webnovel

5. Who are you, Cold Man?

Naglalakad kami ni Eros papuntang room namin nakatingin siya sa malayo at bumalik siya sa pagiging coldman niya.

Umupo na kami sa upoan namin kaya naglakas loob akong magsalita

"Pasensya sa mga sinabi ng kapatid ko Eros " Sabi ko tumingin naman siya sakin at nag salita

"Don't be sorry for her cause she's not your real sister." sabi niya tapos binuklat niya yung makapal na libro at nagsimula ng mag basa. Hindi nalang ako nagsalita at nag aral nalang din.

Pag-uwi ko sinalubong agad ako ni Sofia at tanong ng tanong.

Pumunta na ako sa kusina para uminom sinundan niya parin ako.

"Wala ngang kami Sofia hindi rin kami friends nag sabay lang kaming kumain" sabi ko pinatong ko yung notebook ko sa table at yung bag ko sa upuan

"Don't lie to me Savina! I know you you're a flirt! " Sabi niya

"Ano bang sinasabi mo Sofia! wala ngang kami ano bang gusto mong sabihin ko " sabi ko at kumuha ng tubig

"Walang kayo pero alam mo palang may kapatid siyang babae at kilala ka pa ha. Marami kang alam na hindi namin alam tungkol kay Eros. At ngayon ko lang alam na may kapatid siya alam mong maraming kumukuha ng impormasyon kung saang pamilya si Eros saan siya nakatira kahit nga full name niya hindi namin alam. At yung kapatid niya mukang close pa kayo eh may binigay pa ngang letter sayo" Sabi niya nagulat ako ng binuklat niya yung notebook ko sa ibabaw ng table doon ko nilagay yung letter ni Emily

"Anong ginagawa mo hindi sayo yan" sabi ko dahil kinuha niya yung letter ni Emily sakin kinuha niya at nilayo saakin agad ko siyang hinabol

"Ano bang meron dito" sabi niya bubuksan niya sana kaso inagaw ko sakaniya.

"Anong nangyayari dito----"

"Awww!" nagulat ako ng dumating si Tita hazel at kunwaring napaupo si Sofia sa sahig

"Sofia" sabi agad ni Tita Hazel at agad agad na lumapit kay Sofia kakagaling niya lang sa trabaho.

"Si Savina mommy binabasa ko lang naman yung papel na yon oh ayaw niya tinulak pa niya ako" sabi ni Sofia nagulat ako ng sinampal ako ni Tita Hazel.

"May pinagmamalaki kana ba ha? Wala ka kung wala kami dito! kaya wag kang magmagaling na parang kaya mo na mag isa" sigaw niya sakin tapos pinagtutulak niya ako

"Buti nga di na kita pinapalamon mabuti pa sayo yan para marunong kang magtrabaho hindi yung iaasa mo lahat saakin bwesit ka! Ano bang meron sa walang kwentang papel yan at nagagawa mong saktan ang anak ko ha!" sigaw ni Tita Hazel nagulat ako ng kinuha niya ito at pinagpupunit

"Wag please tita Hazel wag!" sigaw ko pero pinunit parin niya yung papel at tumingin saakin

"Sa susunod pang may mangyaring ganito lumayas kana dito naiintindihan mo ba " Sabi ni Tita Hazel tumango nalang ako at umalis sila nag grin pa sakin si Sofia at nag salita

"Magiging akin din si Eros, hindi kahit kanino hindi kay Jasmin mas lalong hindi sayo kundi saakin lang" Sabi niya at umalis

Napapikit naman ako si Jasmin siya yung kinikwento sakin ni Shella na Magandang mayaman yung nagpa imbistiga kay Eros kung anong buhay niya pero wala siyang nakuhang sagot.

Wala naman akong paki kung sakanya si Eros wala naman akong gusto kay Eros.

Wala nga ba?

Pinulot ko nalang yung mga punit punit na papel at nagtungo na sa kwarto ko

Pinagdikit dikit ko nalang yung mga punit na papel at buti nalang nababasa parin. Binasa ko yon nag kwento lang naman si Emily sa idol niyang si Barbie sinabi niya rin na uuwi narin siya sa malayo pero hindi niya sinabi kung saang lugar iiwan niya si Eros kaya bantayan ko daw yon lang naman nakalag.

Humiga nalang ako sa kama ko hindi ko na dinibdib yon kasi parang nasanay narin ako. Lagi naman silang ganyan sakin kaya tiis tiis nalang hayst.

