webnovel

When i become your Happiness

Kwento ng dalawang taong nagiibigan.Si Austin ay lumaki ng di kasama ang mga magulang ganon pa man ay may tumayong magulang sa kanya na si Don Romano.Puno ng kalungkutan ang paglaki nya dahil di nya kasama ang mga magulang nya 10 years old sya ng iwan sya ng mga ito.Dahil hinahanap nya ang kasiyahan nya ay naglakbay sya para hanapin yun ngunit di nya alam na nasa tabi lang pala nya ang pupuno ng kasiyahan nya.--Si Mikaela. Si Mikaela ay isang masiyahin na babae,dahil naintindihan nya ang kalagayan ni Austin ay hinayaan na lang nya ito hanapin ang kagustuhan nya.Naghintay sya para sa pagbabalik nito para makapagpaliwanag sa kanya,ngunit nang bumalik ito ay natatakot sya na baka ay iwan ulit sya nito. Magiging Masaya ba ang pagiibigan nila? O masstock na lang sila sa nakaraan.

Tinay_Bread · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Ch.06-Pagseselos

Yes! Im beautiful i know that! Di na ako sumagot masyado na akong natameme sa mga sinasabi nya,why? all of sudden magiging ganon sya! Pinapaibig na naman ba nya ako? No way!

"Bukas,di tayo magoopen ng shop because its sunday,maglinis tayo ng cafè then magpintura" Sabi nya ng di na ako nagsalita pa.

"oh!okay" sagot ko habang mabilis na tinatapos ang kinakain.

"Ako na ang maghuhugas ikaw naman ang nagluto eh" Tumayo na ako at mabilis na pumunta sa harap ng lababo para magsimula na kahit di pa tapos kumain si Austin.Ayaw ko humarap sa kanya dahil ramdam ko pa din ang epekto ko sa kanya,all this year ganito pa din ako sa kanya walang nagbago.

Tulala na lang ako habang naghuhugas,masyado ng malalim ang iniisip ko ng may maramdaman ako sa likod ko.Paglingon ko ay si Austin yun.Ang mga kamay nya ay nakapatong na sa ibabaw ng sink kaya nanlaki pa ang mga mata ko ng marealize na kinorner nya ako ng mga kamay nya mula sa likod ko.

"A-anong ginagawa mo?"

"Naglalagay ng hugasin"

"Bakit ganyan?"

"Ang alin?"

"Yung pwesto mooo!" Napasigaw na ako dahil sa kawalan ng pasensya,tinatry nya talaga akong landiin eh,oo gusto ko pa pero di ako marupok no?

"Ohww!"Kunyare ay gulat na sabi nya."Di ko napansin na mali pala ang pwesto ko,sorry"

"Pervert!,Dyan ka na maghugas ka!" Sigaw ko na habang tinatanggal yung gloves sa kamay ko.Kainis!

Nakita ko pang napangiti sya ng onti na lalong kinainis ko.Nang makapasok ako ay inis na inis kong sinara ang pinto.

"Omg!" Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito."stop please!" Turo ko sa dibdib ko.

"Di ka dapat kinakabahan sa kanya,wala dapat epekto sayo yung pagdikit ng balak nyo sa isat isa".Para akong tanga na pinapagalitan ang sarili.

Di ako nakatulog ng gabing iyon kaya naman kinabukasan ay tinanghali ako.

"Porket maglilinis lang ay tinanghali ka na" Ani Austin na nagpipintura ng dingding.Tinarayan ko to at tsaka ako nagtungo sa kusina.May nakahanda na agad na almusal kaya naman nagulat pa ako.

"Boss mo ko pero ako ang gumagawa ng almusal mo"

"Di ko naman sinabi na gawin mo" Sabay kagat ko ng pandesal na may palaman na egg.

"Pero kinakain mo" Naibaba ko ang pandesal ko ng sabihin nya yun."Joke"

Tumayo ako tsaka nagtungo na lang sa timplahan ng kape.Di ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon paggising ko.

"Eto di naman mabiro" Nakangiti nyang ani pero kinunutan mo lang sya ng noo.

"Hindi na magkakape na lang ako".Mahinahon kong sabi.

"Sige na kainin mo na yan,para sayo talaga yan".

"Salamat".

"Isa yan sa mga pambawi ko"

Napahinto ako sa paglalakad na sana ng sabihin nya yun tsaka marahil na napatingin sa kanya.

"Pambawi saan?"

