webnovel

Win Over Mr. Perfect - Tagalog

Dahil sa kahirapan, nagsusumikap at nagtatiyaga si Sonny na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi siya susuko kahit pa marami sa kaniyang mga kaklase ang binubully siya dahil sa estado ng kaniyang buhay. One time, ininsulto siya ng anak ng principal ng William University na si Ken. Sinabihan siya nito na hindi siya bagay sa paaralang iyon. Ken challenged her, kung matatalo niya si Ken sa academics aaminin nito na nagkamali siya at magso-sorry ito sa kaniya. Ngunit, kapag si Ken ang nanalo ay kusa siyang aalis sa William University at aaminin niya na hindi talaga siya bagay sa paaralan. Will she win or not? Magawa niya kayang matalo si Ken Krizian D. William na isang perpekto dahil sa taglay nitong kayamanan, kagwapuhan at higit sa lahat ay katalinuhan? O matatalo siya at kusang aalis sa sikat na paaralan?

Teacher_Anny · Urban
Not enough ratings
9 Chs

His Side

Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang pang-huli kong subject. Nagmadali akong tumakbo sa hallway papunta sa aking classroom.

Hinahabol ko ang aking hininga dahil patakbo kong inakyat ang hagdan. Maaga pa naman ngunit maaga rin kasing dumarating ang panghuli naming professor sa araw na ito. Medyo masungit kasi si Sir Vincent, ang professor namin sa Philippine History. Hindi nito gustong naaabala siya kapag sinimulan niya nang mag-discuss sa harap.

Napahawak ako sa aking tuhod. Kinakapos na ako ng hininga. Hindi ko na kayang magpatuloy pa sa pagtakbo.

"Attention to Miss Sonny Mendez, please proceed to School President's Office now...Attention to Miss Sonny Mendez, please proceed to School President's Office now..."

Tumingala ako upang tingnan ang speaker sa itaas nang marinig ko ang pangalan ko.

"Attention to Miss Sonny Mendez, please proceed to School President's Office now...Attention to Miss Sonny Mendez, please proceed to School President's Office now..."

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag sa President's Office. Pero wala naman akong ginawang masama. Hindi rin naman ako lumalabag sa rules nitong school kaya hindi ako dapat matakot.

Bumaba ako muli sa hagdan at nagsimulang lumakad papunta sa President's Office.

Tumigil ako sandali nang makarating sa tapat ng pinto. Tiningnan ko ang pinto at binasa ang 'President's Office' na nakasulat doon. Tama naman na iyon na ang opisina ng presidente kaya nang makasiguro ako ay huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pinto.

Tatlong katok ang ginawa ko bago ako nakarinig ng boses mula sa loob. Iyon na marahil ang boses ng presidente na siyang may-ari rin ng William University, ang daddy ni Ken.

"Come in."

Pagkarinig niyon ay sinimulan kong ikutin ang door knob saka bahagyang sumilip. Walang tao sa loob tanging pigura lang ng isang lalaki na nakatalikod at nakaupo sa swivel chair.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang daming mga folder at mga papeles ang nakalagay at nagsisiksikan sa mga cabinet. Halos mapuno rin ng mga papel ang table ng presidente. Kung hindi ito matangkad ay marahil natatakpan na ang mukha nito.

"Good morning po."

Marahan akong pumasok sa loob. Gusto ko mang itaas ang aking ulo pero maging ito ay hindi sumusunod sa akin dahil sa hiya at takot sa maaaring mangyari. Pakiramdam ko ay mapapagalitan ako.

'Pero ano kaya talaga ang kailangan sa akin ng President?'

"Kumusta Sonny?" tanong ni President William. Inikot nito ang swivel chair at humarap sa akin dahilan upang makita ko ang mukha nito.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang mukha ng presidente nang malapitan. Kahawig na kahawig nito si Ken. Para akong nakaharap sa old version ni Ken.

"Ayos lang naman po."

Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Mr. William. Para bang sinusuri nitong mabuti ang aking mukha.

"Tama nga si Ken ng sinabi sa akin...Umupo ka muna."

"P-po?" naguguluhang tanong ko. Ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi niya. May sinabi ba si Ken sa daddy nito? May sinabi ba itong hindi maganda tungkol sa kaniya para ipatawag siya ng daddy nito?

Umupo ako sa sofa na naroroon bago nilingon muli si Mr. William.

"Kamukha mo siya."

"S-sino po?"

"Ang mommy niya. Kamukhang-kamukha mo nga ang mommy niya," seryosong sabi nito. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Ken ng pagiging seryoso. Nakuha ni Ken iyon sa kaniyang daddy.

"T-totoo po ba?"

Masasabi kong napakasuwerte ko dahil may kamukha akong hindi basta-bastang tao. Kamukha ko ang isang babae na asawa ng may-ari ng William University.

"Parang gusto ko po tuloy makilala si Mrs. William."

Kapansin-pansin ang pagbabago ng emosyon ni Mr. William. Bumagsak ang mata nito at lumungkot din ang emosyon.

"The sad thing is wala na siya. She died from car accident."

