webnovel

Will you be able to say?

" I love you. "

IKIJIBIKI · Teen
Not enough ratings
28 Chs

SAY IT 10 : Guns and Roses

SAY IT 10 : Guns and Roses

RAY

This day is somewhat very tiring for me, pagkapasok ko kanina ay todo review ang mga classmates ko kaya napatanong ako 'kay Klein kung ano ba ang nangyayari, chill lang siyang nakaupo habang nagdo-doodle sa math textbook niya.

"May quiz tayo sa math, 1-50 items." 

As I heard him say that ay kaagad kong kinuha ang textbook ko at sakto namang pumasok na ang math instructor namin dahilan para maibagsak ko ang ulo sa desk. Right, wala na nga akong review tapos sa math pa talaga kami may quiz. Galit na ba sa akin ang inang kalikasan?

Pilit kong piniga ang utak para masagutan ang baway tanong, walang ni isang tanong ang naiwang walang sagot. I answered all of them kahit na hindi ko alam ang sagot sa iba.

In the end, I only got 32 over 50. I groaned at my score, ito na yata ang pinakamababang nakuha ko sa buong buhay ko.. damn you ma'am, sana hindi ka na magkaroon ng jowa kahit kailan. Meanwhile ang katabi kong pa-chill chill lang kanina ay nakakuha pa ng perfect score dahilan para purihin siya ni ma'am at ng classmates namin. Todo ngiti naman ang loko dahil sa nakukuhang atensyon..

"You looked stressed.." wika niya, nakasubsob ang mukha ko sa lamesa at mahinang bumubulong-bulong. I was chanting a spell..

A spell para hindi na magkajowa si Ma'am at para mabawasan ang yabang ni Klein.

"Of course, ito na ang pinakamababang score na nakuha ko.. all my life.." pagmumukmok ko,  kinuha niya ang papel na nasa ilalim ng desk ko at tinignan 'yon.

"What's wrong with this score? okay naman 'to a." he said trying to pull my mood up. I know he can feel the gloomy aura surrounding me.

"For you it is but for me no. Mabuti ka pa nga nakakuha ng perfect score kahit na hindi naman kita nakitang binuksan ang textbook mo."

I sunk deeper on my desk, worst day ever..

"Well it's because of my stock knowledge. Kung titignan mo ang textbook ko ay wala kang makikitang ni-isang sulat about our daily lessons." he boasted, out of the corner of my eyes ay matalim ko siyang tinignan. He doesn't need to tell me that.

"Yabang.." parinig ko sa kaniya, malaya kaming nakakapag-usap dahil wala ang next subject instructor namin, may sakit daw ito kaya wala.

Hindi ko na pinansin ang pagyayabang ni Klein. At dahil tapos na ang gabi ng fireworks, it also means na pro-problemahin ko na naman ang mga nangyayari sa paligid ko. I need to observe and watch my surroundings ngayong dalawang beses nang umatake ang kung sino mang may balak na masama sa'kin. Baka nasa paligid lang ang taong 'yon nang hindi ko namamalayan..

I need some fresh air and clear my thoughts, baka mangyari na ang matagal ko nang kinakatakutan kapag nagkataon.

I dashed out of the room at dumiretso sa library, maliban sa rooftop ay dito din ako nakakahanap ng kapayapaan and I need it now.

I picked up some random book at sinimulang basahin 'yon. The title says: Crime and Punishment and is written by: Fyodor Dovstoevsky. A russian author.. welp it looks interesting. Naupo ako sa isang wooden chair para doon ipagpatuloy ang pagbaasa, it really is interesting.

After a minute or so ay may isang lalaki na umupo sa may katapat ko na upuan, he's wearing the same uniform pero ang nakakapagtaka ay nakasuot din ito ng lab coat May suot siyang malaking bilong na salamin na may manipis na frame, naka-de kwatro pa ito at tanging isang kamay lang ang ginagamit sa paghawak ng librong binabasa.

Uhh.. he looks weird.

"Hanggang kailan mo balak na titigan ako?" he suddenly asked, I know he's referring to me dahil kaming dalawa lang naman ang nanadito.

