webnovel

What the Eyes Can't See

Maria Amara was forced to work for the Sarmiento's in the stead of her sick mother. Her life as a maid and a student was then peaceful, not until Sebastian Sarmiento, the only son of the Sarmiento's, went home for a certain reason. Love bloomed. But fate was not on their favor. The star who promised to stay, later lose its light after a painful truth was revealed. Years passed, their paths crossed again. Would fate favor them this time? Would the heart see what the eyes can't? Started: August 18, 2020 Ended:

tyrmrcdjs · Urban
Not enough ratings
5 Chs

Kabanata 1

"Ate, you're here! You're really here!"

I almost lost my breath when Amaya hugged me on my neck like her life depended on it. She keeps on wriggling like a child who hasn't seen her mom for a very long time. Well, I can't blame her. It's been five, long years since we last saw each other.

"Yes, I am. Teka lang, hindi na ako makahinga," reklamo ko nang maramdaman kong nawawalan na talaga ako ng hangin.

Agad niya naman akong binitawan at nagpeace sign pagkatapos. She didn't change one bit except on the physical aspect. She looks more mature and more beautiful now. She grew up really fine and I almost got jealous of how much she resembled our mom. Sa aming dalawa ay siya ang tanging nakakuha ng pisikal na anyo nito.

"Sorry, masaya lang. Omg ate, look at you. Maganda ka na dati pero mas lalo kang gumanda ngayon." Talagang umikot pa siya para tingnan ang kabuuan ko.

"Look how fair your flawless skin is. And your hair omg, you didn't cut it? Hanggang bewang mo na ah. Ang lambot at ang bango pa. Parang dati nahihirapan pa tayong bumili ng shampoo at conditioner. Naalala mo nung katas lang ng niyog aasng nilalagay ni inay sa buhok natin?" tuwang tuwang wika ng kapatid ko pero agad ding natahimik nang mapagtanto niyang may nabanggit siyang hindi dapat banggitin.

And then silence followed.

"I'm sorry ate, ang daldal ko. Tingnan mo 'tong bahay natin ngayon, sobrang ganda na. Salamat sa padala mo, ah, talagang ginamit ko yun para dito sa dream house natin."

I smiled when I realized what she said was true. Namamanghang tiningnan ko ang labas ng bahay namin ngayon at halos maiyak ako nang mapagtantong natupad ko ang pangarap naming magkakapatid na magkabahay ng ganito. Kung sana ay kasama pa namin si nanay.

Iwinaksi ko ang iniisip at inakbayan si Amaya habang namamangha pa ring tinitingnan ang bahay namin ngayon. I almost didn't believe this is now our house when I got out of the tricycle earlier. Ilang ulit ko pang tinanong si manong driver kung tama ba ang address na pinaghatiran niya sa akin.

It is a modern two-storey house located near the boasting miles of glorious coastline here in Caticlan. Our house is facing the pristine and majestic blue waters where I can see the fine, white sand from here stretching for about 2,524 feet long along the coast.

I closed my eyes as I heard the crashing sound of the waves. I love how it calmed my whole being. This whole place is screaming tranquility.

"Halika ate, pasok na tayo," anyaya ni Amaya.

I got more amazed when we went inside our house. Moderno ang disenyo ng loob ng bahay at napakalinis nitong tingnan sa pinaghalong kulay na puti at abo. Ako ang pumili ng kulay nito. Gusto ko kasi iyong minimal lang para hindi masakit sa mata. Nabaling ang tingin ko kay Amaya nang magsalita siya.

"Ate, libangin mo muna ang sarili mo sa pagtingin tingin, iinitin ko muna iyong hinanda kong pagkain. Gutom ka na siguro."

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot. Iniwan niya akong mag-isa sa sala. Katulad ng sinabi niya ay inilibot ko ang paningin sa paligid. Minimal na dekorasyon lang din ang nakasabit sa mga dingding.

May mangilan-ngilang nakaframe na mga litatro din akong nakikita. Tiningnan ko iyon isa isa. Napangiti ako nang makita ang unang larawan. Sa larawang iyon ay magkayakap kami Amaya at parehas kaming nakangiti ng malaki sa camera. Kitang kita ko pa ang bungi niya sa ngipin dito. Walong taong gulang pa lang ata siya nito kung hindi ako nagkakamali, habang ako naman ay nasa ikaapat na baitang sa high school.

Dumako ang tingin ko sa pangalawang larawan. Napawi ang ngiti ko nang makita kung sino iyon. Ang nanay namin.

"Ate, nainit ko na, kain na tayo."

Napahinga ako nang maluwag nang marinig ang tawag ni Amaya. Akala ko ay kaya ko nang tanggapin ang mga nangyari dati ngunit hindi pa rin pala. Sariwa pa iyong sakit kapag naaalala ko ang mga iyon na parang kahapon lang iyon nangyari.

May mga nakahanda nang pagkain sa mesa nang makarating ako sa kusina. Inanyayahan ako ng kapatid ko na umupo paharap sa kaniya. Nang makapagsimula kaming kumain ay nagsimula na din siyang magkwento sa mga nangyari dito sa Caticlan habang wala ako.

