webnovel

1. Who are you, Cold Man?

*******

Nakatitig ako sa mommy kong nagluluto ng umagahan ko dahil papasok ako ng maaga. Nakauniform ako at masaya siyang pinaghahandaan ako ng pagkain

"Kumain kana anak para makasabay ka sa Daddy mo" sabi sakin ni Mommy agad akong tumango

"Opo mommy ah. Mommy sabay kana sakin" sabi ko ngumiti naman siya saakin at umupo sa harap ko. Sakto namang bumaba na si Dad at formal ang suot at masayang hinalikan si Mommy sa labi. Agad kung tinakpan mga mata ko kaya natawa sila

"Kumain kana jan makamaiwan ka haha ito tubig " Nagulat ako ng mabitawan ni Mommy yung tubig na ibibigay sana niya sakin kaya natapon sakin

*****

Napabalikwas ako at nagising ng maramdaman ko ang sobrang lamig na tubig.

"Gising na mahal na Savina at maaga ka pang magluluto bago pumasok!" Napapikit nalang ako sa inis dahil sa ginawa ni Sofia.

At binato niya sakin yung hawak niyang baso na pinang buhos sakin buti nalang nakuha ko kaagad. Inirapan muna niya ako bago siya lumabas

Napahinga naman ako. Ang ganda ng panaginip ko sana hindi nalang ako nagising.

Si Sofia ang stepsister ko at si Tita Hazel ang asawa ni Daddy. Two years bago namatay si Mommy nakilala ni Dad si Tita Hazel.

At ngayon i'm all alone naiwan ako sa dalawang bruha dito sa bahay. Sana sumama nalang ako kay Daddy non para magkakasama na kaming tatlo sana hindi nalang ako nag aral non at sumama nalang sakaniya hayst.

7years ng patay si Mommy dahil sa sakit niyang leukemia at si Dad sumama narin kay Mom. At naiwan akong mag isa.

Sila Tita Hazel at Sofia dito nakatira simula nong ikasal sila ni Dad hindi ko pa tanggap dati dahil 2years palang na patay si Mommy ikakasal na siya sa iba tapos siya sinasama niya ako dahil third anniversary na nila ni tita Hazel hindi ako sumama at yon ang pinag sisisihan ko. Sana kasama ako sa Car accident ni Dad sana kasama ko na uli si Mom.

Nung buhay pa si Dad hindi naman ganito trato sakin nila Tita Hazel pero nang mawala si Dad ginawa nila akong alila si Sofia lumipat sa kwarto ko at ako ngayon nasa basement sanay narin ako sa mga gawaing bahay dahil buhay reyna at prinsesa yung dalawa sa bahay. Kwarto ng mga katulong yung kwarto ko ngayon pero ngayon wala ng mga katulong pinaalis lahat ni Tita Hazel at yung business ni Dad sa Brexto's Wine bumagsak dahil wala na nga si Dad. Itong malaking bahay lang na to ang naiwan saamin.

Nagluto na ako ng almusal nilang dalawa at pagkatapos ay agad agad akong naligo.

Paglabas ko ng basement kumakain na sila hindi ko nalang sila pinansin dahil pagkakain din ako ay papaalisin lang nila ako.

Kaya laging umaga nasa cafeteria ako at nalilate kung minsan.

Pumunta na ako sa cafeteria at kumuha ng pagkain. Wala na akong allowance pagbinili ko yung pera ko wala na akong pera. Ayoko rin mag labas ng pera dahil iniwan sakin yon ni Dad pang college ko kaya ginagawa ko lahat para hindi kumuha don dahil mag dodoctor ako hindi ko alam kung kasya ba yong pera ko na nasa bank ko. Eh matagal tagal pa akong magiging doctor

Binili ko na yung pera ko at umupo na at kumain.

Maya maya merong tumabi sakin at bigla akong binulungan.

"Andito sa cafeteria si Cold Man besh!" bulong sakin ng kaibigan ko tumingin naman ako agad sa paligid ko bulungan nanaman at nasa iisang lugar lang ang tingin.

"Alam ko" cold kung sabi nagulat naman ako ng pinalo niya bigla yung braso ko

"Aray ko naman! ang aga aga Shella ah!" sabi ko at lumayo ng kunti sakaniya at sumubo uli

"Ikaw naman kasi ang aga aga rin ang sungit sungit mo! Hindi ka nanaman ba pinakain sa bahay niyo." sabi niya tumango naman ako

Nagulat ako ng may bumangga sa table namin dalawang babae.

