webnovel

When You Love Too Much

Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.

EmionEtyel · Realistic
Not enough ratings
31 Chs

Chapter 26

Carlhei Andrew POV

Nangako ako sa sarili ko na tatanggalin ko sa isip ko iyong nakita ko noong nakaraang araw. Akala ko ay kaya kong mag sawalang bahala doon sa nakita ko. Taksil talaga ang utak ko.

Sino ba naman kasi ang hindi malilito kung nakita ko siya na halos mamatay na kakaiyak tapos ngayon ay grabe kung humagalpak sa pinapanood nilang kdrama ni Neomi?

Baliw ba siya? Hindi na malabo iyon.

"Turn off the damn, T.V! Nabibingi na ako sa kakatawa niyo!" Inis na saway ko

Inaasikaso ko pa naman ang pag papatayo ng Engineering firm. Mas naiinis pa ako dahil kahit wala nang cast ang kamay ko ay hindi parin iyon ganoon kaayos kapag ginagalaw.

"Luh. Edi doon ka sa kwarto mo. Linggo ng umaga tapos ganyan ka. Wala bang 'blessed sunday' d'yan, Kuya? Pang biyernes santo na naman 'yang mukha mo." Saad ni Neomi

Tinapik ni Geru ang kapatid ko na para bang sinasaway ito. Walang nagawa ang kapatid ko kung hindi ang bumuntong hininga at tumutok ulit sa T.V.

"It talks about mental health, Ate Geru. It might help you." Saad ni Neomi

Napukaw tuloy noon ang atensyon ko.

So totoo nga? May problem siya sa utak?

"Buti nalang sinabi mo sa akin 'tong It's Okay Not To Be Okay." Sagot ni Geru

Should I bring her to a psychiatric center? I mean, I'm not concern on her. Malay ko bang paka psychopath siya na papatayin kaming mag kapatid someday.

Napaiiling iling ako sa naisip ko at bumuntong hininga. Itinatak ko sa isip ko na para amin ng kapatid ko rin ito.

"Hoy." Tawag dito

Kaagad na lumingon iyong dalawa.

"What na naman kuya?! We're busy oh!" Inis na sabi ng kapatid ko

"It's not you. You'll stay here at home," saad ko at tinuro iyong Geru, "You'll come with me."

Naguguluhan man ay sumunod ito. Matapos ang ilang minuto ay bumaba na rin ito.

Pati pananamit ay masakit sa mata. Ano ba naman talaga ang gustong gawin sa akin ng tadhana? Bakit naman itong taong ito pa ang nautusan ng Mama ko?

"Tara na?" Tanong ni Geru

Hindi ako sumagot. Bagkus ay tinignan ko ang kapatid ko.

"H'wag kang aalis ng bahay. H'wag ka rin mag papapasok ng kung sino sino." Saad ko

Umirap pa ito at humalukipkip.

"Ano naman akala ko sa'kin? Bata? Tyaka bakit ba kasi maiiwan ako?" Sunod sunod na tanong nito

Bumuntong hininga ako, "Sundin mo nalang ako. Isusumbong kita kay Mama kapag hindi ka sumunod." Pananakot ko dito

Inis nitong binalibag ang sarili sa sofa. Ako naman ay nag punta na sa kotse ko at sumakay. Napakunot ang noo ko nang makitang sa likod sasakay si Geru. Nakita niya iyon kaya naman napahinto rin siya.

"Bakit?" Walang kaalam alam na tanong nito

Kinataas naman iyon ng isa kong kilay, "Mukha ba akong driver mo? Nakalimutan mo ba kung sino sa atin ang amo? Dito ka sa harap!" Inis na sabi ko

Nag mamadali itong sumakay sa harapan. Hindi pa man niya tuluyang nakakabit ang seatbelt ay pinaandar ko na ang kotse.

"Saan ba tayo pupunta, Andrew?" Tanong ni Geru

Nag igting ang panga ko dahil muli ko na namang narinig ang pangalawang pangalan ko. Pinipigilan ko ang inis dahil may problema ito sa utak.

"Sa Psychiatric Center," tugon ko.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang nag tatakang tingin niya dahil bahagyang tumagilid ang ulo nito.

"Mag papagamot ka? Wala ka namang problema sa utak ah. I mean, oo nga, may anger issues ka. Kaya pa 'yan matigil." Saad niya kaya nilingon ko ito at sinamaan ng tingin, "Pero sige, mayaman naman kayo eh."

"Hindi ako, ikaw! Ikaw ang ipapagamot ko!" Inis na sabi ko, "Anong anger issues?! At least hindi ako bipolar!"

Kunot noo ako nitong tinignan.

