webnovel

When You Love Too Much

Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.

EmionEtyel · Realistic
Not enough ratings
31 Chs

Chapter 6

Carlhei Andrew

Lumipas ang tatlong buwan at araw araw kaming ganoon ni Ellaine. Minsan tuwing weekends kapag wala masyadong pinapagawa ang mga prof ay nag pupunta kami sa mall kasama 'yung tatlo pati na rin ang girlfriend ni Reinest.

Naging busy sa studies pero tuwing uwian ay sabay kaming umuwi. Naging hobby na namin ang kumain ng mga street foods malapit sa bus stop.

"Last game for this year, De Beñigo. Champion sana kayo." Saad ni Coach

Kasalukuyan niya kaming pinatawag para sa meeting. Malapit na kasi ang district meet at kailangan iyong pag handaan ng maigi. Kalaban namin ang University kung saan ay may masamang alaala ako.

"I will try my best coach." Nakangiting sabi ko

"Sus. Alam ko namang ipapanalo 'yan ni Carlhei!" Pag umpisa ng biro ni Karl

Masamang titig ang ibinato ko dito nahil nag uumpisa na naman ito sa mga biro niya.

"Tres lagi 'yan lalo na kapag manonood 'yung crush niya." Natatawang sabi ni Reinest

Nag ugungan tuloy ang asaran mula sa mga teammates patungkol sa akin. Mabuti at inawat na sila ni Coach.

"Okay, sige na. Galingan niyo sa mid terms niyo para tuloy tuloy ang training niyo." Saad ni Coach

Isa isa kaming bumaba sa bleachers at kinuha ang mga bag namin. Sabay sabay kaming nag lakad nila Karl, Reinest at Steven papalabas ng court.

"Buti wala na 'yung karibal mo sa kabilang Univeristy 'no? Mag sama sila ni Missai sa US." Bitter na saad ni Reinest

Akala mo nga siya 'yung hiniwalayan.

"Oo nga. Dumugo sana ang ilong nila kaka-english." Saad naman ni Karl

Natawa ako dahil sa mga sinabi nila. Ngayon ko nalang ulit narinig na banggitin nila ang pangalan ni Missai. Medyo okay na rin ako kahit wala siya. Napakadami kong nagawa dahil wala na siya. Halos lahat ng hindi ko pa nararanasan ay naranasan ko dahil kay Ellaine.

"Mabuti na 'yun. Lalampasuin nalang natin 'yung university nila." Saad ko ng pabiro

Papalabas na sana kami ng University para umuwi ng bigla kong maalala si Ellaine. Napahinto ako sa pag lalakad kaya nilingon ako ng tatlo.

"Okay, bro. Gets na namin. Ingat kayo ni Ellaine sa pag uwi." Natatawang sabi ni Reinest

"Akala ko malilimutan na niya. Iba talaga kapag in love." Saad ni Karl

Matapos kumaway sa kanila ay bumalik ako papunta sa Architecture Department. Sakto at nakita ko si Ellaine na nag lalakad papalabas ng building nila.

"Architect!" Tawag ko dito

Nang makita ako nito ay kaagad itong ngumiti at kumaway sa akin. Nag madali itong pumunta sa akin.

"Grabe. Ang daming activity samantalang mid terms na bukas.  Wala silang awa." Saad ni Ellaine

Naging hilig na niya ang mag rant sa akin patungkol sa acads. Ayaw na ayaw niya kasi ang napepressure sa mga gawain.

"Do you want me to help you?" Tanong ko

Kaagad itong umiling iling bilang tugon.

"'Wag na. Kaya ko naman as long as I'm having a short break. Kaya tara na, ubusin na natin ang street foods sa bus stop." Saad ni Ellaine

Excited na excited itong nag lakad papunta sa bus stop. Mabuti nalang at may dumating agad na bus kaya naman nakasakay agad kami.

"Balita ko exempted ka sa final test ah?" Saad ni Ellaine at tinapik ang balikat ko, "Galing talaga ni Engineer!"

Napakibit balikat ako dahil doon at napangiti. Inaasahan ko na naman ang bagay na iyon pero mas nakakatuwa ay proud siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy napakalaki ng pag asa ko kapag niligawan ko na siya.

"Thank you, Architect. Naniniwala naman akong kaya mo rin." Nakangiting sabi ko

Bigla ay para itong natigilan. I am about to ask but she smiled.

"Sana nga, Engineer. Pero as long as may naniniwala naman sa akin, pinag iigihan mo talaga." Saad niya

Nang makarating kami sa sunod na bus stop ay nagulat ako ng makita ko si Neomi na nakaupo doon. Halatang iniintay kami.

"Don't you dare skip our family dinner." Saad ni Neomi at lumingon kay Ellaine, "You can come if you want."

Nauna na itong umalis at napansin kong gamit niya ang bike ko! Napatingin tuloy ako kay Ellaine at halatang nag pipigil ng tawa.

"What?" Tanong ko agad

Itinuro niya naman iyong kapatid ko na kakaalis lang.

"She's using your bike, Engineer. It only means that it is not broken." Saad ni Ellaine

Bigla ay parang gusto kong pagalitan si Neomi dahil sa pag gamit niya ng bike ko. Sigurado akong namumula ako dahil sa kahihiyan ko ngayon.

"Bakit hindi ka na pala nag bibike?" Tanong ni Ellaine

Napalunok ako dahil sa tinanong niya. Ayaw ko namang sabihin sa ngayong sitwasyon na gusto ko siyang makasama at gustong gusto ko siya ligawan.

