1 1 Nagsimula Ang Lahat

Masaya siyang umiinom ng isang mainam na tsaa, nakakapagpakalma, kanyang paborito. Sa isang paupahan, nanatili siya sa kabuuang tatlong araw, walong oras, labin-tatlong na minuto at limang segundo.

Tahimik ang buong kuwarto. Maririnig ang mga nagdaraang mga sasakyan mula sa labas, miski ang mahinang na musika sa kabilang kuwarto. Nakakarindi talaga para sa kanya.

Ipinitik niya ang kanyang mga daliri, tumagos ang mahika sa dingding ngunit hindi ito nagkaroon ng butas, papunta sa kinaroroonan ng radyo. Kumislap ito, tumumba, umusok at tuluyang nasira. *Mas maigi.* Ayon sa ngiti niya.

Ang nakalagay na maskara ay talaga naman na akma sa kanyang itim na kasuotan. Kulay rosas na mga mata, itim na labi. Lugay na mayroong nakapusod sa likurang bahagi at medyo kulot na buhok. Kasama na din ang mga tirintas sa gilid at ang mga kakaibang bagay na pantali. Mahahabang mga kuko na kayang bumaon sa matigas na bagay. Marahan niya din ipinapakita ang kanyang mga balikat sa damit na walang manggas, hindi din siya magsusuot ng anumang bra, ngunit, mayroong panti. Isang damit na pagkakahawig sa isang succubus na mula sa isang libro. Bihis ng isang Witch na napili niyang dalhin.

Bahagyang nabitin ang pag-inom niya ng tsaa, napabuga, kung kayat, marahan itong lumabas sa kanyang labi at tumulo hanggang sa kanyang baba. Ibinaba nalang niya ang tasa at lumingon sa may bintana. Nagulat siya ng biglang may umalingawngaw na sirena ng ambulansya. Napatayo siya sa kanyang upuan at sumilip sa bintana, ngunit mabuti naman ang lahat. *Isa nanaman sigurong naghihingalong mortal.* Walang badya ng gulo.

Muli siyang bumalik na may kasamang libro sa upuan. Hindi niya nakita ang mga tao sa ibaba, nakapila, unti-unting nililisan ang lugar. Ordinaryo, mayaman, negosyante, miski ang pulubi ay sumunod sa utos ng pulisya.

Magkakasunod, maingat na umakyat ang grupo ng mga lalaki sa paupahang gusali. Inihuli nila na pinadala ang mga pulis, dahil nakahanda na talaga ang lahat. Mula sa itaas na palapag ng kinaroroonan ng babae, sa ibaba at sa mga katabing kwarto.

Pinasabog na nila ang pintuan, tumalsik ang mga piraso nito sa salas. Dumating ang grupo ng mga lalaki at walang pahintulot na pumasok sa kusina. Gusto ba nilang gambalain siya sa mismong panahon ng kanyang pamamahinga?

"Ina ng kaguluhan, pagkawasak at ang kinabukasan ng lahat ng kasamaan! Ikaw ay aming inaaresto!" lathala ng lalaki na isang utos.

"Ang mga lalaki talaga. Palaging pinaghihintay kaming mga babae. Bakit nga ba?" biro ng babaeng mangkukulam.

Mga tagapagpatupad ng batas ay nakapalibot sa kanya. Makikitang seryoso talaga sila, kahit pa hindi makikita ang kanilang natatakpang mga mukha, sa pamamagitan nalang ng kanilang ginawa at pagtutok ng baril sa kanyang mukha.

Halatang hindi pa masyado tanyag ang pangalan niya sa bansang iyon, dahil nagpadala lamang sila ng bilang ng tao na pantapat sa mga terorista.

"Gagawin niyo talaga ang lahat miski ang pagsakit sa aming mga babae." dagdag niya.

"Itaas mo ang iyong mga kamay! Ngayon na!"

"Okey. Sige. Pero, hayaan mo muna akong ubusin ang tsaa ko."

"Umupo ka lang! Taas ang kamay!"

