webnovel

When i become your Happiness

Kwento ng dalawang taong nagiibigan.Si Austin ay lumaki ng di kasama ang mga magulang ganon pa man ay may tumayong magulang sa kanya na si Don Romano.Puno ng kalungkutan ang paglaki nya dahil di nya kasama ang mga magulang nya 10 years old sya ng iwan sya ng mga ito.Dahil hinahanap nya ang kasiyahan nya ay naglakbay sya para hanapin yun ngunit di nya alam na nasa tabi lang pala nya ang pupuno ng kasiyahan nya.--Si Mikaela. Si Mikaela ay isang masiyahin na babae,dahil naintindihan nya ang kalagayan ni Austin ay hinayaan na lang nya ito hanapin ang kagustuhan nya.Naghintay sya para sa pagbabalik nito para makapagpaliwanag sa kanya,ngunit nang bumalik ito ay natatakot sya na baka ay iwan ulit sya nito. Magiging Masaya ba ang pagiibigan nila? O masstock na lang sila sa nakaraan.

Tinay_Bread · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Ch.10-Austin Pov :Acceptance

Di ko alam ang iaakto ko ng talikuran ako ni Mikay.

Di ko alam kung masasaktan ba ako dahil nareject ako or masasaktan ba ako dahil nasasaktan ko sya.

Pero may parte sa puso ko na nagsasabi na di na ako gusto ni Mikay dahil sa tagal ng panahon at ang katotohanan na iniwan ko sya ng biglaan lang.

Nakatulog na lang ako ng malalim ang iniisip,ni hindi ko nga alam na nakatulog na pala ako.

Nang umaga na yun ay bumaba ako ng maaga para ako na ang magbukas ng shop.Pati ang pagtimpla ng mga bagong kape ay inayos ko na.

Nilinis ko yung mga table at tsaka pinalitan ang mga naglalabuan ng bumbilya para ng sa ganon ay lumiwalas lalo ang shop.

Nang bumaba si Mikay ay marami ng costumer,umaayos na ang panahon,ang bilis ng araw october na agad at talaga naman mas lalong lumalamig sa lugar na yun.

Yun talaga ang balak ko ang maging busy para di isipin ang inakto ni Mikay.Nagpunta ito ng counter ng parang walang nangyare.Medyo tinanghali man ito ay mukhang maganda ang naging tulog nito.

Hindi kame naguusap,hindi ko din naman sya makausap sapagkat busy ako sa mga bagong menu,kahapon kase ay tatlo lang ang inilabas ko pero ngayon ay nilabas ko na lahat dahil ako naman ang magtitimpla nun dahil sariling gawa ko yun.

Nang maghapon na ay tinawagan ko si Mia dahil paubos na ang cake na nasa bagong menu ko nagustuhan ng mga costumer ko ang mga bagong pinagawa kong cake kay Mia kaya naman nauubos na.

"Im on my way". Sabi nito ng sabihin ko ang pakay ko.

"Okay take care". Yun lang at tsaka ko binaba ang telepono. Ganon na lang ang pagtigil ko sa pagpihit ng coffe maker ng maaninagan ang pagtitig ni Mikay.

Paglingon ko dito ng tuluyan ay nagiwas ito ng tingin sakin.

Maya maya lang ay boses na ni Mia ang naririnig ko.

"Boys paayos ng mga cake ah wag sirain!".Nagpagpag ako ng kamay ng marinig yung sa bandang gilid ng shop ko doon kase ang daanan papunta sa kitchen.

"Hey!"

"Oh hi! Masarap ba ang cake haha sabi na at marami kang makukuha ngayon kaya madami akong pinagawa".

"Great! Oo eh biglaang ubos bumagay sa mga kape namin".

Nginitian lang ako nito.

"Tara pasok ka muna,May itatanong ako".

"Okay".

Pumasok kame ng sabay sa entrance.Hindi samin nakatingin si Mikay pero kitang kita ko ang pagkakasalubong ng kilay nito.

Pinauna kong pumasok si Mia sa office ko tsaka ko tiningnan ulit si Mikay pero talagang iniiwasan ako nito.

Bago ako pumasok ng library ay nagtimpla muna ako ng kape.

Ang office ko ay nasa loob din ng library.

Nang makaupo ako ay inabot ko na to sa kanya nagpasalamat ito at tsaka naupo ng maayos.

"Ano ang itatanong mo?" Curious na tanong din nito.

"Hmm...not business related,its okay?"

"Of course! anything".

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"May...may boyfriend ba si Mikay?"

