webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · General
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 25: Promise

Chapter 25

Belle

"That's a great presentation you have there. I like your program and it runs pretty well. I will give you a nine point five over ten rate."

My heart is in turmoil right now, but I need to keep my face straight while waiting for the other panels final grade. Hindi pwedeng makampante.

"Nothing to say but it's all good. I give you a 10 over 10 rate for this one. Congratulations!" Said by the last panel before standing up and give us a wide smile.

Lumapit kami at nakipagkamay sa kanilang lahat na puro congrats at papuri ang sinasabi.

Puro ngiti at salamat ang nasasabi ko dahil iyon lamang ang salitang namumutawi sa bibig ko ngayon.

Yes! SEMBREAK NA! I was too stressed these past few weeks doing all the requirements all the same time. Countless coffee, sleepless nights and those mind-twisting happenings these past months has been paid off.

My mind is at a feast. I'm having a too much joy while walking down the stairway. Guys are in front of me and having a chit-chat.

"I can't believe it, they give us a perfect grade!" Rhonin exclaimed.

"Well, we deserve it! Sembreak here I come!" Pare-parehas kaming natawa sa sinabi ni Fio.

Napatingin ako kay Ryu na tahimik lang sa gilid ko at siyang may hawak ng laptop na ginamit noong presentation.

"Mukhang hindi ka masaya?" Natatawa kong tanong dito.

Tiningnan lang ako nito at akala ko ay hindi sasagot. Hindi kasi ito palasalita simula noong magkakasama pa kami.

"I'm glad." Simple at maikling sabi nito na nginitian ko lang.

Iyon na siguro ang pinakamahaba niyang sinasabi, kadalasan kasi ay tango at iling ang sinasagot niya sa amin.

It's nearly afternoon and we still have a last class for this day before the Semestral Break. With our formal suit, we arrived in our classroom and sit in our respective chairs.

Kami ang naunang magpresent sa buong klase kaya kami rin ang naunang nakababa rito. We still have two hours before the last subject.

Tumingin ako sa mga kasama ko sa classroom at may kanya-kanya silang ginagawa.

Fio gone out of the classroom after dropping his bag and Ryu sleeping on his chair with his headphones on. While Rhonin is typing something on Fio's laptop that he borrow earlier.

Nacurious ako sa ginagawa nito kaya inilapit ko ang lamesa at upuan ko sa tabi niya para masilip kung ano 'yon.

"What's that?" Nakita ko ang napakahabang letter na nakabukas sa isang document file.

He shifted his gaze on me back on the screen. His fingers typing fast.

"This is my Scholarship Application Letter for MIT." Bahagya akong nagulat sa sinabi nito at napabalik ang tingin sa screen ng laptop.

Nandoon nga ang logo ng MIT sa pinakataas na bahagi kasunod ang kanyang letter. Hindi ko mapigilang humanga sa lakas ng loob ni Rhonin.

"Wow, that's great!" I exclaimed happily.

"Kapag natanggap ako kailangan kong magsimula sa umpisa. I have to wait for 3 months before getting their reply if I ever pass on their qualifications or what." Patuloy ito sa pagta-type.

"Paano kapag nakapasa ka? You will be staying there?" Iniisip ko pa lang na malalayo sa akin si Rhonin ay nalulungkot na ako.

Mawawalan na naman ba ako ng kaibigang lalake? Napatigil ito sa pagti-tipa at napangising tumingin sa akin.

I frowned.

"Bakit? You gonna miss me?" Inismiran ko ang sinabi nito.

Kapal ng mukha.

"Kapal mo, I'm not. Kung gusto mo, doon ka na mamuhay habang buhay."

Umiling ito. "Iyon ang hindi ko gagawin. I'm waiting for you, right? Ikaw ang buhay ko." He smiled.

Lecheng mga banatan 'yan.

"Tumahimik ka nga diyan at ituloy mo 'yang ginagawa mo." Iniwas ko ang tingin dito. Narinig ko ang malamyos na tawa nito bago bumalik sa ginagawa.

Last class pass and my classmates are in chaos right now. Iyong iba ay nagpapaalaman na parang hindi magkikita pagkalipas ng tatlong linggo, may mga iba naman na nagmadaling umalis ng classroom at ang iba ay nagbabatuhan ng mga papel na parang mga bata.

"Belle, tara?" Napatango ako kay Rhonin ng ayain ako nito.

