webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · General
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 14: Cry On Me

Chapter 14

Belle

Bawat hakbang ko ay may bigat at naguusok ang tenga ko sa galit at inis. Napapatingin naman sa akin ang mga nakakasalubong kong tao, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay mailibing ko ng buhay si yabang!

Ang walanghiya! Ginawang drawing book ang mukha ko! May naiiwan pang ibang bakas ng tinta dahil panigurado ay permanent marker ang nagamit nito. Si Rosè ang tumulong sa akin kagabi magtanggal ng mga drawing at halos mastress siya sa akin dahil daw baka magsugat ang balat ko sa marahas kong pagpupunas dito. Hanggang ngayon ramdam ko pa din iyong manhid ng mukha ko dahil sa kakakuskos ko. Patay talaga sa akin 'tong si Torres kapag nakita ko 'to. Magtago na siya kung saan siya pwede magtago dahil puputulan ko talaga siya!

Pagkadating ko sa harap ng classroom ay pabalya ko iyong binuksan, agad na napatingin ang mga kaklase ko sa akin. Ang iba sa kanila ay masama ang tingin sa akin at ang iba naman ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin at pumasok sa loob ng silid, una kong hinanap ang upuan ng demonyong mayabang na 'yon pero nadismaya ako ng makitang walang nakaupo doon. Napatingin din ako sa likod na bahagi kung saan nakapwesto si Rhonin pero wala din siya doon.

Napakunot ang noo ko. Kung wala sila ditong dalawa ay malamang na magkasama ngayon 'yon.

"If you're looking for Fio and Rhonin, they're in the gym. They have an urgent practice game today and they are excused." Napatingin ako kay Poppy ng magsalita ito. Napatingin ako sa hawak niyang excuse letter na winawagayway sa harap ko.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at mabilis akong lumabas ng classroom at bumaba ng hagdanan para magtungo sa gym. After lunch pa ang start ng klase namin ngayong araw kaya may isang oras pa ako para mapatay iyong lalake na iyon! Ang kapal ng mukha na dumihan ang mukha ko! Argh! 'Di pa din ako makamove-on sa ginawa niya sa akin.

"Belle!"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang kung sino man ang tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero wala naman akong makitang tao sa paligid maliban na lang sa malawak na track and field sa kanang gawi ko. Hindi ko na sana papansinin ng tinawag na naman ako nito.

"Arabelle! Here sa taas!" Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Peter na nakasilip sa taas ng isang building. Ngumisi ito sa akin kaya nginitian ko ito, sumenyas ito sa akin na maghintay kaya nanatili akong nakatayo dito at hinintay siya na makababa gusali. Maya-maya ay nakita ko itong papalapit na sa akin kaya napangiti na lang ako.

Bakit sa araw-araw ay mas lalo lang siyang pumo-pogi sa paningin ko? Agad akong napailing at ini-alis sa utak ang naisip. Sabi ko iiwas na diba, Belle? 'Wag marupok.

Nakalapit na ito sa pwesto ko at nagulat ako ng bigla na lang ako nitong akbayan, at dahil nga sa matangkad ito ay madali na lang para sa kanya na ipatong ang braso niya sa balikat ko. Hays, kapag talaga maliit ka, ang dali na lang para sa kanila na akbayan ka.

"Bakit tinawag mo ako? May pupuntahan pa ako." Nakakunot ang noo kong tanong dito. Nakangisi lang naman sa akin 'to at nilabas ang cellphone sa bulsa niya. Nakisilip na din ako sa ginagawa niya dahil sa malapit lang sa akin iyong cellphone niya. He scrolled through his gallery and click a certain photo and showed it to me. It's a picture, him with Dee. Wow, sa akin pa talaga pinakita.

"What's that?" I flatly said. Kahit na alam ko na kung ano ang ibig sabihin 'non.

