webnovel

Reality

<December 1>

UMAGANG-UMAGA ay nakakunot na ang noo ko nang bumungad sa labas ng bahay namin si Ian. Ano naman ginagawa nito dito?

"Chill ka lang. Gusto ko lang ituro sa'yo ang bahay nung target ni Martin. Baka sakaling matulungan mo siya sa pagpla-plano"

Lumaki ang mata ko sa narinig ko atsaka ko siya tinitigan ng masama. Napalingon ako sa likuran ko sa takot na narinig ito ng natutulog kong pinsan.

"Ikaw ba ay buo pa? Umalis ka na dito, wala akong pake kung tutulungan mo man 'yung Martin o hindi pero h'wag niyong isipin na tutulong ako."

Akala ko susuko na ito at aalis pero nakangisi lang ito na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Mabilis lang to. May kasama akong magda-drive sa atin papunta doon. Baka sakaling magbago isip mo kapag nakita mo sino ang target. Ang daming dumidikit na ngayon kay Martin nagbabakasakaling makuha ang pabor nito. Ito na pagkakataon natin oh!"

Tinignan ko siya ng ilang segundo bago ko napagdesisyunan na lampasan siya. "Sinabi ko na sa'yo na wala akong panahon diyan."

Tumawa lang ito atsaka ako inakbayan. Mabilis ko naman itong pinilipit papunta sa likuran niya. "Don't test me, Ian" pabala kong bulong mula sa likod niya.

Lumingon ako sa likod ko ulit para siguraduhin na hindi nakatingin si Elijah. Nang masigurado kong wala naman ito ay inalis ko na ang pagkawak sa braso ni Ian atsaka siya tinulak.

Naglakad na ako ulit pero tinignan ko ng masama si Ian sa huling pagkakataon bago patuloy na umalis na sa bahay namin.

Pero habang palayo ako nang palayo ay naalala ko kung sino ang binanggit na pangalan ni Ian kagabi. Naisara ko ng mahigpit ang kamao ko. Nang nilingon ko si Ian ay naglalakad na ito papunta sa mga kasamahan niya.

Tch.

---

"Ang aga mo ngayon kuya ah?" bati sa akin ni Elijah pagkapasok ko sa bahay.

Ilang segundo lang ay napatingin ito sa plastic na hawak ko. "Oh! Pagkain ba ulit yan?!"

Ngumiti ako atsaka inabot sa kanya. "Oo. May nakilala akong may-ari ng isang repair shop. Tinulungan ko ito kanina at nagbabakasakali na tumulong daw ako doon paminsan-minsan. Siyempre, tinaggap ko kaagad."

"Hala! Seryoso?! Ang galing mo kuya!" natutuwang sabi nito.

"Sige na at kainin mo na 'yan. Mamaya ay may pupuntahan pa ako kaya napaaga rin ang uwi ko"

Taka niya akong tinignan sa huli kong sinabi. Napaisip naman ako saglit bago ako ngumiti. "Gusto mong sumama?" pag-aya ko sa kanya.

Pumalakpak ito sa tuwa. "P'wede? Saan ba yan? Nakaka-excite naman!" Tinawanan ko na lang ang reaksiyon niya.

Matapos namin kumain ng hapunan ay naglakad kami papunta sa isang sakayan ng tricycle para magpahatid sa isang subdivision.

"Saan 'to, kuya?" tanong ni Elijah pagkababa namin sa tricycle.

Hindi ko siya sinagot atsaka naglakad lang patungo sa pinuntahan nina Ian kanina. Patago kong sinundan sila Ian kaninang umaga dahil gusto kong masigurado kung pareho ba ang nasa isip ko na Cassey sa target ni Martin. Ngunit, ang lugar lang ng bahay ng target nito ang natagpuan namin at hindi ang mismong target. Kaya ngayong gabi nagbabakasakali akong makita kung sino ang nakatira sa lugar na 'yun.

Habang naglalakad ako sa subdivision ay doon ko lang narealize kung gaano kaswertehan ang mga tao ang nandito para magkaroon ng isang bahay na gawa sa isang bato. Napupuno na naman ng inggit ang puso ko tuwing pinapasadahan ko ng tingin ang mga bahay na nakatayo at tinitirhan ng iba't-ibang pamilya.

Kaninang umaga ay tila wala lang ito sa akin. Siguro dahil masyado akong nakatuon lang sa pagsunod kina Ian at paniniguradong hindi nila mapansin na nakasunod ako.

Ngunit ngayon ay tila ba mas sinasampal sa akin ng lugar na ito kung gaano kaiba ang mundo ng mga taong nakatira dito sa subdivision sa mundo namin sa lugar na tinitirhan namin sa squatter area.

Napangiti ako ng mapait.

"Kuya" natauhan ako nang biglang tawagin ako ni Elijah. Doon ko lang din napansin na mahigpit na pala ang pagkahawak ko sa kamay nito.

"Sorry"

Umiling ito na para bang sinasabi na okay lang. "Ano ba ginagawa natin dito?"

Napabuka ako ng labi atsaka doon din ako napatanong sa sarili ko. Oo nga, ano nga ba ang ginagawa namin dito?

Para ba mas kaawaan ang sarili namin? Para ba ikumpara ang buhay ko sa buhay ng mga taong nakatira dito? Para ba mas ibaba ko pa ang tingin ko sa sarili ko?

Hindi ko rin alam. Para bang may sariling utak kasi ang katawan ko at gusto kong puntahan ulit ang lugar na ito. Nagbabakasakali na may matutunan ako.

Ha! Siguro, 'yun ay ang katotohanan na ibang-iba talaga kami sa mga taong andito.

"Kuya! Kuya! Si Cassey ba 'yun?" turo nito sa isang babae na naglalakad palabas ng bahay.

Lumingon ako sa tinuturo niya at hindi ko alam pero halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko ito.

"Ah. She's really like the sky" bulong ko.

Hindi ko pinansin ang paghagikgik ng pinsan ko sa gilid. Patuloy ko lang pinagmasdan si Cassey na naglalakad. Para ba akong naestatwa sa lugar na kinatatayuan ko. Halos nakalimutan ko na rin huminga.

She's so stunning, enchanting, charming, astonishing, breath-taking, dazzling, and brilliant. I could almost list all the synonym of beautiful just to describe her in her loose shirt and shorts. However, it wouldn't still be enough to state how fine she is.

Siguro, pagkatapos ng gabing ito ay ilang kanta ang maisusulat ko na tungkol lang sa kanya. Ilang litrato siguro niya ang mada-drawing ko.

"Are you crying, kuya?" nagtatakang tanong ni Elijah sa akin.

Mabilis kong pinunasan ang tubig na nasa pisngi ko. "It's just that it's weird that both of us are living in the same planet and yet it feels like we still live in a whole different world. This is... so frustrating and unfair. Ang swerte-swerte niya pero bakit ganoon ang kulay ng mga mata niya? Bakit parang ang lungkot nito at tila ba lahat ng problema sa mundo ay bitbit nito?"

Napatingin din si Elijah kay Cassey na patuloy na naglalakad palayo habang may kung ano-anong kinakalikot sa cellphone nito.

"Talaga?" bulong ni Elijah. Mukhang hindi niya mapansin ang napansin ko kanina.

"Pero kuya? Paano mo nalaman bahay ng crush mo?" tanong nito dahilan para maalala ko ang narinig ko kahapon.

Habang palayo ng palayo si Cassey ay doon ko lang narealize kung sino ito at bakit ko rin nalaman ang lugar na ito.

Fuck! Of all places, why... is she here?!