webnovel

What Happened? (Invading Earth)

What will you do if you woke up, don't remember what happened and noticed not a single person in the earth, except you? "What the fuck happened?!"

clevlyn · Teen
Not enough ratings
5 Chs

Intimidated

WHAT HAPPENED #2 (2.2)

Intimidated

Highschool; my childhood friend and I used to go walk home together after school. Isang araw, malakas na umuulan sinuspinde ang klase dahil sa paparating na bagyo at as usual kasabay ko siya. We walked under the same umbrella and we were so close that I could even hear his breath.

The road to our houses were flooded kaya umiba kami ng daan, a path that is not familiar to us. Hindi namin alam na delikadong daan ang tinahak namin.

We were chased by a serial killer.

Hindi ko alam kung maswerte ako dahil hindi ako gaanong napuruhan nang atakihin niya kami. 'Yung kasama ko, he was stabbed fourteen times in one certain part at kung hindi rumonda ang pulis sa lugar na iyon he could have more stab wounds taken.

That was how my phobia begun. I had to see a psychologist para maalis ang trauma ko sa nangyari pero 'yung takot ko sa dugo ay hindi nawala pati na rin ang takot na mawalan ng taong malapit sa akin.

"Ang ganda ng bahay!" I snapped back when Rolex talked.

Sana naman may warning sa pagbalik ng mga memories na 'to grabe 'yung kirot sa ulo o kaya isang bagsakan na lang ang lakas kasing maka-thriller ng mga ala-ala ko.

Hindi ko sila pinansin at pumunta sa kusina para hugasan 'yung kamay ko. Nanginginig pa rin ako dahil sa dugo kaya iniwasan kong sulyapan ito. Pagtapos ay kinuha ko ang first aid kit para lunasan ang sugat.

Umupo ako sa counter at nag simulang linisin ang sugat. I had to do this myself at wala akong oras para mag inarte because something big is happening.

Nang matapos ay tumungo ako sa kanila. They are so talkative, my ghad.

I found them in the living room na prenteng nakapatong ang mga paa sa babasaging lamesa. Namewang ako at napangiwi sa kanila. 'Ayos, feel at home lang'

Binitbit ko ang baseball bat at pinag-papalo ang paa ng dalawa. Tumayo sila matapos ibaba ang paa at dumiretso sa kusina. Nang umalis sila ay binalingan ko ang isa na malayo ang tingin.

"Why did you do that?" napukaw ko ang atensyon niya.

"Ang alin?" inabot niya ang baril na ginamit niya kanina. He stood up at lumapit sa'kin.

"Sinira mo 'yung gamit ko, tapos nadaplisan mo pa ang kamay ko. Do you know how dangerous that was?"

He reloaded the gun I was taken a back when he pointed it again to me.

"Pero mas delikado ang cellphone mo at isa pa..." napalunok ako ng idinikit niya ang baril sa noo ko, "Hindi kita tinutukan dito," inilipat niya sa dibdib ko ang baril, "...O dito" sa huli ay itinutok niya sa kamay kong may bandage. "Kundi dito."

"Wow, I never thought cellphone could much be dangerous than those weird creatures."

Ibinaba niya ang baril sa couch at nag simulang tanggalin ang bandage na magulong nakapulupot sa kamay.

"A shot in the hand isn't critical enough to kill you in an instant. Pero 'yung treasure mo maaaring ikamatay mo " napa-aray ako ng higpitan niya ang pagkabalot "But accept my apology natakot ata kita kanina," he stared at me and made a half smile.

Gumanti ako ng titig. He triggered two things the gun and my phobia.

I couldn't convince my self that he's kind even he smiles so angelic but nevertheless they're all I have. Just to imagine what happened earlier and the thought that it may happen again, fears me more of being alone than with them.

"Sige you are forgiven. But I'll never forget this day" I replied.

He smirked at mukhang may dapat pang sabihin pero minabuting hindi na isiwalat ito. I'm still puzzled and he won't spill.

"Panis na 'yung pagkain mo sa ref" the staring contest between us ended when the two meddled.

"Akala ko ba panis? Bakit kinakain niyo?" puna ko ng makita ang bakas ng pagkain sa bibig nila.

"Eh sayang ih."

They're like a psycho squad, 'yung isa kung makatutok ng baril parang wala lang tas 'yung dalawa parang bida sa dumb and dumber.

"Sandali nga! Hindi ako nag papapasok ng strangers sa bahay ko."

"Edi magpakilala." He gathered us in the living room. "Ako ang mauuna kasi ako mas malakas ."

"Talaga lang huh."

"Leonel Salvador, pwede mo kong tawaging Leo pwede ring Nel depende sa trip mo"

"And I'm Watch Medula aka Rolex at your service." he winked at me.

"Nicholas Verjero" wala kang maasahan sa isang 'to. Parang takot makasalamuha ang mga tao.

Nag hintay pa ako kung may sasabihin sila pero mukhang inaantay na lang nila akong magsalita

"Vanilla Evañez" maiksing sagot ko. I was trying to copy Nicholas and I received a stare lucky it was not a glare.

To sum up, I concluded that Leonel is in charge of humor and is brazen, Watch is kinda' flirty but he looks innocent and lastly that Nicholas is scary and quiet.

"Ah flavor." Watch said while nodding.

Nagsimula silang tumayo, mukhang didiretso na higaan ang itsura nila.

"Oh san punta niyo?" sita ko habang hinaharangan ang daan nila.

"Matutulog, alas tres na ng madaling araw oh..."

Itinapat ko sa kanila ang hintuturo ko habang ginagalaw 'yun ng pakaliwa at pakanan. "No-no-no."

"I need you to answer my questions." natigil tuloy sila sa paglakad.

"We need to sleep. We're not fucking robots" hinawi ni Nicholas ang kamay ko at nag dirediretso sa bakanteng kwarto.

I shrugged. Tumitindig talaga ang balahibo ko tuwing mag sasalita ang isang 'yun.

"You heard that. 'Di daw kami 'fucking robots'" tumawa silang dalawa habang ako ay sambakol ang mukha. I admire their courage to mimick him, I really am.