webnovel

YEXA ROSE: THE SHE DEVIL

Bata pa lang si Yexa ay sinanay na siya ng kanyang ama sa paggamit ng kanyang abilidad. Her father taught her how to kill demons, vampires, wolves, witches and other downwolder who defies the laws of the Conclave. For him, she's only a mere soldier, who follows everything he say. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pagmamahal mula rito kaya naman hindi niya rin alam ang kahulugan ng salitang pag-ibig. Draven Donovan, half vampire and half wolf breed who learned to used dark magic. Itinuring siyang kriminal dahil sa pagpapatakas sa ilang notorious downworlder na matagal nang nakakulong sa Nelis. Ang lugar kung saan itinatapon ang lahat ng mga lumalabag sa batas nila. Pinangunahan ni Yexa ang pagtugis sa lalaki, pinaghandaan niya ang paghuli kay Draven at iharap ito sa Conclave ngunit hindi niya napaghandaan na sa unang pagkikita nila ng binata ay nahulog agad ang loob niya rito. Magawa pa kaya niyang gawin ang misyon niya o talikuran ang lahat at sumama na ng tuluyan sa binata?

DiosameiWP · Fantasy
Not enough ratings
6 Chs

YOUR FIRST MISSION 4

Pagpasok nila sa loob ng training ground ay nagsipag-puwesto na ang apat nilang kasamahan at handa na sa gagawin nilang pagtago ng mga kapangyarihan nila.

"You better make sure na isang abilidad ko lang ang kokopyahin mo or else I'm going to kill you," pagbabanta ni Morgana sa kanya.

"Just make sure to deactivate all of your ability and just keep the disguise ability," paalala naman niya rito.

"Diomedes and Geof are going to go under Morgana's ability while me and Asthrid will be under Yexa's," kapagkuwan ay wika ni Zane na mabilis na tinutulan nina Diomedes at Morgana.

"What? Bro, hindi naman ako papayag dun. I wang to have Yexa's ability too," lukot ang mukhang saad ni Diomedes.

"I'm fine with Geof, but this rascal dog? No! Hindi ba puwedeng magpalit kayong dalawa? Total mas malakas naman ang kapangyarihan ko dahil sa ako ang orihinal na may kakayahang itago ang mga abilidad niyo," pasaring na wika naman ni Morgana.

Nagpanting ang magkabilang tenga ni Yexa sa sinabi ni Morgana, para bang sinasabi nito na mahinang klase ng abilidad ang magagaya niyang kapangyarihan nito. Pero imbes na magsalita ay tumingin siya sa paligid para kumuha ng isang bagay na magpapatunay sa kakayahan niya. Better to prove it in the front of everyone. Ayaw na ayaw niyang minamaliit ang kakayahan niya lalo pa at hindi naman iyon totoo.

Nakita niya ang hawak na espada ni Geof, sa unang tingin parang simple lamang iyon pero kapag ginamitan na ng kapangyarihan ng isang mandirigma ay kaya nitong hiwain kahit ang pinakamataas at konkretong tore.

"Puwede ko bang hiramin ang espada mo?" tanong niya kay Geof.

Tumango naman ang binata at ibinigay ang espada.

"Just be careful, this sword is originally made for a wolf warrior. It's not just a magical sword," paalala nito sa kanya.

"Sure, but can I made another replica of this?" tanong ulit niya habang pinag-aaralan ang espada.

Sa oras na hawakan niya ang isang bagay o ang sinuman ay nagagawa na niyang basahin at isa-isahin ang lakas at kahinaan ng mga iyon. Sa ganoong paraan niya mapapalakas ang mga iyon at mapapahina naman ang kahinaang taglay ng mga iyon.

"Huh?" gulat na wika ni Geof.

Ngunit bago pa man ito makapagsalita ulit ay nakagawa na siya ng replica ng sandata nito. Muli siyang tumingin kay Geof at ngumiti.

"Try it," ani Yexa.

Nagulat man ay nagawa pa ring kunin ni Geof ang espada sa mga kamay ni Yexa, ngunit bago pa man niya mahawakan iyon ay mabilis na hiniwa ni Yexa ang palad niya at saka lang nito ibinigay ang espada.

Naramdaman niya ang kakaibang lakas na nagmumula sa kanyang espada. Kakaiba ang kapangyarihang iyon at hindi niya maipaliwanag kung bakit parang mas lalong lumakas siya habang hawak ang kanyan espada. May parte rin sa kanya ang tila nakita ang imahe ng makapangyarihan at pinakaunang puting lobo.

"This..." walang salitang namutawi sa kanyang bibig dahil sa nag-uumapaw na kapangyarihan sa loob niya at sa espada.

"What happen, Geof?" kunot-noong tanong ni Asthrid.

"I... I don't know," aniya. "I saw the legendary white wolf in my mind and he's giving me his power."

"What the hell?" gulat na saad naman ni Diomedes. "Paano mangyayari iyon gayong walang kahit na sino sa mga lobo ang may alam kung ano talaga ang tunay na nangyari kay Alpha Lucian?"

"Did you guys not know that the spirit of Alpa Lucian is in this sword?" takang tanong ni Yexa sa mga ito.

"How did you know? Sa tagal ko nang ginagamit ang espada na iyan dito sa training room ay hindi ko pa nakita o naramdaman ang ganitong kapangyarihan," ani Geof.

Huminga siya ng malalim. "Well, it was just a lucky coincidence. Hindi ko rin alam sa una pero noong mahawakan ko na ang espada, doon ko na nalamaang nasa loob pala nito ang espiritu ni Alpha Lucian. Nanghihina at humihingi ng tulong na mailipat sa ibang sandata na mas malakas kaysa sa sandatang ito."

