webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Hindi Mo Ba Ako Ililibre?

Umayos na ng upo si Wang Qingchu. Kinagat ni Lin Che ang labi habang nakatingin sa likod nito. Ang kanyang kamao ay nakakuyom nang mahigpit.

Hindi naman inaasahan ni Yu MInmin na ganoon pala ka-arogante itong Wang Qingchu na ito.

Marahil ay sadyang immature pa ito kaya hindi pa kayang kontrolin ang sariling emosyon.

Malamig na ngumiti si Lin Che. "Ano ba'ng skills ang tinitingnan nitong Panda Awards na ito? On screen ba o off screen? Eh kasi naman…"

Pinisil ni Yu MInmin ang kamay ni Lin Che. "Huwag kang mag-alala. Aalamin ko ang totoo."

Nang umalis na si Yu Minmin ay naiwan siya doon nang mag-isa at walang katabi. May narinig siyang mga nagbubulung-bulungan mula sa likod niya.

"Mukhang mapupunta nga ang Best Newcomer Award kay Wang Qingchu."

"Pero magaling din naman si Lin Che ah."

"Actually, matagal ko ng alam na may kakaibang relasyon itong si Wang Qingchu sa isa sa mga executives ng Panda Programme. Maraming beses ko na silang nakita."

"Oh my God. Eh di totoo nga na siya ang mananalo. Hindi nakapagtataka kung bakit napaka-confident niya, kahit na mag-isa lang itong naglalakad sa red carpet kanina. Sa tingin ko'y mayroon ng desisyon ang programang 'to. Pero, hindi ba parang unfair naman 'to kay Lin Che?"

"Eh ganun talaga."

Tanggap naman na ni Lin Che na hindi malaki ang kanyang chance na maiuwi ang award, pero nalungkot pa rin siya nang marinig iyon. Kung patas lang sana ang laban at nakabase sa kanilang acting, mas madali sana para sa kanya na tanggapin ang pagkatalo. Pero, hindi niya talaga kayang tanggapin na natalo siya sa ganitong paraan.

Likas ng unfair ang mundo at mas lalo na sa industriyang ito. Sadyang hindi lang siya natutuwa na nakakaranas siya ng ganitong pangdadaya ngayon.

Hindi ba pwedeng maging patas nalang ang laban? Yung babase lang talaga sa kasikatan at kakayahan?

Maya't-mayang lumilingon sa kanya si Wang Qingchu, at madalas na umiirap na may kasamang panunuya na pagngiti. Mukhang waging-wagi na ang hitsura nito.

Hindi na lang ito pinansin pa ni Lin Che at tahimik na nagpakawala ng malalim na bunting-hininga.

Isa-isang umakyat ang mga artista sa stage habang tinatawag ang mga nanalo mula sa Music Award hanggang sa Motion Picture Award. Tahimik lang na nanood si Lin Che sa kanila. Napaupo siya nang tuwid nang marinig niyang iaanunsiyo na ang nanalo para sa Best Newcomer Award.

Muli ay nilingon siya ni Wang Qingchu at ngumiti nang kaunti sa kanya, "Hindi mo na kailangan pang kabahan; sigurado naman na sa akin mapupunta ang award. Malas mo naman at ako ang nakalaban mo sa taong ito. Better luck next time." Napatakip ng bibig si Wang Qingchu na para bang may bigla itong naalala. "Ah, nakalimutan ko. Isang beses ka lang palang magkakaroon ng chance na mapanalunan ang award na ito. Hindi ka na isang newcomer sa susunod na taon."

Tinitigann ang diretso ni Lin Che si Wang Qingchu. "Ang mahalaga ay nakarating ako dito ngayon dahil sa sarili kong sikap at kakayahan at imbes na umasa sa kung anomang kaganapan sa backstage."

"Ha, kakayahan ding maituturing ang ginagawa natin sa likod ng camera at backstage, lalo na sa industriyang ito. Pero ganoon pa man, hindi mo pa rin ako kayang talunin sa aspetong iyan."

Biglang tumahimik ang paligid nang magsalita na ang host. "Talaga namang mga baguhan ang ating mga nominado para sa award na ito ngayong taon. Sa unang anim na buwan palang ay sunud-sunod na ang mga dramang pumatok sa mga manonood. Marami rin ang mga naging paborito ng madla sa huling anim na buwan. Napakaraming mga obramaestrang palabas ang napanood natin at lahat ng mga ito ay may magagandang ratings at feedbacks."

"At dahil diyan, iaanunsiyo na natin ang ating Best Newcomer para sa taong ito."

Pagkatapos ipakita ang video ng lahat ng mga nominado, ngumiti ang host bago nagsalita. "Sino kaya ang Best Newcomer ng taong ito? Si Wang Qingchu ba? Si Gu Ningning? Si Situ xing? O si Lin Che?"

Ang lahat ng camera ay paroo't parito sa apat na mga nominado. Walang emosyon at tahimik lang na nakaupo si Lin Che. Hindi pa siya masiyadong sanay na pinagtitinginan ng mga tao. Samantala, punong-puno naman ng confidence na nakangiti si Wang Qingchu sa harap ng camera.