"Sa...lahat"

"Etong pandesal na to ang pambawi mo sa lahat?" Kunyare ay natatawa pero naiinis ko ng sabi.Dahil di naman ako slow ay nagets ko na kaagad yun.

"Okay" Dugtong ko pa.Naglakad na ako dahil alam ko na kung saan patungo tong usapan na to.Naclear ko na sa utak ko ilang beses na,na hindi na to paguusapan pa.Nung una oo gusto kong pagusapan pero may mga bagay na narealize na ako.

Bago pa ako makalakad ay hinawakan na nya ako sa braso."Wait".

Humarap ako sa kanya para hintayin sya makapagsalita.

"Can we talk?...Hmm about what happened in the past"

"Huh?Bakit pa natin paguusap yun? w-wala na yun no?"

"Hmm...I think i need to explain..."

"Naintindihan ko naman..."

"Pero--"

"Pwede ba? Wag mong gawing dahilan to para maging awkward ang pagiging magkatrabaho natin"

"I-im sorry! Okay maybe nexttime na lang pag maayos na ang mood mo"

"What? Di na natin paguusap to! Sinabi na nga ayaw kong maging awkward eh!" Mula sa pagtaas ng boses ay papahina ko tong sinabi tsaka mabilis na umakyat papuntang kwarto ko.

Kagabi pa iba ang nararamdaman ko,nitong mga nakaraang araw ay kakaiba na ang mga nararamdaman ko,di normal sa normal kong pamumuhay! Bwisit na Austin bumalik lang sya para guluhin ang puso ko.

Nang makita syang sincere na sinasabi kanina ang tungkol sa past ay gusto ko na madala kaso ay mas nanaig sakin ang pride ko,di ko na kailangan marinig pa yun dahil takot na ako kung saan pa papunta ang paguusap na yun,ayaw kong madala dahil lang may napagusapan kame.Gusto ko na lang ay kalimutan yun at makapagtrabaho ng maayos.

Kung dati ay araw araw kong hinihiling na sana ay may magpaliwanag sakin ng nangyayare noong araw na iniwan nya ako,ngayon ay takot na akong alamin yun.Oo at bata pa ako nun dapat ay di ako naapektuhan nun pero ayun lang ang tanging naaalala ko sa paglipas ng panahon di ko malaman kung bakit nastock ang utak ko sa nakaraan na yun.

Nang bumaba ulit ako bandang mapananghali ay tapos ng pinturahan ang ibang bahagi ng cafè,may mga iba't ibang libro na din ang nakakalat sa sahig.Namangha ako sa dami nun at mukhang galing pa sa maynila.

Isa isa kong pinulot ang mga yon ng may ngiti sa labi.

"Mikaela"

Napaangat ako ng tingin sa gawi ng maliit na kwarto na nagsisilbing library ng cafè.Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita doon na nakaupo sa harap ng laptop nya si Austin.

"Come here".

Imbis na sumagot at tumayo na lang ako,walang gana akong lumakad papunta sa kanya.

Pagtayo ko sa harap nya ay inoffer nya sakin ang upuan na medyo malapit sa kanya.Naupo na lang ako kesa magsalita pa.

"What do you think?" Tanong nito habang tinituro ang screen ng laptop nya.

Bagong menu yun ng cafè,may nadagdag na coffe at flavor ng cake.

"Sa dalawang flavor ng kape natin ay nahihirapan na ako dadagdagan mo pa ng tatlo? Tsaka yung cake natin inoorder lang yan,yan lang ang kaya nilang gawin yung mga ganyan pasosyal na cake wala tayong makukuhanan nyan dito".Mahabang paliwanag ko.

"Relax! Im the boss".Ani nito na para bang pinipigilan nya ako magcomplaint dahil sya din naman ang masusunod.

Pinalo ko ang table at tsaka marahil tumayo,nakita ko pa sya nagulat." Oh bat mo pa ako tinatanong kung ikaw naman pala ang boss tse!"

"At di mo ko pwedeng ganyanin Mikay".

"What?" Pinagcross ko ang braso ko."At Mikay na ang tawag mo sakin ah?"

"At ginaganyan mo na ako ah,Sir ang tawag mo sakin pero inaatitude-an mo ako".Di ko na alam kung maasar ba ako sa way ng pagsasalita nya dahil sobrang kalmado lang nito at sexy pakinggan mygod,samantalang ako ay galit na galiy na dahil sa inis.

Tumayo na lang ako dahil pinipigilan ko ang sarili kong makipagaway sa kanya,all of sudden nagiging ganito na ako,nagiging mainisin at emosyonal na ako.

