webnovel

When You Love Too Much

Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.

EmionEtyel · Realistic
Not enough ratings
31 Chs

Chapter 16

Carlhei Andrew POV

MONTH OF NOVEMBER

Matapos ang mahabang pag rereview para sa board exam ay dumating na rin sa wakas ang araw na iyon. Napabuntong hininga ako ng sabihin ng proctor na itaas namin ang mga lapis namin senyales na tapos na ang oras ng pag susulit. Sa isip ko ay hinihiling kong sa huli ay sana maging lisensyadong Inhinyero ako.

Puro aral lang ang ginawa ko sa nag daang anim na buwan. May panahong gusto ko na sumuko pero wala talaga sa bokabolaryo ng mga gustong maging Civil Engineer ang tumigil. Ang tanging nag pagaan noon ay ang pamilya at kaibigan ko.

Nang pinaalis na kami sa silid ay dali dali kong hinanap si Reinest at Steven. Mag kakaiba kasi kami ng room pero mag kakalapit lang. Sabay na lumabas sa mag kaibang silid ang dalawa at nag mamadaling lumapit sa akin.

"Pakiramdam ko babagsak ako. Parang lahat ng inaral ko sa loob ng anim na buwan ay tinangay ng hangin." Saad ni Reinest

"Ang mahalaga nasagutan mo lahat at natapos mo. Mataas rin naman ang grado mo eh. Naniniwala akong makakapasa tayong tatlo. Sama pa si Karl." Saad ni Steven

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Steven. Siya lang talaga ang bukod tanging positibo dito dahil maski ako ay natatakot bumagsak. Napakadami ko nang plano para kinabukasan ko.

"Sana nga tama ka, Steve. Nakakatakot rin kasi na hindi mameet ang expectation mo. Pakiramdam ko guguho ang mundo ko." Biro ko

Natawa ng bahagya si Steven at tinapik ako sa balikat.

"Kung hindi man makakapasa, may second chance pa. Hindi naman ito karerahan. Minsan, hindi rin masama ang mahuli. Iyong nga nahuhuli sila pa 'yung nakapaghahanda ng sobrang gandang future para sa sarili nila. Besides, sinabihan naman tayo ng mga parents natin na kahit hindi pumasa, ayos lang. Hindi kasi tayo perpekto." Saad ni Steven

Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Napakapalad ko dahil hindi ako pini-pressure ng magulang ko. Tama si Steven, suportado kami ng magulang namin. Ginawa namin ang best namin, sana sa huli ay maging worth it ito.

Nang makalabas kami sa building ay tumambad kaagad ang mga magulang ko. Nakita ko pang kasama nila si Karen kaya mas lumapad ang ngiti ko. Kinawayan ko sina Reinest at Steven na papunta na rin sa mga magulang nila.

For the passed six months busy ito sa pag tatrabaho. May ilang beses kaming nag kikita. Tuwing sahod niya nga ay inililibre niya ako doon sa fast food chain na una naming pinagkaininan. Hindi ako sanay sa babae ang gumagastos pero sabi nito ay "gender equality" raw ang pag babayad ng pagkain. May mga panahon rin naman na ako ang may sagot ng pagkain. Masasabi kong malalim na rin ang pinagsamahan namin sa loob ng anim ba buwan. Mas naging malapit kami sa isa't isa sa puntong nakwekwento na niya ang maliit na bahagi ng buhay niya.

"How's the exam?" Tanong agad ni Papa

Ngumiti ako bago sumagot, "Mahirap pero syempre kinaya parin. Sana maging maganda ang result."

"Are you tired? Naisip kasi ni Karen na ilabas ka daw after your exam. Para daw maging kalmado ang utak mo at 'wag na mag isip ng negative about your exam." Saad ni Mama

Kaagad akong napalingon kay Karen. Nang nakita niyang nakatingin ako dito ay kumindat lang ito at ngumiti.

"Sure. Let's go somewhere peaceful." Saad ko

Nang makasakay sa van ay tumabi ako kay Karen. Tatlo kami sa likod nila Neomi dahil nasa harap si Mama.

"What do you want to eat for dinner?" Tanong ni Mama

"Samgyupsal!" Maagad na suhestiyon ng kapatid ko

Nakita kong tumango tango si Mama ngunit lumingon rin naman kaagad kay Karen.

"Is that okay to you, hija?" Tanong ni Mama

Nagulat naman ako ng lumapit ng kaunti ang labi ni Karen sa tenga ko.

"Ano iyong sam--basta 'yung sinabi ng kapatid mo?" Tanong ni Karen

Bahagya akong napatawa ngunit napatigil rin ng maramdanan kong kinurot ako nito sa braso.

"Korean food. Mag g-grill ka doon ng meat or beef." Saad ko

Nag hugis "O" ang bibig nito bago tumango kay Mama.

"Opo Mrs. De Beñigo. Ayos lang po ako doon." Saad ni Karen

Iiling iling naman siyang tinignan ni Mama. Ayaw niya kasing tinatawag siya ng ganoon lalo na ng mga kaibigan ko.