" Ay sorry po sorry hehe" sabi niya at tinanggal agad yung tingin sakin at nilipat sa cold man na andito daw sa cafeteria

"Tignan niyo muna kaya dinadaanan niyo. Bago kayo tumingin sa bebe ko hoy! " sigaw naman ni Shella sa dalawang babae na di sinasadyang mabangga yung table namin dahil nakatingin sila kay Cold Man.

"Mga bwesit na yon mamaya matunay si Cold man eh" sabi ni Shella

"Kayong lahat na nandito sabihin mo mga bwesit para kayong hindi nakakita ng tao saka Eros pangalan niyan hindi Cold man hayst" sabi ko at tumayo iniwan ko siya bigla naman siyang lumapit sakin ang kulit kulit niya kaya nahulog ko yung kutsara na nasa tray ko lahat ng taong nakatingin kay Cold Man ngayon nakatingin na sakin dahil nakagawa ako ng ingay pero si Coldman hindi manlang tumingin.

"Sorry hehe" sabi ko at pinulot ko kaagad yung kutsara at sinamaan ko ng tingin si Shella nag piece sign naman siya sakin.

Binalik ko na yung tray at lumabas na kami ni Shella sa cafeteria. Nagtaka nga ako dahil ang tahimik niya

"Hoy okay ka lang?" sabi ko busy siya sa kakatingin sa phone niya.

"Tignan mo besh oh ang pogi niya kahit kumakain" sabi niya at kinikilig kilig pa binatukan ko naman siya

"Baliw ka talaga di mo nalang nirespeto yung kumakain" sabi ko pero parang di niya ako pinansin at pinag tutuunan niya ng pansin yung mga picture ni Coldman

Pumasok kami sa Cr at busy parin siya sa pagtitingin sa picture ni ColdMan

Pumasok ako sa loob ng cubicle at paglabas ko nakatingin parin siya sa picture ni Coldman

"Ano bang meron jan sa picture ni Eros? at titig na titig ka" sabi ko at inagaw nag scroll scroll ako at tinitignan din niya

"Ang pogi pogi niya talaga para siyang perpektong tao hindi ko lang alam kung taga saan siya sino mga magulang niya sino girlfriend niya? " sabi niya

"Tanongin mo kaya?" sabi ko

"Ayoko ko nga baka mapahiya lang ako hindi ako pansinin non. " Sabi niya

"Edi mga kaibigan niya? Two years mo siyang araw araw nakikita dito sa school hindi mo siya kilala?" sabi ko

"Hay nako kung may kaibigan lang sana siya or kapatid kaso wala eh coldman Haha ayaw makipag kaibigan" sabi niya

"Oh! may picture na kayo oh sabay pa kayong sumusubo hahahahah" sabi niya kinuha ko naman agad yung phone niya at tinignan yung picture. Nasa iisang picture lang kami at nasa malayo siya sumusubo siya at ako rin bwesit talaga tong babaeng to kumakain ako jan eh

"Delete mo nga yan!" sabi ko

"Fernessss besh bagay kayo ayieee" sabi niya tapos inaayos ayos niya pa yung damit ko at buhok ko

"Tapos ganito siya katangkad oh tapos tatabi siya sayo bagay kayo oh ang ganda mo pa." Sabi niya pinalo ko naman yung kamay niya kaya tumawa siya tapos biglang tumahimik

"Bakit kasi hindi kapa mag boyfriend marami namang nanliligaw sayo bigtime pa ayaw mo. Kung ganyan lang siguro mukha ko sayo lalandiin ko yung anak ng presidente hahahah" tapos tawa pa siya ng tawa

"Baliw ka talaga hahaha" sabi ko

"Magpalit muna tayo ng mukha tutal jan naman naiinis sa mukha mong maganda si Sofia hahaha" sabi niya at tumatawa tawa pa

"Are you saying na mas maganda siya kesa sakin?" Napabalikwas si Shella dahil dumating si Sofia tatango sana siya pero umiling nalang

"Good. Remember i'm the most beautiful here guys so You. Better. Shut. Your. Mouth. Shella." sabi ni Sofia tumango tango nalang si Shella ako nagkunwari nalang na walang tao sa paligid ko at sa salamin lang ako tumitingin.