Hindi naman importante ang mga sinasabi niya katulad na lamang noong pagsama ng dating Kapitan namin dito sa ibang babae, ngunit matiyaga pa rin akong nakikinig sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kadaldalan niya. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam muna akong magpahinga. I got really tired sa flight kahit na mahigit isang oras lang yun. Oh, how I hate motion sickness.

I took a quick bath and dived on my bed after blowdrying my hair, to get some sleep.

I got woken up by the soft knocks on my room's door. I immediately checked my phone to check the time and I almost couldn't believe it's already seven in the evening. Alas tres pa kasi ng hapon nung makatulog ako kanina. Ang haba ng tulog ko.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. It was Amaya asking me to eat dinner with her. I told her I'll be there in a few. Pumunta muna ako sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. After kong mag-ayos ay kinuha ko ulit ang phone ko dahil nakita kong umilaw ito. Someone probably texted.

I checked who the sender was and found out it was Giohan. He was asking if I arrived safely and how I was. I typed a reply saying yes and I'm fine and finally went downstairs.

I found Amaya setting the table. She smiled when she saw me coming and motioned me to sit on the chair, facing her. I immediately followed and then we started eating.

"How's school? How have you been?" I asked her in the middle of the meal to break the deafening silence.

Agad naman siyang ngumiti at itinigil muna ang pagkain.

"I've been fine ate. Gagraduate na ako sa March, that's four months from now. Salamat sa pagpapaaral sa akin. I've been studying really really hard kasi ayaw kong i-disappoint ka."

Napangiti naman ako sa narinig. If there's one thing I'm lucky about, it's having a younger sister like Amaya. She's on her last year in college, taking the course Business Management.

"Really? That's great, I heard you're on the dean's list. Good job, Amaya. No boyfriend?" tanong ko na ikinalaki ng mata niya.

"A-Ahmm... About that ate, ano.."

"It's fine with me. You're not a little girl anymore, alam mo na kung ano ang tama at mali. Just don't let your love ruin your studies, diyan ako magagalit sayo."

Nagulat ako nang tumayo siya mula sa upuan niya at tinakbo ang kinaroroonan ko para yakapin ng mahigpit.

"I thought you'll get mad. Thank you so much ate, I promise I won't fail you," naiiyak na wika niya habang yakap yakap pa rin ako.

I hugged her and started tapping her back softly to calm her down. I'm not in the position to snatch her happiness away from her. Siya nalang ang natitira kong pamilya dito sa mundo. I trust and love her enough to let her do what she wants with her life.

After eating, we decided to spend more time talking about what happened when we're not together. Later on, we both got tired and went to each other's room to take a rest.

I'm now lying on my bed, staring at the ceiling like there's something in there that interests me. Hindi ako makatulog.

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang napag-usapan namin ni Amaya kanina. She's in love, huh. I hope she'll be really happy with the man she's with. I don't want her to suffer like me back when I was young like her.

I closed my eyes and relaxed my mind.

I wonder kung kamusta na ang mga kaibigan ko ngayon. I wonder kung nagtagumpay din ba sila sa buhay, kung may sarili na ba silang mga pamilya. Nandito pa din kaya sila Caticlan?

I took a deep breath when someone I've been trying to forget for a very long time crossed my mind.

I wonder if he's still in that place. I wonder if he's now married.

I didn't realize I already slept while reminiscing the memories I had 10 years ago.

Nagising ako kinabukasan sa tunog ng mahinang paghampas ng mga alon. Dinig ko din ang masasayang huni ng mga ibon. Malamig at presko ang pang-umagang hanging dumadampi sa balat ko. Marahan kong kinusot ang nanlalabo pang mga mata at tiningnan ang nakabukas kong bintana na nakapwesto paharap sa malawak na karagatan.

Kitang kita ko ang may kataasan nang sikat ng araw. Maganda at maaliwalas ang panahon ngayon kaya mas lalong tumingkad ang kagandahan ng baybayin. Napangiti ako nang mapagtantong hindi din naman pala masama ang pag-uwi ko dito.

Matapos akong makaligo at makapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng silid. Nahagip pa ng mata ko ang nakasabit na orasan sa dingding. Mag-aalas nuebe na pala ng umaga.

"Good morning ate, kamusta ang tulog mo?" tanong ni Amaya pagkakita sa akin.

"Ayos lang, tama nga ang desisyon mong dito ipatayo itong bahay natin. Napakatahimik ng paligid at napakapresko din ng hangin," sagot ko at umupo sa mesa. Nagpasalamat ako sa kaniya nang ibinigay niya sa akin ang tinitimplang kape. May nakahanda na ding agahan sa mesa.

Bigla kong naalalang paborito niya palang gawin ang pagluluto. Nagtaka nga ako kung bakit hindi HRM ang kinuha niya. Sinabi niya naman sa akin na mas gusto niyang magtayo ng sarili niyang negosyo kaya Business Management ang pinili niyang course.

"Naalala ko kasing paborito mong gawin ang panonood sa mga bituin. Maaliwalas ang kalangitan sa lugar na ito at magandang magstar gazing. Nang malaman kong binibenta ang lupang ito ng may-ari ay agad ko itong binili," paliwanag niya.

