2 Chapter Two

"what?!" nanlalaki ang matang pag uulit ni Monique sa sinabi niya "Benedict assaulted you? oh my gosh!" kulang na lang ay lumabas na ang mata ng kaibigan mula sa eye sockets nito.

"well, he just ended his life here at SCU!" sabat ni Andrea sabay tingin sa kanya "when is your dad talking to the board of directors para patalsikin ang mokong na iyon?"

"I actually didn't tell my dad about it" aniya habang ipinagpatuloy ang pagpapahid ng lip gloss. She pouted her lips a little bit bago kuntentong isinara ang compact mirror na hawak

"ano? are you out of your mind?" si Monique ulit "listen B, if you think I like that guy kaya pinapalagpas mo ang ginawa sa iyo , you're mistaken! yes, at first I thought he was cute pero my gosh!" eksaherado tumirik ang mga mata nito "manyakis naman pala! he needs to be taught a lesson!"

"calm down, girls" pinaglipat niya ang tingin sa dalawang kaibigan "I decided to let it go because something good actually came out from what happened yesterday" a smile slowly broke on her lips

Halos sabay na umusog palapit sa kinauupuan niya ang dalawa, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"well?" untag ni Andrea nang hindi pa siya magsalita

"Xander came yesterday" kinikilig na sabi niya "he punched the hell out of Benedict" ang ngiti niya ay lalong lumapad.

"really?" kinikilig ding tanong ni Monique

"eh so what naman kung dumating si Xander, eh palagi naman yun sa house niyo di ba?" si Andrea

She frowned at her friend. Panira talaga ng trip tong si Andrea minsan!

"duh?" she rolled her eyes at Andrea "yes, palagi siya sa house but seeing him so mad because of what Benedict did to me....ay! priceless!" tinutop pa niya ng mga kamay ang tapat ng puso at tila nananaginip na ngumiti sa kawalan

"I don't understand your obsession over your kuya's best friend, really" ani Andrea na kumagat ng sandwich na hawak.

"what's so wrong with that? ang gwapo kaya ni Xander de Silva" pagtatanggol ni Monique sa kanya

"yes. gwapo nga siya, but he's 4 years older than us, isa pa ang tagal na kayang pinapantasya ni B yun, pero ayun waley pa din" muli itong kumagat ng sandwich "baka bading?"

Kung nakakasugat lamang ang tingin ay malamang nahiwa na si Andrea sa tinging ibinigay ni Bea rito.

"Kumain ka na nga lang diyan" tumayo siya sa kinauupuan at dinampot ang bag bago muling nilingon ang kaibigan "you gained weight, by the way"  she smirked at tila modelong naglakad palabas ng canteen. Nangingiti siya habang palayo ng kantina, she knows exactly what to say to tick off Andrea. Well, that's what she gets for doubting her precious Xander's masculinity! Diyos ko!

"that wench!" gigil na wika ni Andrea, padabog nitong inilapag sa plato ang kinakaing sandwich, biglang nawalan ng gana.

"kase naman nag co-comment ka ng ganun about Xander, eh alam mo namang yun lang ang lalaking perpekto para kay B" ani Monique

"whatever!" inis na sagot ni Andrea "kung ako lang ang sing ganda niyang malditang kaibigan natin, aba eh hindi ko sasayangin ang oras kong maghinaty na mapansin ako ng Xander na yan! ang dami dami kayang mga good looking and rich guys na nagkaka interes kay B pero sinasayang niya!"

"Eh in love nga siya kay Xander, ano magagawa natin?" Kinuha ni Monique ang sariling bag na nakapatong sa katabing upuan "we better go or we're gonna be late for our next subject"

*****

Malayo ang tingin ni Bea sa labas ng bintana habang iniikot ikot ng mga daliri ang hawak na ballpen. Their professor is giving a lecture ngunit wala sa kundisyon ang utak niyang makinig. She sighed, binabalikan sa ala-ala ang pagkakalapit ni Xander sa kanya kagabi.

Don't try me, Beatrix... hindi uubra ang kalokohan mo sa akin...

She sighed again. Bakit ba naman kasi ang daming mga chismis tungkol sa kanya na kesyo playgirl daw siya. In reality ay isa lang naman ang naging boyfriend niya for just a couple of months. Si Jeffrey Diaz.

