webnovel

When it winds

He left his word into the winds

FlexibleCrazy · Teen
Not enough ratings
6 Chs

Rain

Makulimlim ang kalangitan at malakas ang bugso ng ulan na sinasabayan ng malakas na hangin. Wala akong nakikitang nagtitinda sa labas, pakiramdam ko may bagyo ngayon. Hindi kasi ako nakanood ng balita kanina bago umalis. Ano pa ba kasi ang bago? umaraw, umulan, bumagyo o kahit anong kaganapan ang nangyayari tuloy pa rin ang pasok namin. Hindi alintana sa school namin ang panahon dahil para sa kanila mas mahalagang maka- graduate kaming lahat 'para di na nila makita ang mga mukha namin. kahit pa nga yata umulan ng bulalakaw at sakupin ng mga alien ang earth tuloy pa rin ang pasok namin haysss. 

Kahit anong sakuna pa ang mangyari papasok pa rin kami. Ang mahal din kasi ng tuition fee namin at nakakapang hinayang naman kung umabsent pa kami. Yung attendance masyadong gold para sa mga college student na katulad ko. Lalo na't kasama pa naman din ako sa Dean Lister.

Mabuti pa sina Angelo, masuwerte ang kumag na yon. Hindi nila schedule ngayon kaya nakaligtas sila sa bagyo. Bagyo kasi umuugong na yung tower ng kuryente at nagliliparan na yung mga yero sa labas heto kami at magq-quiz.

" Wag n'yo na pansinin ang mga nagliliparang yero sa labas, Get one whole sheet of paper at magsasagot kayo". Wala din naman akong pagpipilian total nandito na rin naman ako, magsasagot na lang din ako sa quiz. Sa susunod na araw exam na rin naman sa semi finals.

Madali lang naman ang sinagutan naming quiz ngayong araw, ako ang unang nakapagpasa Instructure naming abala sa panood ng k-drama sa neflix. Wala s'yang pakialam sa mga studyante niyang harap-harapang nagkokopyahan. Bulag bulagan lang at bingi-bingihan sa mga nangyayari ang Instrucrture naming yon.

May pasok din ba kaya sila?

Hayst, Ano naman ngayon kung hindi kami pareho ng schedule ng babaeng yon. Nagugulat na lang ako sa sarili ko tuwing naaalala ko ang mga nakakahiyang bagay kapag nakikita ko s'ya. Bakit ba kasi nagpapapansin ako sa kanya.

Dahil hindi pa kami pwedeng lumabas, ako na lang ang naglabas ng cellphone. Mag u-update na lang ako sa weather news kung anong kaganapan ang nangyayari.

Kayce Bautista

Cancel Friend Request  Message

Huh? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! p-paanong, anong ginagawa ko? ang sabi ko mag u-update ako sa ulat panahon, bakit naman ako nag sent friend request sa kanya sa facebook, Sh*t.

Nanginginig ang kamay kong nakatanga sa cellphone at hindi makapaniwalang nakagawa na naman ako ng nakakahiyang bagay ngayong araw. Naiinis na ako sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa ko ang ganitong bagay tuwing pumapasok s'ya sa isip ko. Ano ba kasi ang special sa kanya? Wala naman diba? bukod sa maganda s'ya at maldita ano pa ba ang kaya n'yang gawin.

Nagbago na ang isip ko, ika-cancel ko na lang yung friend request ko sa kanya baka kasi mag isip yun ng kung ano, isipin n'ya pang gusto ko s'y----------

Halos maihagis ko sa tiles ang cellphone ko sa gulat nang bigla n'yang i-accept ang friend request ko sa facebook. Ilang beses akong napakurap ng mata habang tinititigan ang screen ng cellphone ko. T*ng*n*, bakit ganito ang nararamdaman ko? t*****na bakit kinakabahan ako? A-ano naman kung inaccept n'ya m- magkaibigan na kami ngayon ah. T***ina bakit pakiramdam ko may kung ano sa tyan ko, hina heart attack ba ako? ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Hindi, kabag lang 'to. Wala 'to, kabag lang to. Kumain kasi ako ng kamote kanina at nag kape. Sh*t b-bakit napapangiti ako.

