (Certified Public Accountants) namin ay voluntarily nilang hawak ang finance ng church. Ang mga LPTs (Licensed Professional Teachers) namin at mga PhDs (Doctor of Philosophy) ay maliban sa kanilang trabaho ay voluntarily nilang hawak ang Children Ministry namin and ang kanilang mga events like Daily Bible Vacation School every summer and gumagawa ng mga lesson plans. Ang aming mga Doctors and Nurses ay sa mga Medical Mission ng church sa iba't ibang lugar na sinasamahan namin ng Evangelism. We need to proclaim Jesus. This world needs Jesus kaya masipag ang bawat isa at nagtu-tulung-tulong. And ang mga Civil Engineers, Architects and also the Mechanical, Electronics, and Electrical Engineers namin ay voluntary ding tumulong para sa pagpapatayo ng bagong church building. And let us not forget the business owners ng church. Todo suporta sila sa mga gagastusin ng bagong building.

At madami pa. God is blessing them so much that's why they decided to bless every people around them. We are so blessed to bless.

Simula noong umalis ako sa amin ay nagtrabaho ako habang nag-aaral. Mabait ang boss namin dahil maluwag siya sa oras ko. Very supportive din siya. Para na siyang ina sa akin.

Two days before the exam ay sama-sama kami sa church for fellowship and prayer para sa aming mga magt-take ng board exams. Tatlo kaming magt-take this May. Ang daming pagkain na dinala ng iba. Pre-celebration daw! Nagtatawanan ang lahat habang naka-form kami ng malaking circle sa gitnan ng church. Youth na lamang ang natira dahil medyo late na din.

"Madadagdagan na naman ang mga professionals ng church!" maligayang balita ni Gavin, isang Mechanical Engineer. Pumalakpak naman kami. Yes. We are declaring it na! We have victory through Jesus!

"At madadagdagan na naman ang magsesettle down." panunukso ni Minelle, ang Architect na kasama ni Kael sa bagong building ng church. Humagikgik ang ibang youth kaya napaiwas ako ng tingin at napahigpit ang aking hawak sa tasa na nasa kamay ko.

"Ano, Kael?" baling ni Minelle kay Kael. Ngumisi lamang si Kael bago tumingin sa akin. Napainom ako sa kape na hawak ko. Halos masamid naman ako ng magtilian ang mga babaeng youth na kasama namin.

"Silent, children." pagbibiro ni Kael dahilan para humalakhak sila. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil mabilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na bubuksan nila ulit ang topic about sa amin ni Kael.

"Look, guys. Why don't we just close in prayer na? It's getting late. Huwag natin hayaan mapuyat ang mga magbo-board." sabi ni Kael pero dahilan lang iyon para magtilian silang muli!

"Ayaw mo lang mapuyat si Ruah! Dinamay mo pa kami, kuya!" pang-aasar ni Claire na kasabay kong magt-take ng board. Napayuko na lang ako sa hiya. Kinalabit naman ako ni Minelle kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"You will make it." nakangiting sabi niya kaya marahan akong ngumiti.

"In Jesus' name." sabi ko.

Flashback...

"Ang lakas ng loob mo, ano? Kung sino pa ang mga ampon, sila pa malalakas ang loob!" sigaw sa akin Madeline. I thought they like me, I thought tanggap nila 'ko pero...

"Ano bang ginawa ko sa inyo?" naiiyak kong tanong habang hila-hila nila ako at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Inaya nila ako kanina paglabas ng school kahit gabi na. Inabot kami ng gabi dahil tinatapos namin ang research namin. We're graduating ng Senior High School.

Frats. Hindi ko alam na kasali sila sa isa sa mga frats ng school namin. I always wanted to feel that I am belong. Hindi nagkulang ang pagmamahal ng magulang ko sa akin. Mahal na mahal nila ako. Pero, hindi ko maiwasan na maghanap ng kaibigan paglabas ko ng bahay. Noong una ay pinakisamahan nila ako. Pero, simula noong magexcel ako sa school, sa section namin ay naramdaman ko na ang galit nila.

Ganun ba talaga? Kung kailan ka nagsisikap ng wala namang inaapakang ibang tao ay mas dapat kang maghirap? They started bullying me at mas lumala nung malaman nilang ampon ako. Every day of my life was hell.

"Sa palagay mo bagay kayo ni Vince? Gusto mong ipamukha pa sa'yo, e!" nanggigigil na sabi ni Madeline. Tumawa lang ang dalawang kasama niya. Kaming dalawa ni Madeline ang nasa likod at sa harap ang dalawa. Nagd-drive ang isa.

"Madeline, I told him na hindi ko siya gusto! I don't want to be in a relationship dahil mas priority ko ang pag-aaral ko!" naiiyak na sabi ko. Tumawa siya pero there's no humor in it.

"Huwag ka ngang pa-santa!" sabi niya.

"Saan ba natin iiwan 'yan?" tanong ni Kristie, ang nagmamaneho ng sasakyan!

Kinabahan ako ng sobra-sobra.

Pawis na pawis akong napabangon mula sa pagkakauob ko sa itaas ng mesa. Nakatulog ako sa pagrereview. Mabilis ang aking paghinga habang nakatingin ako sa aking maliit na orasan sa table ko. It's 2:18am in the morning. Nakuyom ko ang aking kamay dahil sa sakit na naalala ko.

Tears in my eyes didn't stop falling. Tumingala ako at tumawag sa Kanya na alam kong nakikinig at never akong iniwan.

"Are you ready for tomorrow?" tanong sa akin ni Kael. The night before my exam, he called. Nasa veranda ako, nagpapahangin habang nagbabasa. Napatingin ako sa ibaba at kita ko ang kabusyhan ng mga sasakyan aa ibaba.

"Of course! More than ready." sabi ko dahilan para matawa siya. Ngumisi ako. "Nasaan ka?" tanong ko. Nakakarinig ako ng mga kaluskos ng ballpen sa kabilang linya.

"Sa office pa ni Mama, dito sa church. Tinatapos ko ang ibang detalye ng plano." sabi niya. Napatango ako kahit di naman niya nakikita. "Ganun ba..." sabi ko at napapikit ng medyo lumakas ang hangin.

"Ruah..." tawag niya.

"Hmm?" sagot ko.

"I'm still waiting." sabi niya na nakapagpatigil sa akin.

TO BE CONTINUED...