webnovel

When You Love Too Much

Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.

EmionEtyel · Realistic
Not enough ratings
31 Chs

Chapter 1

Carlhei Andrew POV

"Bro, your girlfriend is making name in fashion industry! Anong pakiramdam na may sikat na girlfriend?" Mas excited pa sa akin ang boses ng bestfriend kong si Karl

"Hindi mo na dapat tinatanong 'yan, Karl. Sikat din naman 'yang si Carlhei eh." Saad naman ni Reinest

Sumimsim ako ng light drinks at tumawa dahil sa reaksyon nila. Kung sila nga ay proud sa girlfriend ko, paano pa kaya ako?

"Lol. Ikaw ba naman puro uno ang marka sinong hindi magiging sikat? Palagi pati example ang gawa niyang blueprint sa mga freshman." Singit ni Steven

Itinaas ko ang kamay ko para patigilan sila dahil mukhang may tama na ang mga loko.

"Tama na nga 'yan." Natatawang sabi ko, "Syempre proud na proud ako doon. Sobrang bait na at talented pa. Wala na yata akong mahihiling pa."

Hindi mabura ang ngiti ko dahil doon at ng nakita nila iyon ay napailing iling sila.

"Okay tama na 'yan. Balik na tayo sa University. May isa pa tayong subject." Saad ni Karl

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinignan silang tatlo. Malabo na palang makabalik ang mga ito.

"Kaya niyo pa bang bumalik? Siguro kailangan niyo nang umuwi sa mga bahay niyo. Ako nalang ang babalik dahil minor subject nalang 'yon. Sasabihin ko nalang kung ano 'yung mga final requirements." Saad ko

Nag salute naman sila sa akin at natawa ako dahil doon. Mukha silang mga baliw doon.

"Karl, ikaw na bahala sa mga 'yan." Bilin ko kay Karl

Nag thumbs up naman ito kaya napag desisyunan ko nang umalis. Malapit lang naman itong bar sa University at gamit ang aking specialized Enduro bike.

Weird but I like bikes. Namamaintain ko ang physical fitness ko kapag nag bibike ako. Sometimes my friends and I are having 'ride' if we're not busy for acads.

Nang makarating ako sa University ay kaagad kong nilock ang bike ko sa parking. Bitbit ang bicycle helmet ay pumasok na ako sa University. Hindi na bago sa akin ang pag tinginan ng mga babae at maski na rin ang mga kalalakihan.

Wala eh. Gwapo lang.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na nga ang pinakahuling subject para sa sem na ito. Bukas ay ipapasa nalang namin ang final requirements at bakasyon na.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. Wala namang pag lagyan ang tuwa ko ng makita ko si Missai na nakatayo sa dulo ng hallway. May kausap pa siya sa cellphone kaya hindi niya nahalata ang pag lalakad ko papunta sa kaniya.

"Oh please shut up! Alam ko ang ginagawa ko!" Rinig kong sabi niya at ibinaba na ang tawag

Napahawak pa siya sa sintido niya at hinilot iyon.

"Hey, Yam! Are you okay?" Saad ko kaagad, hindi pa man nakakalapit ng tuluyan

Bigla ay parang naging aligaga ito at hindi man lang ako matignan. Nang makalapit ng tuluyan ay hinawakan ko ang kamay niya. Nanginginig ang mga iyon at dahil doon ay nag taka ako.

"Are you alright? You're trembling." Saad ko

Doon niya palang ako natignan at bahagyang ngumiti.

"I-I'm fine, Yam." Nakangiting sabi niya at humigpit ang pag kakakapit niya sa kamay ko, "Do you want to eat dinner with me?"

Kaagad akong tumango tango doon at ngumiti sa kaniya.

"Oo naman! Libre ko na kasi may bago ka na namang product na i-endorse eh." Saad ko

Saglit pa siyang napatitig sa akin bago nakabawi. Nag tataka man ay hindi ko nalang pinansin. Baka kasi nagwagwapuhan lang siya sa akin. Same lang naman dahil ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko.

