webnovel

When i become your Happiness

Kwento ng dalawang taong nagiibigan.Si Austin ay lumaki ng di kasama ang mga magulang ganon pa man ay may tumayong magulang sa kanya na si Don Romano.Puno ng kalungkutan ang paglaki nya dahil di nya kasama ang mga magulang nya 10 years old sya ng iwan sya ng mga ito.Dahil hinahanap nya ang kasiyahan nya ay naglakbay sya para hanapin yun ngunit di nya alam na nasa tabi lang pala nya ang pupuno ng kasiyahan nya.--Si Mikaela. Si Mikaela ay isang masiyahin na babae,dahil naintindihan nya ang kalagayan ni Austin ay hinayaan na lang nya ito hanapin ang kagustuhan nya.Naghintay sya para sa pagbabalik nito para makapagpaliwanag sa kanya,ngunit nang bumalik ito ay natatakot sya na baka ay iwan ulit sya nito. Magiging Masaya ba ang pagiibigan nila? O masstock na lang sila sa nakaraan.

Tinay_Bread · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Ch.12:Never let you go.

Kinabukasan ay inasikaso namin ang mga training.Tama si Austin mabilis ko nga napalagayan ng loob ang mga bago naming katrabaho.

"Ate mikay ako na po dyan".Ani Chelsie inagaw nya sakin ang mga kape at sya na ang nagtimpla sa coffee maker.

"Ako ang nakaasign dito,doon ka na sa mga table".

"Hindi po tutulungan kita,alam nyo po ba na alam kong katiwala ka po ni Don Romano".

"Huh?"

"Di ko po alam kung kamaganak nya po kayo o ano pero alam ko pong close kayo".

"Ano naman?Matagal na akong counter dito".Nginitian ko sya ng maganda.

"Eh feel ko po kayo ang amo ko kaya tutulungan ko po kayo".

Natawa ako sa itsura nya."Ano ka ba magkatrabaho tayo".

Lumapit naman samin ni Stella na galing sa library.

"Palabas na si Sir".Bulong nito.

Nakita ko kung paano sila nataranta parehas.

Ano ba ang nangyayare sa mga batang to?

Nakita ko si Austin na pababa ng hagdan,pailan ilan palang ang costumer kaya naman magaan lang ang trabaho.

Nang tuluyan na itong makababa ay gumawi ito papuntang library at bago pa ito makapasok ay sinenyasan na ako nito.Nakita ko naman na napatingin sakin yung dalawa kaya naman nahihiya akong naglakad papuntang library.

"Ano yun?"

Lumapit ito sakin tsaka ako hinalikan.

"Hoy ano ba oras ng trabaho!".Pinalo ko ito sa braso.

"Goodmorning kiss ko sayo yan".Nakangiti nitong sabi.

"Tsk".

"Kamusta ang mga training ko?"

"Talagang mga bata pa yun ah hahaha very good".

"Naman".Tawa nito.Nasa edad 20 lang ang mga kinuha nya dahil ayaw daw nya ng gulo.Totoong magaganda sila pero nandun pa din ang inosenteng mga itsura nito.

Lumabas na ako dahil baka isipin nila na oras ng trabaho ay naglalampungan lang kame.

Mga bandang hapon ay dumami na ang costumer pero di na gaya ng dati na di na ako magkang-ugaga sa pagkilos dahil ngayon ay may mga katulong na ako.

"GOODJOB GIRLS".Sabi ko sa dalawa ng matapos ang job hours namin."Ang bilis nyong masanay".

"Sabi ko naman sayo may experience na yang kinuha ko".Singit ni Austin sa usapan namin,napayuko naman ang dalawa na animo ay nahihiya.

Ikinawit ni Austin ang braso nya sa bewang ko na ikinagulat ko.

"Sabi sayo magjowa sila eh".Rinig kong bulong ni Chelsie kay Stella,napatingin naman sila sakin at nahihiyang ngumiti dahil nakatingin lang ako sa kanila.

