webnovel

Yearbook

Sampung tauhan, may sampung lihim Sampung tauhan, may kanya-kanyang nakaraan Sampung tauhan, isa-isang mawawala Sampung tauhan, konektado sa bawat isa *Ang Cameraman *Ang Writer *Ang Bestfriend *Ang Sister *Ang Model *Ang Scholar *Ang Youtuber *Ang Groom *Ang Bride *Ang Brother Sino sa kanila ang tunay na may sala? Sino sa kanila ang handang sumugal para sa Stranger's Challenge?

jackietejero · Horror
Not enough ratings
5 Chs

Aimee (Part 3)

Part Three

 

 

"KUNG PLANO N'YO ULIT NA I-PRANK KAMING DALAWA NI AIMEE, PLEASE LANG HUWAG NGAYON!" may pagkainis na banta ni Nikki.

 

Hindi naman lingid sa aming kaalaman ang pagiging famous ng grupong kinabibilangan nila John, Madz, Rex, Ike, at Christine. Mahilig ang grupong ito na mag-prank ng kapwa istudyante nila, pagkatapos ay ipopost ng mga ito sa isang sikat na website. Kabilang kami ni Nikki sa madalas na nagiging biktima ng mga kalokohan nila. Kaya hindi ko rin masisi ang kaibigan ko kung bakit ito nagbitaw ng ganoong salita.

 

"Hindi kami lumapit para mag-prank!" depensa ni Rex na siyang tumatayong leader ng grupo, "We're here para imbitahan kayo sa aming Halloween Party tonight!"

 

Pagkasabing iyon ni Rex ay may inabot na flyers si Ike sa amin.

 

"Magse-celebrate kami ng first anniversary ng Channel namin. And thanks giving na rin ito dahil umabot na kami ng one million subscribers!" excited pa ring sabi ni Rex habang nakaakbay pa ito sa maala-modelo nitong girlfriend na si Christine.

 

"Sa abandunadong bahay ito malapit sa kapitolyo, ah!" sabi ko nang mabasa ko ang address kung saan gaganapin ang naturang Halloween Party, "Diba, private property iyon? Buti pinayagan kayo 'dun?"

 

"Actually," tumikhim ang morenong si Ike, "Nakakuha na kami ng permit sa owner ng bahay!"

 

"Oh?" react na lang ni Nikki.

 

Hindi naman na ako kumibo. Nakalimutan kong mga maimpluwesyang pamilya pala ang pinanggalingan ng mga ito. Kaya madali na lang sa mga ito na gawan ng paraan ang mga bagay na trip nila.

 

"Don't worry free entrance naman, eh!" maarteng sabi ni Christine, at pumilintik pa ang mga daliri nito sa kamay kaya hindi na rin nawala sa aming paningin ang makulay nitong mga kuko, "Wala kayong babayaran!" dagdag pa nito.

 

Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Nikki.

 

"Siguraduhin n'yong walang prank na magaganap dito ah!" paniniguradong saad ng bestfriend ko, at kay Madz pa talaga ito mariin na nakatingin.

 

"Promise! Walang prank! Magpa-party lang!" nagtaas pa ng kamay ang binata na parang lubos na nangangako kay Nikki.

 

"Okay, sige…" pagpayag na ni Nikki na siyang kinagulat ko, "…Pupunta kami ni Aimee!"

 

"Wai—"

 

"Nice!" tuwa ni Rex.

 

Wala na akong nagawa pa nang tanggapin ni Nikki ang imbitasyon ng grupo nila Rex. Kaya kahit ayaw ko ay nagawa ko na ring sumama sa mga ito. Saka wala na rin naman akong nakikitang masama kung pansamantalang kalimutan ko ang problema ko. At saka minsan ko lang ding i-enjoy ang College life ko, diba?

 

First time kong umattend sa ganitong party kaya medyo naiilang pa ako. Pero pagdating namin ni Nikki sa venue ay kaagad na kaming inintertain nila Rex at Christine. Hindi naman gaanong nakakatakot ang place kahit pa kilala itong hunted mansion sa aming lugar. O dahil lang siguro sadyang masaya ang buong paligid dahil sa malalakas na tugtugin.

 

Maingay.

 

Magulo.

 

Ang lahat ay nagkakasiyahan.

 

Hindi rin naman pala ganoon kahirap pakisamahan ang grupo nila Rex. Habang tumatagal ay nagagawa ko na ring maki-ride sa mga trip nila.

 

"Hey, Aimee!" ani Rex, "Gusto mo ba ng challenge?"

 

Gulat akong napatingin sa kanya.

 

"Straight mo nga itong inumin!" may paghahamon na nilapag ni Rex ang isang bote ng beer sa gitna ng table namin.

