webnovel

Locked

[ D I V I N E ]

<November 23>

PABAGSAK KONG isinara ang pintuan ng kwarto ko. Kaagad ko kinuha ang unan ko para takpan ang mukha ko gamit 'yun.

I screamed.

Sumigaw ako para ilabas ang inis, galit, pagkabigo, lungkot, at sakit na nagkahalo-halo na sa kalooban ko. Sumigaw ako hanggang sa maubusan na ako ng hininga. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

Nang maubusan na ako ng luhang i-iiyak ay wala akong ganang nakatitig lang sa pader. Hinahayaan na lumipas ang oras.

They say, time heals, but I wonder when?

I wonder why it doesn't work the way I envisioned it? I wonder why nothing goes the way I've wanted?

Maya-maya lang ay may narinig akong pagkatok sa kwarto ko. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko atsaka tumingin sa salamin para mag-ayos.

"Po?" sagot ko habang sinisiguradong hindi halata ang pag-iyak ko.

"Hindi ka pa ba kakain, anak?" malumanay na tanong ng nanay ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko atsaka saglit na napalingon sa may pintuan. Naramdaman ko ang kaunting pagkirot ng puso ko.

Why is she always so nice and sweet? What does she sees in me for her to love me like how she loves her real daughter? I'm not even supposed to be part of their family, but why?

Why does it feel like it's still not enough for me?

"Sige po. Lalabas na rin po ako maya-maya" sagot ko.

"O'sige. Ihahanda ko na sa mesa ang pagkain mo, ah" sabi niya bago ko narinig ang mga yapak ng paa niya palayo.

Kumuha ako ng damit atsaka nagpalit ng pambahay. Nagsuklay na rin ako para pagkalabas ko ay sigurado akong presentable naman ako.

Pagkarating ko sa kusina ay naabutan ko si Seya. Ngumiti ako sa kanya pero mabilis ko rin iyon binawi pagkatalikod niya. Tahimik akong umupo at kinain ang nakahandang pagkain. Hindi ko pinansin ang malalamig na titig ng kapatid ko.

I know... she hates me.

She's not doing anything harmful to me but her dagger-like stares surely could kill someone.

Tumingala ako atsaka tinitigan siya pabalik. Ngumiti ako sa kanya ng matamis, "Kumusta kayo ng manliligaw mo?"

Kumunot ang noo niya, malamang nagtataka bakit ko iyon tinanong. "Kung ako sa'yo, ireject mo na 'yun. Halatang may balak lang 'yun na gamitin ka" pagbibigay ko ng advice sa kanya.

Pinaikot niya ang mata niya. "What do you know?" malamig nitong sabi bago ito naglakad palabas ng kusina.

"I know, since I do it everytime" pabulong kong sabi. Nagkibit-balikat ako atsaka sumubo ulit ng pagkain. If she doesn't do what I told her, it's her lost.

Matapos kong kumain ay nagscroll na lang ako sa twitter. Siguro dahil panay search ako tungkol kay AJ ay puro tweets patungkol sa kanya ang nasa feed ko. Madalas ay puro clips nina Cassey ang nakikita ko.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng mapait. I have to admit it, they do look so good together. Kung hindi ko siguro kilala at kaibigan si Cassey ay baka iba na ang ginawa ko. Baka hindi ko mapigilang ang sarili ko sa pag-gawa ng madalas kong gawin.

Inaamin ko, I'm a manipulater and a deceiver.

What can I do? Ever since I was a child, people were the one who deceives me. All I had to do was do the same what they did to me. It's the only thing I know that could protect me.

Hindi ko alam kung bakit tumutulo na naman ang luha ko, tinitignan ko lang naman ang litrato ni AJ at Cassey. I know its for AJ's career. Once he become more famous and successful, I thought maybe he could also help me to easily get in that industry.

Yes, that's the only reason why I dated him.

But, I wonder why...

Why do I feel hurt?

Nagulat ako nang makita ko ang pangalan ni Ronan na nagtext ito sa akin.

Napangiti ako ng mapait habang tinitignan lang ang pangalan niya. Iniisip kung babasahin ba ang tinext niya o hindi.

I dated this guy, because I saw how he pity me when I was crying trying to stir up the emotion of the other person who was trying to take advantage of me. I immediately knew that Ronan was an easy guy to manipulate and use for.

Just as how I planned, I got him. He became my shield from the people who were trying to criticize me for being an adopted child of a wealthy family.

He was such a nice and sweet guy. He was supposed to be someone who would help me, when he got to know who I really was. He was supposed to be my strength. But, I didn't know that he was also the type of guy who would leave someone hanging. He's the type of guy who would let you face your own battles. Maybe, he had a different intentions. But, he should've also known that I can't do anything on my own.

Kaya naman noong nakilala ko si AJ, hindi ko na kaagad sinayang ang pagkakataon na iyon.

Pero siguro dahil sa ginawa ni Ronan at matapos kong makasama si AJ, ngayon ko lang narealize kung bakit at ano ang gustong ipaintindi sa akin ni Ronan noon. I just can't do it with AJ.

[Hey? P'wede ba tayong mag-usap? Naaawa na ako sa best friend ko, Divine. Alam kong may dahilan ka, pero ayoko ring nakikitang nasasaktan si AJ], pagbasa ko sa text ni Ronan.

Malamang ay alam na ni Ronan na parati kong inaaway si AJ nitong mga nakaraang linggo. Ayoko man awayin si AJ dahil masisira ang plano ko, pero kahit kasi ako ay naguguluhan sa nararamdaman ko.

Gusto kong ireply kay Ronan na ako rin naman nasasaktan. Ako rin ay pagod na sa parati naming pag-aaway ni AJ. Iniisip ko nga kung palilipasin ba namin ang oras ay magiging na ang lahat, pero parang hindi ganoon kadali 'yun.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari sa akin eh. Hindi ko maintindihan bakit ako nasasaktan sa mga pinag-gagawa ko. Ako naman ang nagdesisyon ng ganito eh.

Maya-maya ay nakareceive naman ako ng text mula kay Cassey.

[Free ka ba sa 28? Meet tayo nina Farelle? Miss ko na kayong dalawa]

Binasa ko ng walang gana ang text niya. Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin ni Cassey dahil kay Ronan din. Noong nalaman ko na isa siyang actress ay doon ko na realize na 'ahh, she's luckier than me'.

Pero dahil din sa kanya, I can't help but despise and adore her at the same time. I love and admire her for who she is. I want to protect those smiles and those innocent eyes.

But, whenever I see her, I can't help myself but to dislike her as well. I don't like how I could immediately understand her very well. I don't like how she keeps unintentionally telling me what I'm doing wrong.

Bumuntong hininga ako atsaka bumulong, "We are the same, yet so different".