webnovel

Pag-iintindi sa Hinaharap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Manood ka na lamang." Nanatili ang ngiti sa mukha ni Duan Ling Tian, na para bang siya'y tiwalang-tiwala kay Zuo Qing.

"Hmm?" Sumimangot si He Dong.

Hindi na kailangang sabihin, halata namang siya'y napuno ng pagkalito dahil sa kinikilos ngayon ni Duan Ling Tian.

Kahit na hindi sila matalik na magkaibigan ni Duan Ling Tian, alam niya naman na si Duan Ling Tian ay hindi uri ng tao na magsasalita ng walang kwenta.

Ngayon, si Duan Ling Tian ay malaki ang tiwala kay Zuo Qing, hindi kaya'y siya ay may alam?

Ngunit, hindi talaga siya interesadong maniwala na si Zuo Qing, na nasa ikapitong lebel ng Origin Core Stage ay makakayang pilitin ang sampung hininga sa harap ng Violent Ape na nasa ika-siyam na lebel ng Origin Core Stage.

Kahit na siya iyon , kung hindi siya nakalusot papunta sa ika-walong lebel ng Origin Core Stage, sigurado ay kahit katiting na kumpiyansa ay wala siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com