webnovel

Work Of Fiction

I thought only names, places, and events can only be a fiction. But when I met a poem writer, I just realized that love can be also a fiction. I'm a novelist who loves tragic ending. He's a poem writer who loves to write romantic words. Both of us are a writer. Our pen will suddenly meet as it lead us to a love story. That even reality will turn to an imagination. And our love story will suddenly be just a WORK OF FICTION.

Ichieesera · Fantasy
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 1: Stella

Chapter 1: Stella

Chapter 1: Stella

People might tell us some stories that are fiction or products of an author's imagination. Well, not all story is a fiction. Some are non-fiction who's been take down in a note.

"Hey, Yve! What are you writing?" Biglang dumating ang kaibigan kong si Adam. Nagsusulat ako ngayon through typing on laptop. Nasa coffee shop din ako ngayon. Mas nakakapag-isip kasi ako kapag dito ako nakakapagsulat.

Well, writers have their own cup of tea. Iba't iba ang gusto naming mga lugar kung saan kami makakapag-isip nang maayos. Writing is not easy. It takes an hour to finish a chapter or a story. Mahirap bumuo ng plot. Tila isa kang construction worker na binubuo mag-isa ang isang bagay at marami ang gagamit.

I genuinely smiled at Adam who's now sitting infront of me. He's my number one supporter as a writer. It's been four years since I entered this writing journey. And it changed my whole life.

"Another tragic story, huh?" I chuckled. He really knows my genre. I love tragic ending. Not because I want to kill a character or broke its heart. I love tragic genre because it's more in reality, more lessons and I believe that every story will end in tragedy.

Even life is a tragedy. There's no such things like happy endings. Dahil sa buhay ay hahantong tayo sa masalimuot na wakas.

Napatingin ako kay Adam, he's my friend since childhood days. Actually, he's a gay at tanggap ko 'yon. No words can explain how much I'm lucky to have him. Naalala ko pa kung paano niya ako iniligtas sa mga bullies noon. He's my knight but his heart is a princess.

"May I know the title?" He asked. Umiling-iling ako at muling napatingin sa laptop.

"It's on-going. Gusto ko ay isang bagsakan na lang kapag napublish ko 'to. And I'm not still sure about the novel since I'm a pantser. I'll just go with the flow" patawa-tawa kong sambit.

"Hays. I'll just wait for the update, author. But you know what, you should do outlines para hindi ka malito sa takbo ng story mo. Pero you're a great writer kayang kering-keri mo iyan" suhestiyon niya. Napataas naman ang kilay ko at nagkibit-balikat na lamang.

I tried doing an outline. Pero nagulo lamang ako. Weird but I'm way different to other writers. Lahat naman kami ay may pinagkaiba at gusto.

Ako kasi ay basta alam ko na ang plot, beginning at ending ay bahala na ako sa flow ng gitnang parte. As long as I know the plot, hindi ako magugulo. Basta tugma lang ang dapat scenes at hindi mawawala sa flow ng story. Once na mawala iyon ay magugulo ang story.

"And about the title. . . wala pa akong naiisip. Pero sasabihin ko agad sa 'yo kapag nagkaroon na" agad naman siyang tumango at ngumiti nang kay lapad. Siya ang una kong sinasabihan sa lahat ng bagay tungkol sa pagsusulat.

"I will wait for that, Yve. Sanay naman akong maghintay" and there he goes with his banat. I rolled my eyes after I packed my things.

Natawa na lamang ito sa naging reaksyon ko kaya nakisabay na lang din ako.

"You know what, people can wait. Patience is all we need. Don't be too desperate in love, Adam" direktang saad ko na nagpanguso sa kaniya. Pinandilatan niya lang ako ng mata saka humalukipkip na isinandal ang likod sa upuan.

"Psh! Bitter naman ang lola. Sinasabi ko sa 'yo na kapag nakahanap ako ng lalaki ay aagawin ko iyon sa 'yo" pagbabanta nito. Mahinang natawa na lamang ako sa kaniya saka inirapan ito.

"Take him then. If I found someone, I will give it to you" usal ko. Napamaang ang kaniyang bibig na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Aba'y ang gurang! Seryoso ka?" Aniya na nanlaki ang mata.

