webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Kakaiba Si Gu Jingze

Napabulalas ang babae mula sa kama, "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!"

"Ikaw…"

Nagsalita ulit si Lin Che, "Parang inaako ko na ngayon ang problema ng mga Yu. May dala akong pera dito. Ibibigay ko ang eksaktong halaga ng perang inutang ng papa ni Yu Minmin sa inyo pero 'yong sobra sa hinihingi mo, lalo na't hindi naman sa kanila ang perang ito, 'wag ka ng umasa pa na may makukuha ka."

Hindi matanggap ni Nana ang sinabi niya. Hindi birong halaga ang pagitan ng five million at two hundred thousand.

Napaupo ito at nagsalita, "Akala mo ba'y papayag ako? Bigyan mo ako ng limang milyon, walang labis walang kulang. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong makukulong iyang taong iyan!"

Nginitian ito ni Lin Che. "Parang mababaliw ka na sa kaiisip ng salapi."

Nang sandali ding iyon ay nagsalita si Gu Jingze mula sa likuran. "Binibigyan na namin kayo ng pera para tumigil na kayo. Pero kung hindi kayo kayang patigilin sa ganitong paraan, may alam akong ibang paraan para hindi na kayo makapagsalita pa. Ano ang pipiliin ninyo? Kukunin niyo ba ang perang ito sa ganitong madaling paraan o gusto niyo pang gawing komplikado ang usapang ito?"

Nagtinginan ang magkasintahan at sabay na tumingin kay Gu Jingze. Nag-iba ang kanilang ekspresyon.

Gusto sanang tumayo ni Nana pero pinigilan siya ni Lu Qinghong.

Sa isang tingin lang ay masasabi agad niya na hindi basta ordinaryong tao lang ang lalaking kaharap.

Mula sa mamahalin nitong suot pati na ang napakagandang hugis ng mukha nito, pakiramdam ni Lu Qinghong ay kaya silang lamunin ng aura ni Gu Jingze.

Naging malikot ang mga mata nito at kinumbinse ang sarili na hindi ito isang simpleng tao lang. Tiyak na hindi siya mananalo dito. Dahil kung hindi, hindi sana ito mangangahas na pumunta dito sa kalmadong anyo.

Parating na din doon ang ilan niyang kapamilya mula sa Pamilyang Lu. May pagkaarogante din ang mga iyon, pero alam niyang hindi rin ito mapapatinag ng mga iyon.

Agad na sumagot si Lu QInghong. "Pwede naman nating pag-usapan iyan, pero maaari ko bang malaman muna kung sino ka?"

Sinuyod ito ng tingin ni Gu Jingze at walang interes sa tono na nagsalita, "Kung sa ganyang lagay na hindi mo kilala kung sino ako, well, obvious naman na hindi ka karapat-dapat na tumayo sa harapan ko't makipag-usap sa akin."

"Ano…" Hindi maipinta ang anyo ng mukha ni Lu Qinghong.

Gustong-gustong murahin ni Lu Qinghong si Gu Jingze pero ang tanging nagagawa niya lang ay ang tumingin dito. Wala ni isa mang salita na lumalabas sa kanyang bibig.

"Ayaw mo lang bang sabihin sa'kin kung sino ka o baka naman wala ka lang talagang ipagmamalaki kaya ayaw mong magpakilala?" Tanong ni Lu Qinghong habang nakangiti.

Sumagot si Gu Jingze, "Hindi tatalab sa akin iyang mga salitang iyan. Balak ko lang sanang sabihin sa'yo na hindi ka qualified na tumayo sa harapan ko, pero dahil involve ka sa problemang ito ng asawa ko, kailangan kong gawin ang dapat kong gawin."

Pagkasabi niya nito ay inihagis niya ang isang makintab at eleganteng business card sa harap nito.

Halata ang pagkagulat sa mukha ng lalaki nang makita ang nakasulat doon. Kaagad na namutla ang mukha.

Paanong nagkaroon ng connection ang mga Yu sa makapangyarihang taong ito?