Kaya pala nawala si Fio kanina ay may tinawagan at nagpabook ng reservation sa isang restaurant 'di kalayuan dito. Libre niya ngunit para iyon sa aming apat.

Pagkalabas ng classroom ay naabutan ko si Fio na may kausap sa phone niya at si Ryu na mayroong inaantok na mata habang nakatingin sa amin.

Fio looked at us. "Ready?"

---

"Leche ka, Torres! Sasakalin talaga kita!" Malakas na sigaw ko.

"You can't do that, baka mapatay mo ako. Kawawa naman mga girlfriends ko." Inismiran ko ito.

Akala ko ay sa isang restaurant kami dadalhin, iyon pala ay sa isang bar! Alas-sais pa lang ng hapon pero maingay na sa loob nito.

"You agree on this?!" I shouted on Rhonin whose smiling at me.

Napakamot ito sa batok niya habang hindi nakatingin sa akin.

"Mukha namang masaya rito." He pointed out. Napairap ako.

Leche! Nakalimutan ko na isa palang bad influence itong si Fio.

"Come on! Sembreak naman na natin. Makisama ka, Hernandez."

Wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Rhonin papasok. Si Ryu naman ay akbay-akbay ni Fio kaya wala na rin itong nagawa. Fio winked at me.

Bwiset, mamatay ka sana.

Marami ng tao sa loob at may maingay nang musika ang sumisirko sa loob ng bar. Iyong iba ay nagsasayawan na sa gitna ng bar kung saan mayroong dance floor, at ang iba ay mas pinili na manatili sa kani-kanilang upuan habang may iniinom na mga alak.

May binulungan si Fio na isang lalake pagkatapos ay sinundan niya ito. Nagtataka man ay sumunod kami rito at dinala sa gilid kung saan may pinasukan kaming isang kwarto.

Soundproof ang kwarto na ito dahil pagkapasok namin at nang maisara ay wala na kaming marinig na ingay mula sa labas.

Napalibot ang tingin ko sa paligid at may isa ritong flat screen T.V at may nakapalibot na sofa sa pader ng buong kwarto, pwede nga na humiga kung nanaisin. There's an also a small table in the middle.

Maya-maya ay nagkakasiyahan na sila Rhonin at Fio, samantalang si Ryu ay pangiti-ngiti lang sa gilid. Kanina ay kumanta rin ito, at masasabi kong maganda ang boses niya.

Napapailing na lang ako sa dalawang binata na ngayon ay sabay na kumakanta sa isang microphone. Rhonin looks like he's enjoying this bar hopping.

Nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya naisipan ko ang magpaalam para magCR. Rhonin volunteered to come with me.

There's many people who meet us outside. Pahirapan pa na makisiksik dahil ang iba ay hindi ako napapansin.

Nagulat ako ng may biglang kumuha ng aking kamay at bahagya akong hinila papalapit sa katawan nito.

"Wait until we go into the comfort room." I nodded as we walk our way to the nearest comfort room.

Akala ko ay papasok si Rhonin sa kabilang pintuan para sa lalake pero sumandal lamang siya sa harapan ng C.R. ng babae. Nakangiting nakatingin sa akin.

"Go, I'll wait you here." He smiled. Ngumiti ako pabalik at walang lingon na pumasok sa loob ng C.R.

In all fairness, malinis ang banyo na nandito. Pumasok ako sa isa sa mga cubicles at umihi.

Papalabas na ako nang makarinig ako ng mga ingay ng babae na pumasok sa loob ng C.R at nakakuha ng atensyon ko ang pinaguusapan nito.

"The guy outside is a freaking hottie!"

Napataas dalawang kilay ko sa narinig. Outside? Is that Rhonin they're talking about?

"He looks alone and I'll make sure that he'll come with me. 'Wanna bet?"

"No, I'm not. He looks masungit, I don't like that."

She didn't mean to eavesdrop so that she made her way out of the cubicle, without making an eye contact with the three ladies who's gossiping in front of the mirror.

Nagpunta siya sa harapan ng lababo at naghugas ng kamay bago nagtungo sa pintuan.

Pagkalabas niya ay naabutan niya ang dalawang matatangkad at kapwa magandang kababaihan. Nasa harapan ito ni Rhonin at may kung anong sinasabi sa binata na ngiti lang ang sinusukli niya.

Nang makitang nasa labas na ako ng banyo ay dumaan ito sa gitna ng dalawang babae at walang sabi na tinalikuran ito para makalapit sa akin.

