webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · General
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 19: More than Friends

Chapter 19

Belle

"Rhon! You need to go back before five!"

I heard Fio yelled before Rhonin pulled me outside the gym. I remained silent while looking at our hands tied together. Hindi na ako nakapagreklamo ng hilahin niya ako kanina.

"Rhonin?"

"Hmm?"

"Can you please let go of my hand?" I'm pulling my hand, but he didn't let go of it instead, he hold it tight.

"I will not let go of you." Nakangiti niyang sabi nang matingin siya sa akin.

Malalim akong napabuntong hininga. Nagsisimula na akong kabahan sa pwedeng mangyari. Ang tagal na rin namin na hindi naguusap at hindi ko alam ang pwede kong sabihin sa kanya.

Nakarating kami sa garden ng walang nagsasalita sa aming dalawa. Pinaupo niya ako sa bench na dati naming inupuan, sumunod siyang naupo sa tabi ko.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at walang may gustong magsalita kaya pinangunahan ko na siya.

"A-Ano ba ang paguusapan natin?" Sambit ko.

Iginagala ko ang mata sa mga magagandang bulaklak dito sa garden. Hindi ko siya magawang tingnan, nahihiya pa rin ako sa sinabi ko sa kanya.

"Tungkol sa sinabi ko---" Pinutol ko na kaagad siya.

"Alam mo bang kasama ako sa Top 10? Hindi na ako magiging utusan ni Fio," Humalakhak pa ako and I know it's an awkward laugh. "Tapos ililibre niya pa ako ng Iced Coffee in one week, how great is that?" Kwento ko na matipid lang na ngiti ang sinukli niya sa akin.

"Congrats." Ani niya. Napansin ko ang pagtahimik niya sa mga sinabi ko at parang hindi iyon ang gusto niyang marinig mula sa akin.

"About what you said, Rhonin," I smiled, sadly.

I continued. "Don't worry, kakalimutan ko 'yon. Nagkamali ka lang naman siguro ng sinabi hindi ba?" Ngumiti ako at tumingin sa mukha niya para mawala ang namumuong tension sa paligid.

Baka nga nagkamali lang siya, kasi magkaibigan kami hindi ba? Ngayon lang kami nagkakilala at malabo na magkagusto siya kaagad sa akin. Anong nagustuhan niya sa akin ng ganoon kabilis? Bakit ako? Marami diyang iba na mas maganda kaysa sa akin.

Malalim siyang napabuntong hininga. "'Yung sinabi ko sayo, totoo 'yon. Gusto kita." Diretso siyang tumingin sa mga mata ko at nalulunod ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Totoo nga na gusto niya ako? Hindi siya nagbibiro?

"P-Pero magk-kaibigan tayo diba?" Naguguluhan kong tanong.

Itinaas niya ang kamay ko na hanggang ngayon ay mahigpit pa rin niyang hawak. Ramdam ko kung gaano kainit ang mga palad niya na nakahawak dito.

"I want us to be more than friends. Pero alam kung hindi mangyayari 'yon dahil nasa kanya pa rin ang atensyon mo. Hindi mangyayari ang gusto ko kapag pinilit kita na gustuhin ako kahit ang gusto mo naman ay iba." He smiled sadly before kissing the back of my hand.

I feel my face hightened up in heat and my heart starts to beat faster than normal. Lahat ng sinabi niya ay umuulit sa utak ko ng parang sirang plaka.

"Nasaktan ako ng sinabi mo sa akin ang thank you. I didn't expect that answer from you. I know you always think about others feelings before saying anything. I guess, nabigla kita?" Hindi ako nakapagsalita at marahan lang na tumango sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Ayaw kong masira iyong pagkakaibigan nating dalawa ng dahil lang sa umamin ako na gusto kita. I learned my lesson this past few weeks, that you've been avoiding me. I want to be with you always but I can't do that if I don't cleared the things I said to you." Malalim siyang napabuntong hininga at mataman na tumingin sa akin.

"Say something, Belle. Nababaliw na ako sa kakaisip kung anong tumatakbo sa isip mo." I sighed of what he said.