Anong nangyayari sayo Jhounzel? umayos ka, s'ya lang yan mas maangas ka.

" Pre, ayos ka lang?". marahan kong nilingon ang katabi kong Lesbian na mukhang nag aalala, sumenyas lang ako sa kanya na ayos lang ako, nagtataka naman s'yang tumango at bumalik ulit sa pagsasagot.

" Pare masamang magpigil, ilabas mo na yan ". hindi na ako kumibo sa katabi ko at ang atensyon ko ay nasa screen pa rin ng cellphone ko. Online s'ya ngayon at mukhang may blue circle pa sa display picture n'ya. Kagat labi kong pinindot yon at lumabas sa screen ko ang cute pics niyang naka side view at naka ngiti pa s'ya doon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa picture niya. Halos mapunit ang labi ko kangingiti habang tinititigan ang mga cute pics niya. Ang ganda n'ya, sobarang ganda niya para sa'kin.

Anong nangyayari sa'kin, hindi pwede 'toh, sexy chick ang mga tipo kong babae. hindi isang inosenteng maldita.

Noong una ko s'yang nakita isa lang s'yang normal na babae pero hindi ko naiwasang mapangiti sa kanya, hindi dahil sa mukha s'yang ewan kundi masaya ako. Anong kalokohan ba itong nararamdaman ko? may gusto ba ako sa kanya? tss kalokohan. Ang labo, ayokong magkagusto sa kanya no. 

" Hindi ba't BSE ang babaeng yan, edi future maestra pala ang tipo mo?". namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling, Hindi s'ya pasok sa standard ko. Hindi s'ya ang tipo kong babae. Kung totoo man ang nararamdaman kong may gusto ako sa kanya habang maaga pa lang gusto ko nang pigilan. Hindi dahil sa takot akong mag commit sa relasyon, kundi takot akong masaktan s'ya.

Ang advance ko naman, baka naman ako lang naman itong delusyonal. tss

" Uy, in-denial s'ya gusto n'ya nga talaga ng future teacher". hindi ko na lang pinansin ang kaklase kong babae, Chismosa pa naman sila. Kahit na ganun silang tao mapagkakatiwalaan pa rin naman sila.

" Hindi, kaibigan ko lang s'ya. Close lang din talaga ako sa mga babae. Hindi teacher ang mga tipo ko, Tourism chick ang gusto ko".  tumawa lang sila ng parang isang timawa, mukhang ako ng trip nga mga 'to. Malamig ang panahon pero nag iinit ang ulo ko.

" Weh ba e bakit ka namumula?". ngumiwi ako at napasandal sa chair.

" Oo, namumula ako sa galit."mas lalo silang nagtawanan na para bang inaasar ako, bahala sila sa buhay nila. Basta mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanya.

" Sabi mo yan e, gumalaw galaw ka na habang maaga pa baka one day maagawan ka pa". wala na akong naitugon pa sa kanila, bahala sila sa buhay nila basta ang mahalaga...pipigilan ko ang sarili ko kung sakalang tama nga ang nararamdaman ko ngayon.

Nang maglabasan na, Saka pa nag announce ang school namin na walang pasok. Dissapointed ang mga studyante at punong puno ng panghihinyang, may ilan kasi na kararating pa lang at nahuli na sila sa announcement. Palakas ng palakas ang ulan na may kasamang malakas na hangin at hindi kami basta basta makakauwi ngayon dahil wala kaming masasasakyan ngayon sa labas. 