"You're done? Come on. Baka naghihintay na sila roon." He held my hand and pulled me away from that place.

Nang lingunin ko ang dalawang babae ay kapwa masama ang tingin nila na inirapan ko lang.

Pagkarating sa kwartong inupahan sa loob ng bar ay naabutan naming kumakanta pa rin si Fio. Samantalang si Ryu, nakasandal na sa sofa at nakapikit ang mga mata.

Fio immediately grab Rhonin and encircled his arms around Rhonin's neck and dance naughtily in front of him.

Gross.

His face is flushed because of the alcohol and yet, he's still drinking. Napapailing na lang ako sa kabaliwan ni Fio na sinasakyan ni Rhonin.

Tinabihan ko si Ryu na ngayon ay naririnig ko na ang mahinang paghilik.

Kahit na may kadiliman dito sa loob ay nakikita ko kung paano mamula ang pisngi nito nang mapatingin ako rito.

His fair skin is now flushed because of the alcohol.

Gosh, mabuti na lang at hindi na ako uminom pa pagkatapos ng isang baso dahil napangitan ako sa lasa ng alak dito. Well, hindi rin naman ako sanay uminom kaya siguro inayawan ko kaagad.

Ilang minuto pa ang lumipas at parehas na bagsak na ang tatlo sa sofa katabi ko habang nakaharap ako sa kanila.

I crossed my arms in front of my chest before deeply sighed because of the stress I've been through for them to stop.

"Go! My sexy babe! Dance with me, don't just stand there!" Fio blurted while pointing his hands at the door.

What?

"I'm here, you Moron!" I shouted at him.

Rhonin kicked Fio's face.

"Si Belle 'yan, bro. That's my Belle and don't call her sexy babe!"

He throws a kick once again and unluckily, it landed on Ryu's stomach. I heard a loud grunt from Ryu who's now awake.

Akala ko ay gaganti ito dahil masama nitong tinitigan si Rhonin---- na ngayon ay nakapout na nakatingin sa kanya habang magkasalubong ang kilay---- pero hindi pala.

Suminok lang ito at marahas na sumandal na naman sa sofa. Ryu fell on Fio's body who's now silently snoring while bear hugging Rhonin's arm and placing a light kiss on it.

Napailing na lang ako sa sakit ng ulo na naramdaman ko dahil sa pagaalaga sa tatlong itlog na 'to.

Napatingin ako sa pambisig ko na orasan at napapikit ako ng mariin nang makita ang oras. Lagpas alas-onse na at hindi ko alam kung paano kami makakauwi nito.

Nawala ako sa pag-iisip ng makarinig ng maingay na pagring ng cellphone. Lumapit ako sa tatlong itlog dahil sa kanila nanggagaling 'yon.

Napadpad ako sa harapa ni Rhonin na ngayon ay nakayakap na kay Fio ang braso. There's a light flashing on the side pocket of his pants at the same time, it's ringing.

Dahan-dahan ko iyong kinuha para hindi ko maistorbo ang dalawa. Malapit ko ng mailabas ang cellphone nito ng may bigla na lang humawak sa mga kamay ko na kumukha noon.

Rhonin held my hand containing his phone. I looked up to him and found that he's intently looking at me.

Napasinghap ako sa paraan ng pagtingin ng malalalim nitong mga mata sa akin. Parang may ginawa akong masama na hindi niya nagustuhan.

"R-Rhonin--- pahiram a-ako ng ahm-- cellphone."

Tumigil na sa pagtunog ang cellphone niya at nang hihilahin ko na ang kamay ko ay ganoon na lamang ang gulat ko ng hilahin niya ako palapit sa kanya.

My eyes met his deep brown eyes when he leveled his face to mine. Suddenly, I felt my heart is banging inside my chest and wants to come out quickly.

Napalunok ako nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Isang pulgada na lang at maglalapit na ang mukha namin kaya mariin akong napapikit.

Shit, Lord. Ito na po ba ang first kiss ko? Ibibigay niyo na po ba sa akin? This is it na po ba?

"I like you so much." His baritone voice escapes his lips and I felt his warm breath hovering my lips.

Naamoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at mint sa bibig nito na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang noo sa akin at ang maliit na halik na dumampi sa ilong ko na siyang nagpadilat sa akin.

Bumungad sa akin ang namumulang mukha ni Rhonin habang nakangiting nakatingin sa akin.