"S-sorry..."

"Do you want to ask something?" aniya nang hindi niya iniiwas ang tingin sa librong binabasa.

At dahil curious ako, hindi ko na napigilan na itanong, "Why are you wearing a lab coat?" 

He reminds me of my favorite character from Code Geass na si Lloyd Asplund also known as the 'Earl of pudding'. Medyo kahawig niya kasi ito.. kulang na lang na gawing lavender din kulay ng buhok niya and poof! perfect cosplay of the year.

"Ako ang President ng Biology club that's why," sagot niya, his voice is also matched witg Lloyd's voice.. urgh.. I love Lloyd's voice so much.

"A, require pala sa inyo na magsuot ng lab coat.." 

He sighed, "That's not it. Gusto ko lang talaga suotin 'to,"  tugon niya. He must be really smart then kung nasa biology club siya. Speaking of club.. wala pa pala akong nasasalihan na isa.

"Are you from Class 1?" tanong niya, this time ay iniangat niya na ang paningin sa akin. He really looks like Lloyd dahil nasakto pang singkit ang mata niya.

I nodded my head saka umiwas ng tingin, seeing someone who looks like the character I liked surely feels weird.. ramdam ko kung paano mang-init ang mukha ko. I groaned in distress, why does it have to be this way?

"I'm from Class 3. Let me guess, wala ang instructor niyo kaya ka nandito right?"

"Of course you'll know, dahil wala rin naman ang inyo." aniya ko, I opened my the book at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa.

Tumayo siya sa pagkakaupo kasabay ng malakas na tunog ng pagsara ng libro. He walked away ng wala man lang pasabi habang umaalon ang coat niya kada lakad. He's tall just like the Earl of Pudding.

After he completely walks away, ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa. This book is hella good.

***

My phone vibrated, someone is calling me. It was Klein. Dali ko namang sinagot iyon at lumabas muna sa library.

"What?"

"Someone is looking for you, kamukha niya si Earl of Pudding. Come here ASAP." binaba niya agad ang tawag matapos sabihin 'yon. My mouth fell.. the Earl of Pudding look-alike is looking for me? but why?

Hiniram ko mula sa librarian ang libro saka dumiretso na bumalik sa room. There he was standing tall sa tapat ng pinto habang kaharap si Klein, I'm sure na kahit siya ay hindi makapaniwala na kamukha nito si Lloyd.

"I'm here, so what is it?" bati ko sa kanilang dalawa, they both looked at me. Nanliit naman ako sa tingin nila. They're both tall after all eh ako? 169 lang ang height ko ;-;

"Ask him." wika ni Klein, matiim ang tingin nito sa lalaking nasa harapan niya. He must be wondering..

"Uhh.. actually kanina ko pa dapat ibibigay ito sa'yo doon palang sa library but I got easily nervous so.. here, you dropped this habang tumatakbo ka kanina."  Inilahad niya ang kamay and there was something in there. It's my wallet! ni hindi ko man lang napansin na nahulog 'yan mula sa bulsa ko. Did he peak inside? nandyan ang nakakahiyang student I.D ko and some cash.

"Don't worry dahil hindi ko tinignan kung ano ang nasa loob."  pahabol niya, o, he just read my mind. Mabuti na lang at hindi niya ginawa or else mamumula ako sa kahihiyan.

Kinuha ko na ang wallet ko at isinukbit na 'yon muli sa bulsa, "Then.. how come na alam mo kung nasaan ang room ko?"

He put both of his hands inside his pocket, "I asked you kanina kung anong Class ka remember?" aniya at mahinang natawa. O, that's right.

Iginala nito ang tingin bago muling nagsalita, "Sorry, hindi ko kaagad na naibalik.." bulong niya, his cheeks turned pink which is really cute. Well he is cute after all.

I waved my hands infront of him, "No problem. By the way, thank you.. uhh?" I stopped mid-sentence dahil hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. I can't thank him formally.