Jeffrey Diaz was her classmate since high school. Ang totoo ay hindi naman niya ito talaga gusto kaya nga lamang ay napaka pilit nito. Isang taon siyang niligawan nito. He brought her flowers every single day for a year. Dala na rin ng pangungumbinsi nina Monique at Andrea ay sinagot niya ito, tutal wala naman sigurong mawawala sa kanya, guwapo naman ito at galing din naman sa isang magandang pamilya. Besides, it's not like she wants a serious relationship, bata pa siya at wala pa sa isip ang mga seryosong bagay. Siguro ay kung si Xander pa ang naging nobyo niya, malamang ay hindi na niya talaga ito pakawalan.

Matapos ang ilang buwan ng pagiging mag nobyo nila ni Jeffrey ay tinapos niya ang kanilang relasyon ng minsan nitong tangkaing halikan siya! Eeww! Hindi niya talaga kayang sikmuraing dadampi ang labi nito sa kanya! Siguro ay masyadong nasaktan ang ego ni Jeffrey kaya hindi nagtagal ay nagsimulang kumalat ang bali-balitang naikama raw siya nito.

No one would dare say it straight to her face but she heard the rumors circulating at school. She brushed those rumors off dahil wala naman talaga siyang pakialam kung ano ang sabihin ng mga tao sa kanya. She didn't expect the rumors though to get worse nang ang mga manliligaw na masama ang loob sa pagkaka basted niya ay magsimulang mag claim na naging nobya daw siya at na higit pa raw sa simpleng halik ang nagawa ng mga ito. Noong una ay naisip din niyang itama ang maling paniniwala ng mga tao, but then again she thought, isn't it pointless to try and convince everyone she's not that kind of woman? There will always be haters anyway, ang importante ay ang mga taong tunay na nakakakilala sa totoong Beatrix Montecillo.

Paano ngayon? Pati si Xander ay mukhang naniniwala sa tsismis na yan? Paano ka pa niya lalong mapapansin kung iniisip niyang isa kang flirt? Said the little voice in her head.

"Ugh!" Napalakas ang padabog na paglapag niya ng ballpen sa kanyang desk. Lumikha iyon ng ingay na nakatawag ng atensyon ng klase.

"Is there a problem, Ms. Montecillo?" Kunot noong tanong ng professor.

Bea looked around. Ang mga mata ng mga kaklase niya ay nakatuon din sa kanya.

"Uhm... nothing sir, sorry" she gave the professor a smile.

Damn! Siguro ay dapat niyang kausapin kahit si Xander man lang para itama ang maling akala nito.

*****

Matapos ang klase ay tinawagan niya ang binata. She asked him to meet her at the nearby coffee shop, as usual ay pumayag naman ito.

Sumaglit muna si Bea sa washroom upang mag retouch. Wala naman talaga siyang masyadong make-up na ipinapahid sa mukha kundi kaunting blush on, mascara at manipis na lipgloss. She's 17, and her mom would have a heart attack kung maglalagay siya ng full on make up sa edad niyang ito.

Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok na kaninang umaga ay inayos niya upang bahagyang magkaroon ng alon. Beach wave curls kung tawagin ito ayon sa magazine kung saan niya sinundan ang steps ng pag aayos. Bumagay naman iyon sa kanya, lalo at may kahabaan na ang buhok niya.

Hinagod niya ng tingin ang sariling repleksyon sa salamin matapos makapag retouch. She smiled contentedly. Not being conceited but she does look good. Marami ang nagsasabing pwede raw siyang mag artista o modelo. Hindi naman siya katangkaran sa taas na 5'6", maputi at makinis ang kanyang kutis na tila sutla, her eyes were bright and expressive at marami ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig niya sa artistang si Nina Dobrev. To top it off, she's got an enviable vital statistics of 34-23-34, kaya naman hindi niya alam kung ano pa ang kulang at hindi siya napapansin ng lalaking gusto niya?

Hinugot niya ang travel size na Jo Malone perfume mula sa bag at nag spray ng kaunti sa magkabilang punong tainga bago lumabas ng washroom.

Agad niyang nakita si Xander na nakaupo na sa isa sa mga booths ng coffee shop. She smiled broadly and waived at him. Napalis ang ngiting iyon sa kanyang mukha ng makita niya ang paglapit at pag-upo ng isang babae sa tabi nito.

He brought someone with him? Paano sila makakapag usap kung mayroong asungot? At sino ba ang babaeng ito? Agad nabuhay ang inis sa dibdib ni Bea.

avataravatar
Next chapter