Nang makarating sa restaurant ay kaagad kaming nag order ng makakain. Habang nag aantay ay nag text ako kay Mama na hindi ako makakauwi ng maaga dahil ililibre ko si Missai. Naintindihan niya naman iyon at sinabing bilhan ko rin raw ng pasalubong ang family ni Missai.

Nag umpisa na kaming kumain ng dumating ang pagkain namin.

"Yam," tawag sa akin ni Missai habang kumakain.

Kaagad ko siyang nilingon at tinago ang cellphone ko. Napansin kong kinukutkot niya ang kuko niya at isa iyon sa palatandaan na natatakot siya. Ikinakunot ng noo ko ang kilos niyang 'yon.

"Bakit, Yam? Hindi ba masarap 'yung food?" Tanong ko

Umiling iling siya sa akin at ngumiti ng bahagya. Kanina ko pa napapansin ang pagiging matamlay niya. Hindi na ito normal pa.

"Yam, I love you." Saad niya

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero ayaw ko nalang pansinin.

"I love you more, Yam." Saad ko at hinawakan ang kamay niya, "You're not fine. Tell me what's the problem."

Umiling siya sa akin at ngumiti. Alam kong pilit ang mga iyon.

"Pursue your dreams, Yam. 'Wag kang titigil hanggat hindi ka nagiging Engineer ha?" Nakangiting sabi niya

"Oo naman, syempre. Mag papagawa tayo ng bahay kapag naka graduate na ako eh. Isang taon nalang." Nakangiti kong sabi, "Ay uunahin ko pala muna ang bahay namin bago ang bahay natin." Natatawa ako dahil doon

Lumuwag ang kalooban ko ng matawa rin siya sa sinabi ko.

"Ikaw talaga! Family mo muna okay?" Natatawa ring sabi niya

"Pero seryoso, pag kagradute ko next year papagawa ko kaagad ang bahay namin para makagawa na rin tayo ng bahay." Nakangiti kong sabi

Nagulat ako ng makita kong naluluha ang mata niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko malaman kung anong dahilan noon. Masaya ba siya o malungkot?

"Y-yam busog na ako. Nag didiet kasi ako para sa pictorial ko eh." Saad ni Missai at kinuha na ang hand bag niya

Matapos mag bayad ng bill ay tumayo naman ako kaagad. Sumunod na rin ako sa kaniya sa pag labas.

"Yam 'wag mo na ako ihatid. 'Diba may last project pa kayo?" Saad ni Missai

"Hindi naman pwede 'yun. Medyo madilim na rin oh." Saad ko at tinuro pa ang paligid

"Okay lang, Yam. Mag tataxi nalang ako." Saad ni Missai

Pipigilan ko pa sana siya pero may huminto nang taxi sa harap namin. Pinagbukas ko nalang siya ng pinto ng taxi. Bago pa siya pumasok sa taxi ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"I love you, Yam." Saad ni Missai at tuluyan nang pumasok sa taxi

"I love you too!" Sigaw ko dahil tuluyan nang umandar ang taxi

Wala na akong nagawa kung hindi ang umuwi nalang sa bahay. Kaagad akong sinalubong ni Mama.

"How's your dinner with Missai?" Tanong kaagad ni Mama

Ipinatong ko sa table ang bicycle helmet ko at niluwagan ang neck tie ko.

"Ayos lang naman Ma but there's something weird." Saad ko

"Weird?"

"Wala pala, Ma. Baka guni guni ko lang 'yun." Saad ko

Napatango tango nalang si Mama.

"Akyat na ako sa kwarto, Ma. May tatapusin pa ako eh." Paalam ko

"Okay! I will just finish this drama." Saad ni Mama at tinuro ang tv namin

Nang makarating sa kwarto ay agad kong binaba ang mga gamit ko. Kumuha ako ng damit at nag shower. Pakiramdam ko kasi ay ang dumi dumi ko na.

