webnovel

Nalulungkot Siya Kapag Nakikita Niya Itong Malungkot

Malamig na tumawa si Chen Meili habang nakatingin kay Lin Che, "Maloloko mo ang ibang tao, pero sa palagay mo ba ay maloloko mo rin ako? Bata ka pa lang ay nakikita na kita habang gumagawa kayo ng assignments ni Qin Qing. Sabi ng aming inosente at mabait na Qin Qing ay mabuting tao ka daw, pero alam ko na kaagad ang tunay mong motibo."

Hindi makapagsalita si Lin Che.

Nakaramdam siya ng hiya at lungkot nang muli na namang maungkat ang kanyang kabataan.

Marahil nga ay ganoon pa rin ang sitwasyon niya ngayon pero nagbabago ang lahat ng tao. Bahagyang nagdilim ang mukha ni Lin Che habang nakatingin kay Chen Meili, "Maganda ang trato ko sa kanya dahil mayroon akong ibang motibo?"

"Walang magandang nagagawa ang isang anak-sa-labas na kagaya mo. Hindi tunay ang ipinapakita mo kay Qin Qing. Nakita mo kung gaano ka-pure at kainosente si Qin Qing kaya iniisip mo na napakadali lang niyang makuha. Akala mo ba ay magtatagumpay ka sa plano mong iyan at mamumuhay nang marangya? Ah, kabisadong-kabisado ko na ang ganyang mga plano mo. Mas marami na akong tinawid na tulay kaysa sa'yo. Sorry ka na lang pero hindi madaling makapasok sa pamilya namin."

Napakagat ng labi si Lin Che habang ang mga kamao'y nakakuyom. Namutla ang kanyang mukha at medyo nangingitim ang labi habang naalala ang kanyang past feeling kay Qin Qing.

Hindi niya basta-bastang makakalimutan o masasawalang-bahala ang dating nararamdaman para dito. Lalo pa't napakadali lang para sa ibang tao na mahulaan ang kanyang damdamin ngunit wala pa ring clue si Qin Qing…

Napaka-kawawa naman niya.

Napansin ni Chen Meili na nakaupo lang doon si Lin Che habang umiinom ng kape at mukhang walang balak bumili ng sasakyan. Ngumiti ito sa isang staff at sinabi, "Pambihira talaga kayo. Hindi talaga kayo marunong kumilala ng isang tao. Sa tingin niyo ba'y kaya niyang bumili ng isang luxury car? Tiyak na nangangarap lang iyan kaya pumunta dito. Dahil lang ba sa isa siyang artista ay kaya na niyang makaafford ng mamahaling sasakyan? Ah, oo nga pala. Kung titingnang mabuti, marunong man lang ba siyang magdrive? Bagay ba sa kanya ang magkaroon ng sasakyan?"

"Aunty Qin, sumusobra ka na!" Napatayo si Lin Che at galit na tinitigan si Chen Meili.

Kinuha ni Chen Meili ang kamay ni Lin Li bilang suporta sa pagtayo at nangungutyang lumapit kay Lin Che. "Bakit hindi mo muna tingnan nang mabuti iyang sarili mo? Tara na, Lin Li. Nahaluan na ng amoy ng kapobrehan ang lugar na 'to. Hindi ko kaya ang amoy!"

"At least mas mabango pa ito kaysa sa amoy ng isang matandang tulad mo," ganti ni Lin Che.

Nabigla naman si Chen Meili at hindi makapaniwalang humarap sa kanya. Nakasimangot ang mukha nito kaya lalong nakita ang mga wrinkles. "Ano… ikaw…" Galit na galit ito na halos gusto nitong sakmalin si Lin Che. Nagmamadali namang lumapit ang mga staff para pigilan ito.

Panay pa rin ang pagmumura ni Chen Meili habang paalis doon.

Walang gana na umupong muli si Lin Che. Pinagmasdan niya ang mga ito habang paalis at ngumiti nang mapakla. Bagama't nagawa niyang bwisitin si Chen Meili ay hindi pa rin maganda ang kanyang mood.

AT siya namang pagdating ni Gu Jingze mula sa likuran. Napansin niya ang inis na mukha ni Lin Che. Kaagad din namang nagdilim ang kanyang mukha.

"Lin Che", tinawag niya ito.

Gulat na napalingon si Lin Che, "Ready na ba ang sasakyan?"

Nakatingin lang sa kanya si Gu Jingze, "Ano'ng sinabi nila sayo kanina?"

Nakikita niya ang mga ito kanina mula sa malayo pero hindi niya marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.

Pilit na ngumiti si Lin Che, "Wala iyon."

Hindi maganda ang pakiramdam ni Gu Jingze habang pinagmamasdan si Lin Che na nagkukunwaring ayos lang.

Lalong dumilim ang kanyang mukha. Tinitigan niya lang si Lin Che at hindi gumalaw.

Lin Che: "Sanay na ako sa kanila. Hindi na ako naaapektuhan ng kahit anong walang saysay na sinasabi nila. Kung nakipag-away pa ako sa kanila, malamang kinabukasan ay mapupuno ang mga headlines sa kung paano ako nakipag-away sa isang matandang babae."

