webnovel

Ang Aking Simpleng Pangarap

Wala pa ring ideya si Lin Che kung ano ang ibig sabihin ni Gu Jingze, pero hawak na nito ang kanyang mga kamay.

Maya-maya pa'y hindi na ito nakatiis pa at ginawa na ang dapat na gawin.

Bahagyang kumalma na ang pakiramdam ni Gu Jingze at humiga sa buhanginan habang nakaharap sa araw. Natataranta namang binawi ni Lin Che ang kamay at galit na bumulalas, "A-a-ano… Ano ng gagawin ko ngayon…"

Pero, lutang pa rin si Gu Jingze at nasa malalim pa rin ang takbo ng isip kaya hindi nito pansin ang nangyayari sa babaeng kasama.

Ang nagawa na lang ni Lin Che ay napatakbo pabalik sa dagat at nagsimulang kuskusin ang kamay sa pag-asang matanggal doon ang bahid ng kahihiyan.

Sobrang gaan naman ng pakiramdam ni Gu Jingze dahilan para muli itong mapahalakhak.

Habang nakaupo sa buhangin ay muli niyang inalala ang nangyari kanina.

Mas masarap pa rin talaga sa pakiramdam kung kasama niya itong gawin iyon kaysa ang mag-isa lang siya. Kakaibang sarap ang hatid non sa kanya.

Damang-dama niya pa rin ang malambot at maliit nitong mga palad na nakahawak sa kanyang pagkalalaki.

Habang inaalala niya iyon ay mas lalo siyang napangiti.

Hindi pa rin tumitigil si Lin Che sa paglilinis ng sarili kaya tumayo si Gu Jingze at lumapit dito. Binuhat niya ito mula sa tubig.

Napakislot naman sa gulat si Lin Che lalo pa't nagpaikot-ikot si Gu Jingze sa pagkarga sa kanya.

Magkadikit ang kanilang mga balat kaya hindi niya napigilang mamula ang magkabilang pisngi. May kung anong init na hatid ang pakiramdam na iyon lalo pa't napakaganda ng simoy ng hangin sa paligid nila. "Ibaba mo nga ako! Ano na naman ba 'tong ginagawa mo?"

"Hindi mo ba nagugustuhan? Masarap sa pakiramdam, di ba?"

"Oo, masarap nga." Yumakap siya sa leeg ni Gu Jingze.

Karga pa rin siya nito. "Alam kong medyo nahirapan ka sa nangyari kanina. Hindi ko din naman ginusto na magtagal iyon eh. GInawa ko na talaga ang lahat ng makakaya ko para lang mas mapadali iyon."

"Tumigil ka! Sino'ng may sabi sa'yo na pwede kang magsalita?" Naiinis na pinalo niya ang balikta ni Gu Jingze.

Buong pusong tumawa si Gu Jingze. Magaan talaga ang pakiramdam niya.

Hindi naman maiwasan ni Lin Che na magtanong sa sarili. Nagustuhan ba talaga nito ang ginawa nila? Bakit ang saya-saya nito?

Mga lalaki talaga… Hay naku. Kahit gaano talaga katalino ang isang lalaki, kaya pa rin silang traydurin ng alaga nila minsan.

Muli siyang iniikot ni Gu Jingze, "Okay. Bilang gantimpala ko sa'yo, pagbibigyan kita sa isang bagay na gusto mong hingiin sa akin."

"Anong bagay?"

"Ikaw bahala. Kahit ano."

Nag-isip-isip sandali si Lin Che, pero hindi niya alam kung ano ang isasagot. Blangko pa rin ang isip niya dahil sa nangyari kanina. "Hmm, wala pa akong maisip sa ngayon. Pwede bang sa susunod ko nalang sabihin sa'yo kapag may naisip na ako?"

Tumango naman si Gu Jingze, "Okay, pangako 'yan."

Ibinaba na siya ni Gu Jingze at naglakad na sila sa dalampasigan. Habang sinasamyo ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat at iniisip na nasa ibang bansa siya ay nasabi niyang, "Ang ganda talaga dito."

"Dadalhin kita sa mas magandang lugar kaysa dito sa susunod."

"Hindi na kailangan. Kuntento na ako sa lugar na 'to," sagot ni Lin Che.

"Ang dali mo namang pasayahin," komento ni Gu Jingze habang nakatingin sa kanya.

"Siyempre," sabi ni Lin Che. "Hindi lahat ng tao ay nakukuha ang lahat ng gusto nila, kaya ang mga taong katulad ko na malabong maabot lahat ng mga pangarap ay napakadali lang pasayahin kahit sa mga simpleng bagay. Sa mga ganito lang ay masaya na kami."

Seryosong tumingin sa kanya si Gu Jingze. "Ano bang gusto mo? Tutulungan kitang makuha ang lahat ng iyon."

"Hindi na kailangan. Hindi mo na talaga kailangang gawin pa iyan para sa akin."

"Seryoso ako," pagpupumilit ni Gu Jingze.

Humarap siya dito. Simple lang naman talaga ang gusto niya eh, pero napakahirap makuha.

Gusto niyang magkaroon ng taong mamahalin niya at mamahalin din siya nang totoo.

Pero, may mga tao sa mundong ito na pipigilan kang makuha ang pangarap na iyon.

Umiling-iling si Lin Che at sinabi, "Hindi na talaga kailangan pa. May mga pangarap tayo na minsan ay mas masarap abutin kung tayo mismo ang nagpakahirap na makuha iyon. Kung napakadali mo lang na makukuha iyon ay parang wala ring saysay kapag nasa kamay mo na."

Habang nakatingin kay Lin Che ay napatango nang bahagya si Gu Jingze at naisip na may punto rin ang sinabi nito.

Next chapter