"Dyan ka lang".Naguutos na tono nya.Pero nang akma ulit akong lalakad ay pinigilan nya ulit ako."Isusumbong kita kay Don sige".

"What? Nanakot ka pa ah".Naupo ulit ako sa pwesto dahil hinawakan na nya ang telepono.Nakita kong ngumiti sya ng sa wakas ay naupo na ako sa tabi nya.

"Don't worry hahanap ako ng kasama mo para may katulong ka".

"Whatever"

"Nung una ay ang bait pero ngayon ay sumasagot sagot na".Batid kong nakangiti sya ng sabihin yun.Nageenjoy na naiinis ako.

Imbis na sumagot ay tumayo ako para tingnan ang mga libro na nakaayos na sa ibang bahagi ng library.

"Wow! ang daming libro,kelan mo to pinadala?"

"Kanina habang nageemote ka sa taas ay dineliver yan"

Tiningnan ko sya ng masama tsaka ko pinagpatuloy ang maghahalungkat.

Hanggang sa mahawakan ko ang isang nakaagaw ng interest ko.

"ANG PAGLALAKBAY PAGKATAPOS NG PAGKABIGO"

"ohh! Mukhang maganda to ah" Naupo ulit ako sa upuan ko at bubuklatin na sana yun nang agawin ni Austin.

"Magbasa ka ng iba sa aking libro to".

"Hoy--" Di ko natuloy ang sasabihin ko ng samaan nya ako ng tingin.Boss ko sya boss!!

Nagtantrums ako pabalik ng cafè tsaka itinuloy na lang ang di pa naaayos na pintura.

"Saan ang punta mo?" Tanong ko ng maya maya ay papalabas na to ng pinto.

"May kakausapin lang ako". Dire-deretso to sa paglalakad mukhang nagmamadali pa.

"Tsk.Kanina lang ay pagusapan daw namin ang past pero ngayon ay parang tanga di ako pinapansin ng maayos".

Tinapos ko na yung pagpipintura,natapos na ang tanghalian at nakakain na ako dahil may luto ng ulam ay wala pa din si Austin.

Pati ang mga libro na nakakalat pa din sa sahig ng cafè ay inayos ko na din.Yung iba ay nilagay ko na lang sa library.

Hapon na ng dumating si Austin.Madilim na sa labas dahil panay pa din ang pag ambon.Umakyat na ako para makaligo na.Di naman ako pinansin ni Austin kaya tuloy tuloy lang ako sa pagpasok sa kwarto ko.

Nagdadabog akong pumasok ng cr tsaka pinagtatanggal ang saplot ko.

"Paiba iba sya ng mood! Dapat ay sinusuyo nya ako kung gusto nyang pagusapan yung nakaraan namin!"

Bigla ay nanahimik ako ng may mapagtanto.

"Baka naman magsosorry lang sya pero di na nya ako gusto bumalik,i mean baka sorry lang ang gagawin nya tas wala syang balak balikan ako,bakit ba kase iba ang iniisip ko!" Napapasabunot ako ng buhok ko dahil kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.Binabaliw ako ng pagbabalik ni Austin, nawawala ako sa huwisyo.

Nang makaligo ako ay bumaba na ako para makapagluto ako ng makakain.

"Anong gusto mong ulam ngayon?" Tanong ko kay Austin na abala sa pagtatype sa laptop nya nt nakangiti pa.

"Anything".

Di na ako nagsalita pa tsaka nagluto ng adobo.Nang matapos na ay kumain na din kame.Di kame nagkikibuan kaya naman ang awkward awkward ng pakiramdam ko.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako at hinayaan syang maghugas ng mga plato.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay tinawagan ko si inay.

"Bakit naman po di nyo ko kinakamusta inay?".May pagtatampo sa boses ko.

"Ang alam ko ay busy ka anak".

"Kahit na po inay"

"Oh kamusta naman kayo ni Austin dyan?"

"Wag nyo pong mabanggit banggit yung tao na yun inay ang sabi ko lang po ay ako ang kamustahin nyo" .Nagtatampo na ang tinig ko.

Narinig kong natawa si nanay."aiyo! ikaw talaga?Nung isang araw ay nagpunta dito yun at kinukuha ang mga gamit mo at ayaw daw nyang magpabalik balik ka,Mukhang gusto ka na ulit makasama haha" May panunukso sa tinig nito.