Pilit pa rin ang ngiti niya habang nagsasalita. Hindi magandang tingnan.

Lagi naman siyang matatag at nakangiti, pero parang nagbibigay ng kirot sa puso ni Gu Jingze ang ngiting iyon.

Na para bang nalulungkot din siya kapag nakikita itong malungkot.

Hinila niya ang kamay ni Lin Che. Habang nakatingin sa mata nito, "Gusto mo ba silang makitang umiiyak?"

"Siyempre naman… Pero ano ba'ng binabalak mong gawin?"

Inilagay niya ang kamay ni Lin Che sa kanyang braso at ngumiti nang bahagya dito. Pero masasabi pa rin ni Lin Che na kakaiba ang mood nito ngayon.

Pakiramdam niya ay mas madilim ang mukha nito ngayon kaysa karaniwan at ang mga mata nito'y parang mga ulap na nagbabadyang magbuhos ng malakas na ulan.

"Wala naman. Gusto ko lang makakita ka ng isang napakagandang palabas." Ngumiti ito sa kanya. Ang ngiti nito'y kakikitaan ng kapilyuhan at kadelikaduhan.

Bago pa man makareact ay isinama na siya nito at naglakad sila nang mahigit sampung minuto. Mula doon ay may narinig siyang nagsasalita, "Sinira niya ang sasakyan ng aming Sir."

Narinig niyang sumagot si Chen Meili, "Hindi mo ba ako kilala? Hindi namin sinira iyang sasakyan na iyan. Hindi kami ganyan humawak ng sasakyan. Laruan lang iyan para sa amin. Kami ay…"

Nang sandalling iyon ay hinawakan ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che at kaswal na lumapit sa mga ito. Ang kanyang malalim na boses ay umalingawngaw na parang isang cello, "Sinong sumira ng binili kong sasakyan?"

Nakita ni Lin Che na nagsilapit ang mga security guard ng mga Gu. "Sir, sinira ng babaeng ito ang iyong sasakyan at balak nitong tumakas. Tumawag na kami ng pulis at hinihintay silang dumating para ayusin ang bagay na 'to, pero nag-iiskandalo lang ang babaeng ito at ayaw umamin sa kanyang ginawa."

Lumingon sina Lin Li at Chen Meili at nakita nila si Gu Jingze na nakasuot ng itim. Para itong isang diyos.

Nagulat si Chen Meili, lalo pa nang makita nito si Lin Che na nakahawak sa braso nito at nakatayo sa tabi nito.

Bahagyang lumiwanag ang mata ni Lin Li nang unang makita si Gu Jingze ngunit kaagad namang napalitan ng inggit nang makita si Lin Che.

Nakatayo sa tabi ni Gu Jingze ang babaeng ito… Ang sakit sa mata.

Hindi pa rin makapaniwala si Chen Meilii, pero napansin niya na isang segundo lang siyang tiningnan ni Gu Jingze. Hindi na ito muling tumingin sa kanya at walang gana na nagsalita, "Tutal ay darating naman pala ang mga pulis, hayaan na natin silang ayusin ito. Bakit nakikipagsagutan pa kayo dito?"

Napasinghal si Chen Meili at muli ay malakas na nagsalita, "Walang pakialam ang pamilya namin sa ganitong klase ng sasakyan na nagkakahalaga lamang ng ilang milyon. Bakit ko naman hahawakan iyan? Sa palagay niyo ba'y kaya itong lutasin ng mga pulis? Gusto kong makita kung ano ang gagawin ng mga pulis sa akin. At isa pa, tingnan nalang natin kung kaya niyo pa rin akong pagbintangan mamaya!"

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Gu Jingze. Mas lalo tuloy nakaramdam ng kaba si Chen Meili.

Pagkatapos nitong magsalita ay nagsalita din si Gu Jingze. Kinausap niya ang security guard nang hindi man lang tumitingin kay Chen Meili, "Sabihin mo sa mga pulis na malaki ang galit ko sa babaeng ito. Siya na nga ang may mali pero ayaw pang umamin. Siguraduhin mong maha-handle ito nang maayos ng mga pulis. Sabihin mo sa kanila na ikulong ito nang at least ilang araw bago pa man ito mag-iskandalo na naman."

Nagpanic si Chen Meili. Kaagad na namutla ang mukha.

Gusto pa nitong magsalita pero pinigilan ni Lin Li.

Naiinggit na tiningnan ni Lin Li si Gu Jingze. Bagama't nag-aatubili ay kaagad siyang bumulong sa tainga ni Chen Meili, "Mama… Si Gu Jingze iyan. Ang Gu Jingze mula sa Pamilyang Gu."

Parang tinakasan ng kulay ang mukha ni Chen Meili. Kahit ang makapal nitong foundation sa mukha ay hindi kayang matakpan ang pamumutla ng mukha nito.

Ang lalaking ito ay si Gu Jingze?

Nagsimula siyang makaramdam ng takot. Narinig na niya ang tungkol sa lalaking ito noon.

Pero nang tingnan niya si Lin Che ay ayaw niya pa ring maniwala.

Paanong nangyari ito? Baka nagkakamali si Lin Li. Paanong magkakilala ang isang Gu Jingze at isang pobreng Lin Che?

Next chapter