"ho! grabe talaga ugali ng stepsister mo na yan ayaw talaga magpatalo sayo loser naman talaga " sabi ni Shella

"Kung ako lang ikaw sinasagot ko yon kasi bahay ng family mo yung tinitirahan nila Savina. dapat hindi ka nila trinatrato ng ganyan lagi kang gutom hindi ka pweding kumain ng masarap pag ka harap sila hindi ka pwede maging masaya----" Natigil siya ng tumingin ako sakaniya ng seryoso at napahinga

"Okay lang ako Shella basta tutoparin ko pangarap ni Mom sakin na maging doctor" sabi ko tumahimik naman na siya kaya tumingin uli ako sakaniya

"May utang paba ako sayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala na nagbayad kana sakin nong isang araw?" sabi naman niya sakin

"Bakit uutang kaba uli okay lang binabayaran mo naman eh magkano ba? Hayst kung pinapakain ka lang sana ng Mother mo" sabi niya

"1k lang babayaran ko nalang pag nagsweldo na ako" sabi ko tumango tango naman siya

"Pero pwede bukas ko nalang ibigay gagamitin ko kasi ngayon eh pag-ibibigay ko sayo kulang na pwede ba bukas nalang" sabi niya

"Oo okay lang bukas muna ibigay may pera pa naman ako eh" sabi ko kahit wala na. Ngayon paano ako kakain ng lunch at dinner hayst bahala na nga

Pagkatapos ng buong klase hindi na ako nag lunch. Hanggang 2pm lang kasi class ko ngayon kaya pupunta na ako sa work ko. Sa coffee shop

Nagtrabaho ako ng nagtrabaho dahil wala akong kakainin pag hindi ako magtatrabaho. Kinuha ko lahat ng order ng mga student dahil puro student costumer namin ngayon siguro kakatapos lang ng exam nila kaya.

"Here's your order sir? Choco LT Milk and buko cake" sabi ko at nilapag ko yung order nila

"Anything sir?" tanong ko pero nakatitig lang siya saakin

"Nag-aaral kapa ba? " tanong nong lalaki tumango naman ako

"Can i get your name? I'm a photographer and i want you to be my model?" Sabi niya nagulat naman ako

"Savina po. pero ayoko po" sabi ko at tumalikod nagulat ako ng hawakan niya yung apron ko

"If you change your mind this is my card?" sabi niya kinuha ko nalang at binulsa at umalis don. Naiilang ako sa mga titig niya hayst.

Lumipas ang mga oras 11:12pm na malapit na matapos ang work ko mamayang 12

"Okay na Savi mukhang pagod na pagod kana umuwi kana ako na bahala dito malapit naman na matapos shift mo " sabi nang katrabahuan ko si Kristine at tinap yung shoulder ko

"Thankyou hayst. Maaga pa nga ako bukas salamat uli" sabi ko tatakbo sana ako paalis don ng tinawag ako ng boss namin

"Savina! halika muna dito last na to ihatid mo muna itong order na to don sa table 23" sabi non boss namin kaya agad agad akong tumakbo papalapit sakaniya.

Gutom na gutom na ako hindi ako naglunch wala akong pambili ng pagkain. Tapos iseserve ko masarap na pagkain hayts tiis tiis. Nanghihina narin ako

Kinuha ko yung tray at tinuro sakin nong boss ko kung saan ko eseserve

Nagulat ako ng si Coldman ang may ari nitong hawak ko. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sakaniya.

Habang naglalakad ako papalapit sakaniya napapatitig ako sakaniya. May hawak siyang makapal na libro at gwapong naka upo.

Aaminin ko gwapo talaga siya pero hindi ko siya gusto. Papalapit ako ng papalapit sakaniya parang nagdidilim yung paligid ko

"Sir here's your orde-----" bigla nalang dumilim ang paligid.

******

Napamulat ako ng mata. Napaupo ako ng malaman kung wala ako sa bahay tumingin ako sa paligid puro puti.

agad akong tumayo at pumunta sa bintana nakikita ko ang mga kalsada sa baba. Nasaan ako?

"Gising na po pala kayo Miss---ah? " tanong niya.

"Nasaan ako?" sabi ko kaagad nurse siya

"Nasa hospital po kayo miss dinala po kayo ng boyfriend niyo kagabi dito. Nalipasan po kayo ng gutom at sobrang pagod po kaya nawalan po kayo ng malay pero okay na po kayo pwede na po kayong madischarge ngayon" sabi niya

"Ha? sinong boyfriend ko? teka anong oras na ba? asan yung mga gamit ko?" sabi ko shit baka late na ako sa class ko ngayon

"Yung gwapo miss, saka 8:30am na po andito po mga gamit niyo" sabi niya kaya agad akong tumakbo sa mga gamit ko

"Malapit lang ba dito sa Miltons de University? " tanong ko sa nurse

"Medyo po bakit po?" sabi niya umiling nalang ako

"Magpapalit lang ako may klase pa kasi ako " sabi ko at pumunta agad sa cr sa kwartong ito paglabas ko andito parin yung nurse at naka tingin sakin

