webnovel

Work Of Fiction

I thought only names, places, and events can only be a fiction. But when I met a poem writer, I just realized that love can be also a fiction. I'm a novelist who loves tragic ending. He's a poem writer who loves to write romantic words. Both of us are a writer. Our pen will suddenly meet as it lead us to a love story. That even reality will turn to an imagination. And our love story will suddenly be just a WORK OF FICTION.

Ichieesera · Fantasy
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 4: Set Sail

Chapter 4: Set Sail

Matapos ang araw na iyon ay hindi na siya mawala-wala sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano at bakit? Maybe because of his last words that made my heart pound? No, it won't be. It's too imposible.

Ilang beses na ako nakapunit ng papel ngunit blanko pa rin ang aking isipan. Walang pumapasok sa aking isipan kundi ang nangyari kahapon. Why should I trust that guy? Bakit unti-unti akong napapalapit sa lalaking 'yon? Iyon pa naman ang kahinaan ko na hindi nalalaman ng kung nino man. Even my friend, Adam, doesn't know my weakness. It's because I'm afraid if they will suddenly do it. Natatakot ako na iwan nila. At iyon ang kahinaan ko.

Kaya iwas din ako sa iba dahil ayaw ko mapalapit sa kanila at baka sa huli ay iwan nila ako. Hindi ko gustong naiiwan na walang dahilan at hindi na babalik pa. That's also one of the reason why my heart is cold-hearted.

"My daughter is out of ink, huh?" My mother suddenly appeared out of nowhere. Nasapo ko na lamang ang aking noo at yumuko sa mesa habang mahinang pinag-uuntog ang ulo ko. It's my signature when I'm out of idea.

"Don't force yourself, hija" humugot na lamang ako ng malalim na hininga saka kinapa ang ballpen ko hanggang sa makuha ko ito. Bagaman nakalapat ang mukha ko sa mesa ay itinaas ko ang kamay ko na may hawak na ballpen.

"Can't you see that I am lifting my pen? I want to write, mama" nawawalan kong gana. Ever since I entered my writing journey, my mother always supports me and also my father who's in abroad. Kaya kami muna ngayon ni mama ang magkasama.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo na makagawa ng storya kung hindi naman kaya ng utak mo. Hayaan mong pumasok ang ideya sa utak mo. Kapag pinilit mo ay maganda ang kalalabasan, ngunit kung hahayaan mo ay mas maganda ang magiging daloy nito. Bakit hindi ka muna magpahinga? Gawin mo muna ang gusto mo" suhestyon ni mama. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka napabuntong-hiningang tumango na lamang.

Napagtanto ko na tama naman si mama. Kapag nagsusulat ay dapat hindi pinipilit ang isang bagay upang hindi ito maging magulo. Once you force yourself in writing there's a chance that your story will turn to mess o magulo lamang ang flow nito.

Take a rest.

Let your mind sail as it gathers ideas.

Peace is all we need in writing.

Malapad na ngumiti ako kay mama saka inilapat ang dalawa kong kamay. I act like a kid when I'm with my mom. Nilalabas ko ang tunay kong ugali sa kaniya. Pero kapag kaharap ko ang iba ay seryosong tao ako. I'm always not in a mood o kung mayroon man ay siguro ay tama lang? Depende naman sa nakikita at napapansin nila.

"Can I go fishing? With you, please?" Tila bata kong tanong. She smiled sweetly and then shooked her head. Napanguso naman ako sa kaniya.

"Please, mama" pagmamakaawa ko sa kaniya. Ramdam ko na gusto niyang sumama sa akin dahil iyon ang paborito naming libangan.

"Hindi ako pwede ngayon. Sumasakit ang tagiliran ko, e" nag-aalalang napatingin ako kay mama. Lagi niyang sinasabi ang tungkol sa kaniyang tagiliran. Minsan ay sumasakit ito at namamaga.

Kinakabahan ako kapag sinasabi niya iyon. Naalala ko ang araw na lumala ang sakit ng tagiliran ni mama. It was midnight when she moaned because of it and then she woke me up. I was 14 years old that time. Mahimbing ang tulog ko ngunit kapag nararamdaman kong may humawak lamang sa akin ay nagigising agad ako.

That moment when I saw my mother's teary eyes made me panicked while my tears back then can't stop to fall. Panay lang ang iyak ko noon at pumunta pa ako sa kapit-bahay namin upang humingi ng tulong. I was hopeless that time and desperate. Kahit natutulog na ang kapit-bahay ko ay ginising ko sila.

I was the one who brought her in a hospital. Ako lang ang kasama niya habang nasa tricycle kami. Wala akong pinalipas na minutong hindi siya tinatanong kung ano ang nararamdaman niya. I even called my father who was at work.

By that time, lagi na akong kinakabahan kapag sumasakit ang tagiliran ni mama. Ayaw kong maulit ulit ang nangyari noon lalo na ang sigaw niya na nahihirapan na siya.