"Hmm...Sige na makakauwe na kayo,magiingat kayo".Wala na akong masabi dahil naging awkward na ang paguusap dahil kay Austin.

Nagsikilusan sila para ayusin yung gamit nila at tsaka mabilis na nagpaalam.

"Mukhang natakot mo sila".Palo ko kay Austin.

"Bakit? Boyfriend mo naman talaga ako ah".

"Tsk,trabaho muna ah bago landi".Tinanggal ko ang kamay nya at tsaka kinuha ang mga gamit ko.Natatawa ako nitong hinabol.

Umakyat ako ng kwarto magkatapos makipaghabulan kay Austin,naligo at nagasikaso muna ako ng sarili para bumaba ulit.Nadatnan kong nagluluto na si Austin kaya lumapit ako.

"Ano yan?"

"Oh you're here,taste it".Nilagay nito ang kutsara sa bibig ko.

"Wow! Sarap ah!".

"Like me".Biglang sagot nito.Naubo naman ako dahil iba na ang naisip ko.

Lumayo ako sa kanya dahil feel ko ay biglang uminit ang palagid namin kahit na ang lamig lamig ng panahon ngayon.

"Charannn!".Masayang sabi nito habang binaba ang pagkain sa lamesa.Tinitigan ko lang ito,habang tumatagal ay lagi ko na syang nakikitang ngumingiti at nagbago ang itsura nya, lumabas lalo ang itinatago nitong kagwapuhan.

"Do you like me that much?"

"Why?"

"Grabe mo kong titigan,baka malusaw ako".

Naupo na ito sa harap ko at binuksan ang luto nya,nangamoy agad yun kaya hinanda ko na ang plato ko.

"Wala lang ang gwapo mo kase nakangiti ka".

"Alam mo na ang dahilan?"

"Hmm..Me".May pagkaproud na sabi ko.

Natawa na lang ito dahil sa ginawa ko.Masaya kameng naghapunan ng gabing iyon.

Kinabukasan ay maaga kong binuksan ang shop habang si Austin ay nagluluto ng almusal.

"Do you want coffe?" Offer sakin nito pagkapasok ko ng kusina.

"Sure".Naupo na ako sa harap ng lamesa at tsaka sumandok ng makakain.Nakaligo na ako kaya dahan dahan akong kumain dahil puti ang damit baka mamantsahan ketchup.

Maya maya lang nagdatingan na ang training namin.

"Goodmorning,goodmorning cafè".Magilaw na bati ni Chelsie at tsaka dumeretso sa locker para ilagay ang mga gamit nya,sumunod na din si Stella sa kanya.

"Hays sobrang saya nila di man lang tayo hinayaan batiin sila".

"Sanay ka sa bata diba?"

"Hmm... oo btw Im a teacher"

"I know".

"How do you know?"

"secret".

Sinamaan ko lang sya ng tingin pero binigyan nya lang ako ng nakakaadik na ngiti at dahil doon ay napangiti na din ako.Whatever.

"Wow ang couple nagliligawan".Kunyare ay bulong ni Stella kay Chelsie.Natawa naman ang isa na animo ay kinikilig.Nang tingnan ko si Austin ay nakakaloko na din ang ngiti nito.

"Kayong tatlo para kayong baliw".Sabi ko dahil wala na din akong nagawa kundi ang matawa.

"Hala si ate kinilig pa".Tinusok pa ako ni Chelsie ang tagliran ko kaya naman sinamaan ko sya ng tingin pero ganon pa din ang ngiti.

"Trabaho na!".Nagmartsa ako papuntang counter para takasan ang asaran nila.

Natapos ang araw na yun na magaan lang dahil nga sa may katulong na kame.Nang makauwe na sila Chelsie ay nagasikaso naman kame para pumunta sa Guesthouse dahil birthday ni Inay.

"Nabili mo ba yung pinabibili ko sayo Agustin?"

"Yes Dear!". Sigaw nito galing banyo nya dahil naliligo sya.Nandito ako sa kwarto nya dahil sinadya nya pa ako sa kwarto ko para ako daw ang pumili ng isusuot nya.

