webnovel

Unknown Sender

<December 5>

PAGKA-UWI KO sa bahay ay mabilis akong sinalubong ni Elijah. Sa pagkakataong ito, hindi dahil may dala akong pagkain kung hindi dahil naghihintay ito ng balita mula sa akin.

Nangako kasi ako kaninang umaga na sasagutin ko na ang mga katanungan na ilang araw niya nang kinukulit sa akin.

"Hinay-hinay lang, Jah. Kumain muna tayo ng hapunan. Binigyan ulit ako ni boss ng ulam natin, oh." sabi ko atsaka pinakita ang plastic na dala ko.

Mabuti na lang nakuha ito ang atensyon ni Elijah. Tuwang-tuwa ito na kinuha mula sa kamay ko atsaka hinanda ang lamesa. Pinanood ko siya saglit bago ako pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkalabas ko ay nakahanda na ang pagkain namin.

Umupo ako sa tapat ni Elijah na mukhang hinihintay ako. Mahina akong tumawa nang makita ko ang mga mata ni Elijah na nanghihingi ng kasagutan sa akin. Hindi ko siya pinansin atsaka sumubo na lang ng pagkain.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya nagtaka ako. "Hindi ka man lang nagpray," reklamo niya sa akin.

Nagkibit-balikat ako dahil ayoko nang sagutin ang sinabi niya. Hindi ko kasi makita at maintindihan ang punto ni Elijah kung bakit kailangan pa magdasal. Considering sa lahat na nangyari sa amin, hindi ko lang talaga maintindihan. Pero ayoko rin naman makipagtalo sa paniniwala niya. Siguro, sadyang nawalan lang ako ng pag-asa kaya hindi na ako nag-aabala pa. Natuto ako simula bata pa na ang sarili ko lang ang mapanghahawakan at makakatulong sa akin.

"She is being targeted" panimula ko.

Napakunot ng noo si Elijah. Malamang nagugulahan kung ano ang pinagsasabi ko. "Who?" tanong niya.

"Cassey" casual na sagot ko bago ako sumubo ulit, kahit na sa totoo ay hirap na hirap akong isipin ulit ang mga bagay na maaaring mangyari nga sa kanya.

"Huh?"

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor atsaka tinignan si Elijah sa mata. "May naghire kay Mar, isang kriminal dito sa atin, na patayin o saktan si Cassey. Aksidente ko lang din itong narinig at nalaman. Kaya ko lang din nalaman kung saan siya nakatira dahil sa koneksiyon ko kina Bryan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil baka mamaya ay madamay pa tayo. Ayoko naman na mapahamak ka pa lalo na ngayong nananahimik na tayo. Delikado pa lalo na dito tayo nakatira."

Tumahimik ako saglit para pagmasdan ang magiging reaksiyon ni Elijah ngunit mukhang gulat na gulat ito sa narinig nito. Hindi ito makapaniwala sa nalaman nito.

Bumuntong hininga ako. Hinayaan ko na ma-absorb niya muna ang sinabi ko kaya naman kinuha ko ulit ang kutsara't tinidor ko para sana sumubo ulit. Pero bago pa pumasok sa bibig ko ang kanin ay may tanong na kaagad sa akin si Elijah.

"Anong plano mo? Sigurado naman akong hindi mo lang hahayaan na ganoon 'yun diba?"

Ngumiti ako ng mapait bago ko binaba ang kamay ko na may hawak ng kutsara.

"Nagsulat ako ng letter kanina doon sa lalake na nakita natin noong nakaraang gabi na kasama ni Cassey. Siya na ang bahala sa kanya." sagot ko.

"Paano mo naman nalaman kung sino yung lalake?"

"I have my ways" mabilis kong sagot.

"Then, what if something bad still happen?"

Napatigil ako sa tanong ni Elijah. Yumuko ako atsaka pinakalma ang nanginginig kong kamay. There's no way, right?

Umiling ako, "Wala na tayo doon. Nagawa ko na ang parte ko, its now up to them."

Iyan ang sinasabi ko kay Elijah pero sa totoo lang ay wala pa rin akong tiwala sa pinagbigyan ko ng letter kung saan nakapaloob ang mga pababala patungkol sa narinig at nalaman ko noon. Ngunit, gusto ko rin ipaalala kasi sa sarili ko na hindi naman ako orihinal na parte ng buhay ni Cassey at wala naman talaga dapat akong ipaki-alam sa away ng pamilya niya sa pamilya nina Martin. Ayokong lumampas sa boundary kung saan lang naman talaga dapat ako.

Haaa...

Sana walang ibang masamang mangyari sa kanya, dahil ito lang at ang huling pagkakataon kung saan makiki-alam ako sa buhay ni Cassey.

I already did my role, right?

This should be enough...

This concludes the volume 3. 4 volumes left. I hope you could stay and continue reading the story until the last volume.

Your votes and comments are highly appreciated as always. It would definitely cheer me up! I also would like to hear your thoughts about the character named Elijah and Chloe~!

Enjoy Reading!

ZelkyieAnncreators' thoughts