Napalunok ako sa aking narinig. Nagkamali ata ako ng salitang binitiwan. Sana hindi ko na lang sinabi iyon.

"S-sorry po." Nahihiya kong tinakpan ang aking bibig. Nahihiya ako sa sinabi ko. Sa susunod ay pag-iisipan ko munang mabuti ang mga salitang bibitiwan para hindi ako maka-offend sa iba.

"Ayos lang yun Sonny." Pilit ang ngiti ni Mr. William. Marahil ay hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng kaniyang asawa.

"By the way, how's Ken? Kumusta naman siya sa'yo?"

Napalunok ako. Paano ba ako sasagot? Sasabihin ko ba ang totoo sa daddy ni Ken o huwag na lang? Dahil kung sasabihin ko ay hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari kay Ken. Baka mapagalitan ito ng kaniyang ama.

Sa halip na ibuka ang bibig ay napipilitan na lang akong tumango.

"Mukhang okay naman pala kayo...akala ko kasi hindi maganda ang pag-trato niya sa 'yo. He was nine years old nang mamatay ang kaniyang mommy. He was really disappointed and mad dahil hindi nakarating ang mommy niya sa mismong kaarawan niya. Namatay ang mommy niya sa mismong birthday niya kaya alam kong malaki ang tampo niya sa kaniyang mommy."

Nakaramdam ako ng lungkot para kay Ken. Masakit para sa isang bata na mawalan ng isang ina. Lalo pa kung malalaman mo na namatay ito sa mismong mahalagang araw para sa iyo. Hindi ko siya masisisi kung nagtatampo siya sa ina. Ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang ang pag-trato sa akin ni Ken dahil naaalala niya siguro ang mommy niya sa akin.

Ngunit sana dumating ang pagkakataon na maintindihan niya rin ang nangyari. Alam kong hindi gusto ng ina nito na hindi makapunta sa birthday niya. Nagkataon lang talaga na sa mismong araw pala na iyon ay mamamatay ang ina nito. Hindi kasi natin alam kung hanggang kailan ang buhay natin.

Pero sana balang araw maunawaan iyon ni Ken. Sana mawala na ang tampo niya para sa ina.

"Pagpasensyahan mo na lang si Ken sa kilos nito. Ganoon lang talaga 'yon pero kapag nakilala mo naman siya at kung makikilala ka niya, malalaman mo ang totoong side niya. Kaya ikaw na lang ang bahalang umintindi sa anak ko."

"Opo," sagot ko. Alam ko naman na kahit nagsusungit si Ken ay may taglay pa rin itong kabaitan. Hindi ko man makita ngayon pero baka sa susunod na pagkakataon.

"Sonny, alam mo ba na ikaw ang pangalawa sa nakakuha ng highest score sa entrance exam?"

"Talaga po?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Masiyadong mahirap magpa-exam ang school dahil sa mataas na standard nito. At isa pa, inaamin kong sobrang nahirapan ako sa entrance exam ng William University kaya hindi ako makapaniwala na pangalawa ako sa nakakuha ng mataas. Nakita ko ang result ng exam ko pero hindi ko alam na pangalawa pala ako sa mataas.

"Matalino kang bata. Alam mo ba na kayong dalawa lang ni Ken ang nakalampas sa ninety? Tatlong puntos lang ang lamang ni Ken pero masasabi kong magaling ka talagang bata, kaya huwag mong sasayangin ang opportunity na ibinigay namin sa'yo. Magsikap ka pa lalo at paghusayan mo pa."

"Opo Mr. William. Pagbubutihin ko pa po," sabi ko habang tumatango-tango. Iyon naman talaga ang number one goal ko rito. Ang maipakita ko na kahit mahirap kami ay may ibubuga pa rin ako. Gusto kong ibahin ang pag-tingin nila sa amin. Gusto kong ipa-realized sa iba kong kamag-aral na hindi naniniwala sa kakayahan ko na kaya ko ring makipagsabayan sa kanila kahit mula sila sa mayamang pamilya.

Lumabas ako ng office ni Mr. William at naglakad pabalik sa classroom.

Naalala ko si Ken. Naiintindihan ko na siya. Kapag nagsungit muli si Ken sa akin ay uunawain ko na lang ito dahil alam ko na may pinagdadaanan lang din pala ito.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ang pigura ni Sean.

"Sean," mahinang tawag ko kaya hindi ako nito narinig. Lumiko si Sean sa isang pasilyo kaya sumunod ako rito.

Saan kaya ito pupunta? Ang alam ko ay magkakaklase kami nito sa last subject. Bakit hindi ito um-attend sa klase?

Palihim kong sinundan si Sean hanggang sa makarating kami sa likod ng building. Lumapit ito sa isang babae na nakatalikod sa amin.

Nakatayo ang babaeng may mahaba na buhok na mukhang kanina pa naghihintay.

Humarap ang babae kaya nakilala ko ito pero laking gulat ko nang makita ang ginawa nito kay Sean.

Bakit nandito sila? Anong meron sa kanilang dalawa?