Nakaayos na ako para sa kaunting salo salo na inihanda daw ni Don Romano para kay nanay ayun kay Austin ng tawagan sya nito.

Mabilis akong napatayo ng kama at napatalikod ng bigla ay lumabas si Austin ng nakatapis lang.

"S-sige na hintayin na lang kita sa baba".

Nang di ako makarinig ng sagot ay dahan dahan akong naglakad sapagkat bumilis bigla ang tibok ng puso ko,bigla ay tumawa si Austin kaya naman bigla din ang paglalakad ko ng mabilis.

Bakit pag ganon ay halata na agad ako.

Uminom bigla ako ng tubig dahil kumalat na ang virus na iniisip ko sa katawan ko,sumasagi pa sa isip na dalawa lang kame ni Austin dito pero napipigilan namin gumawa ng kakaiba.

"Are u ready?".Napatalon ako ng marinig ang boses ni Austin,nang tingnan ko sya ay magkasalubong na ang kilay nito sakin."Ayos ka lang ba?".

Lumapit na ito sakin tsaka ako hinawakan sa braso."O-oo naman hehe".

"Are you sure?".

Tumango tango lang ako.Lumakad na ito para kunin ang kotse na pinadala kanina ni Don Romano.Malamig ngayon,pero maganda ganda ang panahon ngayon.

Nang makarating kame sa Guesthouse ay naririnig na namin ang ingay ng mga tao sa bakuran ng bahay.

Ganito lagi si Don pag birthday ni nanay,ayaw man ni nanay ay wala syang magawa dahil ang Don ang nagsabi.

"Nandito na ang kopol".Ani Aling Tilda habang may hawak hawak na pagkain at iniisa isa itong kinain.Pinamulahan na naman ako ng mukha dahil mukhang alam na nila.

"Magandang gabi po".Bati ni Austin sa mga tao,karaniwan ay mga namamahala sa guesthouse at ang iba ay mga katulong ni Don sa mga ganitong okasyon lahat ng tao sa baryo ng Marayat ay imbitado basta ang Don ang naghanda.

"Kay gwapo naman talaga ng bata ito ano".

"May pinagmahan naman talaga".

"Swerte naman ni Mikay,pogi"

"Ano ka ba matagal ng nobyo ni Mikay yan kinse anyos palang yata sya,naku wala ka pa nun kaya di mo alam".

Nahiya na ako sa mga sinasabi nila dahil kame na ang pinagusapan nila mula ng dumating kame,si Austin napapakamot na lang sa ulo dahil sa di inaasahang pagbungad ng mga ito.

Nagexcuse kame para makapunta ng kusina kung nasan ay nandun ang nanay.

"Ang birthday girl pa din ang magluluto?".Napaharap agad sa amin ni Nanay ng marinig ang boses ko.

"Aba ito man lang ay magawa ko dahil aba ang daming pinahanda ng Don susmaryosep!"

Natawa na lang kame sa reaction ni Nanay,niyakap ko to at tsaka hinalikan sa pisngi."Happy birthday".

"Thankyou anak kong maganda".

Nang tanggalin ko ang yakap ko ay kay Austin ang nakatingin si nanay.

"Happy birthday po Nay Mely".

"Salamat Hijo".

"Eto po ang regalo namin ni Mikay".Abot nito sa isang box na naglalaman ng kwintas.

Nakakaloko naman akong tiningnan nito dahil iba na agad ang pumasok sa isipan ng nanay ko.

"Naku nay wag mo kong tingnan ng ganyan".Natatawa kong sabi.

"Kayong dalawa ah!Tsk ang Don kase mapilit pagsamahin daw kayo sa bahay at nang magkaayos at maging magkaibigan muli,mukhang di pagkakaibigan ang naayos,ang pagiibigan".

