1 PROLOGUE

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa bahay. Lumingon ako ng kaunti.

Takte! Kanina pa niya ako sinusundaaaannn!

Huminto ako sa harap ng gate namin. Hinarap ko na siya. Nabigla siya ng kaunti at ngumiti na lang sa akin.

"Excuse me, naliligaw ka ba or what?" Tanong ko.

"Ughh..dito ba bahay mo?" Tanong niya pabalik.

"Oo" Casual kong sagot. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Nandyan ba yung mga magulang mo?"

Shet! May pinagkakautangan ba sila mama?! Baka naman maniningil 'to ng bayad sa utang!

"Wala sil—"

"Anak nandyan ka na pala!" Sigaw ni mama habang palabas ng pinto.

"Oh 'nak! Sino 'yang kasama mo?" Tanong naman ni papa habang naglalakad palapit sa gate namin.

Biglang hinawakan ng lalaking kausap ko 'yong kamay ko. Hindi lang basta hawak eh, naka-intertwined!

Ako naman nataranta! Pilit kong kinakalag yung pagkakahawak niya sa akin pero lalo lang niyang hinigpitan!

"H-hoy! Ano bang problema mo?" Sabi ko.

Tiningnan niya lang yung kamay naming magkahawak saka ngumiti siya sa akin. Pagkatapos nun ay lumingon siya kila mama at papa.

"Hello po! Boyfriend niya po ako!" Tuwang-tuwa niya pang sabi habang winawagay-way niya yung kamay naming dalawa sa ere.

TEKA---!!!

Anong sabi niya?!!

Nanlaki ang mga mata ko ng mag-replay sa utak ko yung huli niyang sinabi.

WALANJO!!!

"H-hoy!! Anong boyfriend?!! Ni hindi nga kita kilala eh!!"

"Hon, wag mo naman na akong i-deny sa harap ng parents mo" Nang-aasar niyang sabi.

What the?!!

"Kung wala kang matinong magawa sa buhay mo, wag ako ang guluhin m—"

"Anak, sige na. Pumasok na kayo dito ng boyfriend mo!" Nakangiting sabi ni mama.

Pati si PAPA!! NAKANGITI!!

Waaaahhh!! Ano ba naman!

avataravatar
Next chapter