"If I only find someone. Kapag hindi ay parehas tayong tatanda na birhen" pagbibiro ko ngunit sineryoso niya iyon dahilan para mabulunan siya nang sumimsim sa kape at ilang beses na napaubo.

"Yak! Get out, Yve. Nasusuka ako sa 'yo" maarteng bulyaw nito.

"As if you're pregnant!" Asik ko.

"Whatever! Umalis ka na nga. Hinihintay ko pa ang aking ka-date" pangtataboy nito sa akin. Napailing na lamang ako habang natatawa.

Kahit ganiyan ang kaniyang ugali ay lagi niya akong pinapatawa. Nagagawa niyang maalis ang stress sa aking sistema dahil lang sa simpleng biro niya.

"Yeah right. Enjoy your date!" Sinserong sambit ko. Tanging ngiti at tango ang itinugon niya sa akin.

He smiled at me sincerely.

"Yes, tati! Enjoy walking alone. Hope you'll find someone" I mentally rolled my eyes. Ang ibang costumer ay napapatingin sa amin dahil sa malakas na sigaw ni Adam. Akala mo ay hindi malalim ang boses.

Nandito na ako sa may pinto habang siya ay naroon pa rin nakaupo at nakikipagsigawan sa akin. Ang bakla ay gusto pang makipagbiritan sa akin sa loob ng coffee shop.

Mahinang natawa na lamang ako at sumenyas sa kaniya na aalis na ako.

HABANG naglalakad sa kalsada ay hawak-hawak ko rin ang aking kwaderno. I'm taking down some scenes na nagpa-pop na lang bigla sa aking isipan.

Sa pagsusulat ay kailangan ng payapang lugar upang makaisip nang maayos. Kahit mumunting bagay ay bininigyan namin ng importance. Even small things has its own bib meaning. Dagdag aral at kaalaman din ang mga nakukuhang impormasyon sa bawat bagay.

Natigilan ako sa paglalakad nang may makita akong babae sa bench habang nakapalibot sa kaniya ang mga bata.

Tahimik na lumapit ako ro'n at pinakinggan ang sinasabi ng babae. Mas lalo pa akong napangiti nang mapagtantong tula ang kaniyang hinahandog sa mga bata.

"Pagtagpuin man tayo ng tadhana,

Ang puso man natin ay magkaisa,

Hindi pa rin mababago na ang wakas natin,

Ay sa malungkot na lamang tatapusin" napatigil ang babae nang magtama ang paningin namin.

Tiningnan niya ako nang masinsinan kaya naman nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang likido mula sa aking mata na agad kong pinunasan.

"Mga bata, diyan lang kayo" narinig kong usal ng babae.

Mula sa gilid ng aking mata ay ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Nang masiguro kong maayos na ang mukha ko ay humarap ako sa kaniya.

"Pasensya na po, miss. Bakit ka umiyak?" Nagtatakang tanong niya. Napatunghay naman ako habang umiiling.

"May naalala lang ako" mahinang sagot ko.

"Maaari ko bang malaman ang dahilan?" Napatingin ako sa babae. Gusto ko naman uli umiyak nang maramdaman ang kirot sa aking dibdib.

Wala naman akong tamang dahilan para maiyak. Masyado lang ako nadala sa linya. Natatawa na lamang ako sa aking isipan. Malambot ang puso ko sa mga salitang tagos sa puso habang matigas naman ang puso ko na tila bato kapag tungkol sa pag-ibig.

"Gaya ng iyong sinabi sa huling linya. Kami ay pinagtagpo lamang ng tadhana ngunit hindi kami para sa isa't isa" huminga muna ako nang maluwag bago muli magsalita. Wala naman akong pinaghuhugutan. Ngunit hindi naman ako kilala ng babaeng kaharap ko kaya kahit ano ay maaari kong sabihin.

Tiningnan ko ang babae sa kaniyang mata kung saan nakikita ko ang aking sarili sa kaniya. Ngumiti ako nang kay sinsero upang itago ang bugso ng aking damdamin.