"I-I'm thinking, How someone like you liked me in the very first place? I'm not even pretty, that guys always would've been looking for. Wala nga akong appeal, eh. I have scars all over my face and body. I'm not even sexy." Napatawa pa ako ng mahina sa sinabi.

Sige, I-down mo pa sarili mo.

It's true that I have flaws, I don't even like my skin and I don't have any skin care routine that ever girls always do. I act up mighty all the time, but my self esteem is worse than me. Sometimes, I ask myself, why I can't be like other girls who stand out from the crowd without doing anything.

Naramdaman ko na lang ang paghaplos ng mga kamay ni Rhonin sa pisngi ko. Ngumiti siya at tinitigan ang mukha ko na para bang ako lang ang nakikita niya.

"Anong sinasabi mo? Everything about you is beautiful, even with the scars, you are pretty. Your eyes, your smile, your cheerfulness and kindness. The way you talk about your day and everything about you. Damn, you're perfect to me." He smirked.

Nagsimula ng manlabo ang paningin ko sa mga sinabi niya sa akin. God, ito ang unang pagkakataon na may nagsabi na isa akong perfect, kahit na hindi. Ito ang unang pagkakataon na may nagsabi na ang ganda ng mga ngiti ko.

Ang sarap sa ears.

"Salamat, dahil lagi kang nandiyan para sa akin. You're giving me advices that I badly needed. Thank you for pulling me up when I'm at my worst. Thank you." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Hanggang 'thank you zoned' na lang ba talaga ako? I'm starting to hate that word." Napatawa na rin ako at pinahid ko na luha na nasa mata ko.

"I should thank you for liking me even though you don't want that to hear from me. This is the first time that someone like me, romantically." Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Handang makinig sa mga gusto ko pang sabihin.

Ayaw kong saktan si Rhonin sa mga sasabihin ko kasi alam ko iyong feeling. He's to precious to be hurt by someone like me, someone who is not worth it.

Ayaw ko rin siyang paasahin sa bagay na alam kong hindi ko kayang ibigay. Until now, I love Peter. It's not easy to move on from that long years of being in love with him.

I can't use someone in order for me to fully move on.

"I want us to stay the same. I don't want our friendship to go any further. I like you, but as a friend." Malumanay kong sambit at pinisil ang kamay niya.

I know the 'F' card will hurt him even more.

Nakita ko kung paano nalaglag ang mga balikat niya at ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Binitawan na rin niya ang kamay ko.

Malungkot akong nakatingin sa kanya hanggang sa iniangat niya ang ulo niya para tumingala. Ilang segundo siya sa ganoong posisyon, nang binalik niya ang tingin sa akin ay parang namumula ang mata niya.

Did he cry?

"Dapat pala tinago ko na lang sa sarili ko iyong nararamdaman ko. Hindi ko alam na ganito pala ang ma-basted, it hurts like hell." He tried to smile, but he failed.

Nagbalak akong hawakan ang kamay niya pero hindi ko 'yon magawa. May pumipigil sa akin at sinasabing 'don't touch him, he's fragile' which is true.

"I'm sorry," Sambit ko.

"It's okay, it's not your fault na nagkagusto ako sayo. Hindi lang pala mga babae ang marupok, mga lalake rin." He chuckled.

"Where did you learn that word?" Nakakunot ang noo kong tanong. Nagtataka.

"Fio used to said that always. Marupok daw ang mga babae kaya hindi niya raw sila mahindian kapag nilalapitan siya." I snorted. Napakayabang.

Kung ano-ano na lang natututunan niya kay Fio.

"I will wait, Belle. Hangga't hindi ka pa nakakamove on kay Peter, dito lang ako. I will wait for my turn, iyong ako naman ang mapapansin mo."

"W-What? N-No. It's not fair for you." I mumbled.

Bumalik na sa labi niya ang isang masayang ngiti. Para bang may tumama sa mukha niyang sinag ng araw at nagliwanag iyon habang nakatingin sa akin.