Matapos mag shower ay inayos ko na ang mga gagamitin ko sa pag dadrawing. Wala na akong inaksayang oras at nag umpisa na rin ako sa pag dadrawing.

Nasa kalagitnaan ako ng pag dadrawing nang tumunog ang cellphone ko. May sinend na link si Karl sa group chat ng barkada pero hindi ko muna iyon binuksan. I compose a message on our group chat.

Engr. Carlhei:

"You know that I'm not into pornography, Karl. May kapatid akong babae."

Mechanical Engr. Karl

"Bro, iba 'yan. About 'yan kay Missai!"

Walang ano-ano ay binuksan ko na nga ang link na sinend ni Karl sa group chat.

Napatulala ako ng makita ang isang post sa social media. Naitigil ko tuloy ang pag dradrawing ko ng blueprint dahil doon. Sinubukan ko pang mag scroll pero puro iyon lang ang nakikita kong article.

Ano ito, Missai?

"Kuya!" Si Neomi iyon, kumakatok sa kwarto ko

Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at tamad na binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Did you see the post?! How dare that Missai! Halika sasamahan kita papunta sa kanya!" Galit na sabi ni Neomi

Pero iling nalang ang naitugon ko sa kaniya. Napabuntong hininga ako dahil wala naman na akong magagawa.

"Pero ginamit ka niya for her popularity! Hindi na siya nahiya! Dahil may nakilala siyang mas sikat sayo eh sumakabilang University na!" Galit paring sabi ni Neomi

"It's late na. Matulog ka na. Mamaya mabulabog mo sila Mama kakasigaw mo dyan. Ako 'yung nabreak, Neomi. Hindi ikaw, wala kang jowa." Saad ko

Tumalim lalo ang tingin niya dahil sa sinabi ko. Bahagya nalang akong ngumiti at kumaway na sa kaniya. Matapos naman n'on ay isinara ko na ang pinto ng kwarto ko.

Sinubukan kong manood ng TV pero mukha niya lang ang nakikita ko. She's my girlfriend who use me for popularity. Ngayong isa na siyang model iba't ibang produkto ay iniwan na niya ako. Sumama na siya sa mas makakapag paangat sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Magiging masaya ba ako sa kaniya? Magagalit ba ako dahil ginamit niya lang ako? O malulungkot dahil inanusyo niyang wala na kami pero kakakausap lang namin kanina sa University.

Bigla akong natauhan ng tumunog ang cellphone ko. Nang makita ang pangalan ni Missai ay kaagad ko iyong sinagot.

"Yam I'm sorry." Kaagad na bungad niya

Napahawak ako sa batok ko dahil doon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Parang nakain ko ang dila ko at hindi makapag salita.

"Yam sorry talaga. Sabi nila kailangan ko raw sumama sa mga kapantay ko. Kaya nag announce ako wala na tayo. I'm really sorry."  Saad ni Missai

"How are you? Are you okay? Nakauwi ka ba ng ayos?" Sunod sunod na tanong ko

Pinipigilan kong maiyak dahil baka mahalata niya. Kanina lang ay masaya kami bakit biglang ganito?

"Don't make this hard for me, Yam. Yeah, I'm good. Nakauwi ako ng ayos." Pumiyok na siya, naiiyak na siya

That's her dream. To be the most popular model. What can I do? It is her passion. Panira lang ako sa mga pangarap niya.

"It's okay. Pursue your dreams. I'm good as long as you're okay." Saad ko

Narinig ko na ang pag hikbi niya. Halos mabutas naman ang punda ng unan ko dahil sa pagkakakapit ko dito. Lalong sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga hikbi niya. Hindi ko kayang marinig iyon.

"Thank you, Yam. I… I need to go. May pictorial pa ako bukas. Bye." Saad ni Missai

Mag sasalita pa sana ako ng patayin na niya ang linya. Pinilit kong bumalik sa pag gawa ng blueprint pero wala. Nawalan na ako ng gana.