I think he get what I mean, nilahad niya ang kanang kamay para makipag kamay. Me and Klein was stunned nang marinig kung ano ang pangalan nito.

"My name is Lloyd, Lloyd Montgomentry."

I literally screamed inside after hearing his name! konti na lang! malapit na! bakit naging Montgomentry pa ang Asplund?! where did that last name Asplund go!?

I shaked his hands saka matamlay na ngumiti. Nandoon na e.. bakit nawala pa?

"Thank you Lloyd. Mine is Raychel, Raychel Olenyeva and this guy right here is Nash Klein Martinez."

Nagpaalam na si Lloyd na umalis matapos magpakilala ni Klein sa kaniya dahil marami pa daw itong gagawin sa club. I thanked him for the second time before bidding him my goodbye. Niyaya naman  ako ni Klein na pumasok sa loob ng room dahil baka dumating na ang third instructor namin.

Sakto namang pumasok ito nang makaupo na kaming dalawa, nakinig na ako sa discussion at parang ilang minuto pa lang akong nakikinig ay tumunog na ang bell. Signal ng first break namin. Nagsimula nang magsilabasan ang mga kaklase ko, iniligay ko muna sa loob ng aking bag ang hiniram na libro galing sa library, isenecure ko muna ito bago lumabas kasama si Klein at dumiretso na kaming dalawa sa cafereria ng school.

We sat in our usual seat at hinintay ang iba, they arrive minutes later ng magkakasama. Malapad na ang ngiti ni Wendy hindi gaya ng last time na nag-away sila ni Glenn.

O, bati na ang dalawa.

"Hey guys!" masiglang bati ni Glenn, we wave our hands at him.

"Nasaan si Nine?" tanong ni Klein sa tabi ko, Glenn takes his seat on my right habang nakapamusang ngiti.

No one answered his question.

"Diba classmate niyo si Nine? Glenn." I asked him.

"Yep, hindi namin siya nakita simula kaninang umaga." sagot nito at nag-ikbit balikat lang.

That's weird, usually siya pa nga ang nauuna dito para i-reserve ang table namin. Saan naman kaya siya nagpunta?

"Baka nag-banyo lang." Loraine stated, she's right pero hindi napanatag ang loob ko sa sinabi niya. Paano na lang kung—oh no, sana ay hindi mangyari ang nasa isip ko. I don't want it to anyone around me.

"I.. I'll look for him." wika ko saka tumayo.

"What?" sabay-sabay na tanong nilang lahat, iba't-ibang reaction ang ginawa nila. Hindi ko kayang maupo na lang sa kinauupuan ko, I'm being paranoid.. ano na lang kaya ang pwedeng mangyari kay Nine? marami diba?

"Ray calm down, gaya ng sabi ni Lori ay baka nag-banyo lang siya. Babalik din 'yon agad." Glenn said at sinubukan akong pabalikin ng upo.

"No, I have a bad feeling about this. Excuse me." hindi ko na sila nilingon matapos 'ko magsimulang tumakbo pabalik sa building namin.

As I arrived, lakad-takbo kong tinungo ang room nila. Tahimik at wala kang maririnig na kahit anong ingay maliban sa tunog ng sapatos ko, mayroon kasi itong halos 2 inch na heels. I opened the supposed to be room nila; ang room ng Class 2. Walang ni-isang tao ang nandoon, I remembered where Nine used to seat at nilakad ko ang papunta doon. Maayos naman ang table niya, wala nga rin itong katabu dahil nasa pinakadulo iyon.

Lumabas na ako sa kwartong iyon saka isinara ang sliding door nila.

This time, bumalik naman ako sa loob ng room namin. Pagkabukas ko sa sliding door ay biglang may kung ano akong kakaibang naramdaman matapos 'ko pumasok. Wala ring tao dito pero.. parang pinasok ito. Walang bag ang nakabukas kaya walang nanakawan pero may ibang awra talagang binibigay ang room namin. I made my way through my & Klein's desk. Dito nanggagaling ang kakaibang pakiramdam ko, tinignan ko ang ilalim ng table at doon ako nakakita ng isang matingkad na kulay red na rosas.