Kitang-kita ang pamumutla ng mukha ni Lu Qinghong, pero ayaw pa rin nitong magpatalo.

Hinamon nito si Gu Jingze, "Barya lang naman ang limang milyon sa'yo, Mr. Gu. Bakit? Hindi mo ba kayang ibigay iyon?"

Ngumisi lang si Gu Jingze. "Pinaghirapan ko ang bawat dolyar na mayroon ako. Ayokong sayangin ang mga ito sa isang basurahan."

"Ano…" Sumigaw ito. "Gu Jingze, wag kang masyadong magyabang! Alam ko namang ang ilan sa mga pera mo'y galing sa masamang gawain. Tama ako, diba?"

Sagot naman ni Gu Jingze, "Hangga't ang maruming perang sinasabi mo ay may kakayahang pabagsakin ang katulad mo, sapat na sakin iyon."

Ilang beses na ikinurap ng lalaki ang mga mata. Sa harap ni Gu Jingze ay para lang siyang nagtatapon ng itlog sa isang matigas na bato. Ganoon pa man, kapag sumuko siya ngayon, malaki ang mawawala sa kanila.

Sumali na sa usapan si Lin Che. "Two hundred thousand lang ang ibibigay namin. Take it or leave it."

"Hindi pwedeng mangyari iyan. Ano'ng palagay mo sa amin, mga pulubi?"

Sumagot si Lin Che, "Sa ugali niyong 'yan, mas malala pa kayo kaysa sa isang pulubi."

Tuluyan ng tumayo sa kama si Nana at sumigaw kay Lin Che. "B****! Ano'ng sinabi mo? Pakiulit nga!"

Natatarantang tinakpan kaagad ni Lu Qinghong ang bibig ni Nana.

Galit ang mga matang tiningnan ni Nana ang kasintahan.

Habang nakahawak kay Nana, nagsalita si Lu Qinghong. "Medyo hindi niya naiintindihan ang lahat pero hindi pa rin natin maikakaila na may kasalanan din dito ang taong 'yon."

Si Gu Jingze naman ang nagsalita, "Kung lalagyan lang ng presyo ang lahat ng bagay sa mundong ito, kulang pa ang sampung milyon bilang kabayaran dyan sa sinabi mong b****."

"Ano? Ano ba'ng karapatan mo huh?" Lalong tumaas ang boses ni Nana.

Mas lalo namang namutla ang mukha ni Lu Qinghong. Sa kagustuhang hindi na lumaki pa ang gulo, nagpahayag na ito ng pagsang-ayon. "Oh-ohkay. Tatanggapin na namin ang dala ninyong 200,000."

Pagkasabi nito ay agad na kinuha ang tseke na nakalagay sa mesa.

"Pero gusto ko lang malaman mo. Iyang 200,000 na iyan ay ang bayad sa lahat ng utang ng Pamilyang Yu. Hindi mo na sila pwedeng lapitan o kontrolin pa. Kapag nakita mo silang papasok sa pasugalan ninyo, kinakailangang paalisin mo sila't huwag hayaang makapasok."

"Ano? Ang dami niyo namang kondisyon!" Sa isip ni Lu Qinghong ay marami pa ang balak niyang gawin sa pamilyang Yu. Maganda ang anak na babae ng mga Yu. Kung magtatagumpay siyang kunin ito bilang isang prostitute, tiyak na maraming pera ang makakamkam niya.

Matagal na niyang inoobserbahan ang pamilyang iyon. Naghahanap lang siya ng magandang tiyempo para gawin ang kanyang balak. Ngunit hindi niya inaasahan…

Mula sa gilid ay nagsalita si Gu Jingze, "Kung ayaw mo'ng itaboy ang lalaking iyon, ako na mismo ang magpapadala ng mga tauhan ko doon para paalisin siya. Pero sa palagay ko'y malaki ang magiging epekto nito sa negosyo ninyo."

"Ano…"

Kapag ginawa iyon ng mga Gu, tiyak na hindi pabor sa kanila ang mangyayari. Sa isip ni Lu Qinghong.