"Ang pag-ibig ay mapaglaro. Ikaw na lamang ang bahala kung lalaban ka o susuko" I nodded as an agreement. Tinatak ko iyon sa aking isipan upang isulat mamaya sa kwaderno.

"Love is playful but it's not a game. Wala pang nasasawi sa pag-ibig" tugon ko sa kaniya. I noticed how her eyebrows narrowed. Hindi ko alam kung sang-ayon siya o natamaan siya sa sinabi ko.

"Naniniwala ako na marami na ang nasawi sa pag-ibig"

"Dahil hindi iyon tunay na pag-ibig" agad na giit ko. Napatungo siya at nagkibit balikat.

"Ate Talya! Halika na rito" pagtawag sa kaniya ng mga bata. Natuwa naman ako sa kanila saka saglit na tumingin do'n at sumulyap kay Talya, base sa tinawag sa kaniya ng mga bata.

"You need to go. Kids are waiting for your precious poems" nginitian ko lamang siya.

"Thank you, miss?" Napakamot pa ito sa kaniyang batok kaya natawa ako sa kaniyang inasta.

"I'm Yve" pagbanggit ko sa aking palayaw sabay lahad sa aking kamay na agad naman niyang sinagot.

"Talya" sambit niya sa kaniyang pangalan. Tiningnan ko lang siya muli hanggang sa magbitiw ang aming palad.

Tinanaw ko pa ang kaniyang pag-alis hanggang sa maisipan ko na ring pumanhik.

Napasinghap pa ako ng hangin nang salubungin ako nang marahang ihip ng hangin. Sa tabi ng daan ay nakahilera ang mga puno na sinasayaw ng hangin. Ang mga kaonting ingay na nagbibigay ingay sa paligid pati ang mga ngiti sa labi ng mga tao ay payapa para sa akin.

Ang ganitong klase ng paligid ay isang kapayapaan para sa akin. Real peace comes from the surroundings. Peace of nature. Ito ang tunay na kapayapaan para sa akin.

Napatigil ako sa paglakad nang may matapakan akong kung ano. Pagbaba ko ng tingin ay may nakita akong isang kwaderno na kulay brown.

Napatingin ako sa paligid. Wala naman akong napapansing kakaiba. Nagkibit balikat na lamang ako saka pinulot iyon.

Napangiti ako sa aking sarili nang mapansing leather ang cover ng notebook. Nakita ko rin ang isang garter sa gilid ng kwaderno at inalis ko iyon saka binuksan.

Gano'n na lamang ang pagkamangha sa aking mata nang makita ang maganda nitong sulat kamay. Hinawakan ko ang bawat letrang nakalapat sa papel.

Hindi kaya isang manunulat din ang nagmamay-ari ng kwadernong ito?

Ibinuklit ko pa ito sa ibang pahina hanggang sa mapansin ko ang pamagat ng isang tula.

Binuo ng panulat?

Babasahin ko na sana ang laman ng tula nang matauhan ako sa malalim na baritonong boses ng lalaki.

"Binibini?" Is someone calling me binibini in this modern world?

Lumingon-lingon ako sa paligid at aking likuran. Wala naman akong nakita na maaaring tumawag sa akin. Napailing na lamang ako at humarap. Ngunit gano'n na lamang katindi ang pagkagulat ko dahilan para mapaigtad ako at mawalan ng balanse.

Pero sa hindi inaasahang ganap ay nagawa niya akong saluhin. Mabilis na hinawakan niya ang bewang ko upang buhatin ako. Hindi ko na nakita pa ang kaniyang itsura dahil nakapikit ako nang mag-iwas sa kaniya.

Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang tinatakpan ang aking mukha gamit ang notebook ko. Hindi ko rin alam kung nahulog ang sa kaniya.

Bahagya akong sumulyap sa kaniya. And there he is, pinupulot ang kwaderno niya sa sahig saka pinagpagan.

Inalis ko ang aking notebook na nakatakip sa aking mukha at itinago iyon sa likuran ko. Inayos ko rin ang tayo ko saka humarap sa kaniya.

