webnovel

A Visitor

<December 25>

HALATA SA mukha ni Chloe ang pagtataka kung sino ang taong nasa labas ng bahay niya. Pinagbuksan niya ito ng pinto ngunit mas kumunot lang ang noo nito nang mapansin ang napakalawak nitong ngiti sa kanya.

The girl outside Chloe's front door is really pretty, but Chloe just can't help but be conscious and suspicious about her.

"Hi! Ikaw siguro ang kinukwento ni Elijah na kuya niya raw?" pagbati ng babae kay Chloe.

"Uh... Yes. Pinsan ko siya. Pero sino ka ba?" malamig na tanong ni Chloe sa babae. Wala siyang balak na maging friendly sa babae dahil una palang ay hindi niya naman kilala kung sino ito.

"Ah, oo nga pala. My name is Divine Vargas. Nice to meet you, uhm..." pagpapakilala nito at tila naghihintay na magpakilala rin si Chloe pabalik.

Tatanungin pa lang sana ni Chloe kung anong ginagawa niya sa bahay nila, pero mabilis tumakbo si Elijah lampas kay Chloe para yakapin ang babae. Nagulat pa si Chloe sa nakita nito.

"Ate! Anong ginagawa mo dito?" excited na tanong ni Elijah.

"Merry Christmas! I bought you a gift" nakangiting sabi ni Divine atsaka pinakita ang dala nitong plastic na hawak nito.

Napalakpak naman sa tuwa si Elijah. Maya-maya lang ay naramdaman ni Elijah ang nakakatunaw na tingin ng kuya niya na nasa likod nito. "Oo nga pala, kuya ito nga pala si ate Divine. Ate, ito pala si kuya Chloe" pagpapakilala niya sa dalawa.

Bumuntong hininga si Chloe. "Pasok ka muna"

Pumasok ang tatlo sa loob habang inentertain naman ni Elijah si Divine. Iniwan din naman ni Chloe ang dalawa para makapag-usap sila.

"Parang ang hirap naman kausapin ng kuya mo" bulong ni Divine kay Elijah.

"Ganyan lang talaga 'yan" natatawang sabi ni Elijah.

Nagkwentuhan saglit ang dalawa hanggang sa ayain ni Divine si Elijah na lumabas at manood ng sine kasama siya. "Ayain mo rin kuya mo kung gusto mo"

---

Habang nagpapalipas ng oras sina Divine para sa oras ng papanoorin nilang movie ay naglaro muna sila sa arcade.

Nalilito pa rin si Chloe hanggang ngayon kung bakit sila nasa isang mall ngayon. Halos ito rin siguro ang unang pagkakataon na nakatapak sila ni Elijah sa loob. Binilhan din sila ni Divine ng mga damit at nilibre ng pagkain. Hindi tumanggi si Chloe dito dahil na rin kaagad na sumasang-ayon si Elijah bago pa ito humindi.

Nakakahiya man pero sinamantala na rin ni Chloe ang pagkakataon na ito. Nagtataka lanv ito kung bakit iyon ginagawa ni Divine para sa kanila.

"It's my thank you gift" dahilan ni Divine nang tanungin ni Chloe ito. Ngunit bago pa makapagtanong ulit si Chloe ay hinila na siya ulit ni Elijah.

Ngayong nasa arcade sila ay masyadong abala na si Elijah sa paglalaro ng iba't-ibang laro, kaya naman naisip ni Chloe na pagkakataon na niya ito para makausap si Divine. Sumama lang naman ito para bantayan si Elijah pero hindi niya inaasahan na pati siya ay ililibre nito. Ni hindi naman sila close sa isa't-isa at ngayon lang talaga si nagkakilala.

"Saan mo nakilala si Elijah?" tanong ni Chloe kay Divine.

"Ah... Tanungin mo siya. Sikreto raw namin iyon eh" sabi ni Divine nang maalala ang una nilang pagkakilala.

Tinignan saglit ni Chloe si Divine pero busy ito sa panonood kay Elijah. "Bakit mo ito ginagawa?"