Wala narin akong work sa coffeeshop nag resign narin ako don hahanap nalang ako ng bago sa bakasyon hindi ko narin kasi maharap magtrabaho kasi ang dami kung reviewer hayst. Dalawang taon nalang Medstudent na ako.

Andito na ako sa room katabi na si Shella magkakasama nanaman kaming magkakaklase si Eros nasa likod nakaupo at kami ni Shella dito sa harap.

"Event ng HRM ngayon diba tara makitikim tayo ng free taste sa field hahaha" Sabi sakin ni Shella tumango naman ako

"Pero diba HRM si Sofia hayst basta avoid nalang natin siya hahaha" Sabi niya

"Hindi natin siya makikita promise basta tikim tayo ng mga freetaste nila don" sabi ko

"Sige sige maraming tao don mamaya andun kasi sa field yung mga engineering hehe" sabi niya

"Sus lalaki talaga hinahanap mo bwesit ka di ka nagbabago" Sabi ko tapos nagtawanan kami.

After class namin pumunta agad kami ni Shella sa field at sabi ko na nga ba mga engineering lang ang pinunta niya.

Kanina pa ako naghihintay kay Shella puro pagpapacute lang ginagawa sa mga engineering na mga to.

"Shella naman eh! lipat naman tayo ng pagkainan saka gusto kung bilhin yon oh." Sabi ko kasi iisa lang yung pwesto namin sa mga malapit sa engineering.

"Sige na nga kanina pa rin naman ako naririndi sa boses mo" Sabi ni Shella inirapan niya pa ako natawa nalang ako.

Bibili kami ng ibang pagkain na binebenta sa field ang daming masasarap kaya pinagbibili na namin kung anong gusto namin kainin

Ang tagal na naming andito paikot ikot lang kami.

Napunta kami sa gitna nakita ko si Sofia siya yung nagpapatikim ng mga ginawa nilang cake

"Tara na malapit na tayo kay Sofia" sabi ni Shella nakita niya rin pala si Sofia tumango nalang ako

Pero tatalikod na sana kami ng may tumawag sa pangalan ko. Si Sofia wala na akong ginawa kundi harapin siya

Tumatakbo siya papalapit sakin at ang lapad ng ngiti niya

"Buti andito ka hayst siguro gusto mo ng mga freetaste no haha" Sabi niya pero hindi ko nalang pinansin yung sinasabi niya

"Excuse me bumibili kami" Dagdag naman ni Shella pero pinigilan ko nalang siya

"Bakit pala Sofia may kailangan kaba?" tanong ko ang lapad talaga ng ngiti niya

"Wala naman may hinanda lang ako para sayo lemon juice ginawa ko yan mas gusto ko sana kung kapatid ko yung unang makatikim" Sabi ni Sofia nagulat naman ako

"Wow lumaklak ata to ng holy water besh bumait eh haha" Sabi ni Shella kaya pinalo ko siya ng nag iba ang aura ni Sofia

"Nagjojoke lang si Shella hehe" sabi ko

"Nicejoke" mataray na sabi ni Sofia kay Shella

"So taste it. I made it for you " Sabi niya at nilapit niya pa lalo yung bottle sakin nag smile nalang ako kasi wala naman akong choice.

Kinuha ko na yung baso na hawak ni Sofia at binuhos na niya yung juice sa baso ko

iinumin ko na sana ng may mabilis na umagaw sa basona hawak ko at sobrang malakas niyang tinabig yung kamay ni Sofia

Nahulog sa sahig yung juice na hawak ni Sofia at napahawak siya sa kamay niya na tinabig ni Eros dahil sa sakit

"Loraine!" sabay sabay na sabi ng mga kagrupo ni Sofia ng makita nila ang ginawa ni Eros kay Sofia

"Ayos ka lang ba Loraine?" nag sitakbuhan sila papalapit kay Sofia at sobrang nag aalala namula yung kamay ni Sofia

"Ano bang problema mo Eros! bakit mo ginawa yon" Galit na sabi ng mga lalaking kagrupo ni Sofia pero meron parin sakanila ang takot kay Eros

Pero si Eros seryoso lang ang tingin kay Sofia. Nagsimula ng bumilog ang mga tao saamin at nanunuod

"I saw you " Seryosong sabi ni Eros na nanlaki ang mata ni Sofia

Anong nakita niya bakit? anong meron?