"Nang sabihin kong gagawa ako ng replica ng espada agad niyang sinabi sa akin na ilipat siya roon at para magamit ang lakas at kapangyarihan niya kailangan niyang makapasok sa loob ng isang mandirigmang lobo," paliwanag ni Yexa.

"Can you talk to the spirits, too?" manghang tanong ni Diomedes.

Umiling si Yexa.

"I'm not sure, ngayon lang ako naka-encounter ng isang bagay na pinamamahayan ng espirito," sagot niya.

"Paano mo nailipat si Alpha Lucian sa espadang ginawa mo? Wala kaming nakitang kahit na ano nang gawin mo iyon?" tanong naman ni Asthrid na matamang tinitigan ang espadang hawak ni Geof.

"Pumasok siya sa isip ko habang pinag-aaralan ko ang orihinal na espadang gamit ni Geof. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero bigla na lang siyang lumitaw sa isip ko at nakipag-usap," naguguluhan niyang sagot sa babae.

"You mean, you didn't know you have that ability until now? Whoa! That's unbelievable!" ani Diomedes.

"It's not a big deal, huwag mo nang palakihin pa ang ulo ni Yexa. Let's start the process of copying one of my ability," nakaismid na wika ni Morgana na pumuwesto na upang ipakopya sa kanya ang disguise ability nito.

"Thank you," puno ng sensiridad na wika ni Geof sa kanya.

Ngiti at tango lang ang itinugon niya rito bago pumunta sa harap ni Morgana.

Lahat ay nabigla nang bigla siyang sampalin ng malakas ni Morgana at hindi lang iyon isang ordinaryong sampal dahil ginamit nito ang kapangyarihan nito sa pagsampal sa kanya.

Kung hindi lang siya alerto at mabilis kumilos ay malamang na tumalsik na siya at bumagsak ngunit hindi sa lakas ng pagkakasampal nito ay dumugo pa rin ang gilid ng kanyang labi.

"What the hell, Morgana?!" galit na singhal ni Zane na agad dinaluhan si Yexa. Sumunod din sina Asthrid, Diomedes at Geof na pare-parehong matatalim ang matang nakatingin kay Morgana.

"What? Hindi ko kasalanan kung puro satsat lang ang alam niya at mahina pala sa pakikipaglaban. Now I know that you only know how to copy other's ability and don't know how to fight. Weak," nagmamataas na wika ni Morgana.

"Weak? Ha," pagak siyang natawa at pinahid ang gilid bg kanyang labi. "If I were you, babawiin ko ang sinabi ko. You don't know me yet, baka pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin ngayon kapag pinakita ko sa'yo ang lakas ko," nang-uuyam na wika naman niya.

"Oh, yeah? Try me..." nanghahamong wika naman ni Morgana na pumosisyon na para sa inaasahang pag-atake niya.

"Binalaan na kita, kung anuman ang mangyari sa'yo hindi ko na kasalanan iyon," umangat ang sulok ng labi niya at humanda na para sugurin si Morgana.

Ibubuka pa lang ni Zane ang kanyang mga labi para pigilan si Yexa nang magulat na lang na nasa likod na ni Morgana si Yexa at gamit ang matutulis nitong kuko ay nakahanda na nitong hiwain ang leeg ni Morgana na hindi naramdaman ang presensya ni Yexa.

"Yexa, stop!" isang dumadagundong na boses ang pinakawalan ni Zane at gamit ang teleportation niyang abilidad ay nilapitan niya si Morgana at inilayo kay Yexa.

"What the hell are you doing? Are you trying to kill her?!" singhal ni Zane kay Yexa na walang kahit na anong ekspresyon ang mukha at nasa mga mata ang kagustuhang patayin si Morgana.

"She choose to fight with me, that means, she prepares to die," Yexa said in a cold tone.

"You're insane! Papatayin mo ang isang Moonchaser dahil lang sa hinamon ka sa isang laban?!" madilim ang mukhang wika ni Zane.

"Oo!" taas ang noong sagot niya. "Pambabastos ang ginawa niya, baka nakakalimutan mong ako ang head commandress ng Moonchasers. At wala siyang karapatang insultuhin ako ng harapan at saktan!"

Natahimik si Zane, hindi na niya magawa pang magsalita dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya ang tahimik na ring si Morgana, namumutla ito at pinagpapawisan.

"I'm sorry, I didn't meant what I've said." Bumagsak sa sahig si Morgana at nakayukong nagsalita.

"Morgana..." sambit ni Zane na naawa sa kalagayan ni Morgana. Kung kanina ay namumutla lang ito't pinagpapawisan ngayon naman ay nanginginig na ito.

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Asthrid na lumapit na sa kanila.

"The anti... dote," nahihirapang wika naman ni Morgana.

"Antidote?" nakakunot ang noong wika ni Asthrid, kapagkuwan ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. "No way."

"What?" naguguluhang tanong ni Zane na nakatingin kay Asthrid.

"She's poisoined, a deadly one," mahinang wika ni Asthrid.

"Damn it!" galit ba bumaling sa kanya si Zane. "Give me the antidote, Yexa. Please, don't do this."

"Why would I do that?" nakahalukipkip na wika niya.

"For God's sake give me the antidote!" nagmamakaawa nang wika ni Zane. Hindi na maganda ang kalagayan ni Morgana base na rin sa kulay nito.

Pumunta siya sa likod ni Morgana at itinapat sa batok nito ang kanyang palad. Mula sa likod nito ay may lumabas na kasing-liit ng karayom na uod. Sa umpisa ay hindi agad ito mapapansin dahil sa liit nito, isama pang kakulay lang ito ng balat ng tao.

Nang makuha iyon ni Yexa ay agad naglaho ang uod at saka lang bumalik ang kulay ni Morgana.