"Guess what?" Abot-tenga ang ngiti nito at bakas sa boses nito ang excitement kaya nahulaan ko na kung ano ang sunod niyang sasabihin.

Pumayag na si Dee na ligawan niya.

"Pumayag na si Wendee na ligawan ko siya!" Sabi na, eh.

Ngumiti ako dito ng pilit sa kanya at pilit na pinasigla ang boses ko kahit gusto ko na umiyak sa harapan niya ngayon. Pero hindi pwede, kailangan kong ipakita na masaya ako para sa kanya. Bestfriend niya ako, kailangan support lang dapat.

"S-sabi ko naman sayo, eh. Papayag yan si Dee, congrats!" Isa pang pekeng ngiti ang lumabas sa labi ko at tinanggal ko na ang pagkakaakbay nito sa akin. Nawala ang ngisi sa labi niya at nagaalalang tumingin sa akin. Agad nitong hinawakan ang magkabila kong balikat at hinarap sa kanya, dumukwang pa siya para ilapit ang mukha sa akin.

"Why are you crying?" Bakas sa tanong nito ang pagaalala at pagtatanong. Mabilis akong napahawak sa pisngi ko at nakapa ko nga na may luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Hindi ko namalayan, manhid na agad ako? Nakakatawa naman.

Agad ko itong pinunasan at pinilit na ngumiti ng masaya sa harap ni Peter. "Tears of joy yan! I'm so happy for you kaya! Akala ko hanggang ngayon 'di mo pa din maliligawan si Dee, eh. Masaya lang ako para sayo, ano ba!" Malakas pa akong tumawa para maitago ang sakit na nararamdaman ko at para makita niya na hindi naman ako nasasaktan kahit na sa totoo lang ay gusto ng sumabog ng puso ko sa sakit.

Sabi ko naman kasi iwas na, eh. Ayan napapala mo, Belle. Tama si Fio, eh. Tanga talaga ako.

"Thank God! Akala ko kung ano na. I'm so happy too, Belle. Akala ko habang buhay na lang akong torpe, eh. Thank you for all of those advice the last time we met, it really helps me a lot. Thank you, Belle." Nakangiting sabi nito bago ako yakapin ng mahigpit. Niyakap ko na lang din siya ng mahigpit para iparamdam sa kanya na masaya ako, kahit hindi. Habang yakap siya ay pinipilit ko na huwag na naman maiyak.

Pagkahiwalay namin ng yakap ay pinilit 'kong ngumiti dito at nagthumbs up pa. "Goodluck sa'yo! Sana mapasagot mo si Dee. I wish you all the best and expect me to be here always to support you. Galingan mo sa panliligaw, ah!" Sabi ko dito na nagpangiti sa kanya.

"Thank you, Belle."

"Mauna na ako, ah? May pupuntahan pa talaga kasi ako. Bye Peter and congrats ulit!" Sabi ko dito at tumalikod na agad sa kanya ng hindi nagpapaalam.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay bigla na lang lumabo ang mga mata ko at nagsilaglagan na naman ang mga sariwang luha na nanggagaling sa mga mata ko. Bwiset, ayaw tumigil. Dahil sa inis ay hinayaan ko na lang iyong tumulo at yumuko na lang.

Sabi ko ay tatanggapin ko na kung anong magiging relasyon nilang dalawa pero itong pambibiglang ginawa sa akin ni Peter ang hindi ko matanggap. Akala ko makakamove-on ako kaagad kapag hindi ko siya nakikita, pero hindi pala. Nasanay kasi akong nandyan siya lagi sa tabi ko, sinanay ko kasi yung sarili ko sa isang bagay na hindi naman para sa akin.

Dire-diretso akong naglalakad at hindi ko na alam kung saan ako napupunta. Wala na rin akong pakialam kung saan ako makapunta, ang mahalaga ay makalayo ako kay Peter.

