1 -/PROLOGUE/-

Sabi nila masayang magkaroon ng mala fairytale na buhay

Yung tipong, ikaw yung prinsesang nakatira sa isang napakagandang palasyo

Na may mga naggagandahang mga damit at nag kikintabang mga sasakyan

Ikaw rin yung prinsesang kinaiinggitan at the same time kinaiinisan ng karamihan, dahil halos lahat ikaw ang gusto

At higit sa lahat...

Ikaw yung prinsesang pinag aagawan at inililigtas ng mga magigiting na prinsepe sa oras na manganib ka

Pero syempre, hindi lahat nabibigyan ng tsansang maranasan ang perpektong buhay na ito

Kakailanganin mo pang libutin ang buong solar system

Inumin lahat ng tubig sa dead sea

Hanapin ang ka identical ng utak mo

At syempre, napakaraming dasal para matupad ang hiling mong napaka imposibleng mangyari

Dahil walang prinsepe na pag aagawan ka, dahil first of all di ka naman pretty

Wala ring prinsepeng ililigtas ka sa oras na manganib ka, dahil baka pag nakidnap ka, purihin pa nila ang kumidnap sayo

At para makakita ng totoong prinsepe,kakailanganin mo pang magpunta sa ibang bansa makita lang ang mga kamag anakan ni Queen Elizabeth na di pa sigurado kung magugustuhan ka

Pero kung ako ang mabibigyan ng tsansang maranasan ang buhay na to

Buong puso ko itong tatanggihan

Hindi naman kasi lahat ng babae pinangarap maging prinsesa

Ang buhay mala prinsesa ay di ko pinangarap

At ang pagkakaroon ng prinsepe ay di pumasok sa kokote ko

Simple lang naman ang pangarap ko eh

Masaya't kompletong pamilya na may kakayahang punan ang pangangailangan ng isa't isa

A normal life will do

A normal family will do

Marahil tingin ng iba, nang magpaulan ng swerte si God, sinalo ko lahat dahil naging myembro ako ng pamilyang tinitingala nila

Pamilyang kayang ibigay lahat sayo, at may bonus pang 'danger'

Nasa kanila na lahat, talino, itsura, kayamanan,karangyaan

Sa madaling salita, pamilya sila ng mga perpektong tao

Pero para mapabilang sa kanila, kakailanganin mo ding maging gaya nila, perfect

Oo nga't ang lahat nang di ko makuha noon ay nasa akin na ngayon

Ang lalaking kinababaliwan nila ay nasa tabi ko na ngayon

Ang buhay na ito ay di ko hinangad at ang mapabilang sa kanila ay di ko hiniling

Pero may isang bagay akong di pinagsisishan

At yun ay mapalapit sa pamilya ng mga perpektong tao, sa pamilya ng mga demonyo

End of the world na ba to para sakin?

Hindi dahil nag uumpisa palang ang lahat

avataravatar
Next chapter