"Oo na. Pero, sabihin mo, aarestuhin mo ba ako na kagaya ng mga kriminal?" tanong niya.

"Paano nga kung oo?" sagot ng lalaki.

"Mali ang sagot mo, anak."

Iniabot niya ang tasa ng tsaa sa kanya. Isang alok na alam niyang hindi naman niya papansinin, imbes siguradong babarilin siya ng lalaki. Napakabilis na dumaloy ang kanyang mahika tungo sa dulo ng kanyang mga daliri sa hawakan. Kumulo ang tsaa, natuyo at naglaho. Nabasag at sumabog ang mismong tasa. Tumalsik ang mga piraso nito sa mukha ng lalaki, bumaon sa kanyang mga mata.

Agad nila kinalabit ang gatilyo, walang pumutok. Agad niya naitinikom ang dulo ng lahat ng kanilang mga baril, mula sa mahaba at maiksi.

Ang takure na nasa lamesita ay patuloy ang pagkulo. Nakatutok ang bunganga nito sa isa pang lalaki, pinupuntirya nito ang kanyang tiyan. Ibinuga ng takire ang kumukulong tsaa, sapul ang lalaki. Napaatras siya sa sakit, tiyak na nalusaw ang balat.

Ang iba pang mga armadong lalaki ay na nasa salas. Naghagis ng mahika ang babae, idinikit ang tatlo sa dingding. Ang kanilang mga ulo, mga kamay at mga paa ay hindi nila maigalaw. Iniunat niya ang kanyang braso at hinatak ang lalaki na nasa harap niya. Isinubsob niya siya sa may pridyeder. Bumukas ang pinto at isinara ng buong puwersa, naputol ang ulo ng lalaki.

Sinubukan ng isa na makipagbuno sa kanya. Ano ito? Isa ba siyang baliw? Itinulak niya ang babae tungo sa may lababo. Hinawakan ng lalaki ng napakahigpit ang kanang kamay niya habang ang isa niya pang kamay ay pilit na kinukuha ang patalim. Nakasayad ang likod niya sa may baldosa, itinutulak naman ng lalaki ang kanyang beywang sa pagitan ng hita ng babae. Inaapakan ang isang paa ng babae, at ang hita naman niya ay itinaas niya sa beywang ng lalaki. Nakakatukso para sa kanyang ang kanilang posisyon. *Naiisip mo ba?*

Gayon pa man, tinanong niya siya, "Nandaya ba ako? Hindi ko lang talaga mapigilan ang gamitin ang aking walang kamatayang mahika!"

*Nagalit ba siya dahil ako ang unang umatake na gawain talaga ng mga kriminal at mga pabagu-bago ang pag-iisip?* Dagdag niya sa kanyang isipan.

Isinaksak ng lalaki ang patalim sa leeg niya. Isang pulgada na lang ang layo ng dulo nito sa mismong litid. Nagtagumpay naman siya sa pagsangga. Inikot niya ang pulso ng lalaki at itinapat sa kanya ang kutsilyo.

"Akala ko ba malakas ang mga lalaki? pagyayabang niya.

"Manahimik ka!" tugon niya.

"Sinasabi ko lang ang totoo. Ikaw pa nga itong nakapatong!" dagdag niya.

Nabasag ang salamin ng bintana, may tumagos na bala. Naramdaman ng babae ang inda ng lalaki sa kung ano ang tumama sa kanyang binti. Dahil dito, tuluyan niyang naibaon ang patalim sa kanyang dibdib. Sunod niya ginamit ang aking ulo at pinatamaan niya ito sa kanyang mukha, napaatras ang lalaki.

Aksidente naman siyang napatapat sa may bintana. Isa pa ulit na putok mula sa isang riple, dumaan ang bala sa una nitong dinaanan. Sakto itong tatama sa ulo niya. Pakiusap lamang niya na huwag ang kanyang ulo. Umiikot ang bala at palapit ito ng palapit sa kanyang patatamaan.

