webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · General
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 16: Crush

Chapter 16

Belle

"Whoooo! Natapos din tayo!" I shouted out of happiness.

Napatingin naman sa akin ang mga estudyanteng nadaanan namin nang kasalukuyan na kaming palabas ng I.T Department, Kasama ko pala na maglakad si Rhonin at Fio sa unahan ko.

Masaya ako kasi, Naipasa na namin kay sir Pocholo ang folder na naglalaman ng research namin. Maaga kaming nakapagpasa at natuwa naman sa amin si Sir.

"Akala mo talaga ang dami niyang natulong." Nabatukan ko si Fio sa sinabi nito kaya masama niya akong tinignan pero wala naman siyang sinabi.

Tiklop ka ka pala, eh.

Pagkatapos noong araw na dinala ako ni Fio sa bulacan, mas lumala ang paga-asaran naming dalawa. Pero madalas siya ang sumusuko sa akin, Ang galing ko kaya sumagot pabalik.

"Marami naman ako naitulong, mas marami nga lang yung sa inyo." Sagot ko. Napahalakhak naman si Rhonin ng marinig ang sinabi ko.

"Prelim na lang pala ang poproblemahin natin sa ngayon, right?" Napareklamo naman ako sa sinabi ni Rhonin. Pinaalala niya pa talaga, kinakalimutan ko na nga, eh.

"Yeah, we still have 2 weeks for that. Good thing is, we passed our research early." Fio said while looking at Rhonin.

"2 weeks? Napakaikli na lang pala. Hindi pa ako gumagawa ng reviewer for every subject, eh." Rhonin added.

Nagpasalit-salit lang naman ako ng tingin sa kanila habang naguusap sila. Ang sisipag naman nitong dalawa na 'to, pwede ko kaya silang kopyahan sa exam?

"2 weeks? Napakahaba na 'yon para sa akin..." Napatingin naman sila sa akin ng magsalita ako. "Para matulog." I exclaimed.

We stop walking and I heard they both sighed out of frustration from what I've said, para namang nakakastress 'yong sinabi ko?

"Magreview ka!" Napapikit naman ako sa lakas ng sigaw nila sa akin. Pagkadilat ko ay napataas ako ng piece sign dahil nakita ko na masama silang nakatingin sa akin.

"If you fail this year babalik ka ng taon, liit."

"Kahit prelim pa lang 'to, kailangan mo pa rin magreview, Belle."

Bumagsak naman ang balikat ko sa mga pangongonsensya nilang dalawa. "Oo na po, magrereview ako pagdating sa dorm." Pagsuko ko.

Napaakbay naman sa akin si Fio na agad na sinimangutan ko. "How about we make a deal?" He smirked. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Deal?

Pilit kong tinatanggal ang pagkakaakbay niya sa akin, pero dahil nga sa likas na matangkad siya ay hindi ko iyon makalas at sa huli ay pinabayaan na lang siya.

"What? Ano na namang kalokohan 'to?" Hindi ko napigilang sabi.

"If you aced this prelim exam and make it to Top 10..." Sinadya niya talaga na bitinin ang sinasabi niya kaya napakukot ang noo ko.

"I will treat you Iced Coffee for a whole week." Natigilan ako sa narinig dahilan kaya mas lumaki naman ang ngisi niya.

"Kapag hindi naman, magiging water girl ka namin ni Rhonin for one week." He winked at me and I glared at what he said.

Napaisip tuloy ako sa offer niya. Kapag nakapasok ako sa Top 10, maganda na ang grade ko ay maililibre na niya pa ako ng Iced Cofee for a week! Malaki na ang matitipid ko noon. Kapag hindi naman--- Hindi! kailangan ko makapasa! Mas ayaw ko naman pagsilbihan itong mayabang na 'to.

"Deal." Nakangiti kong sabi kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Napatingin tuloy ako kay Rhonin na nakamasid lang sa amin, nang makita niyang tumingin ako sa kanya ay ngumiti lang siya ng matipid. Nagsimula na kaming maglakad palabas sa building.

"Fiodore, Darling!"

Pare-parehas kaming natigilan ng marinig ang sinigaw na pangalan, napatingin naman ako kay Fio na ngayon ay nakatanggal na ang pagkakaakbay sa akin ng marinig ang sumigaw.

Lumayo naman ako kay Fio at tumabi kay Rhonin. Agad na nilibot ni Fio ang paningin sa likod niya at nakita namin doon ang isang napakagandang babae na nagmamartsa palapit sa amin.