Bagama't hindi natutuwa, walang ibang masabi si Lu Qinghong kundi, "Makakaasa ka, Mr. Gu. Kahit kailan ay hindi na makakapasok ang lalaking iyon sa pasugalan namin. Maaasahan mo ang sinabi ko."

"Tingnan nalang natin, kung ganoon," sagot ni Gu Jingze saka tumalikod kasama si Lin Che.

Tiningnan ni Lin Che nang isa pang beses ang babae na nasa kama bago sumunod kay Gu Jingze palabas ng ward.

Nang makitang nakalabas na ang dalawa, galit na itinulak ni Nana si Lu Qinghong.

"Wala kang silbi! Sinaktan ako ng g*gong 'yon tapos papayag ka lang na bayaran ng 200,000? Hindi ko matatanggap 'yan!"

Sinampal ni Lu Qinghong si Nana, na ikinabigla naman nito.

"Alam mo bang niligtas ko lang ang buhay mo?!" Tanong ni Lu Qinghong.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Mahinang tanong ni Nana.

"Muntik mo ng galitin ang isang di-ordinaryong tao. Si Gu Jingze iyon! Kaya mo bang harapin ang kapangyarihan ng mga Gu kung sakali?"

"Gu… Gu Jingze?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nana habang ang kamay ay nakahawak sa namumulang pisngi.

"Hindi ko rin naman gusto 'to eh, pero ayokong isakripisyo ang buhay nang dahil lang sa pride. Hindi mo ba nakikita na galit din ako? Pero alam kong hindi ko kaya ang katulad niya. Ang masisisi lang natin ngayon dito ay ang mga Yu. Ganoon pa man, wala tayong choice kundi layuan ang pamilyang iyon mula ngayon dahil malapit sila kay Gu Jingze."

Habang nakikinig, hindi mapigilan ni Nana na hindi humanga sa kakayahan ni Gu Jingze. Nakaramdam siya ng selos at pagnanasa na sana'y mapalapit siya dito.

Iyon nga lang, imposibleng makalapit siya sa tulad nito. Okay na rin naman para sa kanya si Lu Qinghong. Hindi na siya mangangahas pang pasukin ang isang top-class na pamilyang katulad ng mga Gu.

Samantala, pagkatapos ayusin ang problemang iyon ay pinuntahan ni Lin Che si Yu Minmin sa hotel na tinutuluyan nito.

Ilang araw na itong nagpapalit-palit ng hotel. Hindi siya nananatili sa iisang hotel lang para hindi siya madaling mahanap ng ama.

Siguro nga'y sanay na talaga ito sa ganoong buhay kaya parang wala lang ito sa kanya. Medyo pumayat nga lang siya nang kaunti.

"Na-solve na ang problema ninyo. Miss Yu, hindi mo na kailangang isipin pa ito", sabi ni Lin Che.

Napatingin sa kanya si Yu Minmin, "Si… Tumulong si Gu Jingze, tama ba?"

Alam nitong walang kakayahan si Lin Che na ayusin ito. Hindi din naman basta-basta ang mga Lu. Hindi sila madadala sa ilang salita lang kung halimbawang si Lin Che lang ang kumausap sa kanila.

Tumango si Lin Che, "Oo. Si Gu Jingze ang nagpasuko sa kanila. Sumama lang ako sa kanya."

Nagpapasalamat na tiningnan ni Yu Minmin si Lin Che. "Maraming salamat… pero… gumamit ba kayo ng pera?"

Hindi siya maniniwala na basta nalang susuko ang mga iyon. Siguradong nanghingi ng pera ang mga iyon.

Sumagot naman si Lin Che, "Hindi naman kalakihan. Tinanggap nila ang alok naming 200,000 kahit mas malaki pa ang gusto nila. At nangako din sila na hindi na nila papapasukin pa ang papa mo sa pasugalan nila."

Bumagsak ang mukha ni Yu Minmin nang marinig ang halaga ng ibinayad nila. "Huhulug-hulugan ko nalang ang perang ibinayad ninyo sa tuwing sahod ko. Maraming salamat talaga."