Natawa kameng tatlo sa tinuran na iyon ni nanay.Tinulungan din namin maglabas ng iba pag pagkain si nanay at nang nasa hapag na lahat ay halos mga nakangiti itong kinakantahan ni nanay ng pagbati.

"Austin".Sa kalagitnaan ng kainan ay tinawag ni Don Romano si Austin.Parehas kameng napatingin dito.

"Mukhang maganda ang takbo ng shop dahil sa inyong dalawa".

"May kasamang love yun Don".Biglang singit ng isa sa mga bisita ni nanay.Ayun na naman ang nahihiya kong awra.

Nagtawanan pa ang iba dahil animo ay kinikilig.Napangiti na din ako dahil sa kilig na mnaramdaman.

Nakita ko kung paano ay ngumiti si Austin ng napaganda dahil doon ay mas lalo pa kameng tinukso ng mga bisita.

"Ano ba kayo tigilan nyo ang mga bata".Saway ni nanay sa mga kaibigan nya.

"Mula ngayon ay sayo ko na ipinagkakatiwala ang Goodmorning cafè ko Austin".Nakangiting sambit nito.

"Pero Don--"

"Aalis ka pa ba?".Pinutol nun ang pagsasalita ni Austin.

Napatingin ako kay Austin dahil sa sinabi ni Don, Ni minsan kase ay di ko natanong kay Austin kung may balak pa syang dumito na.

"Di ko po alam Don".

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sagot ni Austin,meron sakin na parang nasasaktan kaagad ako dahil sa sinagot na yun ni Austin.

Bumuntong hininga si Don at tsaka ngumiti na lang para di na masira ang kasiyahan.

"Sige na at magsikain kayo madami pang pagkain".Ani Don tsaka tinapik na lang ang balikat ni Austin.Nawala na ang saya ko na kanina ay bumabalot sakin,kailangan kong masiguro ang disisyon ni Austin dahil ayaw ko na ulit maiwan pa.

"Kain pa".Nilagyan ni Austin ng pagkain ang plato ko tsaka tinuloy na nito ang pagkain nya.

Paguwe ay balak kong tanungin ang tungkol sa siguradong pagsstay dito.

Masaya ang gabi na yun,maliban sa damdamin ko dahil may pangamba ito sa muling pagalis ni Austin,Di ko kayang ihanda ang sarili ko doon pero gagawin ko ang lahat para makumbinsi syang wag na umalis at manatili na lang sa tabi ko.

Pinipilit kong makihalubilo sa masasaya nilang kwentuhan ng sa ganon ay mawala sa isipan ko iyong usapan kanina.

Sa Guesthouse na lang nanatili si Austin at ako ay sa bahay namin natulog.

Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad sa tabing dagat para mawala ang kanina pang bumabagabag sakin.

"Ang kailangan ko lang ay ihanda ang sarili ko once na isang araw ay bigla na lang syang mawala at di magpaalam sakin".Habang binabanggit ko yung ay para akong di makahinga.

Bumuga ako ng hangin para gumaan ang pakiramdam ko pero ganon pa din.

"Why are you here?".Mabilis kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na.Mabilis akong maglakad patungo kay Austin ng matanaw sya.

"Nagpapahangin ako".Ngumiti ako para di nya mahalaga na may gumugulo sa isip ko.

"Bakit di ka pa natutulog?"

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Magtatanungan lang ba tayo?Feel kong magpunta dito dahil naramdaman kong nandito ka".

"Ay sus talaga ba?"

Imbis na sumagot ay niyakap na lang nya ako.

"Iloveyou".

Nagulat ako ng sabihin nya yun.

"Sabihin mo nga ulit".

"Iloveyou!iloveyou!iloveyou!,Wag ka na magaalala dahil di kita iiwan dito umalis man ako ay isasama kita".

Pagtingin ko dito ay nakatingin na ito sakin.

"Alam kong yun ang gumugulo sayo,ang usapan namin ni Don kanina".Niyakap ako nito ng napakahigpit,pumikit ako dahil dama ko ang saya ng pakiramdam,bigla ay gumaan ang pakiramdam.