webnovel

Break Down

<November 30>

INIS AKONG lumingon sa taong kumuha ng sigarilyo na hawak ko. Doon ko nakita ang best friend ko na hindi ko pinapansin ng ilang araw. Halos nito lang kami nagka-ayos pero hanggang ngayon, may pait pa rin sa puso ko dahil sa kanya.

"Talaga, AJ? Sisirain mo katawan mo dahil hindi lang kayo ayos ng girlfriend mo?"

"Ex" pagtama ko sa kanya. Doon ay nakita ko kung paano lumaki saglit ang mga mata niya.

Yumuko siya atsaka tinignan ang sigarilyo na kinuha niya mula sa akin. "Sorry"

Umiling ako atsaka bumuntong hininga. "I wonder where it went wrong... I tried my best to hold onto her pero kahit anong pilit ko ay parang mas lumalayo lang siya sa akin"

Hindi siya sumagot atsaka pinakinggan lang ang kwento ko.

"Akala ko ay nagiging okay na kami eh. Pero biglang boom, wala na" sabi ko habang pilit na tumatawa.

Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang luha na gustong tumulo. "Biglaan eh. Hindi ko naman inaasahan na ang dahilan kung bakit kami nagkita kanina ay dahil gusto niya nang makipagbreak sa akin. Tangina lang"

Nilingon ko si Ronan na halatang kagagaling lang sa trabaho. Malamang ay tinawagan siya ni Cassey. Nakita ko kasi sa mata ni Cassey kanina ang pag-aalala pero siguro hindi niya lang alam kung paano ako lalapitan kaya siguro tinawagan niya na lang si Ronan.

Kakatapos lang ng shooting namin ngayon para sa teleserye at halos ilang take ang ginawa namin dahil sa akin. Hindi kasi ako makafocus talaga kasi umagang-umaga ay ang balitang nakikipagbreak sa akin si Divine ang bumungad sa akin.

Tinignan ko ang sigarilyo na hawak ni Ronan ngayon para ituro iyon gamit ang mga mata ko. "Hindi ko nga alam kung bakit ko nga rin binili 'yan kanina. Siguro iniisip ko baka sakaling makalimutan ko 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi naman kasi ako p'wedeng uminom dahil may trabaho pa ako"

Mapait akong ngumiti atsaka nagsisising sinabi, "Sana hindi ako pumayag. Sana hinabol ko siya noong naglalakad na siya palayo sa akin. Sana mas pinag-usapan pa namin. Argh! Putanginang buhay 'to"

"Ganito rin ba kasakit noong nagbreak kayo?" tanong ko kay Ronan.

Mahina pero ramdam ko rin ang pait sa pagtawa niya. "Siguro" pagkibit-balikat niya.

"Anong nangyari sa inyo?"

Tinignan niya ako ng ilang segundo, tila iniisip kung okay lang ba na ikwento niya sa akin. Siguro ay inaalala niya kung masasaktan ba ako o hindi.O kaya naman siguro nagdadalawang isip pa ito, marahil masakit pa rin para sa kanya?

Oo nga naman. Ex niya rin 'yun eh. Pagkatapos ay ni hindi ko man alam na naging insensitive pala ako sa kanya noong panahon na dinate ko na lang bigla ang ex niya. Nagsabi pa ako ng masasakit na salita sa kanya noong nakaraang linggo.

Bumuntong hininga siya atsaka niya ikwinento pa rin, "Alam mo naman na nagdate kami ni Divine noon. Niligawan ko siya tapos sinagot niya ako. Pero alam mo 'yung habang tumatagal kami ay mas nakikilala ko siya at nakikita ko kung sino talaga ang totoong Divine. Siguro, dahil doon ay naawa ako. Alam ko kasi na kapag pinilit ko pa na magstay siya sa akin ay hindi siya matututo at magg-grow. I can't help her with it. I don't know how. Kaya ayun, nakipagbreak ako kahit ayoko."

Nilingon niya ako para tignan kung okay lang ba na ituloy niya pa. Tahimik lang naman akong hinihintay ang sunod niyang gustong sabihin.

"She was someone who sees others as something she could use as a ladder. Noong nalaman ko iyon ay hindi galit ang naramdaman ko sa kanya eh. She's so fragile that even a slightest touch could break her, and that's why she keeps doing what she thought her best weapon was. Hindi niya alam na double edged-sword ang hawak niya."

Sa sinabi ni Ronan ay doon ko naalala ang mga panahon na mukhang ginagamit nga lang talaga ako ni Divine. Maybe, I was just really blind.

Then...

Was everything just a lie?

Mukhang napansin naman ni Ronan kung ano ang iniisip ko. "Don't worry, the moments you've shared surely are not fake. As far as I could see it, she's trying to change for the better."

Napayuko ako at napakuyom ko ang kamao ko. Ronan really loved Divine, huh?

I can't help but feel insecure and jealous.

He notices the even the small things that I can't even notice about her. He was also able to let her free just so she could grow...

Should I also just truly let her go for her growth?

I...don't think I could do that.

Selfish man pakinggan pero hindi ko talaga ata kakayanin na makitang masaya si Divine sa iba.

Pero hindi rin naman ako sigurado kung magiging masaya pa ba si Divine sa akin. She could use me however she wants to. I'm willing to be used as long as she needs me and she'll stay with me.

Pero mukhang hindi na nga niya ako kailangan kasi nakipagbreak na ito.

Ni hindi ko nga alam kung ang nakasama kong Divine ay ang totoong Divine ba o hindi eh.

Argh! Fuck it! I still want her despite this harsh truth.

"Give both yourself some time. Ganyan talaga sa isang relasyon. May ups and down." rinig kong sabi niya bago tinapik ang balikat ko para pakalmahin siguro ako.

Hi, hi~! You've finally finished reading the volume 4 of this story. What are your thoughts about the character? I would like to hear it.

See you on the next volume~!

Enjoy Reading!

ZelkyieAnncreators' thoughts