"I told you to call me 'Tita.' If you don't want to call me 'Tita' then call me 'Mama.'" Saad ni Mama

Hindi ko napigilang matawa ng bahagya dahil sa naging reaksyon nito. Para itong nakarinig ng nakakagulat na balita at halos manlaki ang mata nito.

"Opo Tita." Sagot kaagad ni Karen

Nang makarating sa lugar ng friend ni Mama ay doon kami nag samgyupsal. Maganda ang view dito dahil kita ang city lights. Talagang kapag si Mama ang nag iisip ng lugar kung saan kakain ay hindi pwedeng hindi maganda ang view.

Habang kumakain ay napatingin ako kay Karen. Halatang hirap itong gumamit ng chopstick kaya kinalabit ko ito.

"Watch me." Saad ko

Kinuha ko iyong chopstick. Ipinang alalay ko sa nasa itaas na chopstick ang hintuturo at hinlalaki, samantalang ang gitnang daliri naman ay nasa pagitan ng dalawang chopstick.

"Angas mo talaga. Malamang tinuruan ka noong una mong ex na si Missai kasi mahilig kayong mag Japanese food noon." Saad ni Karen ng pabiro

Masamang tingin ang ibinato ko dito dahil palagi niya nalang akong inaasar gamit ang dalawang babae na dumaan sa buhay ko.

"Nag seselos ka lang eh." Pang aasar ko rin

Dahil kakasubo lang nito ng pork na binalot sa lettuce ay halos masamid ito sa sinabi ko. Natatawa ko itong inabutan ng tubig kaya ang sama na naman ng tingin niya.

"Mamaya na nga ang bolahan. Mag bigay galang naman kayo sakin." Saad ni Neomi

Dinilaan ko lang ito at nag umpisa na ako sa pag kain ko. Nauna kaming natapos ni Karen kaya naman inaya ko ito sa gilid ng restaurant. Mayroong astronomical telescope doon. Nang nakita iyon ni Karen ay kaagad niya itong tinignan.

Bigla ko namang naalala ang comet na dadaan sa earth ngayon. Libo libong taon muli ang dadaan bago iyon masilayan kaya maagad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang lokasyon noon.

"Tignan mo ito." Saad ko

Ipinupwesto ko ang telescope sa direksyon ng kometa at ipinasilip iyon kay Karen. Kita ang pagkamangha sa mukha nito dahil sa nakita.

Ang makita siyang masiya ay nakakagaan ng loob. Alam ko ang kaunting bahagi ng buhay niya. Wala itong magulang na kinalakihan. Lumaki lang ito sa ampunan at doon kasama niya rin ang pinagkakautangan niya, si Jourland. Nakuha sa ampunan si Jourland pero sa kamalasmalasang pagkakataon ay lumigwak ang pamumuhay nito.

Ayon kay Karen ay nakipagkita dae sa kaniya ito para mag bigay ng trabaho. Akala niya ay magandang trabaho iyon pero sa bar lang pala iyon. Sa madaling salita, pinagkakitaan niya si Karen.

"Ang astig at ang ganda! Silipin mo rin!" Masayang sabi ni Karen

Napangiti ako dahil doon at bahagyang umiling.

"Ayaw ko. Maganda ka na sa paningin ko." Saad ko

Kaagad na kumunot ang noo nito at ngumiwi.

"Mukha ba akong comet, Carlhei?" Tanong nito

Umiling iling ako dito. Mukhang mali ang pag intindi niya sa sinabi ko.

"Hindi! I mean, maganda ka. Hindi ko na yata kailangan tumingin sa comet para malaman ang definition ng maganda." Saad ko

Napatulala ito at naging seryoso.

"Sinusubukan mo bang bigyan ng label ang koneksyon natin?" Seryosong tanong nito

Bahagya akong tumango dito. Nakakatakot kasi ito lalo na kapag seryoso. Pakiramdam ko ay lilitisin ako sa oras na ito.

"Ikaw ang may gusto nito, Carlhei. Hindi ko sagutin ang sakit na mararamdaman mo dahil sakin. Hindi ako normal na babae lang. Hindi ako iyong tipo ng susuyuin ka kapag nag tampo ka. Alam mo rin na ikaw lang ang lalaking pinapalapit ko sa akin dahil sa trauma. Wala akong alam sa mga relasyon pero sige, subukan natin. Alam kong marami ka na ring effort na nagawa sa loob ng anim ba buwan. Hindi ako bulag para isiping hindi iyon pag porma." Saad ni Karen

Bumilis bigla ang puso ko sa pag lapit niya sa akin. Mas kinagulat ko pa ang pag yakap nito sa akin. Hindi iyon mahigpit, ang yakap na iyon ay para bang iniingatan ako.

"Ngayon palang mag sosorry na ako sa mga damage na maibibigay ko sa'yo bilang girlfriend mo. Susubukan kong maging matino para sa'yo." Saad ni Karen

Dahil doon ay nayakap ko ito ng mahigpit. Walang salita ang makakapagpaliwanag ng saya ko ngayon.

"Salamat sa chance ne ito. Hindi mo ito pagsisisihan. Magiging mabuting boyfriend ako para sa'yo." Saad ko

"Sana… maging maayos ang resulta nito." Saad ni Karen