"Bakit? ah magkano bill ko?" naalala ko babayaran ko pala bill ko dito hayst. Sana kasi hindi nalang ako pinunta nang kung sino man dito sa hospital mapapagastos pa ako

" ah Miss wala na nabayaran na nung lalaki? miss boyfriend mo ba yung gwapong naghatid sayo dito kagabi" tanong niya nagtaka naman ako

"Wala akong boyfriend saka hindi ko kilala yung sinasabi mong gwapo sorry miss aalis na ako paki sabi nalang pag bumalik yung lalaki salamat!" sabi ko at iniwan na yung nurse tinawag pa niya ako pero hindi ko nalang siya pinansin

Sino kaya yung lalaking nagpunta sakin dito hayst.

Sumakay ako ng jeep papuntang school. Suot ko pa tong uniform ko kahapon tapos binalik ko lang hayts.

Habang nakasakay ako ng jeep napapansin kung hindi ako tinatawagan ni Shella eh pag nalilate ako sobra na kung tumawag sakin yon.

Bigla namang may nag pop sa phone ko si boss nag text binasa ko yon napangiti ako ng sinabi niyang may sweldo na ako sa bank ko iba yung bank na binigay sakin ni Dad. Nagpagawa kasi ako ng iba kung bank para hindi ko magastos yung pera na iniwan sakin ni Dad dahil may 8years pa akong mag aaral bago maging doctor.

Tinawagan ko naman si Shella dahil na wiweirdohan ako bakit hindi siya tumawag.

[Besh! bakit?] sabi niya agad

"Bakit hindi ka tumawag sakin anong oras na oh edi sana nagising ako hayst" sabi ko

[ Ha? Bakit naman kita tatawagan ngayon---ahh yung uutangin mo pala ay sorry idaan ko nalang sa bahay niyo later kumain kana ba?] sabi niya

"Ha? sa bahay pwede sa school na OTW na rin ako bat sa bahay pa baka nga pagalitan ako ni Tita Hazel kasi hindi ako umuwi kagabi" sabi ko nagulat ako ng sumigaw siya

[HA!!! ANONG SCHOOL SABADO NGAYON! ANONG HINDI UMUWI KAGABI BAKIT ANONG NANGYARI INAWAY KA NANAMAN BA NI SOFIA OH MAY KASAMA KANG LALAKI KAGABI!] ang lakas ng boses niya sa kabilang lenya kaya nilayo ko kunti

"Chill ka lang nga jan wag kang sumigaw basta ikweikwento ko sayo mamaya" sabi ko hininaan ko na yung boses ko kasi pinag titinginan na ako dito sa loob ng jeep

[HOY IKAW SAVINA BREXTO HA! BAKIT HINDI KA UMUWI SAAN KA PUMUNTA KAGABI----] ang ingay talaga niya

"Mamaya na nga bahalakajan!" sabi ko at pinatay ko na yung phone ko. Tumawag uli siya pero pinapatay ko nalang uli.

Napahawak ako sa noo ko sabado pala ngayon. hayst buti nalang tumawag ako kay Shella

"Manong para po" Sabi ko at bumaba maglalabas ako ng pera nagugutom parin ako

Bumuli ako ng maraming instant noodle, mga incan, chips at mga kape. Dahil may exam kasi sa Wednesday mag stock na ako dahil pag wala nanaman akong pera saan nanaman ako kakain.

Pagkababa ko ng tricycle napatingin ako sa labas ng bahay. Maganda at malaking bahay ang tirahan ko masayang mga tao ang mga anjan sa loob niyan dati nang buhay pa si Mommy. Pero ngayon nasa isnag maliit nalang ako na kwarto at mag isa.

Pumikit ako dahil alam kung bubuhos nanaman luha ko. Nag doorbell na ako at pinagbuksan ako ng pinto ni tita Hazel. Inabot ko ang kamay niya at nag mano pero agad niya ring inalis

"Bakit ngayon ko lang?. Hindi ka umuwi kagabi maraming trabaho tinatakbuhan mo ba ha babae ka! " sigaw agad sakin ni tita Hazel bigla namang sumulpot si Sofia sa likod niya at may binulong sumama ang tingin sakin ni Tita Hazel at nag grin lang sakin si Sofia

"Sinasabi ko na nga ba! maglalandi ka lang kaya ka ba hindi umuwi kagabi dahil nakipag kita ka sa lalaki ha! Saan nanggaling yang mga dala mo ha! " sabi niya

"Nag trabaho po ako kagabi para may pambili ako ng pagkain ko" sabi ko

"Hindi kaya Mommy nakita ko siyang sumakay sa magandang kotse kahapon pagkatapos ng school matanda ata kasama niya eh may sugar daddy siya" pagsisingit ng sinasabi ni Sofia

