webnovel

Synopsis:

"Shhh... Please lang wag kayong maingay, baka marinig tayo, eh." Nanginginig na wika ni jake.

"A-ano ba kasi 'yun? Anong meron sa labas?" Tanong ng nagtatakang si marcus.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko nga maintindihan ang nangyayari, eh." Sagot naman ni lucas.

"Basta 'wag kayong gagawa ng ingay. Maghihintay tayo hanggang umaga bago tayo makalabas...Bukas, wala na 'yon " wika ni aldrin habang pinapanatag ang loob ng mga kasama.

Sa Isang sulok naman ay mag isang tumatawa si rainer na parang nahihibang ito. Tila wala sa kanya ang mga nangyayari sa paligid at parang hindi siya kasama sa mga maaapektuhan.

Lumakas ang pagtawa ni rainer dahilan para takpan ng kanyang asawa ang bibig nito.

"Please lang cecil, takpan mong maigi ang bibig niya'ng asawa mo, huwag mo siyang hayaang gumawa ng ingay." Wika ng natatakot na si jake.

Tinanggal ni rainer ang kamay ng asawa na nakatakip sa bibig niya. Hindi magawang bawiin ni cecil ang kamay dahil higit na mas malakas ang asawa niya sa kan'ya.

"Oras na makita niya kayo, katapusan n'yo na... Dahil ang buong gabi ay sa kanya. Hahaha."

Dahil sa takot na baka sila marinig ay dali daling lumapit si jake at siya na ang nagtakip sa bibig ni rainer.

"P're, parang awa mo na... h'wag ka namang maingay, o." Pagmamakaawa ni jake. "Kapag napahamak kaming lahat dahil sa 'yo, maaatim ba 'yun ng konsensiya mo?"

Tumawa lang si rainer habang nakatakip sa bibig nito ang kamay ni jake. Ang mga kamay naman niya ay pigil pigil ni cecil.

Bigla silang nakarinig ng malakas na ungol sa labas na nahahawig sa isang mabangis na hayop at wari'y nagtatawag ito.

Maya maya ay bigla na lang napasigaw si jake, huli na para pigilan pa niya ang boses niya.

Agad niyang binawi ang kamay sa bibig ni rainer at hinimas iyon. Nang tingnan ay nakita niyang ang mga marka ng ngipin sa kanyang palad.

Pagkatapos kagatin si jake ay hindi nila inaasahan ang biglaang pagtayo ni rainer at agarang pagtungo nito sa pinto.

Mabilis niyang binuksan nang malaki ang pinto at huli na rin para mahabol pa nila ito nang mabilis itong tumakbo palabas.

"Rainer!!"