"Do you want them to know what i saw." Seryosong sabi ni Eros at nakaharap siya ng harapan kay Sofia napalunok nalang si Sofia dahil sa takot

Nagsimula ng lumakas ang mga bulongan ng mga tao at mas dumadami ang mga tao sa paligid

"Ms. Sofia Loraine Brexto and Mr. Eros Crisolo what's happening here" Napatingin kaming lahat sa dumating except si Eros hindi tumingin sa dumating na principal namin at may iba rin siyang kasamang teachers

Nagulat si Sofia dahil sa dumating. ano bang ginawa niya at takot na takot siya.

"Ah wala po Maam. Hehe diba hehe" Sabi niya at nawerdohan yung mga groups niya

"Wala pong nangyayari dito Maam nahulog ko po kasi yung biniling lemon juice ni Eros kaya papalitan ko nalang po hehe" Dagdag niya pa ang sinungaling talaga niya

"Story maker che" Narinig kung bulong ni Shella kaya siniko ko siya

"Don't you there do that to Savina again even to others or else" nakakatakot na sabi ni Eros

Nagulat ako ng hawakan niya wrist ko at hinila niya ako papalayo.

Hanggang makarating kami sa walang tao kanina alam ko sumunod samin si Shella pero bakit asan na yon. Binitawan na niya yung wrist ko at tumingin sakin

"Next time always check what you're drinking. You almost drink that fucking deadly party drugs" sabi ni Eros biglang nangatog yung mga tuhod ko

"W-what? party d-drugs?" Sabi ko bakit gagawin sakin yon Sofia

"I saw her putting a drugs in that juice " Sabi niya napahinga naman ako at napaisip

"Thankyou" Maikling sabi ko nalang nakatitig nanaman siya saakin at sobrang tahimik. Hindi ko alam pero nilagay ko yung mga buhok kung nagkalat sa mukha ko sa tenga ko

"Amm ano sige salamat uli----" napatigil ako ng may tumawag sakaniya

[Mr. Petrakis you're bank-----] Biglang pinatay ni Eros yung tawag dahil alam niyang nakikinig ako

"Ah sure. Goodbye " maikling sabi lang ni Eros at agad agad na umalis sa harapan ko napakunot naman ako ng nuo may tinatago rin siya dahil pangalawang beses ko ng narinig na tinawag siyang Petrakis?

"Ano bang meron sayo Eros. Sino ka ba talaga?" Biglang lumabas sa bibig ko yung sinasabi ng isip ko

Nagulat ako ng may humawak saakin sa braso

"Ang bilis niyong mag lakad kung saan saan pa ako naghanap hayst. Bakit ka daw hinila ni coldman?" sabi ni Shella pero hindi ko maintindihan dahil nasa isip ko ang words na

"Petrakis"

"Oh bakit yan Petrakis? Di kaba makamove on jan sa Petrakis na yan baka guni guni mo lang yang narinig mo " sabi ni Shella tumingin ako sakaniya

"Hindi! narinig ko ulit yung word na Petrakis at sa kausap uli ni Eros" sabi ko nagkatinginan naman kami ni Shella

"May tinatago siya" Sabay naming sabi ni Shella.

Andito ako sa basement sa kwarto ko at kahit naka earphones ako naririnig ko parin yung malakas na tv sa taas. Nilagyan pa nila ng speaker kasi mafefeature yung company na pinagtatrabahuan ni tita hazel at sobra siyang proud na don siya nag tatrabaho na feeling niya ganun na rin siya kayaman.

"Ang tagal naman ng Philippines sa dami ba naman ng company ng Trakis Corp. sa buong mundo." Sabi ni Tita Hazel naisipan kung lumabas narin at umupo sa sofa

Umupo rin ako at hindi nila ako pinansin. Sabagay papansinin lang nila ako pag may kailangan sila

Nanuod din ako sobrang yaman talaga ng Trakis corp. Alam ko may Hospital din sila dito sa Pilipinas eh.

"Tita Hazel may hospital din ba ang Trakis Corp dito sa pilipinas?" Sabi ko napatingin naman sila saakin

"Bakit magdodoctor ka talaga? parang magiging doctor ka naman" sabi ni tita Hazel napatahimik nalang ako

"Mommy nag tatanong lang naman siya gusto niya maging janitor sa hospital hahahah" sabi ni Loraine tapos sabay silang tumawa. Di ko nalang sila pinansin at nanuod nalang

Pero pinagtataka ko bakit hindi nirereveal kung sino yung CEO ng iisang company na yan.

pumasok nalang ako sa kwarto ko kasi parang mag isa ko rin lang nanunuod.