"I think my parents wants to meet you. Can you come?" Saad ko nalang

Laking pasasalamat ko at tumango ito sa akin ng paulit ulit. Nag lakad nalang kami papasok sa subdivision habang nag kwekwentuhan patungkol sa naging takbo ng mga klase namin.

Kapag may mga problema siya sa subject niya ay sinusubukan kong sagutin iyon. Simula kasi noong nakilala ko siya ay napag aaralan ko na rin ang mga subject niya. Parati akong nakakapag basa ng mga libro patungkol sa course niya.

Not to show off but I want her to learn everything she wants in able to achievr her dreams.

"Ito ang bahay niyo?" Gulat na tanong ni Ellaine

Nahihiya man ay tumango ako. Nang makita kami ng maid ay kaagad rin naman kaming pinag buksan ng pinto. Halatang halata sa mukha ni Ellaine ang pagkatuwa dahil marahil sa desenyo ng bahay namin. Sikat na Architect rin kasi ang kasamang nag plano para mabuo ang bahay namin.

"Nak!" Tuwang tuwang sabi ni Mama

Sumenyas agad ako na 'wag itong maingay pero tumawa lang ito. Kaagad niya pang nilapitan si Ellaine at ipinulupot ang braso niya sa sa braso ni Ellaine.

Nakakahiya.

"Hi Ellaine! Come inside!" Masayang sabi ni Mama

Lilingon pa sana si Ellaine sa akin pero hinila na siya ni Mama papunta sa loob ng bahay. Napapailing nalang ako habang pumapasok sa bahay namin.

Nang makarating kami sa dinning area ay nakahain na ang pagkain. Ipinag hila ko ng upuan si Ellaine para makaupo ito. Ngiti ang iginanti nito sa akin.

"Ma sa taas kami kakain ng senior ko." Saad ni Neomi

Tumango tango naman si Mama. Sumenyas pa ito sa isang maid at bumulong. Mukhang mag papadala nalang sila ng pagkain sa taas.

Mabuti nga iyon dahil baka kung ano lang ang idaldal ni Neomi sa harap ni Ellaine.

"Pasensya na doon sa bunso naming anak. She always get cranky but she's nice naman. Busy lang siya with her tutor na senior niya rin." Paliwanag ni Mama kay Ellaine

Hindi ko alam na may tutor pala ang babaita na iyon. Kaya pala hindi nag tatanong sa akin nitong mga nakaraang buwan.

"Okay lang po 'yun, Mrs. De Beñigo. Nakakastress po talaga kapag first year." Nakangiting sabi ni Ellaine

Nagulat ako ng tapikin ni Mama ang balikat ni Ellaine. Nahihiya nalang talaga ako dahil sa ginagawa ng Mama ko.

"Don't call me like that! Call me 'Mama' nalang, Ellaine." Nakangiting sabi ni Mama

Tumingin ako kay Papa para humingi ng tulong kaso napapailing iling nalang rin siya. Habang kumakain ay dumadaldal ng dumadaldal ang nanay ko.

"So what's you're family business?" Excited na tanong ni Mama

Halata na kay Ellaine na nahihiya ito kaya nilakihan ko ng mata si Mama.

"We have an performing arts theatre, po Tita." Sagot ni Ellaine

Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon. Bigla ay nagustuhan ko ang pag tatanong ni Mama kay Ellaine. Nahihiya kasi akong mag tanong sa kaniya.

"Talaga? Saan? Alam mo gusto kong makapanood ng mga play." Tuwang tuwang sabi ni Mama at nilingon kami ni Papa, "Sama kayo?"

Wala kaming nagawa ni Papa kung hindi ang tumango tango. Natapos ang dinner na iyon na hindi man lang ako makasingit sa usapan nilang dalawa ni Mama.

"It's getting late na pala. Ihatid mo na si Ellaine, Carlhei." Saad ni Mama

Ibinigay sa akin ni Papa ang susi sa kotse kaya naman kaagad kong inaya si Ellaine sa garage.

"Bye po! Salamat po!" Saad ni Ellaine at kumaway kaway pa kay Mama at Papa na nasa main door

Pinag buksan ko ito ng pinto sa passenger seat at ng makasakay siya ay umikot ako papunta sa drivers seat. Pag kabukas ng gate ay pinaandar ko na ang kotse ni Papa.

"I'm so sorry about my Mama." Saad ko habang nag mamaneho

Narinig ko ang bahagyang pag tawa niya. Gustuhin ko mang lumingon ay hindi ko magawa dahil nakafocus ako sa daan.

"Ano ka ba! Ang energetic kaya ng Mama mo. I thought na mataray siya pero nung inilinkis niya sa akin yung braso niya, nakahinga ako ng maluwag." Natatawang kwento ni Ellaine

Laking pasasalamat ko at positive outcome ang kinalabasan ng pagiging madaldal ng Mama ko. Kung hindi ay mag tatampo talaga ako sa kaniya.

Nang makarating kami sa gate ng subdivisiob nila ay ipinahinto na ni Ellaine doon.

"'Wag mo nang ipasok sa subdivision, Engineer. May kikitain pa kasi ako dyan sa kanto eh." Saad niya

"Do you want me to accompany you?" Tanong ko agad

Napailing iling ito sa akin kaagad. Para bang naging balisa siya ng tanungin ko siya.

"No, okay lang talaga." Nakangiting sabi niya

Bubuksan na sana niya ang pinto sa upang lumabas pero pinigilan ko siya.

Huminga ako ng maluwag bago ko ito sabihin. Ngayong napag tanto ko na ito na nga ang oras ay hindi na ako mag dadalawang isip pa.

"Can I court you?" Tanong ko