Patuloy pa din ang pagragasa ng luha sa mga mata ko habang naglalakad ako. Nakakabangga pa nga ako ng iilang estudyante pero hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa may bigla na lang akong mabangga sa matigas na bagay. Sa tigas nito ay napaatras ako at halos mawalan pa ako ng balance, buti na lang at nahawakan ako kaagad nito sa magkabila kong balikat para hindi tuluyang matumba.

"Tanga ka ba talaga? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Halos pasigaw na nitong sabi. Napaangat ako ng tingin dito dahil nga sa matangkad ito. Masama ang mga tingin nito sa akin at magkasalubong pa ang mga kilay. Nang makita niya ang mukha ko ay bigla na lang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at bumakas sa mukha nito ang pagaalala.

"Why are you crying? Who hurt you?" Humigpit ang hawak nito sa magkabila kong balikat at ang malambot nitong ekspresyon kanina ay bigla na lang naging galit. Bipolar talaga 'tong lalake na 'to, eh.

Tinanggal ko ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabila kong balikat. Hindi ko pinansin iyong tinatanong niya at nilagpasan ito. Nakakahiya, sa lahat ng pwede kong makabangga ay siya pa. Kahit na siya ang pinakaunang tao na gusto kong patayin ngayong araw ay nakakahiya pa din na makita niya akong umiiyak. Baka mamaya, sabihan na naman ako nitong tanga na pabiro at baka hindi iyon ma-take ng heart ko at umiyak na naman ako. Kasi nga, totoo naman na tanga ako.

Napatigil ako sa paghakbang ng bigla na lang nitong hawakan ang mga braso ko at marahas akong hinila paharap sa kanya. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nanatili akong nakayuko sa harapan nito.

"Iangat mo yang mukha mo, Hernandez. Sinong nangaway sa'yo?" Bakas sa boses nito ang pagtitimpi at pagkainis kaya naman bigla na lang akong nagtaka. Bakit parang concern siya bigla? Imposible. Guni-guni ko lang iyon.

Nang hindi ako sumagot ay iniangat nito ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay niya dahil nakahawak sa braso ko ang kanang kamay niya. Nagigting ang panga nito ng makita na naman ang mata kong luhaan. Maya-maya ay bigla na lang ako nitong kinabig at dinala sa mga matitipuno niyang dibdib, mahigpit niya akong niyakap at hinamas-himas ang ulo ko. Hindi agad ako nakagalaw sa biglaan niyang kilos at nanigas na lang ako sa gulat.

"You know. You can cry on me, Hernandez."

Pagkasabi nito ay para bang nakicooperate ang mga mata ko at umagos na naman ang luha mula sa mga mata ko. Iniyakap ko sa likod niya ang mga braso ko at hinigpitan naman niya ang yakap sa akin. Iniyak ko lang sa dibdib ni Fio ang lahat ng sakit na rumaragasa sa puso ko ngayon. Kahit pawisan ang katawan nito at malagkit sa pakiramdam ay bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Para bang 'yung yakap niya ay kinukuha ang lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko. Pinapakalma niya ang mga hikbi ko na hindi talaga nagpatalo at nagpakitang gilas sa paraan ng paghaplos ng mga kamay niya sa ulo ko.

Patuloy pa din ang mahihinang hikbi na lumalabas mula sa bibig ko at ramdam ko na basang-basa ng ng luha ko ang suot niyang damit. Patuloy pa din ito sa pag-alo sa akin at patuloy pa din ang paghimas sa ulo ko. Nasa ganoong posisyon ako ng marinig ko siyang mahinang kumanta.

"The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

Emeralds from mountains and thrust towards the sky

Never revealing their depth."

Kanta nito na siyang nagpakalma lalo sa akin. Mahina lang iyong ginagawa niyang pagkanta pero para bang sobrang lakas 'non sa pandinig ko. Napakaganda pakinggan ng boses niya sa pandinig ko.

"Tell me that we belong together

Dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips

Instead of the gallows of heartache that hang from above."