Nakita ko kung paano syang magulat sa tanong.Nanlaki pa ng onti ang mata nito kinaklaro ang tanong ko.

Napayuko naman ako batid kong di nya inaasahan ang tanong ko.

"Im sorry hmm..no need to--"

"No, its okay".Pigil nito sa pagsasalita ko.Timikhim din muna to at tsaka nagsimula na magsalita.

"Wala".Simpleng sagot nito.Akala ko ay di na sya magsasalita pero muling bumuka ang bibig nya.

"Noong iniwan mo sya ay di na sya nageentertain ng iba at di din nakakausap sa school,i mean oo nagsasalita sya pero parang di sya si Mikay na laging maingay".

Bigla ay nagkainterest akong pagkarinig ng kwento nya.Binaba ko ang baso ko tsaka pinagkatitigan sya.Natawa naman sya sa inasta ko kaya ginaya nya ang ginawa ko.Humalumbaba pa to pagkatapos akong tawanan.

"Yun lang? Wala kasunod yung kwento mo?".

Natawa na naman to.Tsaka tinanggal ang pagkakahalumbaba nya.

"Alam mo bang crush kita noon".Panimula nya."Nung umalis ka ay nasaktan ako oo,pero habang nakikita ko si Mikay na nasasaktan ay...Di ko na maisip pa ang nararamdaman ko,Lagi ko syang sinasamahan at di ko sya iniiwan kahit pa alam kong nagkaroon kayo ng relasyon. Natatawa na naman nitong kwento.

"Mahal ko si Mikay,siya lang yung tumuring sakin na tunay na kaibigan kahit pa madaming nambubully sakin ay di nya ako iniiwan, pinagtatanggol nya pa ako.Dahil nga nagbago sya ay nagalit na din ako sayo dahil ikaw ang may gawa nun.Kaya sinabi ko sa kanya na gusto kita,na kalimutan ka na nya dahil di ako papayag maging magkaribal kame,yun lang yung paraan ko para ibalik sya".

"Sinabi ko dij sa kanya na kalimutan ka na nya dahil iniwan mo sya,pinapili ko sya kung mas pipiliin nya ba ikaw na nang iwan sa kanya o ako na kaibigan nya,Pag ikaw ang pinili nya ay kalimutan na namin ang isat isa".

Nalungkot ako sa katotohanang nalulungkot si Mikay dahil sakin pero ako ay nalulungkot para sa iba,di ko sya inisip noon,di ko man lang sya naisip noon.

"Pero mas pinili ka nya,kaya di na kame naguusap ngayon".Kinuha nya ang tasa nya tsaka sya uminom ulit.

"Did you mean that?Im mean yung consequence".

"For me ,No hehe".Ngumiti na naman sya ng pilit.",Pero tinotoo nya yun,di na nya ako pinansin mula noon kahit kausapin ko sya ay tinataboy nya ako,nalaman nya din kase na may gusto ako sayo,how stupid iam right?" Natawa ito sa sinabi nya.

Di ako makapagsalita,di ko alam ang sasabihin ko.

"Sobrang...nasaktan sya sa ginawa mo Austin,i wonder why she's here".

Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa mga nalaman ko,talaga palang masaktan ko sya.

Tumayo na ito ng di ako makapagsalita dahil wala akong masabi,di ko naman masabi yung napagusapan namin dahil nahihiya pa ako.

"Thankyou sa oras mo".Nakangiting sabi ko dito.

"Pero lilinawin ko lang huh? wala na akong gusto sayo tsk".

Natawa ako sa itsura nya."Okay".

"May boyfriend ako!"

"I have Mikay dont worry".

"Omg! Really?"

"Hindi pa naman,sinusuyo ko pa".Napakamot ako sa ulo ko.

"Ohh! Goodluck".

Sinabayan ko sya sa paglabas ng library.Bigla ay kay Mikay dumapo ang mata ko,nakikitapag tawanan ito sa isang lalaking nasa harap ng counter.

"Mia!" Niyakap ng lalaki si Mia.

Nawala naman ang pagngiti ni Mikay ng makita ako.

Baka magkakakilala sila.

"Lets go!" Ani nung lalaki.Kimawayan pa ito ni Mikay pero nawala ang ngiti nito ng si Mia na ang tiningnan.

"Bye! Mikay have a good day".Pineke lang ni Mikay ang ngiti nya kay Mia,bumalik naman sakin si Mia at tsaka ngumiti habang kumakaway napangiti naman ako dahil sa kakulitan nya.

Pagbaling ko kay Mikay ay masama na ang tingin nito sakin.

