webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantasy
Not enough ratings
77 Chs

Prologue: Awakening!

Someone's Pov

"Sir! the subject is moving!" Malakas na sigaw ng isang scientist nang makitang gumalaw ang taong nakakulong sa makapal na tube glass ng mahabang panahon. Natigilan ang lahat sa kanyang sigaw at sabay sabay na nagtungo sa kanya upang tingnan ang monitor na syang nakatutok sa silid ng subject.

"What the hell are you talking about?" Di makapaniwalang tanong ng kanilang boss habang nakatingin sa walang malay na subject.

"S-she..j-just moved. I swear! I saw her moved her head?" He said with stammering voice. The boss looked at him suspiciously and then look at the subject again. They waited for what he said to happen but nothing change. The subject was still unmoving as if it was long dead.

The boss sigh in irritation. Ayaw nya sa lahat ng niloloko sya lalo na sa ganito kaseryosong usapan.

"Do you wanna die!?" Galit na sigaw niya sa tauhan.

"B-but..!" Hindi alam ng lalaki kung anong sasabihin sa amo dahil galit na talaga ito. Naghalo ang kaba at takot na nararamdaman niya mula sa galit na amo Lalo at sa subject na siguradong nakita niyang gumalaw.

"Just shut your fucking mouth and better watch the subject closely. Understand?"

"Y-yes sir."

Bumalik sa ginagawa ang lahat at di nalang pinansin ang kanilang kasama na noon ay takot na nakatingin sa subject.

Ngunit hindi pa man siya nagtatagal na nakatingin sa monitor ay muling gumalaw ang subject. At sa pagkakataong iyon ay napatakbo na siya palayo sa monitor at takot na nagsumbong sa amo.

"S-ssir, she moved again..I swear..I really swear..look at her!" Hintatakot na sabi niya habang nakaturo sa monitor. Muli pa sanang magagalit ang amo ngunit nang mapatingin siya sa malaking monitor ay ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang kumilos ang katawan ng kanilang subject at waring nagising lang ito sa mahabang pagkakahimbing.

"What the hell..!" Di makapaniwalang bulalas niya at dagling sumigid ang matinding kaba sa kanyang dibdib.

Napasinghap naman ang ibang naroon at di rin makapaniwala sa nakita. Ang iba ay napaatras habang ang iba ay nagmadali nang umalis sa loob ng lab upang iligtas ang sarili.

"Sound the alarm!" Malakas na sigaw ng kanilang boss at nagkagulo na ang lahat. Hindi malaman ng lahat kung papanong kikilos ng tama sa hindi inaasahang pagkagising ng kanilang subject na matagal na nilang pinag-aaralan at ini-experiment. Hindi nila akalain na magigising pa ito dahil matagal nang patay ang katawan nito at halos wala ng gumaganang organs dito dahil nakafroze ito sa mahabang panahon. At ang paggising nito sa di inaasahang pagkakataon ay siguradong maghahatid sa lahat ng panganib.

"Call all the securities and clear the area right away!" Muling sigaw ng boss at umalis narin sa loob ng lab at nagtungo sa secret door na siyang kinaroroonan ng iba pang tauhan upang pag aralan ang subject.

"This is impossible! How can she be alive after all these years?" Halos di makapaniwalang bulalas naman ng isang tauhan na syang pinapanood ang nangyayari sa ibaba kung nasaan ang subject.

"Dr. Krox, what happened to her?" Tanong ng boss na di parin makapaniwala sa nakikita. Napatingin naman sa kanya ang tinawag na doctor.

"I don't know how to explain this Dr. Sakh but after we injected the wargon blood, her body responded to it. It seems like they were compatible with each other and maybe it was the wargon's blood why she woke up after so many years of being dead." Di makapaniwalang paliwanag ng Doctor.

Napatiim bagang si Dr. Sakh sa sinabi ng tauhan.

"We have to stop her before she reach the ground. We have to kill her at once!" Anang doctor na ikinagulat ng lahat.

"B-but Dr. Sakh, we invest our lives for her. We can't kill her just like that, besides we don't know yet of what will she capable of unless she leave the glass and walk to the ground." Sansala ni Dr. Krox.

Galit na napatingin sa kanya ang pinakamataas na doctor.

"If she reach the ground, she will kill us all! She's not human anymore, she may be look like that innocent girl but inside her was a demon that we want her to become. That's what we did to her and if she saw us I'm telling you Dr. Krox, you will never see your family anymore." May pagbabantang wika ng kanilang boss na nagbigay kilabot sa lahat.

"B-but...she's your-!"