 

Nag-aalinlangan pa akong tumingin kay Nikki, pero hindi rin nagtagal ay dinampot ko rin ang naturang boteng iyon. Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila nang simulan kong tunggain ito. Kahit first time kong uminom ay hindi naman ako nagpatalo sa kanila. Ayoko rin talagang lumabas na killjoy sa harapan nila ganoong kitang-kita kong nagkakasayahan ang lahat.

 

Hindi na rin nawala sa paningin ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni John. Parang binabantayan nito ang bawat kilos ko. At napapansin ko na rin ang paniningkit ng kanyang mga mata sa tuwing lalagok ako ng alak.

 

 "Cheers! Cheers!" paanyayang sabi ni Ike habang may hawak nitong isang bote ng beer.

 

"Cheers!" sagot naman ng lahat.

 

Sa muling pagkakataon ay muli kong tinungga ang isang bote ng beer na para lang akong umiinom ng softdrink. Nang maubos ko iyon ay pahamon ulit akong inalok ni Ike. Hindi naman ako tumanggi, tinanggap ko ang kanyang hamon kahit na pakiramdam ko ay lumulutang na ako sa alapaap sa mga sandaling iyon. Habang lumilipas ang oras ay halos hindi ko na mabilang sa daliri ko kung nakailang bote na ba ako.

 

"Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong sa akin ng isang babae. Hindi ko na maaninagan kung sino ba kina Christine o Nikki ang nagtanong sa akin dahil para na ring nanlalabo na ang paningin ko.       

 

"Oo naman!" natatawang sabi ko sa kanya, at nagawa ko pang pisilin ang mamula-mula niyang pisngi.

 

"Tara, sayaw tayo!" sabay hila niya sa akin sa gitna ng dance floor.

 

Nakipagsayaw naman ako sa kanya kasama ang ilan naming schoolmate na inimbitahan nila Rex para sa party na ito. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasayaw nang may kung sinong bumulong sa tenga ko.

 

"Hey, Aimee…" anang boses.

 

Dahil sa lakas ng musika sa buong paligid ay hindi ko rin ito nabosesan kung isa ba itong babae o isang lalaki? Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin kung sino ang bumulong sa akin.

 

"…Do you want another challenge?" mapanghamon nitong sabi, "Kaya mo bang kalimutan si Jim ngayong gabi? At magpakasaya sa piling ng ibang lalaki?"

 

"Sino ka?" tanong ko sabay lingon. Pero sa dami ng tao na naroroon ay hindi ko malaman kung sino sa mga ito ang bumubulong sa akin. Sinuyod ng paningin ko ang mga tao sa paligid ko kahit na pakiramdam ko ay umiikot na ang buo kong paligid.  Ilang saglit pa ay biglang lumitaw sa harapan ko si John, at mabilis niya akong hinala pabalik sa table namin.

 

"Tama na!" awat ni John, "Lasing ka na!"

 

"No-no-no!" nanghihina kong palag sa kanya, "H-hinde…pa! Hinde pa a-ako…Hik! Laseng!"

               

"Cheers!" muling nagtaas ng bote si Madz.

               

"Cheers!" kumuha ulit ako ng isang bote ng beer sabay ang pagtungga.

 

"Andami mo nang nainom!" Saway ulit ni John, at nagawa pa nitong kunin ang boteng hawak ko.

 

Dahil sa ginawa ng binata sa akin ay nagsimula namang maghiyawan ang mga kaibigan nito. Halos sinakop ng pangangantiyaw kay John ang buong paligid.  Binansagan pa itong 'Killjoy'.  

               

"Look," nagkakaduling-duling na ang mga mata ko nang harapin ko siya, "Hindi porquet anak ka ng amo ko, ikaw na ang masusunod. Wala tayo sa teritoryo n'yo, Mr. Ramos! At mas matanda pa rin ako sa'yo ng isang taon. Kaya ako ang dapat na sundin mo ngayon! O-okay?"

               

Muling umugong ang hiyawan sa buong paligid. Halos malakas pa iyon sa sound system. Hindi na rin nakawala sa paningin ko ang pamumula ng mukha ni John. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga sinabi ko, o dahil sa espiritu ng alak. At dahil sa pagiging over-protective niya sa akin, hindi ko tuloy maiwasan na makita ang imahen ni Jim sa pagmumukha niya kaya lalo lang akong nakakaramdam ng pagkalungkot at pagkainis.

 

"Sayawan mo kaya, Aimee! Sayawan mo!" kantiyaw naman ni Christine, "Huwag kang magpapatalo sa kanya!"

               

"Sayaw, Aimee! Sayaw!" segunda na ni Madz sabay ang paglabas ng phone nito.

               

Itutuloy....

----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥----------

AUTHOR'S NOTE:

Please, LIKE, SHARE and Follow Me!!!

INSTAGRAM: @jackietejerostories

YOUTUBE: @jackietejero

BOOKLAT: @jackietejero

WATTPAD: @jackie_tejero

----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥----------

DATE PUBLISHED: April 8, 2020