"Don't worry and trust me. You're worth the wait."

---

"Ano 'yun, ha? Bakit may 'Pwede ba tayong mag-usap' line si Rhonin?" Tukso sa akin ni Dawn. Ginaya niya pa talaga ang boses ni Rhonin kanina.

"Shut up, Dawn."

Nasa itaas na bleachers kaming dalawa at nanunuod sa dalawang magkalabang university na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin. Mabuti na lang wala ng iringan na nangyayari sa kanilang dalawa. Pinagsabihan ko rin kasi si Rhonin na hangga't maaari ay pumagitna siya, pati si Zawn ay sinabihan ko rin na laking pasasalamat ko nang makinig sa akin.

"Chumika ka naman, girl. Ako lang naman ang makakaalam. Promise! Hindi ako magdadaldal." Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nitong isa na 'to.

In the end, I told her what happened. Yung ilan lang yung sinabi ko dahil feel ko ay private iyon at dapat na kaming dalawa lang ni Rhonin ang makaalam.

"I knew it!" She exclaimed. Abot-tenga ang ngiti niya dahil sa nalaman. Napailing ako at hindi na siya pinansin na dumadaldal pa rin sa tabi ko.

Nang matapos sila maglaro ay bumaba na kami sa bleachers at pinuntahan ang grupo nila Zawn. Balak ko pa sana magpunta sa team nila Rhonin but Dawn pulled me already. Nagtatawanan sila ng makarating kami sa pwesto nila.

"Hey, boys!" Bati ni Dawn. Nagkanya-kanya silang bati sa amin at ngiti lang ang sinukli ko sa bawat bati nila.

"Do you want to come with us? Kakain sana kami for dinner." Sabi ni Zawn kaya napakunot ang noo ko.

"Naku! 'Wag na! Nakakahiya naman!" Pagtanggi ko.

Pero kapag alam mong may kasama kang matakaw at mas makapal pa ang mukha kaysa sayo, hindi pwedeng may sisira sa pagtanggi mo. Kahit nakakahiya.

"Sama kami! Libre 'yan, ah!" Inakbayan pa ako ni Dawn. Kaya napairap na lang ako.

Sumama na ako kahit nakakahiya kasi extra kami sa pagkain nila. Oo na, makapal din mukha ko. Malaki rin kasi ang matitipid ko sa hapunan. Well, sabi ko nga.

Mas may lasa ang pagkain kapag libre.

---

Wala silang dala na school van pero may kanya-kanya sila na sasakyan. Ang yayaman, ako nga hindi pa pinapayagan magmaneho.

Kay Zawn na kami sumabay ni Dawn pagkatapos magpaalam kay Silvia at Rosè. Sa likod ako napawesto at magkatabi ang magkapatid sa harapan. Maingay ang dalawa sa loob ng sasakyan dahil nagaaway ito tungkol sa papanoorin nilang movie sa sinehan.

"Mas gusto ko ang John Wick 3 kaysa sa Alladin mo, Korni!" Sigaw ni Zawn.

"Hindi korni ang Alladin!" Sigaw pabalik ni Dawn. Natatawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa, parang mga bata.

Narinig ko ang pagring ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. Agad ko iyong kinuha at napatingin sa nagtext.

From Rhonin:

Kape tayo :)

Wow, parang commercial ng nescafè. Napangiti ako sa nabasa at agad na nagreply.

To Rhonin:

Sorry, I can't. Kasama ko si Dawn.

Wala pang isang minuto mula ng sinend ko ang message ng magreply ito. Ang bilis, ah. Wala 'ata siyang shift ngayon.

From Rhonin:

Ok, ingat pauwi ;)

Napairap ako habang may nakapaskil na ngiti sa labi. May wink emoticon pa, I wonder kung saan niya ito natututunan.

Magre-reply pa sana ako rito ng maramdaman ang marahang paghinto ng sasakyan. Pinarada ito ni Zawn sa gilid kaya napatingin ako kung nasaan na kami.