She's my first love and we were together since we're high school. I saw how she dream to be model at lubos kong sinuportahan iyon. Kada shoot niya kapag walang pasok ay nandoon ako. Kahit nag mumukha na akong bodygurad ay okay lang.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nag pupunta ako sa shoot niya. Kahit malayo at walang tulog ay mag pupunta ako. Ganoon ko siya kamahal.

Pero ang sakit lang isipin na hindi na ako ang kasama niya ng matupad ang pangarap niya.

Ilang oras akong gising dahil sa kakaisip kung bakit hinayaan ng tadhana na mangyari iyon. Hindi pala talaga sukatan ang taon ng pag sasama para masabing siya na. Wala parin palang palag ang tatlong relasyon namin kapag nangialam na ang tadhana.

"Son?" Narinig kong tumawag si Mama sa may tapat ng kwarto ko

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at buksan iyon. Bumungad kaagad sa akin ang nag aalalang mukha ng Mama ko.

"Bakit Ma?" Tanong ko

"Are you okay?" She asked

Hindi ko naman matagpo ang tingin ni Mama dahil alam talaga niya kapag may mali sa akin.

"I'm here. You can tell me what happened." Saad ni Mama

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko naman kayang sabihin sa kaniya. Baka mamaya ay gumulo lang ang lahat.

"No, Ma. Okay lang ako. Please don't get mad at her. Tinutupad niya lang ang pangarap niya." Saad ko at bahagyang ngumiti

Tinapik ni Mama ang balikat ko at ginulo pa ang buhok ko.

"Young man, I know it hurts. Buong high school ay kasama mo na si Missai. Tignan mo nga at 4th year college ka na at siya parin ang kasama mo. I'm just here if you need a person to talk to." Saad ni Mama

Tumango tango nalang ako bilang tugon.

"I'm going to sleep na, Ma. Sleep well too. Masyado nang late." Saad ko

Tinanaw ko muna si Mama na makapasok ng kwarto nila Papa tyaka ako bumalik sa kama ko. Pinilit ko nalang matulog kahit kada segundo ay para akong baliw na iniisip siya.

Maaga naman akong gumising at isinantabi ang nararamdaman ko. Tinapos ko na ang blueprint na final requirement namin sa third year.

Matapos kong mag drawing ay inilagay ko na iyon sa blueprint tube storage at nag ayos para sa pag pasok. Nang matapos mag prepare sa pag pasok ay bumaba na ako para mag almusal. Naabutan ko pang nag aalmusal na silang tatlo kaya umupo na rin ako.

"How's your heart, Engineer?" Tanong ni Papa

Nag kibit balikat ako at tamad na kumuha ng tinapay at egg. Kaagad namang ibinigay sa akin ng maid ang kape ko kaya uminom na rin ako.

"Hays, kuya. Kapag talaga nakita ko 'yang EX girlfriend mo kakalbuhin ko siya." Saad ni Neomi

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Subukan mo at hindi na kita tuturuan sa mga lesson mo." Banta ko rin, "Kakausapin ko siya ngayon. Baka pwede pa."

Narinig ko namang nag buntong hininga ang Mama ko dahil sa sinabi ko. Alam ko, martir talaga ako pag dating sa kaniya. Mahal ko eh.

"Alam mo nak, may mga hindi dapat pinipilit eh. Kasi kapag pinilit pangit ang kalalabasan." Saad ni Mama

"Pinilit niyo lang po ba si Kuya, Mama at Papa?" Singit ni Neomi

Dinampot ko ang lalagyan ng pepper at akmang ibabato iyon kay Neomi pero nilapag ko nalang.

"Hindi nakakatuwa." Saad ko

"Pero seriously, son, tama ang Mama mo. Yes, pwede mo siyang kausapin pero 'wag na 'wag mong pag pipilitan ang sarili mo sa kaniya." Saad ni Papa

Napabuntong hininga nalang ako at nag patuloy nalang sa pag kain ko. Wala rin namang magagawa ang payo nila dahil kakaiba ang takbo ng isip at puso ko. Gusto man gawin ng isip ko ay ayaw naman ng puso ko.

