webnovel

Simula

Alas-onse pa lang ay maaga na akong lumabas ng bahay. Na-trauma na ako nang sigawan ako ng aking guro kahapon dahil huli na akong nakapasok sa kaniyang klase.

Kinailangan ko kasing daluhan ang meeting sa school ng kapatid ko kaya nahuli ako sa klase. Habang naglalakad ay may mga bumabati sa akin dito sa aming lugar. Sadyang kilala na talaga ako dito dahil sa nangyaring trahedya sa mga magulang ko, hindi lang doon dahil kilala rin ako na madiskarte kaya may iilan akong kapitbahay na lumalapit sa akin para magtanong kung may raket o  may bagong pinagkaka-kitaan ba ako.

Kinuha ko ang payong sa bag ko dahil sa sobrang init ng panahon ngayon. Mukhang mato-toasted ang sunog kong balat. Umakyat ako sa overpass at binilisan ang paglalakad. Para akong nasa impyerno sa sobrang init.

Nasa ika-siyam na baitang palang ako at buwan na ng pebrero ngayon. Malapit na ang bakasyon kaya makakahanap na ako ng pansamantalang raket para sa pangpa-aral ko kay Chielo, pitong taong gulang kong kapatid na babae. Tsaka para na rin sa pangkabuhayan namin dahil ayoko naman umasa sa mga kamag-anak kong halos hindi na kami pinagtutuunan ng pansin o kahit manlang kamustahin.

Natanawan ko ang isang tolda sa hindi kalayuan. Mukhang may bago na namang itinayong tindahan dito sa Sandigan. Mas binilisan ko pa ang lakad ko at agad na bumaba ng overpass.

Pinuntahan ko iyon kung saan nakatayo at tinignan ang karatulang nakasabit sa labas. Kinuha ko ang tubig ko sa bag at uminom sa sobrang uhaw nang dahil sa init ng panahon.

Do you wonder what your fate is?

What do you want to know about your future?

Is this your last generation?

We can predict your future for only 50 pesos!

Medyo naging interesado ako sa sinasabi ng karatula. Gusto kong malaman kung ano ang mangyayari sa buhay namin ni Chielo sa hinaharap. Gusto kong malaman kung magkakaroon ba ako ng pag-asang magmahal o mahalin ng isang lalaking hindi ka hahayaang mawala sa piling nila.

Sa tingin ko ay hindi naman siguro masama malaman kung ano ang magiging buhay pag-ibig ko, hindi ba? Kahit ako ay may pinagdaanan at maagang namulat sa mundo ay hindi ko aakalaing darating ang oras at iisipin ko ang mga ganitong klase ng bagay. Pero hindi ko sinasabing magno-nobyo o mag-aasawa na agad ako ng ganito kaaga.

Nilabas ko ang wallet ko at nakita kong isang-daang piso lang ang nadala ko ngayong araw. Napapikit ako ng mariin at nag-desidido na magpahula ngayong araw. Walang masama, singkwenta pesos lang iyon at mababawi ko rin iyon sa mga raket ko.

Pumasok ako at madilim dito. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang isang kristal na bola na umiilaw. Nakaupo ang isang medyo may katabaang babae na may panyo sa ulo, maraming alahas sa katawan at balot na balot na pananamit.

"Maupo ka," wika nito at inilahad ang kaniyang kamay sa upuang nasa harapan niya. Sinunod ko ang kaniyang sinabi at dahan-dahang umupo.

Pinagkatitigan ko ang kristal na bolang umiilaw. Nakakamangha lang dahil ngayon palang ako nakakita ng ganito lalo na't pagmamay-ari ito ng manghuhula.

"Gusto ko po sana magpahula," saad ko sa kaniya nang mapansing naka-titig lang ito sa akin.

"May trahedya ka muling mararanasan... Hindi ngayon pero sa hinaharap." Nginitian niya ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ang palad ko. "Magiging masaya ka sa piling niya."

"Sa piling po nino?" nakakunot noo kong tanong nang hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy ng nasa harapan ko.

"Ingatan mo siya. Pinanganak siya noong taon ng 2001." Natitigilan niyang sambit at marahas na binitawan ang aking kamay. "Iyon lamang."

"Sandali po, sino po ba ang tinutukoy ninyo?"

"Basta makikilala mo nalang siya. Tandaan mo ang mga sinabi ko dahil sinisiguro kong lahat ng nasa palad mo ay totoo."

Kinuha ko ang pambayad at nilagay sa lamesa kung saan nakalagay ang bolang kristal niya. Tumayo na ako at nagpasalamat sa kaniya bago nag-martsa palabas.

May mga pumasok na tanong sa aking isipan tungkol sa mga sinabi ng manghuhula. Kakaiba ang naramdaman ko lalo na't sinabi niyang may bagong trahedya na naman ang mangyayari sa hinaharap.

Nangunot muli ang aking noo at hindi na matigil ang kakaisip tungkol sa sinabi nitong ipinanganak sa taong dalawang libo at isa.

Pakiramdam ko tuloy na tinutukoy ng manghuhula kanina ay ang pinakahuli kong naisip bago ako pumasok sa loob ng kaniyang munting kulay lila na tolda.

Who's my 2001?