I smelled it, it's still fresh at base sa freshness nito ay parang kakalagay palang nito dito. It was just a one rose, just one. Tinignan ko pa kung mayroon pang nasa ilalim ng desk pero wala na. I do not remember putting any kind flower in here, mas lalo nang hindi si Klein dahil nauna itong lumabas sa amin. Nilapag ko muna ang rosas na nakita saka binuksan ang bag ko, baka pinakielaman din 'yon ng kung sino.

Nanginginig ang buong katawan ko sa kung anong nakita sa loob, it's not the first time na nakita ko ang bagay na 'yon pero ito ang unang pagkakataon na nakita ko 'yon sa malapitan. It was a gun, not a fake one but a real one. Kaya ko nasabing tunay ay dahil malamig 'yon at sunubukan 'kong buhatin ang bag ko at bahagyang bumigat 'yon. Indeed it was a real one.

Mabilis 'kong isinara ang bag ko nang makarinig ng mga yabag sa labas. Walang sinoman ang pwedeng makaalam na may dala-dala akong baril dahil baka ma-suspend ako o mas malala ay i-drop ako ng wala sa oras kapag may nakaalam. Inilagay ko sa loob ng bag ko ang rosas saka 'yon muling isinara.

Sino naman ang may lakas ng loob na lagyan ng baril ang loob ng bag 'ko?

Moon is right, kailangan ko nga talagang mag-ingat. Kung sino man ang naglagay ng bagay na ito sa bag ko I'll make sure that I'll give him a piece of my mind. I hope that it's not loaded for pete's sake. Kinuha ko ang aking bag at nagmamadaling lumabas sa room, I ran straight papunta sa rooftop para mapag-isa.

Nang makapunta ako doon ay agad kong tinawagan si Moon. After two rings ay agad naman itong sumagot. Thank god!

"Hi Ray, I'm a little bit—"

"Moon, I want you to come here now. I need your help.. please.."  sinadya kong babaan ang boses ko para maisip niyang kailangan ko talaga ng tulong niya. I really need it right now.

"Okay, nasaan ka ngayon?"

"Sa rooftop ng building nami—"

"I'm on my way, hintayin mo ako."

"Okay, bye."

Binaba niya agad ang tawag matapos 'non, pasalampak akong naupo sa mainit na sahig ng rooftop. I hugged both my knees closer to my chest. I want to cry because of what's happening. Wala naman akong kasalanan pero bakit ko nararanasan ang mga bagay na 'to?

Alam ko na matutulungan ako ni Moon kaya naman siya ang tinawagan ko, ayoko nang pag-aalahanin pa ang kambal kapag nalaman pa nila ang tungkol dito.

Habang nakatungo ay may narinig akong mahinang ingay sa bandang likod ng rooftop, napatayo ako habang dala-dala ang bag ko. I slowly made my way papunta sa pinanggalingan ng ingay na narinig, I remember na dito kami magkatabing natulog ni Glenn nuong hindi ko na nakayanan ang stress ko, dito niya rin inuntog ang ulo niya dahilan para isugod namin siya ni Klein sa infirmary.

Halos mabitawan ko ang aking bag nang makita doon si Nine naka tali ang kamay at paa, may makapal din na tape ang nakatapal sa bibig nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako doon, na-estatwa pa ako sa kinatatayuan nang makita ang kalagayan niya. Mabilis ko siyang nilapitan at inuna 'kong tanggalin ang tape na nasa bibig niya. He was sweating all over at may bakas pa ng luha ang mata nito.

"Ray!" malakas na tawag niya sa pangalan ko, sinunod kong tanggalin ang tali sa mga paa't kamay niya. Tumayo ito at kalauna'y pinagpagan ang sarili. Laking gulat ko ng bigla niya akong mahigpit na niyakap.

"I'm glad that you're fine!" tila ay relieved na relieved siyang makita ako dito. Bumitaw din siya sa pagkakayakap sa akin nang maramdaman na hindi ako comfortable sa ginawa niya. He did that out of nowhere..