Ang lambot ng boses niya habang kumakanta at para bang pinapatulog ako 'non. Yung sakit na naramdaman ko kanina ay pansamantalang nawala habang kumakanta siya. Sa paraan ng pagkanta niya ay may bigla na lang humaplos sa puso ko na hindi ko maintindihang pakiramdam.

"I'll be your cryin' shoulder

I'll be love suicide

I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life"

Nang matapos ang pagkanta niya ay agad niya akong tinanong. "Okay ka na ba?" Tanong nito habang nakayakap pa din sa akin.

Hindi ako sumagot at kumalas nang pagkakayakap sa kanya. Pupunasan ko na sana ang mga mata ko ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko dahil doon ay napaangat ako ng tingin sa kanya. May kinuha ito sa likod na bulsa ng suot niyang pantalon at nilabas niya doon ang isang asul na panyo, iniabot niya sa akin iyon. Noong una ay ayaw ko pa kunin kaya nainis siya.

Nagulat ako ng iniangat niya ang mukha ko at siya na mismo ang nagpunas sa mga mata ko at sa mukha ko. Nanatili lang naman akong nakatingin sa ginagawa niya hanggang sa malagay niya sa kamay ko ang asul na panyo.

"P-pero sayo 'to. Hindi ko 'to makukuha." Nagaalangan kong sabi habang pabalik-balik ang tingin sa panyo at sa kanya.

"Sayo na yan. 'Wag ka na ulit iiyak next time, ang panget mo umiyak." Bumalik na naman ang ngisi sa mga labi nito kaya masasabi ko na balik na naman tayo sa mapangasar na Fio.

"Salamat." Sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatingin sa gawi niya kasi bigla na lang akong inatake ng hiya. Pero hinawakan nito ang baba ko at pinatingin ako sa kanya. Matiim itong nakatingin sa akin at anytime ay para bang kakainin ako sa paraan ng pagtingin niya.

"Hindi kita tatanungin kung bakit ka umiiyak at kung sino ang nanakit sayo, But do remember this. Whoever it is who makes you cry? He didn't worth all of your tears, He don't deserve you." Sabi nito na siyang nagpagising sa akin. Tagos-tagusan iyong sinabi niya.

Malungkot akong ngumiti dito pero ipinatong niya lang iyong kamay sa ulo ko at ginulo iyon. Nainis naman ako sa ginawa niya, magulo na nga yung buhok ko guguluhin niya pa! Maya-maya ay may naalala ako.

"Ikaw! Akala mo porket pinagaan mo loob ko ay makakalimutan ko iyong ginawa mo?! Walang hiya ka talagang octopus ka!" Sigaw ko dito. Nagulat naman ito dahil sa biglaang pagsigaw ko sa kanya.

"A-Anong sinasabi mo d-diyan?" Nauutal nitong tanong.

Nagsimula siyang umatras sa akin kaya napahakbang ako papalapit dito. Nang tumigil ito sa pag-atras ay napatigil din ako sa paglapit dito. Bigla na lang ito kumindat sa akin at ang walangya, bigla na lang akong tinakbuhan! Napatakbo tuloy ako at napahabol na din ako dito.

Marami kaming mga estudyante na nasasalubong at dahil sa matangkad ito ay mabilis itong nakakalayo sa akin. Hanggang sa makabalik kami sa department ay halos kapusin na ako ng hininga. Nakahinto si Fio sa harap ng classroom namin at nakasandal sa pader habang hinihingal pa din. Kaunti na lang ay makakalapit na ako dito.

Napahinto ako sa pagtakbo at napahawak sa dibdib ko dahil bigla na lang itong sumikip at nahirapan ako sa paghinga. Shit! Nakalimutan kong may asthma ako.

Lumalim ang paghinga ko at pinilit na pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang sumikip ang dibdib ko hanggang sa mapaluhod na lang ako sa sahig.