Malayo pa lang ay kapansin-pansin na ang katangkaran nito, hindi ko nga alam kung mahaba lang talaga ang mga legs nito o talagang maiksi lang ang suot nitong palda. May pagkabalingkinitan din ang katawan nito. Bumagay sa heart-shaped face niya ang brown medium-hair length at may pagka-tan din ang kulay ng balat nito. Nakasuot ito ng uniform ng school at may gray na I.D lanyard, nagpapatunay na isa siyang tourism student.

Nang makalapit ito sa amin ay agad niyang niyakap at sinunggaban ng halik si Fio. Agad na napalaki ang mga mata ko sa nakita.

Sanay akong makapanood kissing scene sa romance movies pero ngayon pa lang ako nakakita ng dalawang taong naghalikan sa personal, at sa mismong harapan ko pa!

Nagulat ako ng bigla na lang may nagtakip ng kamay sa mga mata ko kaya mabilis ko iyong tinanggal pero binalik na naman niya kaya hinayaan ko lang ang ginagawa niya. Ilang minuto ang lumipas at tinanggal din niya iyon.

Nasa harapan pa din namin si Fio at ang babae. Nakasampay sa leeg ni Fio ang mga braso ng babae at sobrang lapit ng mga katawan nila sa isa't-isa.

"I missed you, Darling!" Sambit ng babae.

"What are you doing here?" Napapatingin naman sa amin si Fio habang kausap siya ng babae.

"Na-miss nga kita, ako ba hindi mo na-miss? Nakakatampo ka." Pagmamaktol ng babae at akma na naman na hahalikan si Fio pero hinawakan niya lang ang babae sa braso at hinila palayo sa amin. Hindi na nga ito nakapagpaalam at basta na lang umalis.

Nakamasid lang kaming dalawa ni Rhonin sa dalawang tao na papalayo sa amin. Nakita ko pa na isinabit ng babae ang kanyang kamay sa braso ni Fio kaya napairap na lang ako.

Ang landi talaga ng lalake na 'yon kahit kailan.

"Mabuti naman umalis na sila." Rhonin sighed beside me kaya napatingin ako dito.

"Kilala mo yung babae?" Napatingin din naman ito sa akin bago ako tinanguan.

"Madalas na nanunuod sa training namin 'yon si Barbie, minsan pa nga ay nababanas na sa kanya si Coach kasi ang ingay niya sa tuwing nanunuod. Buti nga nitong nakaraang araw ay hindi na siya nagpupunta sa gym dahil si Fio talaga ang nakakatanggap ng galit ni Coach tuwing nandoon si Barbie." Mahabang sabi ni Rhonin na inirapan ko lang.

Buti nga sa Fio na 'yon, ang babaero kasi.

Hindi na lang siya maghanap ng isang babae tapos iyon na kang landiin niya araw-araw at magdamag, hindi iyong iba-iba yung sinusubukan niya.

Kahapon ay may lumapit din na babae sa kanya at sa mismong harap pa namin sila naglandian! Kulang na lang humiga sila sa lamesa namin para doon magharutan. Kakainis!

Sumagi tuloy sa utak ko iyong deal-kuno naming dalawa ni yabang. Napatingin tuloy dito sa katabi ko bago napangisi.

"May gagawin ka ba ngayon, Rhonin?" Napatingin sa akin si Rhonin at saglit na nag-isip.

"Wala naman, mamaya pa naman ang shift ko sa shop. Bakit?" Nakangiti nitong sabi kaya napangiti na lang ako. Umalis ako sa tabi niya at humarap sa kanya.

"Kasi diba may deal kami ni Fio? Tulungan mo naman ako, please?" Pinagdikit ko ang dalawang palad ko at ngumuso sa kanya.

Bahagyang bumukas ang bibig niya at nagawa pang umatras sa akin na parang gulat na gulat sa ginawa ko. Ibinaba ko naman ang mga kamay ko at napairap na lang sa ginawa ko.

Nakakahiya.

"Oo na, alam ko naman na hindi ako cute. Wag ka na magsalita diyan." I crossed my arms at iniiwas ang tingin sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

Nagulat naman ako ng kunin ng dalawang kamay niya ang pisngi ko at pinipi pa iyon na para bang pinanggigigilan.

"Okay, tutulungan kita. 'Wag ka na magpapacute ulit sa akin." Inirapan ko naman siya sa kanyang sinabi.