Akala ko ay kalmado na ang aking sistema. Pero nang mag-angat siya ng tingin at tingnan niya ako nang matagal ay bigla na lamang naghuramentado ang aking sistema.

"Binibini, nabasa mo ba ang aking mga piyesa?" Sandali akong natulala. His deep baritone voice looks seductive. Argh! Ba't ko iniisip 'yon?

"Binibini, ayos ka lang ba?" Muli niyang tanong. Nakatulala lamang ako sa kaniya habang nakaawang ang bibig.

Bahagyang tumabingi ang kaniyang leeg na tila sinusuri ako. Iyon na rin ang oras na mapabalik ako sa wisyo at tumingin sa kaniya nang maayos.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ganda ng lalaking kaharap ko. Tila isa siyang manika dahil sa malapuso niyang labi na namumula. Kay kislap din ng kaniyang mata at ang makapal niyang kilay saka mahabang pilik mata ay nakakaakit sa kaniya.

Am I fantasazing a stranger? Oh damn! For pete's sake.

"Binibini, nabasa mo ba ang mga nakasulat sa loob ng aking kwaderno?" Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa maginoo niyang pananalita. Walang kaso iyon sa akin but he looks weird.

Ngumiti siya nang kay lapad dahilan para mapatulala ako sa kaniya nang makita ang malalim niyang biloy sa kanan niyang pisngi. Am I looking at a perfect man? Nahanap ko na ba ang perpektong tao sa mundo?

"Siguro nga ay nabasa mo" patango-tango niyang wika at basta na lamang napasulyap sa aking likuran kung saan nakatago ang aking notebook.

Halos maningkit pa ang kaniyang mata nang mapatingin do'n saka sumulyap sa akin na may ngiti sa labi. Napakurap naman ako nang ilang beses sa kaniyang inakto at tumikhim.

"Isa ka bang manunulat, binibini?" Tumango lang ako nang marahan sa kaniyang tanong. Hangga't maaari ay ayokong magsalita. Nahihiya ako sa kaniyang presenya.

Bumali ang kaniyang leeg at nagtataka nanamang napatingin sa akin.

"Hindi ka ba nakakapagsalita?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Namalayan ko na lang din na nagsalita na ako.

"I can talk and I'm not into strangers. Yes, I am a writer but it's none of your business!" Mabilis kong sambit na tila nasa isang karera ako.

Nanlaki ang kaniyang mata at at 'di umano ay tumawa na lamang na ikinagitla ko.

"Nakakatuwa ka naman, binibini. Sa isang salita mo ay namangha agad ako" naramdaman ko na lamang ang pagkabog ng aking puso sa kaniyang sinabi.

"Siya nga pala. Ano ang iyong tugon sa tulang nabasa mo?" Napangiwi naman ako sa sinambit niya. Tugon? Kailangan ba no'n?

Hindi ko pa nga nababasa ang kabuuan. Pero alam kong maganda iyon dahil sa pamagat pa lamang.

"Maganda ang gawa mo. Nakakamangha rin sa kagaya mong manunula" hindi ko alam kung bakit lumabas na lamang iyon sa aking bibig. Napansin ko ang mas lalong paglapad ng kaniyang ngiti. Namalayan ko na lang din na napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

Pero nang mapagtanto ang ginawa ko ay napailing na lamang ako saka humakbang paatras sa kaniya.

"I-I need to go" mahinang pagpapaalam ko at basta na lamang siya tinalikuran.

"Sandali!" Sa isang pagtawag niya sa akin ay napahinto agad ako. Hindi ko siya hinarap dahil ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at hindi ko alam ang dahilan.

"Maraming salamat, binibini. Aking hihintayin ang tugon mo sa tulang ginawa ko" sinserong saad ng lalaki na ni isa ay hindi ko man lang naintindihan dahil sa malakas na tibok ng aking puso.

Ngunit akala ko ay hanggang do'n lang ang ilalakas ng bugso ng damdamin ko. Dahil nang bitiwan niya ang mga salitang iyon ay tuluyan na akong nabingi dahil sa malakas na pagdagundong ng puso ko.

"Binibini, hindi ka man si Stella pero nararapat sa 'yong handugan ng isang daang tula."

____

Ichieesera