Ngunit, sadyang mas mabilis ang mahika sa bala, iyan ang pinatunayan ng babae. Matagal na naghihintay ang kanyang gayuma na nasa bawat sulok ng buong kuwarto ng paupahan, kahit pa, ang mismong gusali. Sa isang utos lang niya ay maaari niya ito gamiting sandata o kalasag. Tumigil ang bala sa hangin. Nagkaroon ng pangatlong putok, pero, katulad ng nangyari sa pangalawang bala, tumigil din ito sa kalagitnaan ng hangin.

Ang tatlong nakadikit na lalaki sa dingding ay nahulog, nawala ang epekto ng mahika sa kanila ng maituon niya ang aking pansin sa balang paparating. Mabilis nila binunot ang kanilang nakatagong mga baril na hindi naapektuhan ng naunang mahika. Nagsimula silang paputukan siya. Tinamaan siya sa may balikat. Inutusan niya ang mahika, nakagawa siya ng isang harang na inilagay niya sa may likuran niya.

Sunod naman niya tinawag ang mahiwagang setro, mula sa kanyang kanan ay lumitaw ito doon. Nagdugtong ang maliliit na piraso ng mga kislap ng mahika. Tuluyan itong nabuo dahil sa tamang kumpas at galaw.

Hinawakan niya ang setro at itinukod sa sahig, huminto ang lahat ng bagay mula sa kusina, salas, maging sa silid-tulugan. Ang mga tumalsik na puwersa ay tumama sa lahat ng mga lalaki. Isang sumpa na kayang patigilin ang lahat ng mga gumagalaw maging sa buhay man o patay. Isang malakas na gayuma.

Nakangiti at taas kilay niya silang nilagpasan, lumabas na siya ng paupahang kuwarto. Nais man umatake ng iba pang mga lalaki na nasa ibang parte ng gusali ay hindi nila magawa at natulad sa ibang nakatigil.

Nagpadala pa sila ng mas madaming armadong kalalakihan. Hinarangan nila ang elebeytor at hagdanan. Walang kasiyahan kung hindi aalisin ng babae ang iba niyang mahika sa kanila.

"Paputukan siya!" sigaw ng lalaki.

Itinapat niya ang setro sa kanila at nagkaroon ng kalasag na tumutunaw sa pumapasok na bala. Bigla niya napansin na wala sa ulo ng setro niya ang isang bagay. Nawala ang nakasabit na patay na tuko. Lumuhod siya habang patuloy na nakatapat sa mga lalaki ang setro.

"Nagpupulot ako dito!" reklamo niya sa mga lalaki.

Baka luminsad ang ilan sa mga buto nito. Pinulot niya ang patay na tuko. Inilagay na lang niya ito sa bulsa na damit at para hindi na ulit mahulog pa. Sa tuwing tumatapak siya sa sahig ay naglalabas ito ng liwanag sa paligid ng kanyang mga paa.

Nang maubusan ng bala ang mga tanga at nagsimulang magkarga, nagsawalang-bahalang nilagpasan niya sila at dumiretso sa may hagdanan. Itinulak niya gamit ang mahika ang mga pasaway na nakaharang sa kanyang daan.

Pagkalabas niya ng gusali, may mas mdami pang mga armadong lalaki. *Bakit hindi nalang sila nagpadala ng tanke at para naman mas kapanapanabik ang laro.* Wala kahit isang sibilyan ang pagala-gala. Parehas silang tahimik, naghihintay kung sino ang unang aatake.

Pero, sa unang hakbang niya pa lang pala sa may pintuan ng gusali ay nagsimula na silang magpaputok. Walang balang lumalabas sa kanilang mga baril.

Lumapit siya sa dalawang lalaki na may mga granada sa kanilang damit. Nakangiti siya habang hinuhubad ang mga ito, naramdaman ko ang takot nila.

"Nawalan ako ng gana sa inyong laro." sabi niya.

Ano ang magagawa ng mga mortal na imbensyon laban sa kanya? Siyempre, wala!

"Nasaan nagtatago ang iba ninyong mga kasama?" tanong niya, hindi umimik ang lalaki. "Hindi bale. Susubukan ko na lang silang hanapin."

