1 STAR 1: MASTER LOLO

Gwaen's POV

"Hindi ko na talaga kaya!" Sambit ko habang pawis na pawis at hindi na mapakali. Pakiramdam ko sasabog na ang pantog ko sa sobrang pagkaihi.

Dali-dali kong tinungo ang women's bathroom at mabuti nalang ay wala masyadong tao, kundi handa akong makipag-away dahil sasabog na talaga. Pumasok ako sa isang cubicle at ni-lock kaagad iyon.

"Haayyy..." Ginhawang singhal ko matapos kong umihi. Akala ko talaga ay makaka-ihi na ako sa salawal ko. Ayokong mapahiya lalo na't kasama ko ang mga lunatic na 'yon.

Naghugas muna ako ng kamay atsaka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Grabe buhol-buhol na kaagad ang buhok ko. Mukha siguro akong bruha kanina habang nagkukumahog nang takbo." Sambit ko sa sariling repleksyon. Mabuti nalang at solo ko ang buong Cr, kundi ay mapagkakamalan na akong baliw.

Pagkalabas ko ng palikuran ay napaigtad ako dahil bumungad sa akin ang isa sa mga lunatic. Si Ken. Gulo ang buhok nito at mukhang hindi uso magsuklay pero bumabagay naman sakanya. He's wearing a sweater with a pair of loose jumper pants and black balenciaga sneakers.

"Pinasundan ka sa'kin ni Sejun." Paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong.

"Eh? Umihi lang naman ako. Akala niyo naman ay maliligaw ako." Mataray kong sambit na ikinatango niya lang, atsaka nagpagtiuna nang maglakad.

'Tignan mo ang lunatic na 'yon? Susunduin ako tas iiwan din? Aba'y magaling!'

Sumunod nalang ako sakanya pabalik sa jollibee na katabi lang naman ng Cr. Pero kung makasunod ay akala mo malayo ang pupuntahan.

Nang makarating ako sa table namin ay naabutan kong nagtatawanan sila Stell, Justin at Josh. Habang iyong dalawa naman ay nag-uusap.

"Hoy! Lunatics!" Tawag ko sakanila dahilan para mapatingin sila sa gawi ko pati nadin 'yong ibang tao.

'Oww... Napalakas ata iyong pagsigaw ko. Hehehehe.'

Umupo nalang ako dahil sa kahihiyan at kinain 'yong french fries. Nagulat ako ng may naunang kumuha do'n, kaya tinignan ko kung kaninong mang-aagaw na kamay 'yon.

"Jah! Ako nauna eh. " Sambit ko na tinawanan niya lang atsaka pinagpatuloy ang pagkuha ng fries at sinubo kay Josh.

"Iyan good. Tawagin niyo akong master." Sambit ni Josh na abala sa paglalaro ng ML sa cellphone habang si Justin naman ay nanonood lang dito.

Napatingin kaming apat kay Josh na abala parin sa paglalaro. Narinig kong humalakhak si Stell dahil sa sinabi nito.

"Hahahaha! Master? Talaga ba Josh?" Sambit ni Stell habang tumatawa padin.

'Oh diba? Saya-saya nang kuya niyo.'

"Master lolo kamo! Hahaha!" Panggagatong ni Ken na ikinatigil ni Josh sa paglalaro.

"Hahahaha! Wala ka pala Josh eh. Este MASTER LOLO!" Pang-aasar din ni Sejun. Tumatawa ito habang hinahampas si Stell, kaya hindi ko nadin napigilang tumawa.

'May mga kaibigan talaga tayong kapag tuwang-tuwa nanakit eh.'

"Mga lunatics talaga kayo. Hahahaha." Sambit ko na ikinatigil nila at seryosong tumingin sa akin.

"Shit! Natalo tuloy ako! Arghh!" Inis na sambit ni Josh atsaka pinatay ang cellphone.

"Wala taalaga kayong pakisama eh noh? Ang sama niyo sa akin. Huhuhu." Pagdadrama ko sakanila pero tinawanan lang akong ng mga baliw. Tinignan ko sila ng masama dahil sa kasamaan nila.

"Wag na iyak, Gwaen. Mahal ang tissue." Pang-aasar sa akin ni Justin na ikinatawa nilang lima.

"Shhh... Tama na crying baby!" Paggatong pa ni Josh na ikinainis ko.

"Anong crying baby ka diyan?!" Singhal ko habang nakatingin ng matalim sakanya. Kung nakakasaksak lang siguro ang tingin, nasa hospital na'to.

"Crying baby. Hahahahaha! Pakurot nga ng pisngi!" Sambit ni Josh na mas lalo nilang ikinatawa. Kami lang ang maingay sa puwesto namin dahil sa mga lunatic na 'to.

"Tigilan mo ako, Master Lolo ah!" Sambit ko na ikinatigil niya at masamang tumingin sa akin.

"Isa pang tawag mo nang master lolo, malalagot ka sa akin." Seryosong sambit niya na tinawanan lang namin.

"Tignan mo, ang lakas mang-asar, pikon naman pala. Hahaha!" Sambit ni Jah na mas lalo naming ikinatawa.

"Lagot ka sa'kin mamaya, Jah!" Pagbabanta ni Josh na lalo naming ikinatawa.

"Oh, walang aawat mamaya ah? Away mag-asawa iyan." Natatawang sambit ni Stell na mas lalo naming ikinatawa. Habang si Josh ayun, ang sama ng tingin sa'min. As if namang tatablan kami.

Napuno nang tawanan ang table namin dahil sa mga pang-aasar nila. At syempre si Josh na naman ang puntirya dahil nga pikunin ito.

Hindi ko aakalaing mag-ienjoy akong kasama sila. Parang magkakapatid nadin ang turingan namin simula nang makilala ko sila. And I'm one of the boys, kaya grabe sila kung makapag-protekta sa akin.

Nang maubos na ang kinakain namin ay nagpahinga muna kami saglit atsaka nag-aya nang umuwi. Nang nasa van na kaming lahat ay biglang may tumawag kay Sejun.

"Okay po, Ms. Hong. Kamsa." Paalam nito sa kabilang linya atsaka ibinaling ang tingin sa amin.

"Guys, may meeting daw tayo mamaya." Sambit ni Sejun sa amin dahilan para mabaling ang atensyon sakanya ng iba pa naming kasama.

"Bakit daw?" Tanong ni Justin, but Sejun just shrugged.

"Hindi ko alam. Malalaman natin 'yan mamaya." Sambit ni Sejun at mukhang wala talaga itong ideya.

"Kasama ako?" Tanong ko na ikinangiti niya naman.

"Yes, Gwae." Sagot niya na ikinatango ko nalang. Sa tuwing may meeting or may pupuntahan sila ay palagi na akong isinasama, at dahil isang buwan ko palang silang nakakasama ay hindi padin ako sanay.

'Tungkol saan kaya ang meeting mamaya?'

avataravatar
Next chapter