"Ano, Hernandez? Ang hina mo naman, mabagal ka na nga tumakbo, eh." Hinihingal nitong sabi kaya napaangat ako ng tingin dito. Bigla na lang bumukas sa mukha nito ang pangamba at pagtataka ng mapatingin sa akin. Mabilis itong lumapit sa akin at agad na hinawakan ang magkabilang braso ko.

"What's happening to you?! Sagutin mo 'ko, Hernandez. Hindi magandang biro 'to." Nagaalalang tanong nito sa akin. Mas lalo lang naman akong nawalan ng kakayahan na huminga at lumalim ang paghinga ko.

Naramdaman ko na lang na umangat ako sa sahig at natagpuan ang sarili na buhat-buhat ni Fio. Lakad-takbo ang ginawa niya habang mahinang nagmumura at hindi ko na marinig ang sinasabi nito. Bigla na lang ako nawalan ng kakayahan na makarinig at naramdaman ko na lang na naihiga ako sa malambot na kama bago magdilim ang paningin ko.

---

Nagising ang diwa ko ng maramdaman na para bang may mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Napadilat ako at nakita si Dawn na nasa tabi ko. Masaya itong ngumiti sa akin.

"Anong pakiramdam mo? Nahihirapan ka pa din ba huminga? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?" Sunod-sunod nitong tanong. Bakas sa mukha nito ang pagaalala. Kaya hinawakan ko ang kamay nito, ngumiti ako dito.

"I'm okay na, Dawn. Why are you here? Wala ka bang klase?" Dahan-dahan akong umupo sa kamang kinahihigaan ko at tinulungan naman niya ako. Sumandal ako sa headboard at napalibot ang tingin sa loob ng silid, nasa clinic pala kami ng university. Napatingin naman ako sa sofa ng makitang may nakahiga doon patalikod sa amin.

"Pupuntahan sana kita sa department mo ng masalubong ko siya na buhat-buhat ka, tinatanong ko siya pero hindi naman niya ako pinapansin kaya sumunod na lang ako dito. Pinapaalis siya ng mga school nurse dito kanina pero matigas lang ang ulo niya at mag-stay na lang daw siya dito hanggang sa magising ka. Sabi ko nga ay ako na ang bahala sayo pero makulit siya. Ayan, nakatulog." Mahabang sabi ni Dawn.

Napangiti na lang ako sa kinwento ng kaibigan ko habang nakatingin kaya Fio na nahihirapang matulog sa sofa. Maliit lang kasi ang sofa at hindi siya kasya. Ang laki din kasi nitong tao na 'to, nakapatong tuloy ang paa niya sa armrest ng sofa dahil hindi siya kasya.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang masakit na paghila ng buhok ko. Hinila pala ni Dawn kaya napatingin ako dito ng masama. Malaki ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin.

"Ikaw, ah! Sarap putulin ng hair mo, ang haba-haba. Putulin ko yan mamaya sa dorm, makikita mo." Natawa ako sa sinabi nito at napailing na lang.

"Anong sinasabi mo diyan? Baklang 'to kung ano-ano naiisip mo." Sabi ko dito.

"Sige, magmaang-maangan tayo dito. May Rhonin ka na, dinadagdag mo pa yung ex-crush ko. Nako, Belle ha? Haba ng hair. Mamaya matapilok ka niyan."

"What? Si Rhonin? Kaibigan ko lang iyon. Tsaka 'yan?" Napaturo ako kay Fio. "Magkamatayan na hindi ako papatol sa octopus." Inirapan lang naman ako ni Dawn sa sinabi ko.

"Kaibigan? Baka hindi kaibigan ang tingin sa'yo 'non. Ang manhid mo, girl." Sabi nito at napailing na lang.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito at napapailing na lang din. Kaibigan ko si Rhonin at hindi magbabago iyon. Ayokong masira iyong pagkakaibigan namin.

---

Song title: I'll be by Edwin McCain