"R-Rhonin."

"I'll wait, Belle. I promised and I will prove to you that promises are not meant to be broken." He uttered before he shut his eyes closed.

Mabilis akong napalayo rito ng bitawan niya ang kamay ko na may hawak na cellphone niya.

Dinama ko ang aking dibdib at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa nangyari.

Wala sa sariling napahawak ako sa ilong ko. Pakiramdam ko ay nakalapat pa rin ang mga labi roon ni Rhonin.

No one has ever been kissed my nose before. It has always been my forehead and my cheeks. But, why my nose?

I don't know, but I feel so disappointed when he kissed the tip of my nose.

Mapanghangad ka, leche.

Marahas akong napailing sa naisip.

Dapat ang inuuna ko ay kung paano kami makakaalis sa bar na 'to. Leche naman kasi 'tong si Fio, kung ano-ano ang kalokohan nito sa buhay.

Nawala ako sa pagiisip ng tumunog na naman ang hawak kong cellphone. Nakarehistro ang numero na iyon sa pangalan na Crimson.

Walang pagaalinlangan na sinagot ko 'yon. Mukhang good timing siya.

"'Couz! What are you doing? Bakit hindi mo sinasagot mga text ko? Nagtatampo na ako sa 'yo, nagtataksil ka na ba sa akin, baby Rhon?"

Bahagya akong natawa sa sinabi nito. Para itong jowa na nagtatampo.

"Ahm..this is Belle, Crimson." Nadako ang tingin ko sa tatlong itlog. "I need your help in something?"

"Belle? Why do you have Rhonin's phone?" I heard his exaggerated gasp over the phone. "Naharas ka na ng pinsan ko?"

Napairap ako sa sinabi nito. Kahit kailan 'tong lalake na 'to, walang preno ang bibig.

"You want to have a black-eye, Crimson? O baka gusto mong isumbong kita kay Dawn?" I threatened.

"'Yan ang h'wag mong gagawin, ano ba ang kailangan mo bubwit ka?"

I smirked. Hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa akin ng bubwit.

"I need you to help me. Iuuwi natin ang 'tong tatlong itlog na 'to, gamitin na lang natin ang sasakyan ni Fio," I walked towards the table and get the car keys over it.

"Tatlong itlog? Who's that?"

"Huwag ka na magtanong. Pumunta ka na rito sa Red and Gold. Magcommute ka na lang."

"What the freaking hell are you doing there? Wait... Hoy Rosas, ikaw muna dito. May pupuntahan lang ako... What?! You're going to leave me here  alone? Are you insane?! Crimson!" Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Rosè sa kabilang linya na nagrereklamo.

"Bilisan mo, Crim." Ibinaba ko na ang tawag at naupo sa dulong sofa malayo sa tatlo.

Ilang minuto rin ang lumipas ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan. Napatayo ako para tingnan kung sino 'yon.

I opened it when I saw Crimson outside. Kaagad na nadako ang tingin nito sa tatlong nakahiga sa sofa.

"What the..." Napatingin ito sa akin. "Don't tell me na nilasing mo 'yang tatlo na 'yan?"

"Of course not, baliw ka ba?" Napairap ako.

Nagsimula na siyang buhatin ang tatlong lalake na nakahiga at hanggang ngayon ay mga bagsak pa rin.

Mga iinom, mga mahihina naman pala.

Tabi-tabi ang tatlo sa likod samantalang nasa harapan kaming dalawa ni Crimson at kanina pa ito tahimik habang mabagal na nagmamaneho. Nakakapanibago.

"Bilisan mo naman ang pagda-drive, uumagahin tayo nito sa bagal mo." Ani ko.

"Tumahimik ka diyan, bubwit. Baka maaksidente tayo."

Umawang ang bibig ko sa sinabi nito bago mapatingin sa kanya na titig na titig ang tingin sa daan.

Baka maaksidente? Halos wala nga kaming kasabay na sasakyan sa daan.

Napansin ko ang mahigpit na pagkakahawak nito sa manibela at ang mumunting pawis nito sa noo.

"Hindi ka sanay magmaneho?" Nakataas na kilay kong tanong rito. Saglit lang siya tumingin sa akin bago binalik ang tingin sa kalsada.

"Shut up, Belle. Ihahagis kita sa labas kapag hindi ka pa tumigil." I chuckled before leaving him alone.