Hindi ko rin napigilang umiyak lalo na nang may sinugod na sanggol sa hospital at nagparaya pa si mama ng higaan. I even touched the hand of the baby who's now in heaven. It was dead on arrival based on the doctor.

"Magpahinga ka muna, mama. Ako ang magmamasahe sa 'yo mamaya" ngumiti ako sa kaniya nang sinsero upang doon itago ang kabang nararamdaman ko.

"I will but you should rest too. Set sail on a pond near here. Huwag ka lang magtatagal, ok?" Tumangi ako at lumapit sa kaniya saka hinalikan ang kaniyang noo. Mothers knows best that's why I always follow her suggestions and advise.

Bago siya umalis sa kwarto ko ay tinapunan niya muna ng tingin ang desk ko. Napalingon ako roon at napapahiyang tumgin sa kaniya.

"I will clean it later" tugon ko sa kaniya. Ayaw talaga ni mama ng makalat. Gano'n din naman ako ngunit nakalimutan ko na may kalat pala ako.

"I know you will" aniya bago umalis at sinara ang pinto ko.

Huminga ako nang maluwag at pabagsak na humiga sa aking kama. Lumapad ang ngiti sa aking labi nang makita ang langit sa kisame.

The blue sky I always dream to touch and reach.

Ako mismo ang nagpinta sa sarili kong kwarto ng asul. Naalala ko pa no'ng nag-away pa kami ni mama sa kulay ng aking kwarto. She wants pink color for me and she always buy hello kitty merchandise for me. Tinatanggap ko naman iyon because it came for her. Pero minsan ay hindi ko maiwasang mainis.

She knows my favorite color but she really wants pink for me. Sumasakit ang mata ko sa pink. Ni isa ay wala akong pink na gamit. Mabuti at tanggap na rin ni mama ang paborito kong kulay.

Kahit may hidwaan kami minsan ay mahal ko pa rin siya. Hindi ko iyon pinapakita kundi pinaparamdam ko iyon. Just like a writer used to, show don't tell. That should be it.

PUMUNTA ako sa malapit na pond dito sa lugar namin. Malawak dito at tahimik. Ito rin ang paborito kong lugar. Lagi ako rito nangingisda. Pero hindi ko kinakain ang nakukuha ko. Gusto kong makakuha ng gold fish dahil sabi nila ay swerte raw kapag nakakuha no'n. Sa tanang buhay ko ay hindi pa rin ako nakakakuha ng gold fish. That's why I keep sailing on this peaceful pond just to catch a golden fish.

Nagsimula na ako magsagwan nang mag-isa. Sobrang tahimik ng paligid at tanging ihip ng hangin at mahinang ragasa ng tubig ang naririnig ko. May iilang huni rin ng ibon na tila musika ang nagbibigay payapa pa sa lugar na ito. Nang makaabot ako sa gitnang parte ay saka ko kinuha ang pangbingwit ko ng isda at nagsimulang manghuli.

Panay lang ang pagsipol ko habang hinihintay na makabingwit ng isda. Kapag ginagawa ko ito ay natututunan ko na magkaroon ng mahabang pasensya.

Mabuti na lang din at hindi masyadong matirik ang araw.

"Mahilig ka pa lang maglayag, binibini" napaigtad ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Halos mahulog pa ako sa bangkang sakay ko dahil sa paggewang-gewang nito. Napahawak ako sa aking dibdib at agad na umayos ng postura.

Kunot noong lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Seriously? Kailangan mo bang gulatin ako?" Napataas ang boses ko at winisikan siya ng tubig. Umiwas naman ito at natatawang umiling.

Oh I hate his laugh!

"Pasensya na, binibini" pinandilatan ko lamang siya saka bumaling muli sa ginagawa ko.

"Mahilig ka sa pangingisda, binibini?" Hindi ko lamang siya pinansin at itinutok ko lamang ang aking sarili sa pangingisda.

"Sabi n—"

"Tumahimik ka, puwede ba? Gusto ng isda sa tahimik" iritado kong usal. Narinig ko ang mahina niyang tawa. Mas lalo lamang ako narindi sa kaniyang ginawa.

"Hindi lalapit sa 'yo ang isda kung masungit ka. Ayaw ng isda sa masungit" aniya. Pinang-ikutan ko na lamang siya ng mata kahit hindi niya nakikita dahil nakatalikod ako sa kaniya.

"They can't see our face since they're in the water. It's blurry when you open your eyes under the water" asik ko saka nagpatuloy lamang sa ginawa. Ngayon ko lang din naramdaman ang inip sa kahihintay.

Napasinghal na lamang ako at inis na inilapag ang pangbingwit sa bangka. Kinuha ko na lamang ang pangsagwan at akmang aalis na ngunit pinigilan ako ni Kenzo.

"You won't get what you want if you'll turn back. Why don't you try again until you get it, binibini?" Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

Marahas na inilapag ko rin ang balsa sa loob ng bangak saka inis na tumingin sa kaniya.