I cleared my throat, "What happened to you?"

Niyaya niya akong maupo muna bago niya sagutin ang tanong ko, we both sat habang protektado kong yakap-yakap ang bag ko.

"I was on my way here nang biglang may umatake sa akin out of nowhere, piniringan pa nila ako para wala akong makita. I then felt something sharp dugged in my neck. They injected something to me para mawalan ako ng malay, and the last thing I knew ay nandito na ako. Bago ako tuluyang kainin ng antok, narinig ko na pinag-uusapan ka nila.. may masama silang binabalak sa'yo Ray. I don't know what it is pero sigurado akong masama 'yon, just look what they did to me."  He stopped for a while, I gave him my tumbler dahil nauuhaw na ito.

"Noong una, akala ko ay may balak silang gawin kay Nash at Nile dahil alam siguro nila na bodyguard ako nung dalawa. But no, sa'yo sila may balak na gawin Ray. Kung itinaas ko lang sana ang guard ko ay hindi sana ito mangyayari sa akin, baka nalaman ko pa kung sino sila. I'm glad na nakita mo ako dito, akala ko kasi ay may ginawa na silang masama sa'yo." he let out a smile of relief habang nakatingin sa akin. I can't believe na tama ang hinala ko.. they kidnapped Nine.

"I'm also glad to see you here Nine, to tell you the truth. I was really searching for you, matagal ko nang alam na may mga taong nagtatanggkang masamang gawin sa akin. I'm glad na wala na silang ibang ginawa sa'yo." 

The sound of the rooftop door opened and the familiar voice called out my name.

"Ray?"

"I'm here!"

Moon's head peaked out of the corner, he held an curious face nang makita akong may kasama. Napatayo kaming dalawa ni Nine nang makita siya, Nine's face went blank habang nakatingin kay Moon.

"I'm here, you're asking for my help right?"  nakapamulsa siyang tumayo sa tabi ko habang nakatingin kay Nine. Don't tell me na pati sila ay in no-good-terms to each other.

I nodded my head at him saka humarap kay Nine,

"Please keep this a secret from them, Nine. And also.. sabihin mo sa kanila na galing ka lang sa banyo at hindi kita nahanap. I'll explain everything to you I promise."  wika ko, he nodded his head bago tuluyang umalis. Nakipagbanggaan pa siya ng braso kay Moon bago umalis.

Moon sighed saka naglakad sa harapan ko,

"So? what is this all about?"

"Umatake ulit sila.." mahina ang boses na sagot ko sa kaniya, biglang naging seryoso ang mukha nito at napatingin-tingin sa paligid.

"Ano naman ang ginawa nila ngayon?" tanong niya, his voice is as serious as ever.

"You know that guy na kakaalis lang?"

"Yeah, their loyal dog."

"They kidnapped him, sakto naman na nakita ko siya dito matapos kitang tawagan kanina." huminto ako para buksan ang aking bag para ipakita ang laman 'non sa kaniya. His eyes widened nang makita ang malamig na bagay 'don.

"They broke inside our room kanina matapos mag-ring ng bell, nang masiguro nila na wala ng student sa paligid ay pumasok sila sa loob ng room saka 'yan inilagay sa loob ng bag ko. They also left this rose sa ilalim ng desk, maliban sa dalawang 'yan ay wala na."  seryosong wika ko.

"You sounded like a detective Ray, I'm impressed. Nice observations."  I rolled my eyes at him, hindi ko kailangan ng puri niya ngayon.

"What do you want me to do?"

"Pwede mo ba tignan kung may naiwang fingerprints dyan sa baril? I left a fingerprints dyan sa bulaklak kaya itatapon ko na 'yan."  saglit muna siyang napaisip at tumingala bago ako sagutin.

"Of course I can, I promised to help you no matter what after all kaya gagawin ko." naglabas siya ng rubber gloves mula sa bulsa niya at isinuot 'yon.

"Don't worry, I usually bring them kung sakaling ayaw 'kong makipagkamay sa mga taong nami-meet ko araw-araw. I don't want to touch their filthy dirty hands." paliwanag niya na para niya bang nabasa ang nasa isip ko. I was currently thinking kung bakit may dala-dala siyang rubber gloves.