Baka nga itapon ako sa labas ng bintana nito. Isa rin itong demonyo sa buhay ko, e.

Una naming hinatid si Ryu dahil alam ko kung saan ang apartment nito. Mabuti na lang at gising pa ang kapatid nito at nasikaso siya kaagad.

Nang si Fio na ang ihahatid namin ay ayaw niyang bumitaw kay Rhonin na tahimik na natutulog. Para itong bata habang nakikipagagawan ng braso.

"Sa akin 'to! Bitaw!" Sigaw nito.

Sa huli ay hinayaan na lamang namin ito sa gusto. Sa apartment na lang daw ni Crimson papatulugin ang dalawa.

Ako ang sunod na inihatid ng binata sa harap ng bahay namin. Dito na ako nagpahatid dahil lagpas ala-una na rin at baka hindi na ako papasukin sa dorm.

"Ingat kayo, Crimson. Alagaan mo 'yung dalawang itlog." Natatawa kong sabi na inirapan niya lang. Umalis din ito pagkatapos.

Sinalubong ako ni Manang Olie sa harapan ng gate at nagmano muna ako rito bago kami sabay na pumasok sa bahay. Pinagtimpla ako nito ng gatas para makatulog kaagad ako.

Gusto ko sana ng kape kaso mukhang hindi naman papayag si Manang kaya ininom ko na rin.

"Salamat po, Manang. Matutulog na po ako." Paalam ko rito.

"Sige, iha. Matulog na para maging handa ang katawan mo bukas pagalis." Tumango ako sa sinabi nito bago umalis sa harapan niya.

Umakyat ako sa second floor at nagtungo sa kwarto ni Atom. Mahimbing itong natutulog kaya nilapitan ko ito at nilapatan ng halik sa noo bago tahimik na umalis sa kwarto niya at dumiretso na sa kwarto ko.

Nagshower ako saglit at kaagad na nahiga sa kama. Mabuti na lamang at kaagad akong dinalaw ng antok at nakatulog.

Rhonin

I wake up with a severe headache. Nakaramdam ako na may nakahawak sa bewang ko kaya agad akong nagmulat ng mata.

Ganoon na lang ang gulat ko ng bumungad sa akin ang mukha ni Fiodore na ngayon ay nakadantay sa akin ang buong katawan.

Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko.

Dahan-dahan kong inalis ang bawat parte ng katawan nitong nakadagan sa akin bago tahimik na tumayo. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang sakit na nanalaytay sa ulo ko.

Fuck hangover.

Napadako ang tingin ko sa wall clock at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang alas-diyes na ng umaga. Ito ang unang beses na nagising ako ng ganitong oras dahil maaga ako kaging nagigising.

Napailing na lamang ako at tiniis ang sakit ng ulo ko bago marahang nagtungo sa banyo ng apartment. Namataan ko pa ang isang tupperware na nakatakip at may post-it note sa ibabaw.

'Eat. Bibista si Auntie ng shop by 12.'

Mas lalong sumakit ang ulo ko sa nabasa. Kailangan ko ng magmadali para makapasok sa trabaho.

Dumiretso na ako sa banyo at kaagad na naghilamos para mawala ang hilong nararamdaman ko. Naligo na rin ako para maalis ang amoy ng alak na dumikit sa katawan at buhok ko.

Pagkalabas ay namataan ko na nakaupo na si Fio sa dulo ng kama habang sapo nito ang kanyang ulo. Napangiti ako bago ito batiin.

"Good morning, Fiodore. Sabay na tayo kumain para parehas na tayong makainom ng gamot."

Umangat ang tingin nito sa akin habang may nakapaskil na gulat sa mukha.

"Bakit?" Nagaalalang tanong ko rito. Malalim itong napabuntong hininga.

"Fuck! I thought I slept with a woman last night. I almost got a fucking heart attack," nalibot ang tingin nito sa loob ng apartment. "Mukha kasing kwarto ng babae. Malinis." Komento nito na nagpangiti sa akin.

Mahina akong napatawa. "Ayaw ko rin kasi ng madumi kaya malinis ang kwarto. Tara, let's eat."

Hinanda ko na ang lamesa para sabay na kaming kumain. Panay ang kwento nito patungkol kagabi samantalang ngiti lang ang naisasagot ko rito.

Wala kasi akong maalala sa mga ginawa ko kagabi.

"Ang huling naalala ko, may bumubuhat sa akin at humahatak. Akala ko pinagpipyestahan na ako ng mga bakla, eh." Malakas ang tawang pinakawalan nito.

