webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Gusto Niyang Pasayahin Pa Ito Lalo

Dinala ni Gu Jingze si Lin Che sa labas. Lumingon siya sa shop at nakitang wala na ang mga tao doon. Mukhang dinala nga nila si Che Meili sa police station. Nagpakawala si Lin Che ng malalim na buntong-hininga at paglingon niya'y nabigla siya dahil nakatingin pala sa kanya si Gu Jingze.

Sa mga mata ni Lin Che ay napakayaman na ng mga Qin. Dahil kung hindi, malamang ay hindi ipagsisiksikan ni Lin Li ang sarili doon at ngayon nga'y mapapangasawa na ang anak ng mga Qin.

Lin Che: "Wow, paano'ng nagkaroon ng scratch ang kotse? Ginawa ba talaga nila iyon? Paano mo nagawa iyon?"

Tumango si Gu Jingze bago sumagot, "Wala lang ang lahat ng nangyari kanina. Naglaro lang ako sandali. Kung gusto mong paluhurin ang isang tao, palaging may paraan."

"Ganoon ba?"

"Ang mahalaga, nagawa kong ibaling sa kanya ang sisi at nagtagumpay akong patahimikin siya dahil ako si Gu Jingze."

Namamanghang tumingin si Lin Che kay Gu Jingze, "Ang sarap talagang maging mayaman, ano, pero okay lang ba talagang gawin iyon?"

Nag-aalala lang siya na baka magalit ang mga Qin at magkaroon pa ng problema.

Tiningnan siya ni Gu Jingze, "Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nagsusumikap na magkaroon ng maraming pera, para walang sinuman ang mangbubully sa akin."

May kislap sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Gu Jingze. Hindi niya akalain na ganito pala kalakas ang kapangyarihan nito. Napuno ng paghanga ang kanyang puso.

Lalo niyang sinamba si Gu Jingze habang nakatingin dito. Kumikinang ang kanyang mga mata dahil sa sobrang paghanga.

Pakiramdam naman ni Gu Jingze ay nagtagumpay siya na pasayahin ito. Para siyang isang munting pusa na nilalambing ng kanyang amo.

Lalong gumaan ang kanyang pakiramdam sa isiping hinahangaan siya ni Lin Che. Pakiramdam niya ay worth it ang lahat ng pagod niya sa pamamahala ng kanilang family business.

Napakasarap sa pakiramdam, para bang isang asawa na pinupuri ng kanyang misis pag-uwi niya mula sa trabaho.

Napakasimple lang ni Lin Che. Talagang totoo ito sa nararamdaman.

Nagtanong si Lin Che, "Pero ipapatapon mo ba talaga ang kotseng iyon? Milyon-milyon ang halaga nun. Kung ayaw mo nun, bakit di mo nalang ipatabi para sa akin?"

". . ." Hindi alam ni Gu Jingze kung ano ang sasabihin. "Hindi ba pwedeng makinig ka nalang sa'kin? Kapag sinabi kong ayaw ko nun, ibig sabihin ay ayaw ko talaga nun. Ilang milyon lang naman iyon. Bibili nalang ako ng bago para sa'yo."

Sumimangot na lang si Lin Che. Nasasayangan siya sa kotseng iyon. Habang nakatingin kay Gu Jingze ay sinabi niya, "Hindi lang kasi ako napapanatag kasi nang dahil lang sa ilang walang kwentang tao ay sasayangin natin ang napakagandang sasakyan na iyon. Wala namang masamang ginawa sa'tin ang kotseng iyon, diba? Heh heh."

Tahimik na tinitigan ni Gu Jingze ang mga mata ni Lin Che. Gumagawa pa ito ng ibang excuse, eh ang totoo naman ay sadyang ayaw lang nitong pakawalan iyon.

Kaya sinabi ni Gu Jingze, "Fine, hindi na natin ipapatapon ang kotseng iyon. Sa'yo na iyon. Ibenta mo o gamitin mo. Sayong-sayo na iyon."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Lin Che, "Wow, talaga ba? Gu Jingze, ang bait-bait mo talaga!" Lumapit siya kay Gu Jingze at idnuyan-duyan ang kamay nito. Sobra-sobra ang saya na nadarama niya.

