webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Nagsasawa Na Ba Ito Sa Kanya?

Pagsapit ng gabi.

Alas nuebe na at naghihintay pa rin si Gu Jingze sa pag-uwi ni Lin Che.

Hindi rin mapakali ang mga katulong sa loob ng bahay. Nang makita ng mga ito na dumating si Qin Hao, agad na bumati ang mga ito, "Nasa loob po si Sir."

Bumati rin sa kanila si Qin Hao at pumasok na sa loob para magreport sa amo. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok. Agad namang napatayo si Gu Jingze at direktang tumingin sa kanya.

"Sir…" sabi ni Qin Hao, "Hindi niyo na ho kailangan pang tumayo… Nakabalik na po ako. Opo, natapos ko na ang aking misyon at nandito na ulit ako. Namiss ko po kayo nang sobra kaya pinilit ko pong maayos ang problema doon nang mas mabilis para makabalik agad dito. Ikaw…"

Bago pa man matapos ni Qin Hao ang sasabihin ay umupo na si Gu Jingze. "Oh, naayos na?"

Kinailangan ni Qin Hao na hinaan ang boses habang naglalakad palapit kay Gu Jingze at buong ingat na sumagot, "opo, opo, naayos na po."

"Kung ganoon, makakaalis ka na."

"Opo…"

Hindi maintindihan ni Qin Hao kung bakit ganoon na naman ang ekspresyon ng mukha nito pero wala itong magawa kundi ang lumabas na lang ng silid.

Habang nakaupo ay humugot ng malalim na bunting-hininga si Gu Jingze. Hindi pa rin mapakali ang isip.

Ngayon niya lang naranasan ang ganitong pakiramdam na hindi mapakali habang hinihintay na umuwi ang isang tao. Patagal ng patagal ay mas lalong hindi napapanatag ang kanyang puso.

Noon di'y bumukas ang pinto.

Muli ay kaagad na napatayo si Gu Jingze mula sa pagkakaupo.

Pero, nang tingnan niya kung sino ang dumating, nadismaya lang siya lalo nang makitang si Qin Hao na naman ang taong dumating.

"Sir, nakalimutan ko po…"

Mabilis na nagbigay impormasyon si Qin Hao tungkol sa kanyang natapos na misyon. May gusto pa sana siyang idagdag pero nawalan na siya ng lakas ng loob dahil sa hindi-maipintang mukha ni Gu Jingze.

Naninigas ang katawan habang nagsasalita, "Sir…"

Ipinatong ni Gu Jingze ang kanyang palad sa ibabaw ng mesa at malamig ang tinging ipinukol kay Qin Hao.

"Qin Hao, total naman at mabilis mong naayos ang problema sa factory, ipinagkakatiwala ko na sa'yong pamamahala ang negosyo doon sa Cambodia. Hindi pa tapos ang bakasyon mo, hindi ba?"

"Ah…"

"Hindi mo na kailangan pang i-cancel iyon. Ako na lang ang tatawag sa ating HR department para bilhan ka ng plane ticket. Valid pa naman ang iyong visa kaya pwedeng doon ka na muna manatili sa Cambodia."

". . ."

Ano na naman ba ang ginawa niya…

Nagpapanic na ang buong kalooban ni Qin Hao.

Walang interes na iniabot ni Gu Jingze ang mga dokumentong ipinasa ni Qin Hao kanina. Bumalik siya sa pagkakaupo at hinilot ang noo dahil sa inis na nararamdaman. Nakakainis na talaga ang babaeng 'to… Lin Che, bakit hindi ka pa bumabalik…

Sa isang bar.

Bumahing nang malakas si Lin Che.

Nagtatakang nilingon siya ni Shen Youran, "Bakit panay ang bahing mo? Huwag mong sabihin sakin na sinisipon ka?"

"Hindi. Mausok kasi dito. Bakit ba kasi ang hilig-hilig ng mga tao na manigarilyo?"

"Malay ko sa kanila! Eh, hindi ba naninigarilyo ang asawa mo?"

"Hindi naman masiyado. Matindi ang self-control nun."

"Siguro nga. Kasi kung hindi, eh di sana'y hindi nito kakayanin na makasama ka sa loob ng isang bubong nang ganoon katagal pero wala pa ring nangyayari sa inyo," sabi ni Shen Youran. Maya-maya'y parang may naisip ito. "Pero ikaw din, sa totoo lang. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay natitiis mong hindi ibigay iyang sarili mo sa kanya! Kung ako ang nabigyan ng ganyang pagkakataon, naku, matagal ko na sanang ginawa iyan!"

"Eh di sige, gawin mo. Sayong-sayo na siya!"

"Naku, hindi. Hindi naman kasi ako ang pinakasalan niya."

"May sakit nga kasi siya, kaya hindi siya maaaring humawak ng mga babae. Sigurado din ako na hindi iyon nakakaramdam ng kahit kaunting pagnanasa kapag nakikita niya ako."

"Imposible…"

Ni minsan ay hindi naisip ni Lin Che ang mga ganitong bagay. Naalala niya na parang wala namang nagiging problema kahit hinahawakan siya nito. Pero, hindi pa rin siya nito ginagalaw. Naisip niya na baka nasa psychological na ang problema nito. Baka nasanay na ito na sa tuwing nakakahawak ng babae ay sumusumpong agad ang sakit. Kaya sa tuwing nakakakita ito ng babae, iniisip agad nito na sakit lang maibibigay sa kanya kaya nawawalan nalang ito ng interes sa mga babae.