Pati ako ay natawa na rin. "Ano ka pagkain?"

"Sabagay, mukha naman akong pagkain, masarap kainin. Abs ko pa lang kaldereta na." Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi nito.

Kaya siguro labis ang pagkainis na nararamdaman dito ni Belle dahil sa mga pinagsasasabi nito.

Mamaya ay iniba nito ang topic.

"How are you and Belle? Umamin ka na ba?" Muntik na ako mabilaukan sa sinabi nito.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot sa tanong niya.

"Yeah, I already did." Ani ko.

"Oh? What happened? Hindi ka nagke-kwento sa akin. Kahit SKL mo lang." Napangiti ako sa pagtatampo sa boses nito.

"Friendzoned." Sabi ko na parang 'yun ang sagot sa tanong niya.

Napaawang ang labi nito bago umiling at may gulat pa rin sa mukha na nakatingin sa akin.

"Pumayag ka naman?"

Umiling ako. "Of course not, sabi ko hihintayin ko siya."

"Bilib ako sa 'yo, Rhon. Sabagay, hindi pa naman ako nari-reject," Uminom ito ng tubig bago nagsalita ulit.

"So, hihintayin mo talaga siya? Paano kapag friends pa rin ang kaya niyang i-offer?"

Napangiti ako sa tanong nito.

"I can feel that, I can change it. Lahat naman nagsisimula sa friendship, eh. I'll just wait until it turns into a relationship." I deeply sighed. "Parang pagpila lang 'yan na may number, I just need to wait for my turn. Hindi naman pwede na sumingit ako tapos pagdating ko sa cashier ay hindi pala para sa akin ang bill. Marami na akong naabala, nasayang pa ang oras ko. Hindi ba?"

Maya-maya ay hinampas nito ang lamesa at pumalakpak ito habang may ngising nakapaskil sa mga labi.

"I want you! I want you! Grabe ang mga words of wisdom mo."

Napailing na lang ako sa tugon nito.

Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin at nagpaalam na rin si Fiodore na aalis na. Naglinis lang ako ng sahig at inayos ang hinigaan bago nagsaing para sa tanghalian at hapunan.

Pagkatapos magsaing at magbihis ay lumabas na ako ng maliit na apartment bago lakarin ang ilang hakbang papunta sa likod ng coffee shop.

Binati ko lang si Rosè at Crimson na ngayon ay abala sa pagse-serve bago dumiretso sa cashier.

Sumapit ang tanghalian nang lapitan ako ni Rosè. May nakapaskil na malaking ngisi sa labi nito.

"You know that Belle is leaving today?" Tanong nito.

"Oo, nasabi niya sa akin. Bakit?"

Nagkibit-balikat lamang ito bago bumalik sa pagse-serve.

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa para padalhan ng mensahe si Belle.

Ingat kayo ni Atom sa byahe. Stay safe, for me.

Biro ko rito. Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bulsa ng makatanggap ng mensahe.

Baliw. May hangover ka ba? Uminom ka ng gamot.

Napangiti ako bago nagtipa ng bagong mensahe.

I don't need meds for my hangover, malakas yata ako.

Pagkatapos mapindot ang send button ay naitago ko na ang cellphone sa bulsa ko. Namataan ko ang pagparada ng isang itim na sasakyan sa harap ng coffe shop at ang paglabas ng isang ginang doon.

Umaapaw ang confidence nito sa katawan at kung titingnan ay nasa mid-20's lang ang edad nito. May pagkamorena ito, Matangkad at may mahabang buhok.

Pumasok ito sa shop bago ito salubungin ni Crimson ng yakap.

"Auntie Ana! Welcome back!"

"Lumayo ka sa akin, Crimson. Wala akong pera." Mahina akong natawa sa sinabi ni Auntie kaya napansin ako nito.

"Rhonin, iho!" Bati nito na nginitian ko lang.

Hindi ko napansin ang isang babae na nasa likod nito kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

"May naghahanap sa 'yo sa address ko, Rhon. Sinabay ko na siya rito, kaibigan mo raw siya."

Bumungad sa akin ang isang matangkad na dalaga. Mayroon itong mahaba at may kulay kapeng mga mata. Maamo ang mukha nito habang nakangiti sa akin.

"Amara..." Bulong ko.

"Hi, 'Nin. How are you? long time no see."

---