Ipinatong ni Gu Jingze ang kamay sa ulo ni Lin Che at marahang ginulo ang buhok nito. Unti-unting nawala ang galit na nararamdaman niya kanina habang pinagmamasdan itong masayang nakangiti.

"Kaso nga lang, nasira ang dapat sana'y magandang mood kanina," sabi ni Lin Che.

"balikan muna natin ang kotse." - Gu Jingze.

Maganda ang kotse. Marahang hinaplos ni Lin che ang kotse at nagsalita, "Kapareho lang ito ng kotse kanina diba?"

"oo, magkapareho lang sila."

"Kung ganoon, ano pang silbi ng pagkakaroon ng dalawang kotse? Mabuti pang ibenta ko nalang ang isa. Saan ko kaya ito pwedeng ibenta? Kapag ipinost ko ito sa online, baka isipin ng mga tao na ninakaw lang ang kotseng iyan."

Sagot naman ni Gu Jingze, "Hahanap ako ng tutulong sa'yong ibenta iyan."

"Talaga, Gu Jingze? The best ka talaga!" Abot hanggang tainga ang ngiti ni Lin Che. Napakaganda niya kapag nakangiti.

Ipiniling ni Gu Jingze ang ulo. Siya lang siguro ang nagbibigay ng regalo na babawiin at ibabalik din kaagad.

Kung sadista lang siya ay malamang siya na ang pinaka-sadista sa lahat. Alam naman niyang pera lang lagi ang nasa isip ni Lin Che pero palagi pa rin siyang excited na ibigay ang lahat ng gusto nito.

Nagtanong si Gu Jingze, "Iyan lang ba ang sasabihin mo?"

Sumagot naman si Lin Che, "Bakit, ano pa ba'ng iniexpect mo? Sobrang dami naman na ng pera mo na kahit bigyan man kita ng pera ay tiyak na wala lang 'yun sa'yo."

Inilapit ni Gu Jingze ang mukha kay Lin Che, "Pwede din namang isang kiss para mapatunayan kong sincere ka nga."

". . ." Agad namang namula ang mukha ni Lin Che at itinulak si Gu Jingze. "Lumayo ka nga; wag kang magbibiro nang ganyan!"

"Kung ayaw mo, edi ako nalang magbabayad sa'yo ng halik."

"Tumigil ka nga!"

NApatawa nalang si Gu Jingze habang nakatingin sa kanya. Nanunuksong sinabi nito, "Kung ganoon, paano mo naman mapapatunayan na talagang sincere ka?"

"Pero nasa sa'yo na lahat ng kailangan mo," sagot ni Lin Che.

Nagsuggest si Gu Jingze, "Ano kaya kung ipagluto mo ako?"

Nag-isip sandali si Lin Che at nag-aalangang tumingin kay Gu Jingze, "Sigurado ka na gusto mong makatikim ng luto ko?"

"Oo naman."

"Ngayon palang ay binabalaan na kita na hindi mo iyon magugustuhan."

"Okay lang. Tatanggapin ko," curious lang talaga si Gu Jingze kung ano ba ang kayang gawin ni Lin Che kaya gusto niya talagang subukan.

Itinikom ni Lin Che ang labi at marahang umubo, "Sige na nga. Ipagluluto na kita."

Nasisiyahang tumango si Gu Jingze.

Pero sinusubukan pa rin ni Lin Che na baguhin ang isip nito, "Sinasabi ko talaga sa'yo; magsisi ka talaga."

Sa isip ni Gu Jingze ay tiyak na hindi naman ito makakapaglagay ng lason kung babase lang ito sa cookbook.

At para mas safe, nagpasya si Gu Jingze na pumili ng simpleng recipe na lulutuin ni Lin Che.

Dahil kung hindi, kung iisipin ang kakayahan ni Lin Che, baka pagpapakulo lang ng tubig ang alam nito. At ayaw niyang madismaya dahil doon.