Kinuha niya ng walang pag-aalinlangan ang baril sa loob ng bag ko at tinignan iyon, my eyes immediately widened when he pointed it at me and pulled the trigger. Hindi na ako nakapag-react pa at hinintay na lang ang malakas na ingay ng pagputok nito, only to hear nothing.

"Don't worry, it's not loaded. Dapat madadagdagan ng kaunti ang bigat nito kung mayroon man itong laman na bala." 

My heart almost stopped, ito ang unang beses na may nagtutok sa akin ng baril! what's even worst ay si Moon pa ang gumawa! my eyes started to water. Wala na akong pakielam.. I thought I was going to die right here, right now. I'm afraid of dying. I'm scared of dying.

I let out silent sobs habang nakayuko, grabe ang takot na nararamdaman ko. Hindi ko na  kayang pigilan ang pag-iyak, kanina ko pa 'to gustong gawin pero pinigilan ko.

"This is a nice gun— what- Ray! why are you crying?!"

Tinuloy ko lang ang pag-iyak, sobra na akong natatakot. Kung nagawa nilang ma-kidnapp si Nine.. ano na lang ang iba pa nilang kayang gawin sa mga kaibigan ko? wala ba silang takot na kapag nagsumbong ako sa mga pulis ay mahuhuli sila? what's more kapag pinagbantaan nila ang pamilya ko? Ano na lang ang magagawa ko? I'm weak. Even weaker than that word!

"O, sorry.. I didn't mean to scare you like that. Don't cry now Ray,"

Ramdam ko kung paano ako mabagal na yakapin ni Moon, he's hesitating kung gagawin niya ba o hindi.. but he still did.

"I'm so sorry Ray, hindi ko talaga sinasadyang takutin ka."

I answered him by using my silence, alam ko namang hindi niya 'yon sinasadyang gawin pero ginawa niya parin. He still did it.. he still pointed me that gun! How dare he?! Alam ko na malaki ang maitutulong niya sa akin pero bakit parang ngayon pa lang ay nagsisisi na akong pinagkatiwalaan ko siya ulit? Dapat ba na hindi ko na lang 'yon ginawa?

I don't know what to do.

Can someone help me?

"Hindi ko na alam kung anong gagawin Moon, paano na lang kung hindi lang 'yon ang gawin nila sa mga kaibigan ko? what if idamay din nila ang pamilya ko? I don't know.. sumasakit na ang ulo ko kakaisip."

"Shhh.. hush now Ray, diba sabi ko sayo na tutulungan kita? here I am. Gagawin ko ang lahat para lang matulungan ka, I'm glad you trusted me again.. hindi kita bibiguin, Okay? just leave these things to me. Magiging maayos din ang lahat."  he reassured, dapat ba na mapanatag ang loob ko dahil sa sinabi niya na 'yan? I don't know.

He wiped my tears and cupped both of my cheeks using his glove covered hand at mariing tinignan ako sa aking mga mata.

"Don't cry now, I'm sure na mahuhuli din natin ang kung sinong may pakana nitong lahat." 

"Really?"

A familiar serious voice of someone made the both of us jumped in surprise, why is he here? kanina pa ba siya?

"I'm sorry to interrupt your conversation with my girlfriend  Sullivan but your time here is done. Ako na ang bahala sa kaniya dahil priority ko siya."  seryoso at may halong galit na wika ni Klein, walang kahit anong emosyon ang mayroon sa mukha nito.

Mabilis itong naglakad papunta sa aming dalawa ni Moon at ipinaghiwalay kami, he made me stand behind him habang protektadong nakatayo sa harapan ko.

I looked at Moon dahil hindi niya hawak ang baril, tumingin ako sa may loob ng bag ko pero wala din 'yon doon. Saan naman niya kaya 'yon tinago?

"Umalis ka na habang nakakaya ko pang pigilan ang sarili ko Sullivan, leave the both of us alone."