Napangiti ako ngunit agad ring napawi iyon. Totoong kinahiligan ko ang panonood ng mga bituin dati ngunit nagbago na iyon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari.

Nang matapos kaming kumain ng agahan ay nagpaalam ako sa kaniyang maglibot libot muna. Nais kong malaman kung hanggang saan umaabot ang baybayin dito.

Nagbihis lang ako ng isang puting summer dress at nagsuot ng malaking bulaklaking sumbrero. Bahagya akong napatawa nang makita ang itsura sa salamin. Mukha akong turistang unang beses lang nakapunta dito.

"Amaya, aalis na ako," sigaw ko para marinig niya ang pamamaalam ko. Nasa kusina kasi siya, naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Mag-iingat ka ate, wag kang masyadong lumayo," sigaw niya pabalik.

Inumpisahan ko nang lakbayin ang malawak at mahabang baybayin. Napakasarap sa pakiramdam ng pagtama ng mapuputi at pinong-pinong buhangin sa paa ko. Nakakakiliti iyon ngunit tila ba ay minamasahe ng mga ito ang mga paa ko. Upang mas lalo ko iyong maramdaman ay tinanggal ko ang suot na flat sandals at binitbit iyon sa kaliwang kamay. Ngayon ay nakapaa na ako habang naglalakad.

Ginawaran ko ng tingin ang paligid. Kanina ko pa napapansing walang ibang kabahayan dito maliban sa bahay namin. Pribado ba ang lugar na to? Hindi ko pa naitatanong kay Amaya.

Nang lingunin ko ang pinanggalingan ay nagulat ako nang mapagtantong malayo-layo na din pala ang nalalakbay ko. Medyo maliit nang tingnan ang bahay namin mula dito. Hindi ko na kasi alintana dahil masyado akong nalilibang sa pagmamasid sa paligid. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin sa may di kalayuan ang isang napakaganda at pamilyar na resort.

Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang pagmamay-ari ng pamilya nina Eros. May tao pa kaya doon ngayon?

Dala ng matinding kyuryosidad ay binaybay ko ang daan papunta doon. Umakyat ako pataas sa may bandang lupa dahil nandoon ang gate papasok sa resort. Nagulat ako nang makitang bukas iyon. So may tao nga dito?

Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Ilang beses na akong nakapunta dito noon, sampung taon na ang nakakalipas, ngunit ganun pa din ang itsura ng resthouse sa loob. Parang naalagaan ito nang mabuti. Sino kayang tumitira dito ngayon?

Napakunot ang noo ko nang makitang may umahong lalaki mula sa pool, sa may di kalayuan mula sa kinatatayuan ko. May tao nga!

Nakita kong kinuha nito ang tuwalyang nakasabit sa recliner chair at inumpisahang punasan ang tumutulong tubig mula sa ulo niya at katawan. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya ngayon sa akin. Ngunit biglang bumilis ang pagkabog ng puso ko nang mapansin ang pamilyar na malaking birthmark sa may kanang bahagi ng likod niya.

Humarap ang lalaki nang maramdamang may nanonood sa kaniya. Parehas kaming natigilan nang magtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay bigla ding tumigil sa pag-ikot ang mundo. Para akong mabibingi sa mabilis at malakas na pagtambol ng puso ko. Nahirapan ako bigla sa paghinga.

"Maria," mahinang usal niya sa pangalan ko. Halata ang pagkabigla sa mukha niya. Tila hindi siya makapaniwalang nandito ako ngayon sa harapan niya.

I can't move as well. As if my feet were rooted on the ground. As if my whole body got paralyzed. Hindi ako pupwedeng magkamali, siya iyon. Pero mas napako ang mga paa ko sa kinatatayuan nang marinig ang boses ng isang humahangos na bata.

"Papa!" masayang tawag nito sa lalaki. Kakalabas lang nito sa loob ng bahay. Nakasuot ito ng ternong sando at shorts at may hawak pa itong salbabida na tila sabik na sabik siyang lumangoy sa pool.

Akala ko ay wala nang mas ikakagulat pa ang natutuklasan ko sa mga oras na ito ngunit nagkakamali ako nang marinig ang boses ng isang babaeng nagmamadali sa paglabas. Tila hinahabol nito ang kakalabas lang na batang lalaki.

"Adonis, wait! Papa's taking a swim, you can't swim yet, baby," malumanay ngunit may pagkabahalang wika nito.

Nalipat ang tingin ko mula sa bata na ngayon ay nakalapit na sa gulat pa ring lalaki na tinatawag nitong papa kanina, patungo sa kakalabas lang na babaeng nakasuot ng apron at may hawak hawak pang sandok sa kaliwang kamay. Tila nagluluto ito kanina bago hinabol ang bata palabas. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtanto ko kung sino iyon.

Nakita ko ding napaawang ang mga labi niya nang makita ako. The word surprised would be an understatement, she was astounded like she can't believe who she just saw. Like I'm some kind of a ghost.

"M-Maria," she then whispered my name.