We're in Mang Inasal. Seriously? These rich kids eats here? Akala ko dadalhin nila kami sa isang restaurant or something like I expected.

Pagkapasok pa lang sa loob ay napatingin na sa amin ang mga taong nakapila at ang mga kumakain. Sinong hindi? Eh halos isang dosena kaming nandito at ang iingay pa nila. Nakita ko ang pagkislapan ng mga babae na nakapila at iyong mga nasa counter nang makita ang mga kasama ko sa likod, 'yung iba nagsisikuhan pa.

Ang harot.

Dumating na ang pagkain na in-order at nagkanya-kanya kaming kain. Kanina pa ako natatawa kay Jared Acosta dahil makulit ito at kanina pa kinukulit si Dawn. Napapairap naman ako sa katabi kong emo na si Piolo.

Hindi ko nga alam kung ayaw ba nito sa akin o ayaw niya lang ako na katabi. Paano ba naman, ang layo ng upuan niya sa akin. Wala naman akong nakakahawang sakit. Leche.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na rin kami ni Zawn sa Asterin. Gusto pa sana ni Dawn na sumama sa kapatid pauwi sa kanila pero hindi pumayag si Zawn.

"Ingat sa pagmamaneho, Zawn." Kumaway ako rito bago niya ibinaba ang bintana ng sasakyan.

Dumiretso na kami ni Dawn sa dorm at nagpahinga na. Naabutan ko na tulog na si Rosè at si Silvia na naga-aral, ilang araw na lang kasi ay exam na nila. Hindi sabay-sabay ang exam namin, at depende ito sa course.

Pagkatapos magsipilyo ay dumiretso na ako sa kama. Dahil na rin sa sobrang pagod ay nakatulog kaagad ako.

---

Ilang araw ko na rin na kasama si Dawn na pagala-gala sa university grounds pagkatapos ng klase. Minsan si Rhonin ang kasama ko kapag wala si Dawn. Busy ang paligid dahil sa nalalapit na Sports tournament ng school.

Ilang araw na ring busy sa pagpapractice ang basketball team dahil daw malalakas ang kalaban nilang school ngayon. Madalas na excuse sa klase ang dalawa dahil sa practice at training nila.

Nitong mga nagdaang araw ay laking pasasalamat ko na hindi ko nakikita si Peter. Malaki ang school at posible na magkita kami araw-araw. Madalas kong makita ang mga IG post niya kasama si Wendee at masaya ako para sa kanila, kahit paminsan-minsan ay nalulungkot pa rin ako.

Alam ko na ang sama ko sa tuwing naiisip ko na, kung hindi ko kaya tinulungan si Peter ay magkakaroon kaya siya ng lakas ng loob na umamin kay Dee? Kapag nakakaisip ako ng ganoon ay agad kong winawaksi. I should be happy for the both of them. Rhonin was right, I should wait for my turn to be happy.

"Geez! That's the last Iced Coffee I will buy for you. Naging suki na ako ng Tiana's coffe shop dahil sayo." Narinig kong reklamo ni Fio.

Nilapag nito ang Iced Coffee sa ibabaw ng desk ko at umupo sa harap ko na upuan paharap sa akin. Free time ng klase kaya inutusan ko siyang bumili ng Iced Coffee.

Agad ko iyong ininom at hindi na siya tinapunan ng tingin. Nagbabasa kasi ako ng libro, 'yung libro na binili ko noong kasama ko si Dawn. I'm reading it even though I don't friends with books.

"Ano ba 'yang binabasa mo?" Nagulat ako ng bigla na lang may humablot sa librong hawak ko.

Ang demonyo binuklat-buklat pa ang libro kaya kaagad na kumulo ang dugo ko. Ngayon lang nakahawak ng libro?!

"To all the boys I've loved before." Pagbabasa nito.

Dahil sa nainis ako ay hahablutin ko na sana ang libro ng ilayo niya iyon sa akin. Leche! Napahilamos ako ng kamay sa mukha. Malalim akong humugot ng hininga at kinalma ang sarili ko.