Pagkatapos ay umatras siya, gumawa ng isang bilog na plataporma sa ilalim ng kanyang mga paa, isang transportasyon. Lumutang siya sa hangin.

Habang siya'y lumilipad papalayo, siya namang alon ng buong kalsada mula sa magkabilang dulo. Sino ba siya na para buhayin ang mga tumataliwas sa kanyang hangarin? Siya ay ang Reyna ng Kadiliman! Wala siya ititirang buhay. Nilamon ng kapangyarihan niya ang lahat ng mga tao sa ibaba.

Tuluyan niya nilisan ang lugar na may takot sa mga mata ng tao at na hindi sila magwawagi laban sa kanya. Nakunan ng isang helikoptero ang pangyayari, napapanood na ito sa buong mundo.

Sadyang duwag ang mga nakakataas ang ranggo ayon sa babae. Nagtatago sila sa malayong lugar habang unti-unting namamatay ang mga taong pinadala nila para lang matapos ang isang misyon.

Natagpuan din niya ang kanyang hinahanap. Kasalukuyang nililisan ng kanilang superiyor ang gusali at kasama niyang naglalakad ang ilan sa kanyang mga tauhan na nasa isang pasilyo.

"Tawagan niyo ang dapat ninyong tawagan!" bilin niya ng pasigaw. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat mas pinakinggan ko ang mga dalubhasang Wizards!"

"Bawasan niyo kasi minsan ang kayabangan niyo." bulong ng isang lalaki.

Lumingon ang superiyor niya sa kanya at pinandilatan ng mata.

Pinasabog ng mangkukulam ang bintana, nagkaroon ng daan papasok sa pasilyo. Tinakpan nila ang kanilang mga ulo, tumunog ang alarma. Mula sa kanilang likuran, lumabas siya mula sa makapal na usok.

"Kumusta?" bati niya.

"Isa kang baliw." sabi ng superiyor.

"Paano niya tayo nahanap?" tanong ng isa.

"Naniniwala akong sa 'yo galing ito regalo na para sana sa akin." sabay hagis niya ng mga granda.

Nagmadali at kumaripas ng takbo ang mga kasamahan niya. Tumalon ang babae mula sa malaking butas sa dingding.

"Hindi ko nagustuhan ang regalo mo!" dagdag niya kasabay ng malakas na pagsabog.

Hindi na niya inalam kung may iba pang nadamay, basta ang mahalaga, lasug-lasog ang katawan ng kanilang nakatataas.

Tinulungan niya ang kanyang arili na huwag masaktan sa pagbagsak mula sa limampung palapag na gusali sa pamamagitan ng paglalagay ng mahika sa palibot ng kanyang katawan. Tinulungan siya nito na bumaba ng dahan-dahan.

Dumating ang naglakas loob na mamamahayag. Hindi inalis ng potograpo ang kamera sa posisyon ng babae.

Lumipad siya tungo sa kanila, nais ipakilala ang sarili sa mga taong hindi pa siya lubusang kilala.

"Ako ang babaeng kinatatakutan ng Amerika, Europa, Asya at maging Australya. Ako ang nagbibigay kilabot sa inyong mga mortal, walang makakatalo sa akin... Miski ang mga Overlords ay walang magagawa para iligtas kayo."

Mula sa malayo, nakita niya ang mga dumarating na mga Witches at Wizards. Totoo nga ang balita na pumapanig na sila sa mga tao para lang matigil ang gulo sa mundo, ngunit, hindi pa panahon na muling silang magharap ng babae. *Kailangan ko pa ng kaunting oras.* Ang salitang nasa isipan niya.

Bumaba siya sa lupa. Itinukod niya ang setro sa kalsada, humangin ng malakas sa buong paligid. Matatapos ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang paglaho. Lumusot siya sa ilalim ng lupa, nawala sa paningin ng lahat. Tinahak niya ang daanan ng tubig na nasa dulo nito ay ang dagat.

avataravatar