"So you can talk English, huh? Why don't try to talk like that sometimes or once in a while? I can understand tagalog but in your state," tiningnan ko ang kabuuan niya at halos mapaismid ako nang makita ang kakisigan niya sa suot niyang kulay white na sando. "Y-You're too high for me to reach." Hindi ako makapaniwala sa salitang lumabas sa aking bibig. Nanlaki ang mata ko at tumungo na lamang upang hindi niya makita o mabasa ang reaksyon ko. Damn it!

"Inaabot mo ba ako, binibini?" Bagaman biro niya lamang iyon ay matindi ang dulot no'n sa sistema ko. "Wala naman sa estado ang lenggwaheng iyong nais. Tayo ay Pilipino, 'di ba? Bakit hindi natin tangkilikin ang sariling wika kaysa sa salitang banyaga na siyang umalis ng kapayapaan sa atin noon pa man?" Nakagat ko ang aking labi dahil sa pagkakataong iyon ay may punto siya.

Nag-angat ako ng tingin at sakto pagsulyap ko sa kaniya ay nagtama ang aming mata dahilan para magitla ako.

"At isa pa, baka mali ang masabi ko. Nakakahiya para sa binibining katulad mo" pag-amin nito. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang tenga dahilan para magtaka ako.

Umiling na lamang ako saka ngumiti nang marahan sa kaniya. Maaari ko naman iyon gawin kahit naiinis ako sa kaniya.

"Nahihiya? Bakit ka naman mahihiya sa akin? Huwag kang mag-aalala. Hindi kita huhusguhan gaya ng iyong inaakala" mahinang natawa na lamang ako dahil pakiramdam ko ay naging isa akong makata sa sinabi ko.

Napakamot ito sa kaniyang batok sabay tingin sa akin nang masinsinan.

"Sino ba naman ang hindi mahihiya sa isang pambihirang binibining gaya mo?" Kunwareng tanong nito. Napaisip naman ako saka itinuro siya.

"Ikaw, malamang" tumawa ako na sinabayan niya ngunit natigilan ako nang makita ang matagal ko ng hinahanap na isda. Agad na kinuha ko ang pangbingwit ko at nagsimulang maghintay na kunin iyon. Tila isa akong desperada para lang sa isda. Hindi na rin mawala ang ngiti sa aking labi.

"Lalapit na ang—"

"Shh!" Suway ko kay Kenzo na pinapatahimik ito ngunit imbes na mangunot ang noo ko ay napapangiti na lamang ako.

Gano'n na lamang katindi ang ligaya ko nang makuha iyon. Agad ko iyong iniangat at sobrang lapad na ng ngiti sa mukha ko nang mahawakan ang golden fish at inilagay sa fish bowl na dala ko.

Nakahinga ako nang maluwag at pabagsak na napahiga ako sa bangka na gumewang-gewang pa ngunit hindi ko na iyon inalintana. Hinawaka kong unan ang aking braso habang nakatingala sa langit na may makakapal na ulap at tila may binubong imahe ng bangka.

"Sa wakas ay nakuha ko na rin ang nais kong isda" wala sa sarili kong usal at itinaas ang kamay ko na tila inaabot ko nanaman ang kalangitan.

"Golden fish? Maswerte ka kung ganoon" aniya. Sumang-ayon naman ako sa kaniya at ipinikit ang aking mata. Tila ilang oras ang itinagal ko para lang sa isang mahalagang isda.

Kapag gusto mo talaga ang bagay ay matututunan mong maghintay nang hindi inaalintana ang oras o tagal.

"Sabi nila ay swerte ka sa pag-ibig kapag nakuha mo iyan" saad niya. Napataas naman ang kilay ko bagaman nakapikit pa rin ako.

"Hindi pag-ibig ang nais ko" mahinang singhal ko at mahinang sumipol.

"Dahil ang pag-ibig ang may nais sa 'yo" natigilan ako sa kaniyang sinabi ngunit iwinakli ko na lamang iyon sa aking isipan.

"Psh" mahina kong usal.

"Kung sino ang kasama mo o nakita mo nang kunin mo ang isdang iyan ay siya ang makakatuluyan mo" napangiwi naman ako sa kaniyang sinabi.

"Hindi mo naman ako pinaglalaruan, 'di ba?" Sarkastiko kong tanong at nanahimik na lamang saka mahimbing na nanatiling nakapikit pa rin ang mata.

Ramdam ko rin ang paggewang ng bangka na marahil ay umalis na siya. Mabuti na rin iyon upang walang sagabal sa akin.

Ngunit napamulat ako ng mata nang pansin ko ang biglang pagdilim. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin habang nakahawak siya sa gilid ng bangka.

Halos mawalan na ako ng hininga sa lapit ng aming mukha lalo na nang maramdaman ko nanaman sa ikatlong pagkakataon ang pakiramdam na minsan sa buhay ko ay ayaw kong maranasan.

"Tingnan mo ako, binibini, at ngayon mo husgahan ang tadhana."

____

Ichieesera