Chill, Belle. Wala kang mapapala kapag kinausap mo 'yang lalake na 'yan. Sasakit lang ulo mo at madadagdagan ang wrinkles mo sa mukha.

"Pambakla naman 'tong libro na 'to. Bakla ka ba, Hernandez? Sabi ko na nga ba, bakla ka." Malakas pa itong tumawa.

Okay, papatayin ko 'tong demonyo na 'to.

I faked a smile at tumayo sa harapan niya. Pigil na pigil pa rin ito sa tawa niya ng mag-angat ng tingin sa akin. Nilahad ko ang kamay dito.

"Give me my book, Torres." I softly said while the faked smile is still plastered on my face. Nawala ang ngiti sa labi nito at dahan-dahan na inabot sa akin ang libro.

Pagkalalapag niya ng libro sa kamay ko ay mabilis ko iyong hinampas sa ulo niya. Leche! Panira ng araw. Narinig ko ang pag-aray nito pero wala akong pakialam. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng magbasa ulit.

"Shit! What the fuck, it hurts!" Hiyaw nito pero hindi ko ito tinapunan ng tingin. Bahala ka mamatay diyan. He disturbs me from reading my book and even called me a gay, he deserves that hit.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang naririnig pa rin ang mahinang pagdaing nito. Maya-maya ay nawala na ang ingay kaya hula ko ay patay na ito. Joke!

Naibaba ko ang hawak na libro at tumingin sa harap ko kung nasaan si Fio. Nakapalumbaba lang ito habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Pagsusungit ko. Ngumisi siya at napailing na lang sa akin.

Natigilan ako ng marinig ang pagring ng cellphone ko na nasa tabi ko lang. Kaagad ko iyong kinuha at nang matingnan ang caller ID ay nagaalangan pa ako sumagot. Nakagat ko ang pangilalim kong labi bago sinagot ang tawag.

"Hello?" Walang sumasagot sa kabilang linya at malalim lang na paghinga ang naririnig ko. Napakunot ang noo ko.

"Hello?" I uttered again. Napatingin na sa akin si Fio at nanonood sa akin.

"B-Belle," Napalaki ang mata ko sa narinig. His voice is cracked when he calls my name. Nagsimulang tumubo sa loob ko ang kaba.

"Please, I-I need you h-here."

Hindi na ako nagtanong at napatayo na ako sa kinauupuan ko. Iniligpit ko ang gamit ko sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko na pinansin si Fio na nagtatanong kung ano ang nangyayari.

Lakad-takbo ang ginawa ko palabas ng classroom habang tina-track ang cellphone ni Peter. He's in his condo apartment, 30 minutes ang byahe ko mula sa school.

Nasa corridor pa lang ako ng makasalubong ko si Rhonin na nakangiti sa akin, Nagawa ko itong ngitian ng matipid. Lalagpasan ko na ito ng hawakan niya ang mga braso ko.

"Kumain ka na? Kain tayo---" Pinutol ko na kaagad siya. Nagmamadali ako.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "I need to go, Rhonin. Bye."

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ang tanong niya. "Where are you going?"

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na pupunta ako kay Peter. Masasaktan ko siya.

I sighed. "I need to go, please. I can't tell you where I am going." Pagpupumilit ko rito. Lumapit ito sa pwesto ko habang matiim na nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. I gasped of what he did next. Hinalikan niya ang sentido ko.

"Rhonin," I mumbled. Parang bigla ay ayaw ko na lang umalis at makasama siya. Pero hindi pwede, kailangan ako ni Peter ngayon.

Dahan-dahan siyang lumayo sa akin at ngumiti. "Go, mag-ingat ka okay?" Napatango ako sa kanya at tumalikod na para maglakad palayo.

Papaliko na ako pababa sa hagdanan ng malingunan ko siya. Nakatayo pa rin siya doon sa pwesto, kung saan ko siya iniwanan at nakatingin lang sa akin. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay matipid siyang ngumiti. Dali-dali na akong bumaba ng hagdanan.

I'm sorry, Rhonin. I can't be with you, Peter needs me now.

---