"Enough! Get the fucking lazer and kill her brain. Now!" Sigaw ng boss at tarantang nagsitinag na ang lahat ng naroon. Lahat ng magagaling sa trabahong iyon ay nagpakitang gilas kung papano nila mapapatay ang tila isang anghel na babae na nasa loob ng glass. Nakamulat na ang mga mata nitong kulay purple at waring nagtataka sa kanyang kinalalagyan. Punong puno ng yelo ang tube glass nito ngunit waring mas gusto pa nito iyon. Napangiti pa ito at waring batang naglaro sa loob ng glass.

"She look so innocent and beautiful." Di napigilang wika ng isang scientist na nagpapagana ng lazer na syang ilalagay nila sa ulo nito upang durugin at sunugin ang utak nito dahil iyon lang ang tanging paraan upang mapatay ito.

Nang maiposisyon na ng lahat ang kanilang gagawin ay natigilan sila nang makitang nakatayo na ang babae sa glass tube nito at nakatingin sa kinaroroonan nila gayong invisible room ang kinalalagyan nila.

"Is.. Is she staring us? Did she saw us? She can see us?" Sunod sunod na tanong ni Dr. Krox.

Nangilabot ang lahat ng naroon. Dahil mataman silang tinititigan ng kanilang subject.

Walang nakakilos sa kanila at waring naghintay lamang ng gagawin ng babae at ganun nalang ang panghihilakbot nila nang ngumisi sa kanila ang babae na parang may masamang binabalak na kademonyuhan. At napasinghap pa silang lahat ng sa isang pitik lang nito ay lumagitik at nagcrack ang makapal na salaming bumabalot rito.

"Kill her now!" Ang sigaw na iyon ang nagpagising sa mga tauhan ni Dr. Sakh na waring napako na sa kanilang kinatatayuan. Agad silang kumilos upang patayin ang kanilang mapanganib na subject.

Ngunit ganun nalang ang pagkagulat nila ng bigla nalang maputol ang lazer tube na pinapagalaw nila upang pumatay rito at halos magimbal sila ng makita ang babae na hawak ang naputol na bahagi ng lazer na para lang itong maliit na sanga gayong halos 500 pounds ang bigat niyon.

"Get out now! Save your lives!" At nagkagulo na sa loob ng underground lab. Ngunit dahil sa pagpanik nilang iyon ay lalo lang ding natrigger ang babae na makita sila.

Kitang kita ng lahat ang ginawa nitong pagtalon mula sa mababang mesa hanggang sa makasampa ito sa invisible glass screen monitor nila at kanya kanya silang takip ng mukha nang mabasag nito ang salamin at tumambad ito sa kanila.

"Hello everyone!" Gulat na napatitig na lamang sila dito ng magsalita ito. Hindi nila iyon inaasahan.

Nakakapagsalita ito.

"Y-you can talk?" Utal na tanong ni Dr. Sakh.

Napatingin sa kanya ang babae at pumaling pakaliwa at kanan ang ulo nito na waring pinag aaralan ang kabuuan ng doctor.

"Dr. Sakh. Don't you want to welcome me?" Lalo pa silang napamangha dahil kilala ng babae ang kanilang boss.

"Y-you know me!"

Iginala ng babae ang kanyang paningin sa paligid saka muling tumingin kay Dr. Sakh.

"You want to kill me. Tss! But I'll kill you first." Nakangising sabi nito na nagbigay kilabot sa lahat at ang sumunod na nangyari ay nagpagimbal sa lahat.

Dagling nagbago ang anyo nito mula sa maamo at inosenting mukha ay nagkaroon ito ng mga itim na ugat sa gilid ng pisngi at leeg na umabot sa mga mata nito. Ang mga mata nitong nakakaakit tingnan ay binalot ng purong kulay itim. Ang balingkinitan at sexy nitong katawan ay biglang lumaki at humaba. Humaba rin ang mga pangil nito at nabanat ang bibig na halos umabot sa teynga nito. At halos di malaman ng lahat ang gagawin nang unti unti itong maging wargon.

Nangyari na nga ang di dapat mangyari.

Ang itim na mga mata nito ay unti unting naging pula habang mas kumalat pa sa mukha at katawan nito ang itim na ugat na animoy sanga ng mga puno.

Ang magaganda at malantik nitong mga kamay ay nagkaroon ng matutulis at mahahabang kuko.

"You'll die... IN MY HAND!" Sigaw nito na nagpahumindig sa lahat.

Nakakapangilabot ang boses nito na parang tatlong tao ang nagsasalita ng sabay at sa itsura nito na waring demonyo talaga ang kaharap nila.

"Allyna... " Di makapaniwalang sambit ni Dr. Sakh habang nakatingin sa nakakakilabot na nilalang sa kanyang harapan.

Ngumisi lang sa kanya ang subject at ang sumunod na nangyari ay syang nagpagimbal sa lahat.

****

WARGON - It's a combination of a wargs and a night vampire.

Okay, that wargon thing was not true.. I just imagine it and I ended up with a wargs and vampire..

Wargs are like giant wolf with a creepy face in a greek movies..

-Itsmejollytheminion