webnovel

Isang Takot na Zhou Yi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang pangkat ng mga tao ng Lei Yun Peak ay nanatili sa silangang bahagi ng timog na parte ng Hidden Fog Island. Sila'y nanatili sa malawak na mansyon na nakatayo sa gitna ng gubat.

Ang kanilang tinutuluyan ay inayos ng Hidden Fog Island.

Hindi malayo mula sa kanluran ng mansyon, isang anyo ang lumulutang sa hangin at malayo siya habang nakatingin sa mansyon habang nasa pagitan nito ang kagubatan.

"Zhou Yi!" Ang taong ito ay walang iba kun'di si Duan Ling Tian na kararating lamang.

Mayroon siyang isang layunin sa kanyang pagpunta rito, iyon ay, upang patayin si Zhou Yi at bawiin ang Devilseal Tablet mula sa kanya.

Sa kanya naman talaga ang Devilseal Tablet na ito.

Kung hindi dahil sa katotohanan na nawalan siya ng malay at naiwan niya ang Devilseal Tablet sa Lost Stone Forest, paniguradong nasa kamay pa niya sana ang tablet na ito.

Sa sandaling ito, ang nais niya na lamang gawin ay bawiin ang tunay na sa kanya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com