As I entered the Univeristy ay marami na kaagad na bulungan ang umugong sa paligid. Pawang pinag uusapan ang post sa social media patungkol sa bagong boyfriend ni Missai.

"Engineer-sawi!" Boses ni Reinest iyon

Mag kakasama sila ni Karl at Steven na sinalubong ako.

"Did you see Missai?" Tanong ko

Nag tinginan muna silang tatlo dahil hindi makapaniwala bago mag salita.

"She's in the faculty room. Nakita ko kasi siyang nag mamadaling mag lakad papunta doon eh." Saad ni Karl

Aalis na sana ako ng higitin ni Reinest ang braso ko.

"Saan ka naman pupunta bro? Don't tell me hahabulin mo si Missai?" Tanong ni Reinest

Tumango tango ako bilang tugon. Nang bitawan niya ang braso ko ay nag madali ako papunta sa faculty room. Naabutan ko namang kausap niya ang isa sa mga prof namin.

"It's sad. Akala ko pa naman ay dito ka gagraduate. Sige, kakausapin ko nalang ang mga professor para maayos kaagad ang grades mo." Saad ng Prof

Inintay ko munang makalabas siya ng faculty room bago ko siya lapitan. Nang makalapit ako sa kaniya ay labis ang gulat niya.

"We need to talk, Missai." Saad ko

Hindi niya na naman tinagpo ang mga titig ko bagkus ay tumingin siya sa malayo.

"Akala ko ba okay na kahapon? Akala ko ba you'll let me to pursue my dreams? Akala ko ba you are good as long as I'm good?" Tanong ni Missai

Hahawakan ko sana ang kamay niya pero laking gulat ko ng iiwas niya iyon.

"Carlhei naman, please lang. Itigil na natin ito." Saad ni Missai

Carlhei. She called me on my name.

"Bakit? Dahil lang ba doon sa lalaking mas sikat sa akin sa kabilang University? It's okay, Yam. I can be still your boyfriend while you have him. Please 'wag lang 'yung ganito. Ayaw ko ng break up." Saad ko

Nanunuyo na ang lalamunan ko sa pag pipigil kong umiyak sa harapan niya. Hindi talaga biro sa akin ang tatlong taon na relasyon at mauuwi lang sa ganito. Akala ko ay kaya ko siyang pakawalan ng ganoon lang pero hindi pala.

"Sa ibang bansa na ako mag aaral, Carlhei. T-that guy from another University have an modeling agency in U.S. I think that's an enough reason for you to stop." Saad ni Missai

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko dahil doon. Ang bilis niyang nakapag desisyon.

"I can request to my parents to have a modeling agency for you, Missai. 'Wag ka nang umalis please lang." Saad ko

Napatakip ng mukha si Missai habang umiiyak ito. Lalapit sana ako ng humakbang siya palayo sa akin. Naihilamos na rin niya ang kamay niy sa mukha niya dahil sa frustration.

"Ano bang hindi mo naintindihan sa ginamit lang kita para sumikat ako? Hindi ka ba nakakaintindi?" Tanong ni Missai

"Pero mahal mo ako, Yam."

"Hanggang saan ba aabot ang pag mamahal?" Tanong ni Missai

Para akong sinampal ng sinabi niya. Hindi parin pala sapat ang pag mamahal ko pag katapos ng lahat.

"I need to go. May pictorial pa ako." Saad ni Missai at nag madaling umalis

Naiwan ako doong nakatulala. Iniisip ko kung deserve ko ba ito. Iniisip ko kung bakit sa kabila ng pag mamahal na ibinigay ko ay sakit lang rin pala ang matatanggap ko.

Natutunan ko sa relasyon na ito na hindi sukatan ang haba ng panahong pinagsamahan niyo. Kapag may isang napagod lumaban ay sira na ang lahat. Maiiwan ka nalang na nag iisang nag mamahal at umaasang may mangyayari pa. Umaasang maibabalik niyo pa ang lahat sa dati.

Pero wala na nga. Wala nang pag asa dahil sumuko na siya.