"Why?" Ani ko habang sinusuot ulit ang apron ko.

Imbis na sagutin ako nito ay tumutok na lang ito sa ginagawa nya.Napailing ako dahil sa mood na pinapakita nya sakin.Ganon ba nya ako ka hate?

Sandali lang ang cake na dinala ni Mia ay naubos din to,maaga man kame natapos ay sobrang pagod naman ang naramdaman ko kaya naman nakapikit na lang ako ng swivel chair ko.

Nagulantang ako ng pagupo ng bigla ay may kumalabog sa loob ng library kung saan ako nagpapahinga.Nakita ko doon si Mikay na tinatanggal isa isa ang mga libro.

"Nakakagigil gagamit ng libro hindi inaayos pagbabalik!" Sabay bagsak ng libro na hawak,panigurado yung mga costumer ang nagbibigay ng galit dito.

"May isa kase dyan nakikipaglandian lang dito sa loob ng office nya tapos di man lang magawang gumawi dito para ayusin yung mga libro!" Malakas nyang binagsak ang malaking libro na hawak nya.Napatayo ako dahil alam kong ako ang pinaparinggan nito.

"Sino yung isang yun?" Painosente kong tanong ng sumilip ako sa kwartong yun.Nagulat pa to hindi yata nya inaasahan na maririnig ko ang mga sinasabi nya.

"Pake mo".Tinarayan ako nito.

"At tsaka naglalandian?"

Hindi ako sinagot nito.

"You mean ako at Mia?"

"At talagang binanggit mo pa ah? edi inamin mo na naglalandian kayo?"

"You see? May boyfriend sya sinundo sya kanina tapos sasabihin mong naglalandian kame,business ang pinaguusapan namin".Pagpapaliwanag ko.

Binagsak na naman nya yung libro mas malakas.

Baka masira ang mga libro ko.

"Makikipaglandian ba sayo yun kung may boyfriend yun?"

"Oh so di nya boyfriend yun?"

Tiningnan ako nito habang nanlilisik ang mga mata.

Curious lang naman ako eh.Gusto ko lang sya kausap bakit naman ganito makatingin to.

"So interesado ka sa kanya kung wala syang boyfriend?"

"Ofcourse not"

Bumuntong hininga to na akala mo nawawalan na ng pasensya sa kausap,Napatikom naman ang bibig ko iniiwasan magsalita dahil ayaw kong magalit sya.

"Hmm...okay di na ako mangungulit...sorry".

Hindi sya sumagot pero gusto ko pa syang kausapin.

Tatalikod na ako ng maisip na ito na din ang tamang oras para tanungin sya kung bakit nya ako tinalikuran kagabi.

Napatayo ito ng tuwid ng makita ang pagharap ko sa knya.

"Hmm..Itatanong ko lang kung bakit mo ko tinalikuran kagabi?"

"Wala,Ayaw kong pagusapan ang tungkol dun".

Ginawa nitong busy ang sarili sa pagaayos ng mga libro.

"Hindi mo na ba ako...tatanggapin ulit?"

"Hindi naman sa ganon".

Pinaghawak ko ang dalawang kamay ko dahil konakabahan ako.

"So why?"

"Alam mo ayaw kong pagusa---"

"Kase kung di mo na ako tatanggapin,titigilan ko na pangungulit ko sayo promise!"

Napayuko ito tsaka pumikit.Hindi nagsalita.

"Okay I understand".Ngumiti ako para magmukhang di nasaktan."Thankyou".

Tumalikod na ako dahil ayaw kong maging mahina,emotional talaga ako kaya mabilis lang akong maiyak.

"Wait!"

Naramdaman ko na lang ang mga kamay nyang pumulupot sa bewang ko.

"Mahal kita,mahal pa din kita! Kaya ako nagkakaganito dahil di ko matanggap na hanggang ngayon ikaw pa din ang hinihintay ko ,nabigla lang ako kagabi kaya ko nagawa yun,nagseselos pa ako kay Mia kaya di kita kinakausap".

Humarap ako dito,nakita kong nakayuko sya kaya hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi at tsaka iniharap sakin para magkatinginan kame,pinunasan ko ang mga luha nya.

"Im sorry".

Umiiyak lang ito tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Im sorry".Paulit ulit kong banggit dahil sa sakit na nararamdaman nya.

Humarap sya sakin ng kusa.Tsaka ako tinanguan.Tinatanggap nito ang sorry ko.

Hinawakan ko ulit ang magkabila nyang pisngi at tsaka ginawaran ito ng halik.