Noon di'y ngumiti ang guest presenter at masiglang nagsalita. "This year's Best Newcomer Award goes to Lin Che!"

Mula sa upuan ay hindi makapaniwala si Lin Che nang marinig niya ang pangalan.

Hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Bumalik lang siya sa huwisyo ng tinapik na siya ng kanyang katabi at mabilis na tumayo.

Hindi pa siya gaanong makapaniwala at hindi niya maaninag ang nasa harapan niya dahil sa liwanag ng spotlight na nakatutok sa mukha niya. Tumayo siya't umakyat na sa stage upang tanggapin ang award mula sa guest presenter.

Sa baba naman ay nakatayo na si Wang Qingchu at handa ng umakyat sa stage. Pero nang marinig nito ang pangalan ni Lin Che ay parang tinakasan ng kulay ang mukha nito.

Habang hawak-hawak ang award sa kanyang kamay ay humarap siya sa mga nandoon. Kinakabahang kinuha niya ang mikropono at ngumiti. "Maraming salamat sa gumawa ng 'Swords of Love'. Maraming salamat po, director, sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin para gampanan ang isang napakagandang role. At gusto ko ring magpasalamat sa aking mga kasamahan sa production sa lahat ng mga itinuro ninyo sa akin. Maraming maraming salamat…"

Hindi na kaya pang makinig ni Wang Qingchu. Tumayo ito at nagmamadaling umalis, wala ng pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga tao.

Naglibot-libot siya sa labas ng venue hanggang sa matagpuan niya ang taong hinahanap: si President Chen.

Nanggagalaiti sa galit si Wang Qingchu. "Ano ba'ng nangyayari? Ang sabi mo ibibigay mo ang award na 'yon sa akin! Paanong… Bakit ka nagsinungaling sa akin? Niloloko mo lang ba ako?"

Hiyang-hiya siya sa sarili. Sobra-sobra ang ipinakita niyang pagmamalaki kanina at buong-buo ang kanyang paniniwala na siya ang mananalo tapos ito pala ang mangyayari…

"Ah… Hindi ko rin ito ginusto. Totoong isinulat ko ang pangalan mo doon. Kahit naniniwala ang lahat ng mga judges na mas magaling sa'yo si Lin Che, ikaw pa rin ang isinulat ko. Pero ngayon…" Sandaling tumigil si President Chen sa pagsasalita. "Sa tingin mo'y mas malakas ang taong tumutulong kay Lin Che kaysa sa'yo. Wala na akong magagawa pa."

"Ano?"

"Wala na talagang ibang paraan. Mabuti sana kung ordinaryong artista lang iyang Lin Che na iyan. Pero, hindi ko kayang kalabanin ang taong iyon. Hindi kita matutulungan kahit pa gustuhin ko."

Hindi makapaniwala si Wang Qingchu sa kanyang narinig. Hindi maipinta ang kanyang mukha sa sobrang galit.

Samantala, bumaba na sa stage si Lin Che at dumiretso siya kaagad kay Yu Minmin. Namamanghang sinabi niya dito, "Hindi ko talaga inaasahan na sa'kin mapupunta ang award na ito. Ano ba'ng nangyayari?"

Ngumiti lang si Yu MInmin bago sumagot, "Mukhang nag-eexist pa rin sa mundo ang malinis na laban."

Nasisiyahang tumango si Lin Che. Hindi niya maitago ang labis na kasiyahan.

"Huwag mong kalilimutan na ilibre kami ah," biro ni Yu MInmin.

"Siyempre naman. Ililibre ko kayong lahat. Heh heh."

Natapos na ang awards ceremony. Habang naglalakad palabas ay tumunog ang cellphone ni Lin Che.

Kinuha niya ito mula sa bag at nakitang si Gu Jingze ang tumatawag.

Mabilis na sinagot niya ang tawag. "Gu Jingze."

Tahimik na napangiti si Gu Jingze mula sa kabilang linya nang marinig ang masayang boses ni Lin Che. "Tapos na ba?"

"Oo, katatapos lang."

"Hinihintay kita dito sa labas. Lumabas ka na."

"Ah, talaga?"

"Siyempre. Nanalo ka. So, hindi ba't dapat ay ilibre mo ako ngayon?" Tanong ni Gu Jingze.

"Okay okay. Siyempre. Kakain tayo sa labas."

Pinatay na ni Lin Che ang tawag at patakbong lumabas. Nakita niya ang kotse ni Gu Jingze.

Kaagad siyang sumakay sa kotse at excited na iniabot ang kanyang trophy kay Gu Jingze.

Ngumiti si Gu Jingze sa kanya. "Congratulations."

Masayang sumagot si Lin Che. "Nagtataka pa rin talaga kung paanong sinasabi ng lahat kanina na malakas at makapangyarihan ang taong tumutulong kay Wang Qingchu kaya tiyak na siya ang mananalo. Pero sa huli, ako pala ang mananalo ng award."

Ngumiti sa kanya si Gu Jingze. "Ibig sabihin niyan ay mas malakas at mas makapangyarihan ang taong tumulong sa'yo."

"Ano?"

Hindi na sumagot si Gu Jingze sa tanong niya at pinaandar na ang sasakyan. "Tara na. Excited na akong ilibre mo."