"Ano bang sinasabi mo Sofia! Tita hindi po totoo yung sinasabi niya nagtrabaho lang po ako kagabi" sabi ko

"Sinasayang mo lang ang perang iniwan sayo ng daddy mo. Tutal may boyfriend ka namang matanda ibigay muna samin yang Debit card mo at ibibigay ko kay Sofia" sabi niya umiling agad ako

"Tita pang-aral ko po ito binigay sakin ni Dad. Hindi ko po ito ginagalaw kahit sobrang wala na akong pera dahil gagamitin ko po ito sa medschool" sabi ko

"Ginusto mo yan may matanda ka namang nobyo sakaniya ka nalang humingi tutal hindi ka naman nag aaral at puro landi lang yang inaatupag mo. Akina yang card mo!" sigaw ni Tita Hazel agad kung pinatalikod yung bag ko

"Please po wag po. Ito nalang lahat ng pinagtrabahuan ko jan pumapasok yan nalang po kunin niya please " sabi ko

"totoo ba to? Sige tutal gumagamit ka naman ng mga kuryente at tubig mas mabuti nalang na ako na mag hawak nito para meron kang ibayad" Sabi niya

"Mommy ako nalang po hehe ipangbibili ko pa ng long gown ko diba malapit na samin ang nightball" sabi naman ni Sofia habang naglalakad sila papalayo sakin naririnig ko parin sila

"Sige ikaw na mag hawak niyan mas okay na sayo nalang yan" sabi naman ni Tita Hazel. Napapikit nalang ako sa inis

Bumaba na ako sa basement at nilapag lahat sa sahig ang mga dala ko umupo ako sa kama ko at napapikit sa inis may naramdaman nalang akong mainit na lumabas sa mga mata ko

"Mommy" sabi ko habang umiiyak. Kung andito ka sana siguro hindi ako nahihirapan ng ganito I miss you mom.

*****

Pagkatapos kung kumain natulog na ako kanina nag alarm ako ng 1pm dahil 2pm na yung shift ko.

Makulimlim ang kalangitan lumabas na ako at nag para ng taxi. Papunta na ako sa coffee shop para mag trabaho sasabihin ko nalang sa boss ko na e'cash niya nalang yung kalahati ng sahod ko dahil na kay Sofia na yung Debit card ko.

"Oh okay kana ba Savina kamusta kana?" tanong sakin ng mga kapwa ko katrabaho.

"Okay na ako nalipasan lang ng gutom" sabi ko

Pumasok na ako sa loob. pagkabihis ko lumabas na ako at naglinis na ng mga lamesa sa labas.

"Kilala mo ba yung kumuha sayo kahapon?" bulong sakin ni Kristine na katrabahuan ko habang gumagawa ako ng coffee

"Hindi eh sino ba yon para makapag pasalamat ako" sabi ko tumingin naman siya sakin at nagpamewang.

"Oh talaga baka nga boyfriend mo yon eh. Nung matumba parang sobrang nag-alala ayaw ka pang ipabuhat sa iba eh" sabi niya natigil naman ako

"Anong itsura niya? shems wala akong boyfriend wala rin akong kaibigang lalaki sino siya?" sabi ko pero nag shrugged lang siya

"Tanungin mo si Boss may CCTV tayo" bulong niya sakin

"Pakibigay narin to salamat Kristine pupunta lang ako kay Boss" sabi ko at agad agad na pumunta sa office ni boss

Pagpasok ko ng pinto busy siya pero dahil sobrang curious ko talaga kung sino yon nagsalita agad ako

"Boss. " sabi ko agad siyang tumigin sakin

"Oh Savina kamusta kana nakatulog kaba ng maayos?" sabi niya tumango naman ako

"Boss may kailangan lang po kasi ako tignan. Pwede ko po bang malaman sa CCTV kung sino yung nag buhat sakin kahapon?" tanong ko

"AH! yung pogi nagulat nga ako bigla ka niyang binuhat eh" sabi niya

"Sige tignan natin halika" sabi niya kaya pumunta ako sa likod ng upuan niya habang hinahanap yung oras kahapon

"Ito yon" sabi niya kinakabahan ako kong sino yon.

Nanlaki mga mata ko ng makita kong si Coldman

"Bigla ka niyang binuhat pagkatapos mong mahimatay natakot naman kami kasi nakakatakot siya." sabi ni boss napaisip naman ako.

Bakit niya gagawin saakin yon. Pero salamat sakaniya dahil tinulungan niya ako.