Ngumiti muna siya sa akin bago niya tinanggal ang pagkakahawak sa magkabila kong pisngi. Nauna na siyang maglakad na sinundan ko lang.

Hindi man niya sinabi ng direktahan na hindi ako cute, parang ganon na din iyong ibig niyang sabihin. Oo na, hindi na ako cute. Wala na akong talent.

Pumasok kaming dalawa sa isang malaking building kung saan matatagpuan ang malaking library ng university, Ito ang main building. Nandito ang library, Dean's office at iba ng iba pang heads ng school. Sa pasilyo nito ay makikita mo ang nakahilerang lockers sa magkabilang gilid.

Papaliko na kami sa isang pasilyo para sana makapunta na sa dulong pasilyo patungo sa library nang may bigla akong nakita na dalawang taong papasalubong sa amin na iniiwasan ko mula pa noong isang araw.

Agad kong hinila si Rhonin pabalik sa nadaanan namin na locker at sinandal ang sarili sa gilid. Hinila ko si Rhonin paharap sa akin at mabuti na lang ay naitukod niya kaagad ang dalawa niyang braso sa gilid ko para hindi siya masubsob sa akin. Pinangharang ko sa sarili si Rhonin para hindi ako makita ng dalawang taong paparating.

"Belle? Ano bang ginagawa mo?" Mahina niyang sabi.

I looked up and saw him looking intently at me. I just silenced his mouth using my index finger to forbid him to say anything.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang sa posisyon naming dalawa. Sa lapit ng katawan at mukha niya sa akin ay nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga na tumatama sa noo ko. Napatitig na lang ako sa kanya ng marinig na papalapit na ang iniiwasan ko sa aming dalawa.

"I want to eat spaghetti for lunch, Pete."

"Okay, I will buy you those but you need to eat rice first, Dee."

Nang malapit na silang dalawa ay mas lalo ko pang hinila si Rhonin palapit sa akin. Matangkad naman siya at sigurado akong hindi nila ako makikita. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng tumigil mismo sa harap namin sila Peter at Dee.

"Hala! Kuya, bawal po ang PDA dito sa university. Hindi niyo ba alam 'yon?"

Naglakad naman papalapit sa amin si Dee at kinalabit pa si Rhonin sa balikat. Gosh! bakit ko ba naisipan 'to? Pwede naman kasi na sinalubong na lang namin sila--- ay hindi! Iniiwasan ko nga pala si Peter nitong nakaraang araw.

Napapikit naman ako ng mariin, kapag nahuli ako ni Dee ay papagalitan ako nito sa kalokohan ko at ang malala pa ay nandito si Peter.

Nakarinig naman ako ng yabag na papalayo sa amin kaya napadilat ako ng mga mata. Mabuti naman at umalis na sila, Narinig ko pa na pinagsabihan siya ni Peter habang naglalakad papalayo sa amin.

"Hayaan mo na sila, they need some privacy."

"But! Bawal ang PDA dito!" Natawa naman ako sa sigaw ni Dee habang papalayo sa amin.

"Are we done?" Napaangat ang tingin ko kay Rhonin na nakatingin sa gawi nila Dee na ngayon ay malayo na sa amin. Napangiti ako ng makita iyong tensyonado niyang panga.

"Are you okay?" Balik kong tanong dito.

Napatingin ito sa akin bago lumayo ng dalawang hakbang. Nakita ko naman na nagiiwas ito ng tingin sa mga mata ko, bahagya pang namumula ang mga tainga niya. Is he blushing?

Cute.

"I-I'm okay. T-Tara na! Mag-aaral pa tayo." He stammered.

Nauna na itong maglakad at nakangisi naman akong sumunod sa kanya.

Pagkapasok pa lang sa pintuan ng library ay nanuot na agad sa ilong ko ang mga amoy ng mga libro, Iba't-ibang klase ng libro ang nandito na galing pa sa ibang bansa ang iilan.

Masyadong malawak ang library para sa mga kakaunting estudyanteng narito. Masarap matulog dito kasi malamig sa loob dahil sa centralized aircon na nakakabit sa buong library. Kulay puti ang kulay ng mga pader nito at sa pagpasok pa lang ay bubungad na sayo ang sampung Mac Computers na siyang kadalasang ginagamit ng mga estudyante.

At dahil nasa internet naman na lahat ng sagot sa mga homeworks na kailangan ng mga estudyante, madalas ay wala ng nagpupunta dito. Kung meron man, matutulog lang at ginagawang tambayan ang library.

