1 Snatcher

Nanunuot ang lamig sa katawan ni Karissa dahilan para ibalot niya ang katawan ng comforter. Her body is aching.

Sa kanan, kaliwa, likod at harap na para bang nakipag-sagupaan siya sa laban. Naramdaman nalang niya na may mainit na balat ang dumikit sa kanya.

Biglang nanlaki ang mata niya at inikot ang paningin sa buong kwarto.

'Wait! Nasaan ako?!'

Tiningnan niya ang sariling katawan. Kaya pala siya nilalamig ay dahil sa wala siyang suot ni isa.

Pinihit niya ang sarili dahil may kung ano siyang naramdaman na bahagyang pagkilos sa likuran niya. Dahan-dahan lang, dahan-dahan lang, na parang kanta ni Maja Salvador.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang lalaking estranghero.

"Ahhhhhhhh!!!" tili niya. Agad siyang bumalikwas ng bangon.

Nagising din naman ito dahil sa tili niya.

"So annoying!" Sabi nito habang hawak ang noo na sumasakit.

"Y-y-you! Who are you?" Sabi niya na gumilid sa pinakasulok at kinuha ang lahat ng comforter sa kama para ipantakip sa sariling katawan.

Kinapa-kapa niya ang sarili. Nakipag-kemehan ba siya kay Kuya? Biglang naiyak si Karissa.

"Stop crying!" Singhal nito. Kinuha ang mga damit na nasa lapag, tumayo mula sa kama at nagsimulang magbihis. Nakayuko lang si Karissa habang ginagawa nito iyon.

"Paano naman kasi kuya.. berjen pa me.. bakit ang salbahe mo?! Huhuhu"

Sa sobrang inis ng lalaki, hindi na siya nito kinausap pa. Lumabas ito ng kwarto at hindi na siya nilingon pa.

Naiwan si Karissa na natulala. That damned guy! Ang kapal ng muks na bigla na lang lumayas! Pogi pero Snatcher ! Na-snatched ng bonggels ang pagkababae niya.

Inuntog ni Karissa ang ulo sa unan, gusto niya sana sa pader pero masakit kasi 'pag doon, kaya sa unan na lang.

Inaalala niya ang naganap nang nagdaang gabi. Uminom siya ng sobra dahil sa sobrang sakit din. Nakipaghiwalay kasi siya sa kanyang Boypren na member ng banda.

Vocalist ng 'Up Down Left Right Band' ang siraulo niyang boyfriend na hiniwalayan niya na ng tuluyan.

Pa'no ba naman kasi, may boyfriend siya na may girlfriend pa na iba. Saklap besh.

Ang sabi sa kanya ng damuho niyang boyfriend na vocalist ng Up Down Left Right Band, hindi nito maiwan ang girlfriend nito dahil laging nagbabanta na magpapakamatay.

Ang hindi niya matanggap ay nang nagkita sila nang nagdaang araw at ni hindi man lang siya pinansin. Para siyang hangin na dinaanan lang nito sa coffee shop kasama ang nobya nito. Magkahawak kamay pa ang dalawa na nag-ngingitian.

Para siyang sinampal ng harap harapan.

'It hurts, you know?!'

'...Ayoko sana… na ikaw ay mawawala… mawawasak lamang ang aking mun..doo… oh oh…'

Lumuluha siya ng maisip ang kanta ng Aegis, bagay sa kasalukuyan niyang feylings with 'Y'.

Gusto niya sana na mag-emote sa pader eh, yung pa-slow-mo na nakatayo habang unti unting napapaupo kaya lang tinatamad siya. Bukas na lang! Masarap na ang higa niya sa kama eh.

'Teka, Bakit may tumutunog?'

Noon niya lang na-alala na iyon nga pala ang ringtone na naka-set sa cellphone niya.

avataravatar
Next chapter