Pinaalalahanan ni Lin Che ang sarili na huwag ng sabihin sa kaibigan ang iba pang detalye kaya ngumiti na lang siya, "Wala iyon. Nagbibiro lang ako."

"Ah. Iyan ang dahilan kung bakit naisip ko na napakaraming babae ang naghahabol kay Gu Jingze. Kaya pakaingatan mo itong swerte na dumating sa buhay mo, pakiusap lang. Huwag ka ng magagalit sa kanya nang ganito."

Napaikot ng mata si Lin Che. "Hindi mo ako naiintindihan. Isang malaking pagpapanggap lang ang swerteng sinasabi mo. Hindi magtatagal ay matatapos din ang lahat ng ito."

Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay sumandal sa counter. Mas lalo siyang naging pursigido na idistansiya ang sarili kay Gu Jingze. Iyon ang pinakamabuting gawin!

Bandang alas dyes na ng gabi nang umuwi siya.

Sobrang dilim ng kwarto nang dumating siya. Biglang may narinig siyang boses mula sa sofa.

"Marunong ka pa palang umuwi."

Halos mapatalon si Lin Che dahil sa gulat. Hinawakan niya ang dibdib. "Gusto mo bang patayin ako sa takot?"

Tiningnan ni Gu Jingze ang oras mula sa relo. "Anong oras na ba? Bakit ngayon ka lang?"

"Nagpalipas lang ako ng oras kasama ng kaibigan ko. Eh, bakit nandito ka?"

Malapit na ang bahay ni Mo Huiling sa kanila. Bakit nandito ito ngayon? Hindi ba't dapat ay nandoon ito sa bahay ng kasintahan?

Napag-isip-isip na niya ang tungkol sa bagay na ito. Hindi pwedeng magpatuloy lang siya na iwasang harapin ang katotohanang ito, kahit pa hindi komportable para sa kanya na gawin ang bagay na ito.

Si Mo Huiling at Gu Jingze naman kasi talaga ang dapat na magkasama ngayon. Hindi na niya kailangan pang isipin kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa.

Sumagot si Gu Jingze sa kanya, "Bahay ko 'to. Kaya siyempre, uuwi ako kung gusto kong umuwi."

"Ah. Kung ganoon, sige magpatuloy ka na diyan sa pinapanood mo. Magpapalit lang ako."

Pagkatapos niyang magsalita ay dumiretso na siya sa pagpasok at hindi na nilingon si Gu Jingze.

Naiinis pa rin si Gu Jingze, pero wala itong magawa kundi sundan nalang ng tingin ang tumalikod ng si Lin Che.

Parang lumalayo na itong si Lin Che sa akin…

Ilang sandali lang ang lumipas nang sumunod na rin si Gu Jingze sa pagpasok sa kwarto. Nakasuot na ng kanyang pantulog si Lin Che at nakahiga sa kama habang binabasa ang kanyang script.

Bahagyang sumimangot si Gu Jingze at tiningnan ang sarili. Bumuntung-hininga ito bago nagpunta sa banyo.

Naisip ni Gu Jingze na hindi naman pangit ang kanyang katawan at okay naman ang mukha niya. Oo nga at hindi na siya gaanong nag-eehersisyo nitong mga nakaraang araw pero napakaperpekto pa rin ng kanyang mga muscles. At dahil isang artista si Lin Che, aminado siya na marami na itong nakitang mga gwapong lalaki at magagandang mga babae. Iyon ba ang dahilan kung bakit parang nagsasawa na itong tumingin sa kanya?

Narinig ni Lin Che ang paglagaslas ng tubig at dumako ang kanyang tingin sa direksiyong iyon, Hindi naman nagtagal ay tumigil na sa pag-agos ang tubig at bumukas ang pinto. Lumabas si Gu Jingze.

Basa ang katawan ni Gu Jingze pati ang buhok nang lumabas mula sa banyo. Mas lalo ring tumingkad ang kulay ng kanyang balat. Karaniwan, kapag alam niyang nandoon din si Lin Che ay nagsusuot siya ng bathrobe o pajama pagkatapos maligo. Pero ngayon, bahagya lang na nakasabit ang isang tuwalya sa kanyang baywang.

Kahit si Lin Che ay nag-alala rin sa pagkakasuot ng tuwalyang iyon; kaunting maling galaw lang nito ay lalantad kaagad ang nakatago doon!

A-a-ano ba… nababaliw na ba ito?

"Gu Jingze, ano ba… bakit ka nakahubad?" Napatalon si Lin Che mula sa kama.

Naglakad palapit sa kanyang direksyon si Gu Jingze, walang emosyon ang mukha nito na para bang isang modelo. Inosenteng tiningnan nito si Lin Che, "Anong problema? Mainit dito at basa pa ang bathrobe na nasa banyo kaya ayaw kong suotin iyon. May problema ba?"

"Pero…" Itinuro ni Lin Che ang ibabang parte ng katawan nito.

May nakatayo sa gitnang bahagi na iyon dahilan para maglakbay kaagad ang imahinasyon ng sinumang makakakita nito. Naisip ni Lin Che kung ano ang bahaging iyon. Biglang nag-init ang buo niyang katawan.

Agad niyang ibinaba ang daliring nakaturo pa rin doon. Pagkatapos ay wala sa sariling inilagay niya ang daliring iyon sa kanyang bibig at kinagat iyon.

Hindi niya maitatanggi…

Mukhang malaki ang bahaging iyon…