"Ayos ako, Andrew. Walang mali sa utak ko." Saad niya

Iiling iling ko siyang tinapunan ng tingin, "No. You're not okay." Tugon ko

Nang makarating sa tapat ng Psychiatric Center ay tumitig lang siya doon. Matapos gawin iyon ay tumingin siya sa akin at umiling iling.

"Okay lang nga ako. Sino ba kasi ang nag dikta sa'yo para dalhin ako dito?" Pangunguwestiyon niya

"I saw you the other day. You're crying, you're helpless. Tapos ngayon sobra ka kung makatawa. I've done some research. Ganoon daw talaga kapag nalalayo sa anak at asawa. I overheard your conversation with someone on the phone. Sabi mo bibisitahin mo 'yung bata. Then, I saw your phone with a text message from a guy named 'Zwei,' it's like you guys are going to divorce." Paliwanag ko

Laking gulat ko nang tumawa ito. Humawak pa ito sa tiyan niya at nag punas ng luha.

"Sigurado ka d'yan? Kasi kung oo, tatawa pa ako lalo." Saad niya

Naguguluhan ko itong tinignan at napansin niya naman iyon kaya inaya ako nitong maupo sa bench. Umupo nalang rin ako.

"Wala akong anak at mas lalong hindi ko asawa si Zwei. Iyong anak ko na tinutukoy mo ay alaga ko sa ampunan. Iyong sinasabi mo naman na asawa ko… ex-boyfriend ko siya." Saad niya

Tila nabawasan ang energy sa pag sasalita niya nang mabanggit iyong lalaki.

"Okay ang utak ko, Andrew. Tumatawa ako dahil iniisip ko, baka sakaling kapag nag panggap ako na masaya ako, malimutan ko nang malungkot nga ako. Ilusyon ang nag sasalba sa akin para hindi maging malungkot. Subukan mo rin." Pag tutuloy niya

Wala akong masabi dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil dinala ko siya dito pero wala naman siyang skait sa utak. O baka dahil sa mga sinabi niya.

"Kinaiinggitan kita. Matapang ka kasi. Nakaya mong itaboy ang taong minsan mong minahal. Ako? Hindi ako ganoon. Kahit kasi ilang beses akong maubos, basta hindi siya umalis ay okay ako. Nauwi lang ang lahat sa wala. Naubos lang ako at umalis siya." Kwento niya "Bakit ko nga ba sinasabi sa'yo 'to? Sorry, Andrew."

Hindi nga lahat ng ngumingiti at tumatawa ay masaya. Iyong iba ay pilit lang ibinabaon ang kalungkutan sa pamamagitan ng tawa. Nang sa gayon ay hindi na sila magkita pa ng kalungkutan.

Pero tuso ang kalungkutan. Umaatake ito sa tuwing wala kang kasama. Sa lahat ng kalaban ay ito ang pinaka masakit labanan.

"Ano kayang masarap para sa lunch? 'Di ba favorite ng kapatid mo 'yung sinigang?" Tanong ni Geru

Kasalukuyan kaming nasa mall para bumili ng stock sa bahay.

"Andrew?" Muling tawag nito sa akin

"Ikaw ang bahala." Sagot ko

Bumuntong hininga ito at umiling iling, "Wala namang pagkain dito na 'ikaw ang bahala' ang nakalagay. Hays." Saad niya

Parang wala itong sakit na nararamdaman. Parang wala itong sinabi kanina. I hate to admit this but she's brave. I envy her for being strong. I envy her for managing her emotion so well while having a heartbreak.

How did I end up being like this? How did she turn her heartbreak into a good thing?

Muli ay naiiling ko ang ulo ko sa pag hahambing. Mag kaiba kami ng dinaanan. Mas malalim ang akin at mas mababaw naman ang kaniya kaya nakaya niyang gawan ng paraan.

Nang makauwi ng bahay ay dumiretso ako sa sala. Binuksan ko iyong t.v para libangin ang sarili ko.

"Ate Geru, kuya Zwei called me." Saad ni Neomi

Doon nawala ang focus ko sa panonood. Naiinis akong isipin na curious ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Natauhan na ako. 'Wag mo nang sagutin ang tawag niya. Pwede mo na rin siyang i-block." Saad ni Geru

Napalingon ako ng bahagya upang tignan ang ekspresyon niya. Halata dito na gustong gusto niyang bawiin ang sinabi niya habang abala sa pag kalkal ng settings sa cellphone ang kapatid ko. Sa huli ay iniiwas nalang nito ang tingin sa cellphone.

"Are you okay, Ate?" Tanong ni Neomi

"Oo naman. Okay na okay." Saad nito

If only she can realize that it's okay not to be okay. That will give her the freedom to express her true feelings. But instead, she pretended to be okay para lang sarilihin ang hinanakit niya at 'wag nang makaistorbo ng iba.

I wish all pain are bearable so that we no longer need to pretend that we're okay when we're not.