Umuwi na sila ng bahay nang medyo dumilim na ang paligid. Agad namang bumaba si Lin Che at nagsimulang mag-selfie kasama ang kotse, sa iba't-ibang anggulo at mga props.

Napasimangot si Gu Jingze dahil sa ikinikilos niya. Mula sa gilid ay nagsalita ito, "Para saan naman iyang mga litrato na iyan?"

Sumagot si Lin Che, "Ito ang kauna-unahan kong luxury car sa tanang buhay ko, at ilang milyon ang halaga nito. Aba siyempre, magseselfie ako kasama nito para ipakita sa ibang tao."

". . ." Nagsalita muli si Gu Jingze, "Kung gusto mong magpasikat, ang resibo nalang ang kunan mo ng picture."

"Ang weird naman nun."

"Eh di ang model number nalang ang picture-an mo."

"Mukhang wala ka talagang alam sa tinatawag na 'humble-brag'. Ang boring mo naman. Ibig sabihin nun ay ipinapakita mo sa mga tao na mamahalin ang gamit mo nang hindi mo pinapahalata na nagpapasikat ka lang. At masiyadong hambog naman kung iyang model number ang kukunan ko ng picture, ano!"

". . ."

Alam na alam niya talaga kung paanong magpasikat.

Patuloy lang na nanood sa kanya si Gu Jingze hanggang sa makahanap na si Lin Che ng magandang anggulo. Mula sa direksiyon nito ay mukhang ang paso ng halaman ang ipinapakita nito sa picture pero nasa likuran niya lang ang bagong kotse.

Tumalino na ba si Lin Che?!

Natutuwang tiningnan ni Lin Che ang kanyang picture at pagkatapos ay ipinost niya sa kanyang WeChat at nagsimulang magtype, "Kabibili ko lang ng mga flowers. Aalagaan ko talaga ito nang mabuti para tumubo sila nang maayos."

Lumapit si Gu Jingze at tiningnan ang kanyang itinatype. "Namumulaklak na ang halamang ito at malalaki na. Kailangan pa ba talaga nila ang pag-aalaga mo?"

"Umalis ka nga diyan!"

"Hindi ba parang nagsisinungaling ka lang?"

"Ang tawag dito ay white lie. Hindi mo ako naiintindihan!"

Maya-maya lang ay nakita ni Lin Che na isa-isa ng nagcocomment ang kanyang mga followers, "Wow, luxury car ba 'yan? Mukhang mamahalin ah."

Napangiwi si Lin Che, "Pambihira! Mukhang mamahalin lang? Marunong bang tumingin ang taong 'to?"

May isa na namang nagcomment, "Totoo ngang maganda ang kotseng iyan, pero mukhang nasa labas lang ng bahay ka nagselfie ah. Saan ka nakatira?"

Napansin din ng isa, "Halatang malawak ang bakuran na iyan ah. Nakabingwit ka ng swerte, ano. Sinong matandang lalaki ba iyan? Ang gara ng bahay niya."

Hindi inaasahan ni Lin Che na ganoon ka-metikuloso ang mga tao sa kanyang larawan.

Nakangiti siyang nagsalita, "Kitams, alam na alam talaga ng mga tao ang ibig kong sabihin. Napakagaling nila ah na kahit ang bakuran ay hindi nakaligtas sa mga mata nila. Ang simple lang ng picture ko diba pero nahulaan agad nila na malawak 'tong bakuran mo. Tsk tsk."

Pinagmasdan lang ni Gu Jingze ang kanyang masayang mukha. Habang nakatayo din doon ay kusang ngumiti ang kanyang labi.

NApakababaw lang talaga ng kaligayahan ng babaeng ito. Sa isang simpleng bagay lang ay sobra-sobra na ang saya nito na para bang isang halaman na namumuklak.

Napakadali niyang pasayahin.

Gusto ni Gu Jingze na ibigay pa sa kanya ang lahat ng gusto niya. Gusto nitong maging masaya siya habambuhay.