"Ano? Ang akala ko ay ikaw ang nagsabi na dito ako Inay naman bakit ka naman pumayaaag!"

"Ay yan ba ang sinabi nya sayo,oh sya! sya!pasensya na anak ang sabi nya ay aalagaan ka nya at talaga naman may tiwala ako sa bata na yan noon pa,di ka ba masaya? Aba ang alam ko ay miss na miss mo yang bata na yan ah?"

"Iba na ngayon inay,di ko na sya miss tsaka mygod 10years na yun wala na yun ngayon sakin".

"Ay naku kung kelan nandyan ay ayaw,matutulog na ako Mikaela at maaga pa ang pagaasikaso ko bukas sa bahay ng Don"

"Okay Nay goodnight"

Binaba ko na ang tawag at tsaka nagtungo sa cr para magtoothbrush at maglagay ng kaunting skin care pagkatapos ay tsaka ako nahiga na.

"Ano ng gagawin ko?" Napabuntong hininga ako sa sarili kong tanong."Ano ba talaga ang nararamdaman ko? Bakit ba kase di ko mabasa ang kinikilos ni Austin nagmumukha tuloy akong tanga kakaisip".Isinubsob ko ang mukha ko sa higaan ko.

"Ah bahala na iisipin ko na lang na wala na! wala na! Kaya ko to matagal naman na yun sya ang nang iwan hindi ako".

Pagkatapos magmuni muni at kausapin ang sarili ay sa wakas ay nakatulog din ako.

Paggising ko ay naligo na ako at bumaba para magbukas ng shop,nagulat pa ako ng manibago sa itsura ng shop,kagabi lang ay di pa ayos yun pero ngayon ay ayos na ayos na yun.

Di ba sya natulog para ayusin to?

Tiningnan ko ang library at maayos na din yun,inayos ko na lahat ng aayusin.

Tinitingnan ko ang hagdan dahil di pa bumaba si Austin,baka tulog pa at napuyat kaya naman naglinis na lang ako ng mga table.

"Mikay!" Napatingin ako sa pinto ng marinig ang boses na yun.

"Mia! Anong ginagawa mo dito? Ang aga ah?"

"Ah oo haha sinundo ako ni Austin".

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.Napatingin pa ako sa gawing hagdan para masure kung si Austin ba talaga ang tinutukoy nya.

"Austin?" Pagtatanong ko kay Mia habang nakaturo ang mga daliri sa hagdan.

"Ah yeah! Nagemail sya sakin bigla at sinabi na maguusap kame".

Ow kaya pala nangingiti sya huh?

"Ah ganon ba okay". Ngumiti ako ng tipid sa kanya pero di ko pinahalata dahil mapapansin nyang may iba sakin.

"Hmm one classic coffe nga".Bigla ay sabi ni Mia kaya naman nginitian ko sya tsaka ko ginawa ang coffe.Habang ginagawa ko yun ay pumasok si Austin sa pinto at dere-deretso sa pwesto ni Mia.

"Lets talk in library come here".Kalabit nito kay Mia habang turo nito sa gawi ng library habang pinagpapatuloy ang paglalakad.

Di man lang ako binigyan ng kahit isang tingin as a goodmorning!

"Ow Mikay padala na lang dun ah!".Tumayo na to at tsaka naglakad papuntang library ,nginitian ko lang to habang tumatango.Nawala ang ngiti ng makapasok na to.

Tsk kelan lang ay pagusapan daw namin yung past then di lang ako pumayag past na ng iba ang sinamahan! Babaero! babaero!

Sinampal ko ng pisngi ko dahil naiinis na ako lagi na lang pumapasok sa isip ko yung sinabi nyang pagusapan ang about sa past.

Gusto ko naman talaga kaseng pagusapan yun,pero natatakot lang talaga ako.As if naman about talaga babalikan nya ako pag pinagusapan namin yun,tsaka as if naman kung babalikan ko pa sya tse!

Napaso pa ako ng mainit na tubig sa kakaisip ko,ang aga aga nawawala ako sa wisyo,di kumakalma ang utak ko lalo na pag iniisip ko na dati ay may gusto si Mia kay Austin ng malaman nga nito na magkarelasyon kame ang inaway ako nito kaya medyo di na kame naguusap pero magkaibigan pa din naman kame.

Bago pa ako makapasok ay narinig ko na ang tawanan nila kaya naman di na muna ako tumuloy dahil may costumer din naman na pumasok,tsaka sa saya naman ni Mia ay mukhang nakalimutan na nya ang kape nya!