Napansin ni Chloe ang pag-ngiti nito sa tanong niya. "Sabi ko nga sa'yo, it's my thank you gift. P'wede mo na rin isipin na Christmas gift ko ito para sainyong dalawa"

"Thank you gift saan?" nakakunot noong tanong ni Chloe.

Sa pagkakataon nito ay nilingon ni Divine si Chloe atsaka tinignan ito sa mata. Dito rin mas naobserbahan ni Divine ang mukha nito. Magkadugo nga talaga sina Elijah at Chloe. Pareho itong may itsura, lalo na ngayong nakadamit ito ng maayos gamit ang damit na binili nila kanina.

"You saved my best friend's life" diretsong sabi ni Divine.

Ngunit takang tinignan lang ni Chloe si Divine, tila naguguluhan sa tinutukoy niya.

"Your cousin told me about it. Pagkatapos nung aksidente na naganap noong 21, pinuntahan ko ulit si Elijah dito para tanungin siya sa sinabi niya sa akin noon. Naikwento niya sa akin na may gusto ka raw na artista at nasa peligro ang buhay nito. Akala ko coincidence lang ang sinabi ni Elijah sa nangyari noong 21. Iyon pala si Cassey talaga ang tinutukoy niya. That's why, I'm thankful for you"

Sa pagkwento ni Divine ay namula ang mga tainga ni Chloe sa pagkahiya. Hindi niya alam na best friend pala ito ni Cassey at alam din nito kung sino ang gusto niya. Gustong sisihin ni Chloe ang pinsan nito sa sobrang pagkadaldal.

Umiwas ng tingin si Chloe, "Hindi mo sa akin kailangan magpasalamat."

Napangiti na lang si Divine bago iniba ang usapan. "You know, you're really handsome"

"Huh?!" gulat na sabi ni Chloe dahilan para mas lalo itong mamula.

Natawa at naaliw si Divine sa reaksiyon nito. Hindi katulad ng una niyang impresyon dito kanina bilang isang masungit na lalake ay may pagka-mahiyain din pala ito.

"So? May balak ka man lang ba magpakilala sa best friend ko?"

Dahil sa tanong ni Divine, mas nagseryoso na si Chloe. Maliit itong ngumiti atsaka umiling.

"No. Masyadong magkaiba ang mundo namin. Okay na ako na siya ang isa sa dahilan ko kung bakit pa ako nagkakaroon pa rin ng pag-asa sa mga pangarap ko." pag-amin ni Chloe.

Magsasalita sana si Divine pero nagpatuloy pa si Chloe sa pagsasalita.

"Alam mo ba, I also dream about being someone like AJ? Pero sa kasamaang palad, ang mga malas na taong katulad namin ay walang karapatan para mangarap ng ganoong kataas. I'll become too idealistic and not being realistic. Mahirap kapag ganoon ang way of thinking mo lalo na sa sitwasyon namin. Kailangan mong maging realistic dahil isang maling hakbang mo lang, hindi mo na alam kung saan ka pa makakapunta." mahabang litanya ni Chloe.

Naawa si Divine kay Chloe dahil sa sinabi nito. Naintindihan niya kung saan ito nangagaling. Malamang dahil galing din naman ito sa hirap noon. Sadyang mas naging swerte lang siya.

"Do you ever blame fate?" tanong ni Divine.

Siguro tanong din iyon ni Divine sa sarili niya noon. Kung hindi siya inampon ng Vargas ay marahil sobrang hirap din ng buhay niya ngayon. Noong mga panahon na walang-wala talaga siya ay naghahanap ito ng p'wede nitong sisihin. Sinisisi niya na lang din ang fate at ang Diyos dahil sa mga sitwasyon niya. Nagtatanong kung bakit pa siya nabuhay at bakit ganoon ang estado ng buhay niya.

"I do. It was not our decision to be born nor did we decide our status in life. However, I also know that there's some little things I've ignored that I could've been thankful for" sagot ni Chloe. Tumigil ito saglit bago nagpatuloy, "But... is it wrong to be not satisfied and hope for a better fate?"

Naestatwa si Divine sa sinabi niya atsaka yumuko.

"Then... why don't you try changing it? We may not be able to decide anything before, but right now we have multiple choices we could pick on." mahinang suhestiyon ni Divine para sa sarili niya at kay Chloe.