Nagtungo kami sa librarian's counter at nagsign-in para makapasok. I saw the librarian glaring at me but she didn't say anything and let us in.

Nagtungo si Rhonin sa dulong lamesa ng library at pinaghila ako ng upuan para paupuin, ang gentleman naman niya. Siya naman ay umupo na din sa tabi ko. Nilabas ko ang notebook ko at ang nagiisang libro ko sa aming math subject.

Tinititigan ko pa lang ang libro ay inaantok na ako at sa lamig dito sa library ay parang gusto ko na lang matulog. Pero sumagi na naman sa isip ko iyong deal namin ni Fio. Hays, bakit ba ako pumayag doon.

"Huwag kang matutulog, ha?" Napatingin naman ako kay Rhonin na ngayon ay nakangisi na sa akin.

Napanguso naman ako. "Oo na po, hindi na."

Sinimulan na akong turuan ni Rhonin sa isang lesson namin at masasabi ko naman na naiintindihan ko siya sa mga tinuturo niya. He taught me some methods and shortcuts that can help me to solve a math problem, I actually found it easy if he's the one teaching.

Nang matapos sa isang lesson ay binigyan niya ako ng sampung sasagutan na items para daw masanay ako sa mga tinuro niya.

"Iche-check ko 'yan mamaya kapag natapos mo."

Hindi naman na ako nagreklamo at sinagutan na iyon. Siya naman ay gagawa reviewer para kapag raw nasa shop siya ay may babasahin siya.

Ang sipag talaga 'to ni Rhonin. Hindi na ako magtataka kung masasama siya sa Top 10 this semester. Hindi lang siya gwapo at mabait, matalino at masipag pa.

Napailing na lang ako sa mga naiisip at sinimulan ng sagutin ang math problems na pinasasagutan niya. Nang matapos ang limang items ay balak ko sanang ipa-check ito kay Rhonin. Tumingin ako dito at nakita ko ang pagkakakunot ng noo niya habang busy na busy sa mga sinusulat at sa pabalik-balik na tingin sa papel at libro niya.

Mamaya ko na nga lang ipapa-check.

Itinuloy ko na lang ang ginagawang pagsolve hanggang sa matapos. Aminado akong natagalan ako sa number 8, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong method. Ipapa-check ko na lang siguro kay Rhonin.

"Rhonin, tapos na ako---" Natigilan ako ng makitang nakalugmok na si Rhonin sa lamesa habang nakapatong ang ulo niya sa kanyang mga braso, Nakatagilid ang ulo nito paharap sa akin habang nakapikit ang mga mata.

Nakatulog siguro sa tagal kong magsagot.

Pinagsabihan pa naman niya ako na 'wag matutulog, siya naman 'tong nakatulog. Nako.

Napatingin ako sa wall clock na nandito sa loob ng library at napagtantong lagpas ala una na pala, hindi na tuloy kami nakapaglunch na dalawa.

Isinara ko na ang notebook ko at inilagay 'yon sa bag ko. At dahil sa tapos naman na ako sa pinasasagutan niya ay parang gusto ko na din matulog. Nakakahawa din pala ang pagtulog kapag nakakita ka ng taong tulog.

Napahikab ako bago dumukdok sa lamesa at ipinatong ang ulo ko sa mga braso kong nakalagay sa lamesa. Tinagilid ko ang ulo ko paharap kay Rhonin at hinihintay kong dalawin ako ng antok.

Dahil sa pwesto kong nakaharap kay Rhonin ay malaya kong napagmasdan ang inosente pero gwapong mukha nito. Mula sa kulot nitong buhok pababa sa makakapal nitong kilay, mahaba din ang pilikmata niya na parang sa baby, at ang matangos nitong ilong na mas lalong nagpa-manly sa mukha niya.

Bumaba naman ang tingin ko sa labi nito na nakatikom, medyo mapula iyon kumpara sa ibang labing nakikita ko sa mga lalake sa palabas.

Habang tinitignan ko ang labi niya ay dahan-dahang bumibilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko nakikipagunahan ako sa pagtakbo kahit hindi naman.

Mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko para mawala iyong nararamdaman ko sa dibdib ko, mas lumala iyon. Pero kahit na nakapikit na ako ay nakikita ko pa rin ang inosenteng natutulog na si Rhonin.

What is happening to me?!

Am I having a crush on him?

---