Dahil hindi rin naman ako makakauwi ng maaga ngayon naisipan ko na lang tumambay sa Library para matulog. Maghihintay na lang akong humupa ang ulan para makauwi, hindi naman ako ang nag-iisa marami naman kaming stranded dito sa loob ng school. Pagdating ko sa harapan ng pinto ng library, bumungad sa'kin ang mga nagsisiksikang studyante sa loob. Haiys, akala ko ako lang may gustong palaging tumambay sa library marami din pala. Naglakad na lang ako sa mahabang pasilyo ng school at naghahanap ng pwede kong pagtatambayan habang naghihintay sa pagtila ng malakas na ulan. 

Nahinto ako sa paglalakad sa kalagitnaan ng pasilyo nang makita ko ang isang pamilyar na babae.... Masayang masaya ang mukha nito habang nakakapit sa braso ng lalaki pero mabilis na nagbago ang ekspresyon nito nang makita n'ya ako. Talagang anak nga s'ya ni Flash, Ang bilis....

" Babe, wag tayo dito. Sa kabilang building na lang tayo ". nagtatakang tumango na lang yung lalaki at nag iba sila ng direksyon. Iyon na yung pinagpalit n'ya sa'kin? mukha ngang bagay na bagay sila. Mukha silang tanga. 

Perfect couple 

Ang lamig ng panahon pero nag-iinit ang ulo ko, hindi ko na lang inalintana ang malakas na ulan at hangin. Nababadtrip lang ako. Iyon ba talaga ang totoong tipo nya? mukha ngang lamang na lamang ako sa lalaking yun. Lamang sa di mabilang na ligo, ni mukha ngang pati pag tootbrush hindi pa non kaya. Hah, nakakatawa pala talaga ang ginawa n'ya. Nagawa niya akong lokohin para sa lalaking yun. 

Hindi ko namalayang tumitila na pala ang malakas na ulan, hindi na rin gaanong malakas ang hangin mukhang wala nang bagyo. Kaagad kong kinuha ang payong sa loob ng bag ko dahil gustong gusto ko na talagang umuwi, at pagbuklat ko sa payong ko, kaagad akong natigilan ng makakita na naman ako ng isang pamilyar na babae. Hindi ko maintindihan kung bakit mukhang malungkot na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Gustong gusto ko talaga makita ang mukha niyang nagkakaganon . 

Mabait naman akong tao kaya lumapit ako sa kanya at inabutan siya ng payong, Nakakatawa lang kasi nagtataka pa s'ya. Gusto ko talagang batukan s'ya dahil masyado s'yang slow. 

" Sabay ka na, share tayo sa payong..." hindi siya umimik at nakakapanibagong hindi niya ako kinibuan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta ang alam ko ngayon....

" Gusto kita..." sersyoso kong saad, bigla siyang napatingin sa'kin mukhang hindi pa s'ya makapaniwala.

" Makasabay pauwi." dugtong ko, Hesh mga NBSB nga naman talaga oh. Madaling mauto at madaling maniwala. Wala s'yang balak na kibuin na ako at mukhang seryoso talaga s'ya ngayon. 

Kung ano man ang nangyari sayo ngayong araw wala akong pakialam, gusto kong makasabay ka umuwi ngayon. Sisiguruhin kong ligtas kang makakauwi ngayon.

Kaagad kong inagaw sa kanya ang malaking bag ng laptop na dala niya at sinakbit ko ito sa harapan ko. " Sa susunod magdala ka ng payong ah, Sa ngayon sabay muna tayo umuwi". Nahihiya pa s'yang dumikit sa'kin at mukhang naiilang pa ito. Hay ano ba yan. Hindi na ako nag dalawang isip na akbayan siya palapit sa'kin para hindi s'ya mabasa. 

" Jg?". tawag n'ya sa'kin at napatingin ako sa kanya.

" Uhmm?". huminto s'ya at tumingin sa'kin.

" Thank you." nang sabihin n'ya yun bigla s'yang ngumiti dahilan para pumintig ng mabilis ang puso ko. Nagwawala ang buong sistema ko, ang pakiramdam na ganito.....

Totoong 

Hello, I will publish the English Version of When it winds soon. Thank you ^^

FlexibleCrazycreators' thoughts